Chapter 25Kung maari ko lang sanang iwasan kinaumagahan sina Jinx at Jasyon ay ginawa ko na ngunit naroon na ako. Kailangan ko na lang harapin ang bunga ng aking ginawa. Kakausapin ko si Jayson sa huling pagkakataon saka ko isusunod si Jinx para sabihing wala na kami ni Jayson. Ngunit hindi ko mahagilap si Jayson. Si Jinx ang nakita ko kaya napagdesisyon kong sabihin ang plano kong hiwalayan na rin si Jayson para matahimik na kaming tatlo. Kahit pa anong iwas niya sunud pa rin ako ng sunod sa kanya na parang tanga.“Ano? Bakit ka ba sunod ng sunod?”“Gusto ko ngang maayos tayong maghiwalay muna.”“Talaga? Aayusin mo ang alin? Tayo na muli at bukas makalawa, susuko ka na naman. Paasa ka e.”Hindi ako makasagot. Hindi ko pa rin kayang sabihin na babalikan ko siya agad kapag maghiwalay na kami ni Jayson. Hindi din naman kasi ganoon kadaling aminin dahil may mga nakakarinig sa amin.“Hindi ka makasagot di ba? Minahal kita, pinagkatiwalaan. Ipinakita ko sa’yo yung totoong ako. Sana naman
Chapter 26Tumango ako. Tinignan ko siya. Ngumiti siya. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. “Salamat dahil mas nauna mo pa pala akong minahal kaysa sa sandaling minahal kita. Ibig sabihin noon pa ako gusto no’ng panahong hindi kita nakikita at hindi ako nagsisisi na ikaw, ikaw ang mamahalin ko ngayon at magpakailanman.” huminga siya ng malalim. “Pero you just broke my heart. Iniwan mo ako imbes na harapin natin itong dalawa. Hiniwalayan mo ako, imbes na sana sabihin mo sa aking tulungan kita. Mas inuna mo akong hiwalayan kaysa sa magtapat sa akin at iyon Khaye, iyon ang hindi ko kayang intindindihin.”Tumayo siya. Naglakad palayo. Tinawag ko muli siya. Hinabol para muling humingi ng tawad.“Sorry na please. Inaamin ko namang mali ako e. Bigyan mo naman ako ng chance na ayusin ito.”“Hayaan mo na lang muna ako, please.” Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Naglakad na siya palayo sa akin. Napaupo ako. Ganoon pala ang pakiramdam kapag may nasaktan ka. Sobrang sa
Chapter 27“Ayaw mo bang nandito si Jinx? Kasi kung ayaw mo, pwede pa naman siyang umuwi.”Nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kahapon hindi naman kami okey. Akala ko nga tuluyan na kaming magkahiwalay kaya nagugulat pa rin ako. Mahilig nga talaga siya sa surprise.“Uy ano ba Kasmine, kinakausap kita. Paggagapasin mo ba ‘yan o uuwi na lang.”“Siya po. Kung okey naman sa kanyang maggapas e di…”“Aarte-arte ka pa kasi e. Dahil sa kakulitan niya at dahil ilang araw ko nang nakikita na malungkot ka kaya pumayag na rin lang ako.”“Totoo Nang? Pumapayag ka na?” garalgal ang boses ko.“Oo ‘nak. Naisip ko, baka iba ang kapalaran mo sa akin. Baka naman iba ang magiging kuwento ng buhay mo. Isa pa, huli na para ilayo pa kita. Nagmamahal ka na. Nagmamahalan na kayo. Ano pang silbing protektahan kita sa sakit kung iyong pilit kong pagpapalayo sa inyo ay nasasaktan ka na. Pumapayag na ako sa inyo dahil nakikita ko naman na mahal ninyo ang isa’t isa. Sana lang ay marunong k
CHAPTER 28“Sandali, malaki ba? Patingin.” Hinawaka ko ang kamay niyang pilit niyang itinatago sa akin.“Ano? Anong nangyari?” humahangos si Nanang.“Nakumpay ni Bryana ng daliri niya.”“Patingin anak, tignan ko kung malala.”Nanginginig si Jinx na ipinakita ang kanyang duguang daliri.Mabilis na umalis si Nanang nang makita ang sugat ni Jinx. Naghanap siya ng itatapal na dahon. Nang nakakita si Nanang ng halamang ligaw ay kumuha siya ng maraming damo. Hinukasan niya iyon. Dinikdik niya gamit ang hawakan ng kanyang kumpay. Iyon kasi madalas ang ginagamit niya noong bata ako kapag nasusugatan ako. Pumunit siya ng tela sa dulo ng kanyang lumang t-shirt. Inilagay niya ang halamang gamot saka niya tinalian ang sugat ni Jinx. Natuwa ako sa nakita ko. Hindi ako natuwa dahil nasugatan si Jinx, natuwa ako sa pagpapakita ni Nanang ng pagmamalasakit sa lalaking minahal ko. Natutuwa ako kanina na tinawag niya ng anak ang aking mahal. Noon alam ko, tanggap na ni Nanang ng lubusan si Jinx. “Masak
