Sa sumunod na gabi ay naging abala si Alejandro. He went to the Shangri La hotel to meet one of his business clients and had a meeting with her for another important project. He was trying to do a lot of things all at once while in Cebu, ensuring that once he goes home, there’s no reason for him to leave his family’s side anymore. Matapos kamayan ang kliyenteng dayuhan ay lumabas na siya ng malaking building na ‘yon. Sakto naman na pumarada sa main entrance ang kotse niyang minaneho ng isang valet attendant doon. Pagkakuha ng susi ay nagpasalamat siya rito at saka minaneho ang sasakyan. The penthouse where he temporarily stays is a thirty-minute drive from the hotel. Tahimik siyang nagmamaneho habang binabagtas ang maluwag ng trapiko ng highway. “Is everything good, Boss?” tanong ni Luke nang tawagan siya nito. “Yes, did you notice something off?” “Negative, Boss.” Tumango siya at binaba ang tawag na ‘yon. Ilang saglit pa ay kinailangan niyang mag-iba ng daan dahil sa ongoi
“Luke, I need to know where Alejandro is right now,” nanginginig niyang sabi habang umiiyak. Hindi mapakali si Klaire. She was pacing back and forth inside the study room as she talked to Alejandro’s personal assistant. Puno ng kaba at takot ang kaniyang puso. Hindi na siya makapag-isip nang maayos at tanging mga masasamang posibilidad na lamang ang umiikot sa kaniyang isipan. Seryoso siyang tiningnan ng tauhan ni Alejandro. Kita sa mga mata nito ang pag-alala ngunit nananatiling kalmado at desidido. Hindi maintindihan ni Klaire kung bakit gano’n na lang ang kakalmahan nito gayong napahamak na si Alejandro at nawawala! “Luke, ano ba!” Hindi niya napigilan ang pagsigaw at hinarap ito habang lumuluha. “Dalhin mo ako sa Cebu. Kailangan kong makita ang ama ng mga anak ko!” “Ma’am, delikado pa ang sitwasyon. Utos ni Boss na dapat ay dito lang kayo hanggang sa maayos niya ang lahat,” paliwanag ni Luke sa malumanay na boses. “Makakabuti kung maghintay na lang ‘ho muna tayo na mag-send ng
“Mommy, why are you crying?” inosenteng tanong ni Nico sa kaniya. Nakaharap si Klaire sa infinity pool habang yakap ang sarili at umiiyak dala ng labis na pag-aalala. Nilingon niya ang anak na hindi niya inaasahang babangon mula sa pagkakatulog nito. Maghahating-gabi na kasi at sa mga gano’ng oras ay malalim na dapat ang tulog nito. Pinalis niya ang mga luha at pilit na nginitian si Nico. Nilapitan niya ito. Lumuhod siya sa harapan ng anak at hinaplos ang pisngi nito. “Bakit gising ka pa, baby?” marahan niyang tanong , tinatago ang emosyong bumabagabang sa kaniya. “I was thirsty and was about to go to the kitchen but I saw you standing here and you’re crying. Did Daddy make you upset po?” nag-aalalang tanong sa kaniya nito. Nag-init ang mga sulok ng mga mata niya. Yes, Alejandro made her upset…. upset by the fact that he had planned to risk his life just to catch her brother. Nagawa nitong kumilos nang hindi nagsasabi sa kaniya kaya ngayon ay puno ng pag-aalala ang puso niya sa m
Sa malawak na sala ng mansyon sa pribadong isla na 'yon nagtipon-tipon sina Klaire. The air between them was so stiff, and she could notice how embarrassed her adoptive parents were. Nahihiya ang mga ito na harapin siya. Paano ba naman ay nang malamang si Sophia ang tunay nilang anak at sinulsulan nito ang mga ito na paalisin siya sa kinagisnan niyang tahanan magmula nang maliit siya ay hindi sila nagdalawang isip at sinunod ito. Pinalayas siya ng pamilya Perez sa pag-aakalang nagseselos si Sophia sa atensyong binigay nila para sa kaniya. They didn't even flinch when she begged them to give her at least a month to save money so she could stand on her own. Sa isang sabi lang ng totoong anak nila na si Sophia ay kinalimutan ng mga ito na siya ang kinalinga nila noong una pa lamang. Klaire was damn hurt because of what they have done years ago. Ayaw na nga sa kaniya ng totoo niyang pamilya, pati ang adoptive parents niya ay inawayan din siya. Ang ginawa ng mga ito ang nagtulak sa kaniy
