Chapter 29KinabukasanMaagang pumasok si Cris sa opisina. Diretso siya sa conference room kung saan naghihintay na ang ilang empleyado para sa meeting tungkol sa bagong proyekto. Malamig ang umaga, ngunit halatang energized si Cris, na para bang may bagong sigla sa kanya."Good morning, everyone," bati niya habang pumapasok sa kwarto."Good morning, Mr. Montereal," sabay-sabay na bati ng kanyang mga empleyado, na may halong respeto at paghanga.Ang meeting ay nag-umpisa sa usapan tungkol sa expansion plans ng kompanya sa ibang bansa. Gumagamit sila ng Canadian language upang masiguradong malinaw ang usapan."Let’s discuss the updates regarding our Singapore partnership," sabi ni Cris habang binubuksan ang kanyang laptop. "How’s the progress so far?"Isang empleyado ang tumayo at nagbigay ng report. "Mr. Montereal, we’ve finalized the terms with the Singapore team, and they’re very positive about the collaboration. They’ve requested additional support for marketing strategies to ensur
Chapter 30Habang Nasa Loob ng Opisina ni Cris. Samantala, bumalik si Cris sa kanyang desk, ngunit naiwan sa isipan niya ang hindi pangkaraniwang presensya ni Alexa. Hindi ito kagaya ng ibang negosyante na nakikisalamuha niya. May kung anong kakaiba sa kilos nito—parang may ibang pakay bukod sa negosyo.Naiiling siyang tumawag sa kanyang assistant. "I need a full background check on Alexa Ford and her firm. Something feels off.""Yes, Mr. Montereal," sagot ng assistant niya, agad na sinimulan ang utos.Napatingin si Cris sa wedding ring na suot niya at bahagyang ngumiti. Hindi niya gustong masangkot sa anumang drama na maaaring makagulo sa kasal nila ni Merlyn. Kahit pa may mga hindi sila napagkakasunduan, alam niyang mahalaga si Merlyn sa buhay niya.Pero sa kabila ng kanyang pagpupursige na panatilihin ang distansya kay Alexa, hindi niya alam na may paparating na unos na maaaring subukin ang kanilang pagsasama.Habang binabasa ni Alexa ang detalyeng iniabot sa kanya, unti-unti ang
Chapter 31 Hindi ito napansin ni Merlyn, dahil abala ito sa pagbibigay ng utos sa empleyado sa tabi niya. Tinitigan ni Alexa ang hibla ng buhok sa kanyang kamay at napangiti nang bahagya. "Ito na ang unang hakbang," isip niya. Ngunit bago siya makalayo, biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Cris. Napatigil si Alexa sa kinatatayuan niya, pilit na itinatago ang kanyang mukha habang nagkukunwaring nagbabasa ng isang brochure sa gilid. Lumapit si Cris kay Merlyn at hinalikan ito sa pisngi, dahilan upang mabaling ang atensyon ng lahat sa kanilang dalawa. Sa gulong iyon, nakahanap si Alexa ng pagkakataon upang mabilis na lumabas sa opisina. Habang naglalakad papunta sa labas ng building, mahigpit niyang hinawakan ang panyo na may hibla ng buhok. "Hindi na ako mag-aaksaya ng oras," sabi niya sa sarili. Agad siyang tumawag sa isang kilalang laboratory sa Canada upang isagawa ang DNA test. Ang susunod na hakbang ay paghihintay sa resulta, na maaaring magbago ng lahat sa plano n
Chapter 32 Pagkatapos niyang tapusin ang tawag, agad niyang tinawagan si Liam. Siya ang kanyang pinagkakatiwalaan na investigator—isang matalim na tao na may kakayahang tuklasin ang mga sikreto ng mga tao sa mabilis na paraan. "Hey Liam, I need you to do something for me," wika ni Alexa nang saglit matapos mag-ring. "I need you to investigate the people who took care of Merlyn in the Philippines. Hanapin mo kung sino sila, kung anong klaseng tao sila, at kung ano ang tunay nilang layunin." Narinig niyang huminga ng malalim si Liam. "Got it, Alexa. I’ll get to work on it right away. Don’t worry, I’ll find everything you need to know." "Thank you, Liam," sagot ni Alexa, at inend siya ng tawag. Ang desisyon na ito ay isang malaking pagbabago sa mga plano niya, at bagamat hindi pa siya sigurado sa kanyang susunod na hakbang, pakiramdam niyang tama ang ginawa niyang pag-urong. Gusto niyang malaman ang lahat ng katotohanan tungkol kay Merlyn, at hindi siya magmamadali sa paghuhusga