Chapter 29Lalo ko pang inigihan ang pag-aaral kahit pa sabihing may kasintahan na ako sa murang edad. Gusto ko kasing ipamukha sa lahat na kahit sa tingin nila ay naging two timer ako ay maliit lang iyon na bahagi ng aking kabuuan ko. Oo nga’t nagkamali akong pagsabayin ang dalawang lalaki, ngunit lumabas rin naman ang katotohanang ako ang biktima at hindi si Jayson. Saka kahit siniraan ako ng siniraan ng gagong lalaking iyon, ang katotohanang ako at ako lang ang tanging nagbibigay ng karangalan sa aming paaralan ay isang tagumpay na sampal sa lahat. Hindi nila ako matitibag. Oo mahirap lang ako ngunit palaban at matalino. Sa mga oras na marami sa aking chismis na kumakalat, mga mapanirang sabi-sabi at pang-aaway ng mga taong inggit, naroon si Jinx na patuloy na ipinapamukha sa lahat na nagmamahalan kami at wala sinuman ang makapagtitibag. Mamatay lang sila sa inggit.Pinabayaan na rin lang ni Nanang na dalawa-dalawin ako ni Jinx na may mga dalang kung anu-ano. Hindi ko alam kung nat
Chapter 30Hindi ko alam kung kikiligin ako. Nakasumbrero si Jinx at nakasuot ng shades. Pormado. Hindi kagaya ng nakaraang araw. Naka-jacket nga siya ng leather ng parang kay Coco Martin. Kahawig niya talaga si Daniel Padilla. Tahimik ang lahat nang nagsimula na siyang tumugtog ng gitara. Always Be My baby na version ni David Cook ang kanyang kakantahin.We were as one babeFor a moment in timeAnd it seemed everlastingThat you would always be mineNapalakpak ang mga kasamahan naming magsasaka nang marinig nila ang boses ni Jinx. Maganda ito. May nakakakilig siyang tono. Boses lalaking lalaki. Kahit hindi ko man nakikita ang kanyang mga mata ramdam ko sa boses niya yung emosyon. Alam ko namang pansamantala lang muna kaming magkakasama. Maaring babalik siya sa US o manatili siya sa tabi ko ngunit pinaghahandan ko na magkakalayo talaga kami kapag kami na ay nasa kolehiyo kahit sabihing matagal pa naman iyon.Now you want to be freeSo I'm letting you flyCause I know in my heart babe
CHAPTER 31Dumating ang JS Prom namin. Iyon ang kinatatakutan ko. Hindi ako makasasama dahil wala naman akong maisusuot at hindi rin ako makapagbibigay ng aming contribution. Hindi rin naman nagsasalita si Jinx. Tahimik lang siya na walang ka-inte-interes na yayain ako. Nahihiya naman akong ako ang una sa kanyang magsabi na gusto ko rin sanang maranasan ang pagkakaroon ng JS. Siguro kaya siya hinid na nagsabi pa dahil nagsasawa na siya sa akin. Isa pa si Juvie kasi ang nakikita kong kapareha niya sa ensayo nila sa kanilang cotillion kaya ayos lang sa kanya na hindi ako dadalo sa JS namin. Nalulungkot akong nanonood sa kanilang ensayo. Napabuntong hininga ako. Iniisip kong mala-cinderella sana akong gown ko. Yung sasayaw kami ni Jinx na pakiramdam ko kami lang ang nasa bulwagan. Napakasarap na imahinasyon. Kung sana kagaya lang ako ni Juvie na may pera siguro mae-enjoy ko rin ng husto ang aking kabataan. Minabuti kong pumasok na lang sa aming classroom kasama ng dalawang babae na kakla
Chapter 32“Baby ko, mauna na ako uuwi mamayang hapon ha? Mamimili pa kasi ako ng mga gagamitin ko sa JS. Hindi na kita maiaangkas pa pauwi.”“Okey lang. Naiintindihan ko.” sagot ko. Nagtatampo man ngunit anong karapatan ko?Naglakad akon umuwi mag-isa. Lungkot na lungkot dahil bukas na ng gabi ang JS ngunit tuluyan nang naglaho ang pag-asa kong maging memorable ang gabing iyon sana sa amin ni Brad. First dance ko sana siya. Sayang talaga.Pagdating ko sa bahay ay may inaayos ni Nanang mga de lata at mga kung anu-anong groceries sa mesa.“Namili kayo Nang?”“Hindi. Ano naman ipapamili ko sa mga ganito kamahal na groceries. Itong isang de-lata nga na ito may nakalagay pang 180 pesos. May ganito pala kamahal na de-lata anak?”“Galing kay Jinx ba ang mga ito? Ibig sabihin dumaan siya ngayon?”“Anong ngayon? Dati pa ang mga ito.”“Pero noong nakaraang linggo pa ‘yun ah.” Nagtataka ako.“Hindi ah, noong isang araw lang ito na idinaan niya. Hindi ko lang nailabas dahil sa dami ng aking gina