Nagising si Alejandro nang maramdaman ang dahan-dahang pagdampi ng kung ano’ng malambot na bagay sa kaniyang pisngi. Unti-unti niyang minulat ang mga mata. Nanlalabo pa ang kaniyang paningin dala ng sinag ng araw na pumapasok mula sa maliit na bintana ng kwarto. “Hmm…” Muli niyang naramdaman ang pagdami ng kung ano sa kaniyang pisngi. Pinaling niya ang ulo sa kaliwang bahagi at nakita ang isang babaeng may suot ng puting silicone na maskara sa mukha. “Who the fuck are you?” Singhal niya at agad na gumalaw; wala na ang kadenang nakagapos sa kaniya dahilan para makabangon siya. Doon niya rin natanto na nasa kama na siya katabi ang babaeng hindi niya kilala. Nakasuot ito ng puting lingerie. May suot na shawl na nakapalibot mula ulo hanggang leeg at ang weirdong maskara na halos kakulay lamang ng kutis nito. “You’re awake, Ali…” Ang boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Pinakatitigan niya ang babae. Pamilyar ang mga matang tanging hindi maikubli ng maskara nito. He clenched
Tahimik na nakaupo si Alejandro sa dulo ng kama habang pinapakinggan ang pagtatalo nina Sophia at Lander mula sa labas. Gusto na siyang tuluyan ni Lander dahil alam nitong hindi niya bibigyan ng pagkakataon si Sophia, ngunit ayaw naman ng babae. Hinayaan niya lamang ang dalawang kriminal na isiping magagawa nila ang lahat ng gusto ng mga ito, habang tahimik na naghihintay sa pagresponde ng mga tauhan niya at nang mga pulis. Mahigit tatlong oras na nang pindutin niya ang button upang ipaalam kay Luke na kailangan na nitong maghanda. Kung tama ang kalkulasyon niya ay darating ang tulong anumang oras. "Patayin natin si Klaire! Kapag nawala siya ay mawawalan na rin ako ng karibal!" rinig niyang suhestiyon ni Sophia sa tarantado nitong kuya-kuyahan. "Once she's gone, Alejandro's attention will be focused on me. Hindi na niya ako tatanggihan!""For the nineth time, are you hearing yourself, Sophia? Hindi ka mamamahalin ng lalaking 'yan kahit pulbusin pa natin ang buong pamilya ni Klaire
Nagmamadali ang sasakyan nina Klaire papunta sa lugar kung saan dinala nina Lander at Sophia si Alejandro. Hindi makalma ang puso niya at pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa matinding kabang nararamdaman. Nanlalamig ang mga palad niya habang nananalagin sa isipan. She wasn't the woman who would be seen inside the church or was very prayerful. Ngunit sa mga oras na 'yon ay natawag na niya ang lahat ng santo upang hilingin sa mga ito na iligtas si Alejandro. Hindi niya alam ang gagawin kung may mangyayari sa lalaking mahal niya... sa ama ng mga anak niya. Matapos ang ilang oras na byahe ay narating na nila ang abandonadong two-storey house na nakatirik sa mataas na bahagi na bundok. Walang mga nakatira doon at masasabing isang pribado't abandonadong property. Pagkahinto pa lamang ng sasakyan ay lumabas na agad si Klaire, hindi na pinakinggan pa ang mga sigaw ni Don Armando. Diretso ang tingin niya sa bahay na puno ng mga pulis at SWAT. Lalong nabalot ng kaba ang buong kata
"Dead on arrival na si Sophia ayon sa ospital," pormal na report ni Luke sa kaniya. Nakatayo sila sa harap ng pribadong kwarto ni Alejandro sa kwartong 'yon. Yakap niya ang kaniyang sarili habang pinapakinggan ang lahat ng mga detalyeng sinasabi ni Luke. Wala na si Sophia... namatay ito para kay Alejandro. Ang bala ay bumaon malapit sa puso nito. Dahil marami ng nawalang dugo ay hindi na ito naligtas pa ng mga doktor. Samantalang si Lander naman ay tuluyan ng naikulong. Habambuhay ang parusa sa patung-patong na kaso nito at nangako ang mga pulis na hindi na magagawan pa nito nang masama ang pamilya niya. Hindi alam ni Klaire ang dapat maramdaman. Masyado pa ring nakagugulat ang mga nangyari para sa kaniya. Ang tanging gusto niya lamang na mangyari ngayon ay magising si Alejandro at maging maayos na ulit ang pamilya nila. It was the only thing she wanted in her lifetime. Wala nang iba pa. "Salamat, Luke," wika niya at marahang tinapik ang balikat nito. "Alam kong hindi naging magan