Chapter 33 Kinabukasan, maagang nagising si Alexa. Habang iniimpake ang kanyang gamit, hindi niya maiwasang maramdaman ang pinaghalong galit at determinasyon. Ngayon, sa wakas, haharapin niya ang pamilyang Santiago—ang mga taong responsable sa pasakit ng kanyang kapatid na si Merlyn. Matapos maisaayos ang lahat ng kailangan, agad siyang tumungo sa airport. Nang nasa eroplano na siya, tiningnan niya ang ulap sa labas ng bintana at muling binalikan sa isip ang mga nalaman tungkol sa buhay ni Merlyn. "Paano nila nagawa yun sa kanya? Pamilya nila ang dapat na unang nagmahal at nagprotekta sa kanya," bulong niya sa sarili, mariing pinipigil ang luha.Hindi nagtagal ay dumating na si Alexa sa bansang kung saan mag masalimuot nakaraan sa kanya at sa kanyanv mga magulang. Pero bumalik si Alexa para malaman nito kung ano ang dahilan kung bakit ginwa nito sa kanyang bunsong kapatid. Paglapag niya sa airport, agad niyang tinawagan si Liam ang kakilala ni Alexa na isang private agent. “Li
Pagkalabas ni Alexa mula sa bahay ng mga Santiago, ramdam niya ang halo ng galit at tagumpay. Hindi pa niya natamo ang katarungan na nararapat para kay Merlyn, ngunit ang mga unang hakbang ay nagsimula na. Habang naglalakad siya patungo sa sasakyan, naramdaman niyang may nakatutok na mga mata sa kanya. Tumigil siya at lumingon, nakita niyang may isang lalaki na tila sumusunod sa kanya."Alexa!" tawag ng lalaki, tila nagmamadali.Lumingon siya at nakilala ang lalaki—si Liam, ang kaibigan niyang private agent. Napansin niyang may pagka-worried ang mukha nito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Alexa, hindi makapaniwala."May isang masamang balita, Alexa," sabi ni Liam, "Mukhang may plano ang pamilya Santiago na gumanti sa iyo. Hindi mo sila dapat ipagsawalang-bahala."Nag-alala si Alexa ngunit hindi niya pinakita ang takot. "Hindi ko sila natatakot. At kung may balak sila, mas mabuti na lang na handa ako," sagot niya nang matigas."Pero kailangan mo ng proteksyon. Hindi lang ikaw ang m
Chapter 035 Merlyn POV Sa bawat araw na lumilipas, unti-unting natutunan ko nang mahalin ang bagong yugto ng aking buhay kasama si Cris. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kaayos ang aming pagsasama, lalo na't nagsimula kami sa isang napaka-komplikadong sitwasyon. Mula nang magpakasal kami, hindi ko naramdaman na tinuring niya akong "substitute bride." Bagkus, naging maasikaso siya—laging iniisip ang kapakanan ko bago ang sarili niya. Minsan, naiisip ko kung paano niya nagagawang pagsabayin ang pagiging CEO ng isang malaking kompanya at ang pagiging mabuting asawa sa akin. Isang araw habang nasa kusina ako at naghahanda ng almusal, bigla siyang pumasok, nakasuot ng suit ngunit dala ang isang apron. "Bakit hindi mo ako hinintay? Ako na ang magluluto," sabi niya habang iniaabot ang hawak kong kutsilyo. "Hindi naman ako pagod, Cris. Kaya ko naman ito," sagot ko, ngunit ngumiti lang siya at kinuha ang mga gulay na hiniwa ko. "Pero hindi ko gusto na napapagod ka. Ang trabaho
Chapter 036 Pagkatapos naming kumain, nagmadali na akong magbihis para pumasok sa trabaho. Bilang isang accountant sa kompanya ni Cris, hindi ko maiiwasang isipin na may mga mata palaging nakatingin sa akin, naghahanap ng dahilan upang husgahan ang pagiging asawa ko ng CEO. Habang naghahanda ako sa kwarto, pumasok si Cris na nakasuot na ng itim na suit at mukhang handa na rin para sa opisina. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa at ngumiti. “Perfect,” sabi niya habang inaabot ang coat ko. “Siguraduhin mong hindi ka mapapagod, Merlyn. Ako na ang bahala sa mga malalaking problema sa opisina.” Napatawa ako nang bahagya. “Cris, hindi mo kailangang alalahanin ang trabaho ko. Kaya ko naman ang ginagawa ko.” “Alam ko,” sagot niya habang inaayos ang kuwelyo ng suot ko. “Pero hindi ibig sabihin ay hahayaan kitang mag-overwork. Tandaan mo, asawa kita. Responsibilidad kong alagaan ka.” Bago pa ako makasagot, may katok mula sa pinto. Sumilip ang isa sa mga kasambahay at magalang
