NAPANGISI si Ffion habang pinagmasdan ang dalawang love birds sa airport. Mantakin ba naman na makikita niya rito si Audric? Ah, 'di niya ito agad inasahan. Paano ba naman kasi, si Ivony ang pakay niya at nagsadya talaga siyang pumunta ng airport para tingnan ang mukha nito— sa malapitan. Nag-iisip siya kung ano ang gagawin dito oras na pumerma ito sa kanila. And yeah, alam niyang peperma ito ng contract sa Beauty Potion, ang laki ba naman ng offer ng company niya.Para itong isang inosenteng babae na kung tingnan ay parang walang bahid ng dugo sa kamay, na wala itong sanggol na pinatay! Naglaho ang kaniyang ngisi at napalitan ito ng pagngingitngit. Inayos niya ang suot na sunglasses at tumalikod na. Kulang ang kulungan para kay Ivony Bustamante! Hindi dapat dito ang rehas, masyadong mababaw ang kaparusahan na iyon. Kayang bayaran nito o ni Audric ang batas kapag nangyari iyon pero siya? Ibang pamamaraan ang gagawin niya. Ibang rehas ang hihimasin nito, rehas na kung saan sarili na ni
MABILIS na tinapos ni Ffion ang nakatambak na trabaho sa araw na iyon at may coffee date sila ni Lucas. It's Friday and dadalawin niya rin mamaya ang anak niya sa sementeryo after ng coffee date nila ng lalaki. "Okay, I'm almost done! Hit send." Nakahinga siya nang maluwang matapos i-send sa email sa bago nilang mga client ang bagong product ng Beauty Potion. Maraming gustong mag-invest at humihingi ng sample thru email at pwede naman ang mga tauhan niya na ang gumawa nito pero kung kaya naman niyang gawin, why not. Email lang naman ito. Sinulyapan niya ang wall clock at bandang alas-dos na ng hapon. Pwede na rin. Kaagad niyang dinampot ang blazer at sinuot iyon saka kinuha ang susi sa ibabaw ng desk niya at bag. Mauuna na siya sa coffee spot nila ni Lucas sa araw na iyon. Nung nasa loob na siya ng kaniyang sasakyan, saka niya tinawagan si Lucas para sabihin na papunta na siya.Binaybay ng kaniyang sasakyan ang daan papuntang coffee shop nang may mapansin siyang isang sasakyan na su
PAGKATAPOS nilang bisitahin ang anak niya, kaagad din silang umuwi ni Lucas. 'Yong sasakyan na itim, hindi niya na ito napapansin na sumunod sa kaniya, siguro nagkataon lang talaga na sumunod ito. Inaasahan niya na magkukrus ang landas nila ng mga taong nanakit sa kaniya at nararamdaman niya na ito. Konti na lang, konti na lang talaga at magsisimula na siya."Ffiona?""Hmm?""May out of town ako next week, gusto mo ba sumama? Um, you know... break saglit sa work? Unwind?"Sandali siyang natigilan at nag-isip. Mukhang kailangan nga niya ng break saglit at matinding labanan ang mangyayari ngayon nandito na si Ivony. Tumingin siya sa binata at tumango. Kahit kasal pa ang yayain nito, pero huwag muna ngayon. "Yeah! Sama ako. Wala naman akong gagawin na masyado ng week na iyan.""Great! Sige pasok ka na. Hindi na kita ihahatid sa loob ng unit mo at babalik pa ako sa office, may tatapusin lang ako."Tumango siya at hinalikan muna ito sa pisngi bago siya bumaba sa sasakyan nito. Nagulat ito
"Mag-drive ka," utos nito.Hindi siya umimik nang sabihin ito ng lalaking nasa likuran niya. Kahit nakatutok ang baril nito sa kaniyang uluhan, wala siyang nararamdaman takot. "Ano? Bingi ka ba? Sinabi kong mag-drive ka!" Mas lalo nitong diniin ang dulo ng baril sa kaniya pero isang malakas na tawa ang kumawala sa kaniyang lalamunan.Wala lang, natatawa lang siya. Sure ba ang taong ito na papatayin siya sa araw na iyon? As if natatakot siya? Kung sabagay, pwede rin na takot siya pero hindi siya magpapasindak sa takot niyang iyon kung meron man. Hindi niya ito sinunod. Sino ba ito para sundin niya na mag-drive siya? Hindi siya nito driver."Alam kong ikaw 'yong tao kagabi sa labas ng unit ko, tama ba?"Natigilan naman ito pero mas lalo nitong diniin ang baril sa ulo niya dahilan para mainis. "Huwag ka ng magtanong! Ang sabi ko, magmaneho ka babae!""Iniisip mo ba na masisindak mo ako? Ang sasakyan kong ito ay may secret CCTV na nakalagay, connected ito kay Atty. Lucas Kincaid. Kilala
