MABILIS na tinapos ni Ffion ang nakatambak na trabaho sa araw na iyon at may coffee date sila ni Lucas. It's Friday and dadalawin niya rin mamaya ang anak niya sa sementeryo after ng coffee date nila ng lalaki. "Okay, I'm almost done! Hit send." Nakahinga siya nang maluwang matapos i-send sa email sa bago nilang mga client ang bagong product ng Beauty Potion. Maraming gustong mag-invest at humihingi ng sample thru email at pwede naman ang mga tauhan niya na ang gumawa nito pero kung kaya naman niyang gawin, why not. Email lang naman ito. Sinulyapan niya ang wall clock at bandang alas-dos na ng hapon. Pwede na rin. Kaagad niyang dinampot ang blazer at sinuot iyon saka kinuha ang susi sa ibabaw ng desk niya at bag. Mauuna na siya sa coffee spot nila ni Lucas sa araw na iyon. Nung nasa loob na siya ng kaniyang sasakyan, saka niya tinawagan si Lucas para sabihin na papunta na siya.Binaybay ng kaniyang sasakyan ang daan papuntang coffee shop nang may mapansin siyang isang sasakyan na su
PAGKATAPOS nilang bisitahin ang anak niya, kaagad din silang umuwi ni Lucas. 'Yong sasakyan na itim, hindi niya na ito napapansin na sumunod sa kaniya, siguro nagkataon lang talaga na sumunod ito. Inaasahan niya na magkukrus ang landas nila ng mga taong nanakit sa kaniya at nararamdaman niya na ito. Konti na lang, konti na lang talaga at magsisimula na siya."Ffiona?""Hmm?""May out of town ako next week, gusto mo ba sumama? Um, you know... break saglit sa work? Unwind?"Sandali siyang natigilan at nag-isip. Mukhang kailangan nga niya ng break saglit at matinding labanan ang mangyayari ngayon nandito na si Ivony. Tumingin siya sa binata at tumango. Kahit kasal pa ang yayain nito, pero huwag muna ngayon. "Yeah! Sama ako. Wala naman akong gagawin na masyado ng week na iyan.""Great! Sige pasok ka na. Hindi na kita ihahatid sa loob ng unit mo at babalik pa ako sa office, may tatapusin lang ako."Tumango siya at hinalikan muna ito sa pisngi bago siya bumaba sa sasakyan nito. Nagulat ito
"Mag-drive ka," utos nito.Hindi siya umimik nang sabihin ito ng lalaking nasa likuran niya. Kahit nakatutok ang baril nito sa kaniyang uluhan, wala siyang nararamdaman takot. "Ano? Bingi ka ba? Sinabi kong mag-drive ka!" Mas lalo nitong diniin ang dulo ng baril sa kaniya pero isang malakas na tawa ang kumawala sa kaniyang lalamunan.Wala lang, natatawa lang siya. Sure ba ang taong ito na papatayin siya sa araw na iyon? As if natatakot siya? Kung sabagay, pwede rin na takot siya pero hindi siya magpapasindak sa takot niyang iyon kung meron man. Hindi niya ito sinunod. Sino ba ito para sundin niya na mag-drive siya? Hindi siya nito driver."Alam kong ikaw 'yong tao kagabi sa labas ng unit ko, tama ba?"Natigilan naman ito pero mas lalo nitong diniin ang baril sa ulo niya dahilan para mainis. "Huwag ka ng magtanong! Ang sabi ko, magmaneho ka babae!""Iniisip mo ba na masisindak mo ako? Ang sasakyan kong ito ay may secret CCTV na nakalagay, connected ito kay Atty. Lucas Kincaid. Kilala
KAAGAD niyang kinuha ang mga folder na naglalaman ng kontrata ni Ivony, nung dumating siya ng office. Napangiti siya nang makita ang pangalan at pirma nito sa dulo ng kontrata. This it it! Magsisimula na ang lahat.Pumasok si Chen na may dalang kape para sa kaniya. Ngumiti lang siya sa babae at nagpasalamat dito. Kalahating araw lang siyang mananatili rito sa office, may gagawin kasi siyang pang-iimbistiga at brain storming saglit. 'Yong mga bagay na alam niyang magagamit niya in the future, tinatago at tinatabi niya ito for evidence purposes. Parumihan kasi ang larong ito na pinasukan niya."Ms. Ffion, nais ko lang po ipaalala sa inyo na may meeting kayo kay Mrs. Chua by 1 PM kasama ang mga board niya. The meeting will be held on the main office of Etrest Properties.""Right! Thank you, Chen."Oh yes! Muntikan niya ng makalimutan ang meeting niya kay Mrs. Chua. Isa itong CEO ng Etrest Companies at gusto nitong mag-invest sa business niya lalo na at number 1 beauty product ang gawa ni
PINAGMASDAN ni Audric ang anak niyang si Ace na masayang naglalaro sa crib nito. Kasama nito ang yaya nito at ang dalawang nurse na panay ang pagpapa-cute na ginawa kahit nasa paligid lang si Ivony. Si Joan at Mhae ay pinaalis ni Ivony at hindi niya alam kung saan ang dalawa. Nasa nursery room sila at hindi lang basta-basta nursery room ito sa sobrang lawak at laki ng espasyo. "Panay ang paghaharot ng dalawang nurse na iyan sa 'yo, ah! Fired them. Ayuko sa dalawang malanding iyan."Hindi nga nagkamali si Audric nang inakala. Magsasalita si Ivony sa tabi niya. "Hindi ikaw ang nagpasweldo sa kanila, Ivony. So better shut the hell up."Natahimik naman ito. Nasa tabi niya ito na nakaupo sa sofa pero kaagad itong tumayo at lumapit sa anak niyang masayang naglalaro. Kinuha nito ang bata at kinarga. Nung una, nag-alangan si Ace pero nung makilala nitong Ina nito ang babaeng kumuha rito ay nagpakarga rin ang anak niyang si Ace. Anak niya lang, dahil wala naman pakialam si Ivony sa anak nila.