Chapter 045Napangisi siya. "Oh really?" bulong niya habang bahagyang inilapit ang mukha sa akin. "Then why do I have this?"Mula sa loob ng kanyang coat, may inilabas siyang isang dokumento. Hindi ko man ito makita nang buo, pero sapat na ang pamilyar na selyo sa papel para maunawaan ko.Marriage certificate.Halos hindi ako makahinga. Paano? Kailan?Ngumisi siya, kita sa mukha ang kumpiyansa. "You can never escape me, my wife, again!" mariin nitong sabi. At doon ko napagtanto—wala na akong ibang pagpipilian kundi lumaban.Nanginig ang aking mga kamay habang pinipilit kong maging matatag. Hindi ko na kayang maipit na naman sa mundo niya. Kaya nga tumakas ako, hindi ba?"But… may anak ka na!" Mariin kong sabi, pilit na kinakalma ang aking sarili. "Alam ko ang totoo, Cris. May dumating na babae sa mansyon sa Canada, dala ang bata… anak mo!"Nakita ko ang bahagyang pagliit ng kanyang mga mata, ngunit agad din iyong napalitan ng ngisi—isang ngiting punong-puno ng pangungutya."And so?"
Chapter 043Matapos kong sabihin iyon, nakita ko ang pag-angat ng kilay ng Filipino officer, tanda ng pagkakaintindi niya sa sitwasyon.“Tama ang desisyon mo, Merlyn. Hindi pwedeng manatili ka pa sa isang lugar na ganito.”Habang nagsasalita siya, napansin ko ang mga pulis na dumating upang mag-imbestiga sa kaso. Tinulungan nila akong magbigay ng pahayag at nagsimula silang magtala ng mga detalye. Lahat ng sinabi ko tungkol sa nangyari sa akin kay Madam Layla at sa asawa nitong may masamang layunin, ipinaabot sa mga awtoridad.Pinakita ko sa kanila ang video na kuha ko kanina, pati na ang mga text messages mula kay Madam Layla na nag-uutos na hindi ako makaalis. Inalam ng mga pulis kung may iba pang detalye tungkol sa pang-aabuso na nangyari, at sinabi ko sa kanila ang lahat.Naramdaman ko ang bigat ng puso ko, ngunit sa mga sandaling iyon, may konting ginhawa. At least, hindi ako nag-iisa.Matapos ang ilang oras, nilapitan ako ng isang opisyal mula sa embahada.“Merlyn, makakapag-uwi
Chapter 042Habang nasa opisina ako ng agency, unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakaupo lang ako, pero may narinig akong pabulong na usapan sa kabilang kwarto—ang manager at si Madam Layla."hsnan, sa'uetik almali. faqat ta'akad min 'anah la yastatie aliabtiead," dinig na dinig ko. (Sige, bibigyan kita ng pera. Siguraduhin mo lang na hindi siya makakaalis nang basta-basta.)Nanlamig ako. Binayaran nila ang manager para hindi ako makauwi! Akala ko, kakampi ko ang agency, pero hindi pala.Napagtaksilan ako.Dahan-dahan akong umatras, pilit pinipigilan ang kaba. Kailangan kong makaisip ng paraan bago pa nila ako balikan dito. Kailangan kong tumakas.Napahawak ako sa bag ko. Buti na lang, nasa akin ang passport ko.Nagkunwari akong kalmado at bumalik sa receptionist. “Ate, may bibilhin lang ako saglit. Babalik din ako.”Pinagmasdan niya ako pero hindi nagduda. “Sige, ingat ka.”Paglabas ko ng opisina, hindi na ako lumingon pa. Naglakad ako nang mabilis, palayo sa agency, palay