KAAGAD niyang kinuha ang mga folder na naglalaman ng kontrata ni Ivony, nung dumating siya ng office. Napangiti siya nang makita ang pangalan at pirma nito sa dulo ng kontrata. This it it! Magsisimula na ang lahat.Pumasok si Chen na may dalang kape para sa kaniya. Ngumiti lang siya sa babae at nagpasalamat dito. Kalahating araw lang siyang mananatili rito sa office, may gagawin kasi siyang pang-iimbistiga at brain storming saglit. 'Yong mga bagay na alam niyang magagamit niya in the future, tinatago at tinatabi niya ito for evidence purposes. Parumihan kasi ang larong ito na pinasukan niya."Ms. Ffion, nais ko lang po ipaalala sa inyo na may meeting kayo kay Mrs. Chua by 1 PM kasama ang mga board niya. The meeting will be held on the main office of Etrest Properties.""Right! Thank you, Chen."Oh yes! Muntikan niya ng makalimutan ang meeting niya kay Mrs. Chua. Isa itong CEO ng Etrest Companies at gusto nitong mag-invest sa business niya lalo na at number 1 beauty product ang gawa ni
PINAGMASDAN ni Audric ang anak niyang si Ace na masayang naglalaro sa crib nito. Kasama nito ang yaya nito at ang dalawang nurse na panay ang pagpapa-cute na ginawa kahit nasa paligid lang si Ivony. Si Joan at Mhae ay pinaalis ni Ivony at hindi niya alam kung saan ang dalawa. Nasa nursery room sila at hindi lang basta-basta nursery room ito sa sobrang lawak at laki ng espasyo. "Panay ang paghaharot ng dalawang nurse na iyan sa 'yo, ah! Fired them. Ayuko sa dalawang malanding iyan."Hindi nga nagkamali si Audric nang inakala. Magsasalita si Ivony sa tabi niya. "Hindi ikaw ang nagpasweldo sa kanila, Ivony. So better shut the hell up."Natahimik naman ito. Nasa tabi niya ito na nakaupo sa sofa pero kaagad itong tumayo at lumapit sa anak niyang masayang naglalaro. Kinuha nito ang bata at kinarga. Nung una, nag-alangan si Ace pero nung makilala nitong Ina nito ang babaeng kumuha rito ay nagpakarga rin ang anak niyang si Ace. Anak niya lang, dahil wala naman pakialam si Ivony sa anak nila.
ANG LAWAK ng ngiti ni Ffion nang makuha niya ang Etrest Companies. Ang laki ng pera na ininvest nito at hindi lang iyan, alam niyang mag-boboom ang business pa niya nito lalo. Mukhang kailangan niya ng malaking espasyo para sa pag-expand ng negosyo niya at bodega ng mga product niya na siya rin mismo ang namamahala kapag 'di siya busy. Actually, kagagaling lang nila sa unwind ni Lucas at masasabi niyang nagsaya siya masyado. Nakalimutan niya saglit ang personal na problema. Masyado siyang nagsaya sa presensya ni Lucas at mga escapades nila na halos pagkain ang kanilang inatupad. Sa North Cebu lang naman sila nagpunta at nag-beach. Unang pagkakataon na nag-swim suit siya at halos lumuwa ang mata ni Lucas. Kulang na lang ay ilayo siya nito sa mga mata ng mga lalaking napatitig sa kaniyang katawan.Sino ba naman kasi ang mag-aakala na mayroon pala siyang tinatagong magandang katawan? Wala. Kahit si Audric ay hindi nito alam iyon. Bulag ito nung mga panahon may nangyayari sa kanila."Che
Nagpatuloy si Audric sa pagmaneho at nilagpasan ang kotseng kulay pula. Nagpatuloy lang siya pero nakuha niyang sulyapan ang side mirror at napansin niyang babae ang may-ari ng sasakyan. Basang-basa ito at nakasuot ng office attire at naka-sapatos. Nagpapalit ito ng tire ng sasakyan. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakayuko ito.Kailangan ba niya itong tulungan? Napabuntong-hinga siya at nagpasyang tulungan ito. Babae ito at isa pa, hating-gabi na. Baka kung mapaano ito lalo na at may kadiliman ang bahagi ng daan kung saan ito na-flat ng gulong. Magpapalit na lang siya pag uwi niya ng mansyon. Itinabi niya ang sasakyan at kinuha ang payong.Malakas pa rin ang buhos ng ulan kasabay ang pag-guhit ng kidlat sa kalangitan pero hindi ito ininda ni Audric. Nagpatuloy siya sa paghakbang papalapit sa babae. Ang hindi niya lang maintindihan, ay kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ni Audric ngayon. May dapat ba siyang ikabahala?"Miss? You need help?""No." derektang saad nito habang
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'"Ang ganda-ganda na pala rito, ano? I last came here when I was a senior in high school, and I must say, I miss the rural life very much."You missed this place since you were away for too long in another country.""Oy hindi, ah! Simply put, my life and my Dad's business kept me quite occupied. I've tried to visit here a number of times, but each time I've ha
"Manong, may joke ako!""Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa."Manong sino 'yon?""Hindi ko alam.""Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?" "Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.Nahi
Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala."The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan. "Senyorito! Senyorito, saglit
