CHAPTER 19“Di ba ikaw yung babae kaninang tatanga-tanga sa daraanan ko?”“Ako nga ho.”“Anong ginagawa niya dito sir? May pambili ba yung mga ganyan ang ayos?”“Ganyan ka magsalita sa mga customer natin?”“Hindi ho, sorry nagpapakatotoo lang.”“Sige na, ayusin mo ang service mo diyan ha, girlfriend ‘yan ng amo natin?”“Sinong amo? Yung kasama ng babaeng ito kanina?”“Nagkita na kayo kanina?”“Opo. Nagkita na kami sa labas po kanina. Ibig sabihin iyon yung amo natin dito?”“Oo at bihira lang ‘yan pumunta dito.”“Oh my God. Hindi ko alam. Sorry. Pero sorry neng ha, anong meron ka at nagustuhan ka ng katulad ni Sir? Saka akala ko ba may taste yung amo natin? Kanina ko lang nakita at hindi ko alam na siya pala ‘yon?”“Natural meron siya nang wala ka. Maganda siya, oo mukhang mahirap pero may ganda siya na wala ka. Okey na? Sige na.”“Ohh, so ikaw nga. Ikaw nga yung babae kanina?”Lahat kami sabay-sabay na lumingon. Si Jinx ang aming nasa likod na hindi namin alam kung gaano na siya katag
CHAPTER 20. “Ako na ba ‘to?” hindi ko napigilang sabihin iyon Akala ko mahina lang ngunit napalakas pala.“Yes, ikaw na ikaw ‘yan ma’am at hindi ako nagkamali, sobrang ganda mo nga talagang bata. Magaling talagang pumili si Sir Jinx. Halika ka na. Kanina pa naghihintay iyon sa’yo.”Paglabas ko sa saloon ay binigyan ako ng isang parang mamahaling bag ni Kuya David.“Bagay sa elegante mong looks. You are superb and stunning!” naibulalas niya.Habang naglalakad kami papunta kay Jinx ay muli kong pinagmasdan ang sarili ko. Class na class ang dating ko. Tangkad, ganda ng katawan, ganda ng suot at ang aking maayos na mukha. Alam kong medyo kayumanggi ako dahil sa nasunog na araw pero konti lang ang ibinawas niyon sa kabuuang ganda ng aking mukha. Habang naglalakad ako, naramdaman ko ang pag-alon ng malambot at nakalugay kong buhok. Malayo sa babaeng pumasok kanina na walang kumpiyansa sa sarili. Ito na ang bagong ako. Isang napakagandang babaeng binihisan ng karangyaan ni Jinx
Chapter 21 “Huwag na, baka magalit lang sina Nanang at Tatang. Hindi kasi pa nila alam ang tungkol sa atin e.”“Sabihin mo kaklase mo ako.”“May kaklase bang magbibigay ng ganito karami?”“So anong gagawin mo diyan? Hindi mo iuuwi?”“Iuuwi naman kaso nga kung di ka sasama ako lang ang mapapagalitan at hindi ikaw.”“Bakit ka naman nila pagagalitan?”“Hindi ko alam kung paano sagutin ang sinabi mong ‘yan. Mahirap ipaliwanag.”Huminga siya ng malalim. “Hindi naman pwedeng forever mo na lang akong itatago sa kanila.”“Hindi kita itatago, bigyan mo lang muna ako ng sapat na panahon.”“Okey, alright.” “Sorry ah kung hindi pa kita kayang ipakilala kina Nanang at Tatang ngayon.”“Okey lang. Naiintindihan ko.”“Salamat sa pag-iintindi at salamat sa lahat ng ito.”“You’re welcome at mahal na mahal kita.”Bigla siyang lumapit at hinalikan niya ako sa labi ko. Hindi na ako nakaiwas. Napapikit na lang ako.“Khaye! Anong ginagawa mo?” boses ni Nanang iyon mula sa malayo. Mabilis ang
Chapter 22 “Mag-usap na lang tayo bukas ha?” garalgal ang boses ko.“Galit ba ang Nanang mo sa akin?”“Papatayin mo ‘yan o babasagin ko?” lumapit si Nanang muli sa akin.“Papatayin na ho.”“Akin na. Ibabalik ko ito sa’yo bukas.” Hinablot niya ang cellphone sa akin at ibinulsa niya iyon.Wala akong magawa. Lumabas ako ng bahay. Tahimik na umiyak sa tabi ng aking mga gulay. Doon ay iniiyak ko lahat ang naiipon sa dibdib kong sakit ng loob kay Nanang. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko at ipaglalaban si Jinx. Paano ko patutunayang iba si Jinx sa ama kong nang-iwan sa amin. Bakit kailangan niyang magalit sa lahat ng mayayaman? Bakit iisa ang tingin niya sa lahat ng lalaki?Bago ako naidlip sa gabing iyon. Naramdaman ko ang impit na iyak ni Nanang habang kinukumutan niya ako. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang kamay saka niya hinalikan ang buhok ko. Alam ko, ramdam kong nasasaktan din si Nanang sa ginagawa niya sa akin ngunit iyon lang siguro ang paraan niya