ANG LAWAK ng ngiti ni Ffion nang makuha niya ang Etrest Companies. Ang laki ng pera na ininvest nito at hindi lang iyan, alam niyang mag-boboom ang business pa niya nito lalo. Mukhang kailangan niya ng malaking espasyo para sa pag-expand ng negosyo niya at bodega ng mga product niya na siya rin mismo ang namamahala kapag 'di siya busy. Actually, kagagaling lang nila sa unwind ni Lucas at masasabi niyang nagsaya siya masyado. Nakalimutan niya saglit ang personal na problema. Masyado siyang nagsaya sa presensya ni Lucas at mga escapades nila na halos pagkain ang kanilang inatupad. Sa North Cebu lang naman sila nagpunta at nag-beach. Unang pagkakataon na nag-swim suit siya at halos lumuwa ang mata ni Lucas. Kulang na lang ay ilayo siya nito sa mga mata ng mga lalaking napatitig sa kaniyang katawan.Sino ba naman kasi ang mag-aakala na mayroon pala siyang tinatagong magandang katawan? Wala. Kahit si Audric ay hindi nito alam iyon. Bulag ito nung mga panahon may nangyayari sa kanila."Che
Nagpatuloy si Audric sa pagmaneho at nilagpasan ang kotseng kulay pula. Nagpatuloy lang siya pero nakuha niyang sulyapan ang side mirror at napansin niyang babae ang may-ari ng sasakyan. Basang-basa ito at nakasuot ng office attire at naka-sapatos. Nagpapalit ito ng tire ng sasakyan. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakayuko ito.Kailangan ba niya itong tulungan? Napabuntong-hinga siya at nagpasyang tulungan ito. Babae ito at isa pa, hating-gabi na. Baka kung mapaano ito lalo na at may kadiliman ang bahagi ng daan kung saan ito na-flat ng gulong. Magpapalit na lang siya pag uwi niya ng mansyon. Itinabi niya ang sasakyan at kinuha ang payong.Malakas pa rin ang buhos ng ulan kasabay ang pag-guhit ng kidlat sa kalangitan pero hindi ito ininda ni Audric. Nagpatuloy siya sa paghakbang papalapit sa babae. Ang hindi niya lang maintindihan, ay kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ni Audric ngayon. May dapat ba siyang ikabahala?"Miss? You need help?""No." derektang saad nito habang
NAKAHARAP lang sa kawalan nang gabing iyon si Audric. Sa isang kamay niya ang basong may lamang alak at yelo, na hindi man lang niya magawang tunggain sa lalim ng kaniyang iniisip.Patuloy na naglalaro sa utak ni Audric ang eksena kung saan nagkita sila ni Ffion sa hindi inaasahan pagkakataon. "Babe?"Hindi siya tuminag nang marinig ang boses ni Ivony sa likuran. Hinaplos nito ang kaniyang balikat at yumakap mula sa kaniyang likod. Naglalambing ito ngayon pero wala siyang naramdaman kahit ano sa haplos na ginawad nito."Babe, kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo pero ang layo ng iniisip mo."Nanatili siyang tahimik. Nakatingin ang kaniyang mata sa isang dereksyon at iyon ay ang makapal at malawak na book shelves na mostly laman ay records ng company. Nasa library room siya ngayon at gusto niyang mapag-isa.Tulog na si Ace nung dumating siya kanina at ginawa niya ay nag-hot shower at nagpalit ng pantulog. Kumuha ng alak na may yelo pero hindi naman ito nagawang inumin."Audric babe.