"KUMUSTA ang pagsama mo hija sa anak ko?" Napangisi si Marriame nang salubungin siya nang gano'n tanong ng senyor kinabukasan nung nakabalik na sila ni Lucas.Deretso lang si Lucas sa silid nito habang siya ay tinawag naman ng senyor sa may terrace para kausapin. 'Naks naman! Muntikan ko na nga gapangin kagabi, buti nakapagpigil pa ako!' Gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yon pero 'di niya ginawa, ano! Baka marinig siya ni Lucas, magalit pa 'yon."Okay na okay, senyor! Do'n kami natulog sa 'min dahil naabutan kami ng ulan—""At tapos?" Biglang kumislap-kislap ang mga mata ng matanda. Binaba nito ang iniinom na kape. "Magkakaapo na ba ako ngayon taon?""Senyor nemen! Enebe keye!" Napahagikhik siya. Bigla tuloy siyang kinilig. Ang lakas tuloy nang halakhak ng matanda. "Biro lang, hindi gano'n ang anak ko."Kaagad nawala ang kilig na naramdaman niya. "Kaya nga po, eh. Tingin niya sa 'kin isang mangkukulam. Kuhh, kung mangkukulam ako, uunahin ko na agad kayo.""Ano kamo?""Hehe. W
Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran."Ungaaaaa!""Baweeeeengggg!"Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas. "Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda. Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k
KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya."Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa likuran ng sasakyan nito na bukas ang likod. Wrangler truck ang tawag kung 'di siya nagkakamali. Ang tanga naman kasi ni Lucas, hindi napansin ang pagbiglang akyat niya sa likuran nung nakapasok ito sa loob. Masyado itong busy sa katawag nito kaya nakasampa siya nang walang kahirap-hirap.Nag-wave pa siya sa matandang senyor na malaking thumbs up ang binigay sa kaniya. Naks naman, pinapakilig siya ng kaniyang putyur dade talaga! Napaka-suportib nito sa pag-ibig niya kay Lucas.'Buti na lang 'di ako nakita ni Tiyang. Kundi isang malutong na mura makukuha ko sa kaniya.' Bigla siyang natawa nang maisip ang mukha ng tiyahin. 'Ang panget talaga ni Tiyang.' saka niya inayos ang suot na damit. Naka-suot pa rin siya ng uniporme ng katulong pero wala siyang paki! Kahit anong isuot niya, maganda pa rin siya, ano."Ang sarap naman ng hangin! Ganito pala ang feeling na makasakay ng sasakyan." Kinilig na naman siya habang hinahampas-hamp
"GOODMORNING senyorito!" Bigla siyang sumulpot sa tabi ni Lucas na seryusong nagbabasa. Nasa balcony ito.Nabuga naman ni Lucas ang iniinom na kape sa napakaganda niyang mukha. Naku naman! Ginawa pa yata siyang mugmugan. Pero okay lang, si Lucas naman ito, eh, at mahal na mahal niya ito."Ikaw?""Ay, kilala ako ni senyorito! Hindi mo 'ko makalimutan 'no? Sabi na sa 'yong mahihirapan ka na kalimutan ako." Saka siya humahikhik. Pinunasan niya ang mukha gamit ang uniporme. "Ano ba 'yan, dapat sa bibig ko binuga 'yong kape para 'di sayang.""Pinagsasabi ng bruhang ito?"Kaagad naman siyang nagtaas ng kilay at nameywang sa harapan nito. "Anong bruhang pinagsasabi mo? Hindi ako bruha, senyorito. Pwede mo akong ihalintulad sa isang prinsesang napakaganda. Saka ano ka ba, walang bruha na kasing-ganda ko. Tandaan niyo ho 'ya— ay saan kayo pupunta?!" Mabilis naman siyang napasunod sa lalaki. Malalaki ang hakbang nito pero mas malaki yata ang hakbang niya.Kulang na nga lang ay habulin niya ito
"Marriame, nakikinig ka ba kay Aling Donna?" Sita ng tiyahin niya nung nasa kusina na sila. Naghihiwa ito ng mga rekados habang nakaupo siya sa isang tabi."Oo naman.""At saka next time naman, mahiya-hiya ka naman sa katawan mong bata ka! Amo natin 'yon tapos lantaran kang nagpapa-cute? Bukas na bukas rin ay bumalik ka na sa bukid. Mas doon ka nababagay!""Tiyang naman!""At bakit? May reklamo ka? Dalawang araw mo pa lang dito, ang landi-landi mo ng bata ka! Isumbong talaga kita kay itay."Napalabi na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng tiyahin. Wala siyang oras makipagsagutan sa mga pandak. Nakaka-karma 'yon.Saka okay lang din na tanggalin siya. Dahil uuwi na rin si Lucas sa Maynila, eh, kaya ano pang saysay manatili rito sa Hasyenda 'no? Alangan naman si Senyor mahabang pangalan ang kaniyang aakitin? Future dade niya 'yon!Pinagalitan din siya ni Aling Donna pero humingi lang siya ng paumanhin tapos gora ulit! Walang makakapaghinto sa nararamdaman niya para kay Lucas.Teka!