CHAPTER 23Ako ang nahihiya sa ginawa ni Nanang na pagpapahiya sa akin. Mabilis ang ginawa kong paglalakad. Hanggang sa hindi ko na nakita pa si Nanang. Malayo-layo na rin naman ang aking nilakad at doon, sa silong ng isang malaking puno ko iniiyak ang lahat ng sama ng aking loob. Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit hindi ako magawa ni Nanang na mapagkatiwalaan. Bakit hindi lagi niyang inihahalintulad ang sarili niya sa akin.Hanggang sa biglang may nagbusina. Inayos ko ang aking sarili ngunit nakita na ni Jinx na umiiyak ako. Tinanggal niya ang kanyang salamin at nilapitan ako. Tumabi siya sa akin. Huminga ng malalim bago siya nagsalita.“Isusuko mo ba ako tulad ng sinasabi ng Nanang mo?”“Hindi ko alam.”“Hindi mo alam. Ibig sabihin may chance na bibitiwan mo nga ako.”“Gulung-gulo ako. Ang tanging alam ko lang ay mahal kita. Mahal na mahal kita.”“Kung mahal mo nga ako di ba dapat ang sagot nang tanong ko kanina ay hindi. Khaye kahit anong mangyari ipaglalaban kita pero hindi
Chapter 24 “Jinx, pakinggan mo kasi muna ako. Pag-usapan natin ito. Huwag ka namang magalit .” Pakiusap ko.“Huwag magalit? Damn it! Khaye naman, tatlong araw palang na tayo, biglang nagbago ang desisyon mo? Sana hindi mo na lang ako sinagot. Sana hindi mo ako pinaasa. Alam mo, sa lahat ng ayaw ko, yung pinaglalaruan ang damdamin ko. pagsisihan mo itong ginawa mong ito sa akin. Tandaan mo ‘yan!” banta niya. “Mag-usap naman tayo ng maayos. Huwag mo akong pagtaasan ng boses. Pakinggan mo naman ang dahilan ko.” nanatili akong kalmado. Inaamin ko, ako ang may kasalanan. “O sige, sabihin mo, anong problema?”“May iba pa ako. Kami na ni Jayson bago pa naging tayo!”“Ano? Nanlumo siya sa narinig niya.”“Akala ko ba nanliligaw pa lang siya?”“Hindi Jinx, kami na bago pa naging tayo.”“At ako? Ako ang hihiwalayan mo kasi ako ang huling sinagot mo?”“Kaya muna e kasi gusto kong ayusin na muna lahat.”“So ‘yan ang dahilan. Siya ang dahilan. Okey, alright.” Pinunasan niya
Chapter 25Kung maari ko lang sanang iwasan kinaumagahan sina Jinx at Jasyon ay ginawa ko na ngunit naroon na ako. Kailangan ko na lang harapin ang bunga ng aking ginawa. Kakausapin ko si Jayson sa huling pagkakataon saka ko isusunod si Jinx para sabihing wala na kami ni Jayson. Ngunit hindi ko mahagilap si Jayson. Si Jinx ang nakita ko kaya napagdesisyon kong sabihin ang plano kong hiwalayan na rin si Jayson para matahimik na kaming tatlo. Kahit pa anong iwas niya sunud pa rin ako ng sunod sa kanya na parang tanga.“Ano? Bakit ka ba sunod ng sunod?”“Gusto ko ngang maayos tayong maghiwalay muna.”“Talaga? Aayusin mo ang alin? Tayo na muli at bukas makalawa, susuko ka na naman. Paasa ka e.”Hindi ako makasagot. Hindi ko pa rin kayang sabihin na babalikan ko siya agad kapag maghiwalay na kami ni Jayson. Hindi din naman kasi ganoon kadaling aminin dahil may mga nakakarinig sa amin.“Hindi ka makasagot di ba? Minahal kita, pinagkatiwalaan. Ipinakita ko sa’yo yung totoong ako. Sana naman
Chapter 26Tumango ako. Tinignan ko siya. Ngumiti siya. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. “Salamat dahil mas nauna mo pa pala akong minahal kaysa sa sandaling minahal kita. Ibig sabihin noon pa ako gusto no’ng panahong hindi kita nakikita at hindi ako nagsisisi na ikaw, ikaw ang mamahalin ko ngayon at magpakailanman.” huminga siya ng malalim. “Pero you just broke my heart. Iniwan mo ako imbes na harapin natin itong dalawa. Hiniwalayan mo ako, imbes na sana sabihin mo sa aking tulungan kita. Mas inuna mo akong hiwalayan kaysa sa magtapat sa akin at iyon Khaye, iyon ang hindi ko kayang intindindihin.”Tumayo siya. Naglakad palayo. Tinawag ko muli siya. Hinabol para muling humingi ng tawad.“Sorry na please. Inaamin ko namang mali ako e. Bigyan mo naman ako ng chance na ayusin ito.”“Hayaan mo na lang muna ako, please.” Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Naglakad na siya palayo sa akin. Napaupo ako. Ganoon pala ang pakiramdam kapag may nasaktan ka. Sobrang sa