Chapter 041Pagpasok ko sa kwarto, agad kong kinuha ang maliit kong maleta at siniguradong nasa loob ang lahat ng mahahalagang gamit ko—passport, ID, at kaunting ipon na naitatabi ko sa loob ng tatlong taon. Buti na lang at hindi ko kailanman iniwan ang passport ko sa kanila, kundi baka lalo akong hindi makaalis.Mabilis akong nag-impake, nanginginig pa ang kamay ko dahil sa kaba. Alam kong maaaring pigilan ako ni Madam Layla anumang oras.Habang isinusuot ko ang aking abaya upang hindi maging kapansin-pansin sa labas, biglang bumukas nang malakas ang pinto. "''Ila 'ayn Taetaqid 'anak Dhahiba?!" galit nitong sabi sa akin. (saan mo akala pupunta ka?!)Si Madam Layla. Nakatayo siya sa may pintuan, nakapamewang, at nagliliyab ang kanyang mga mata sa galit.Huminga ako nang malalim bago siya hinarap. "I told you, Madam. I am going home. My family needs me."Lalo siyang nagalit at mabilis na lumapit sa akin. "lan 'asmah lak bialmughadara! taihtaj 'iilaa 'idhni!" madiin nitong bigkas. (
Chapter 040Sa loob ng tatlong taon mula nang umalis ako sa puder ni Alexa, ang buhay ko ay naging isang matinding pagsubok. Andito ako ngayon sa Dubai, nagtatrabaho bilang isang OFW. Sa una, inisip kong magiging madali ang lahat—na kaya kong magsimula muli, malayo sa sakit at alaala ng nakaraan. Pero hindi pala ganoon kadali.Mula sa pagiging isang taong walang tiyak na direksyon, napunta ako sa pagiging kasambahay ng isang mayamang mag-asawa na taga-Dubai. Sa umpisa, akala ko swerte ako—maganda ang bahay, maluwag ang kwarto ko, at hindi ganoon kabigat ang trabaho. Pero sa paglipas ng mga araw, unti-unti kong naramdaman ang bigat ng buhay bilang isang domestic worker sa ibang bansa.Ang amo kong lalaki ay halos hindi nagsasalita, palaging abala sa trabaho. Ang babae naman, si Madam Layla, ay tila may laging hindi nagugustuhan sa akin. Kahit anong gawin ko, may mali pa rin sa kanyang paningin. Masyadong mahigpit sa mga gawain, at minsan, pakiramdam ko’y hindi lang kasambahay ang turin
Chapter 039Habang naglalakbay kami, pakiramdam ko’y unti-unti nang nawawala ang bigat ng aking puso. Hindi ko pa kayang magkuwento ng lahat ng nangyari, pero sa tuwing tumitingin ako kay Alexa, parang may kabuntot na pag-asa. Hindi siya nagmamadali, hindi rin siya nagtatanong—nagbibigay lang siya ng espasyo para sa akin, at para sa unang pagkakataon mula nang umalis ako sa mansyon, naramdaman ko na hindi ako nag-iisa."Salamat," sabi ko nang mahina, hindi ko kayang ipaliwanag kung gaano kabigat ang mga salitang iyon, pero kailangan ko siyang pasalamatan.Tiningnan ako ni Alexa, at ang mata niyang may kalaliman ay hindi ko rin maipaliwanag. "Wala 'yan," sagot niya, habang nagmamaneho nang maayos. "Laging may mga panahon ng pagsubok. Ang mahalaga, alam mong makakaya mong magpatuloy."Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ang madilim na kalangitan. Hindi ko alam kung saan kami papunta, ngunit sa oras na iyon, hindi ko na rin inaalintana. Ang bawat paghinga ko, isang hakbang palayo
Chapter 038 Tumigil ang mundo ko sa sandaling iyon. Hindi ko magawang magsalita. Ang dami kong gustong itanong, pero parang may bara sa lalamunan ko. Ang mga mata ko ay nakatuon kay Cris, naghihintay ng paliwanag, pero nanatili siyang nakatulala kay Cassandra at sa batang hawak nito. Ang lahat ng tapang na naipon ko para sabihin sa kanya na mahal ko na siya ay biglang naglaho. Parang lahat ng plano ko para sa amin ay biglang gumuho dahil sa hindi inaasahang pagdating ng ex niya—kasama pa ang isang batang sinasabing anak nila. "Cris, ano to?" tanong ko, sa wakas ay nakahanap ng lakas para magsalita, pero halos pabulong lang. Tumingin siya sa akin, bakas ang pagkabalisa sa kanyang mukha. "Merlyn, I swear, hindi ko alam ang tungkol dito," sagot niya, halatang desperado na maipaliwanag ang sarili. "Aba, syempre hindi mo alam," sabat ni Cassandra, halatang galit pa rin. "Oo, inamin ko na iniwan kita sa araw mg kasal natin, pero noong panahon na pinakamahirap para sa akin at nagsis
Chapter 037 Pagkalipas ng ilang oras, abala pa rin ako sa mga financial reports nang biglang pumasok si Cris sa accounting department. Agad na tumahimik ang buong silid—halos lahat ng empleyado ay nagulat sa kanyang presensya. Hindi siya madalas pumunta rito, kaya ang pagdating niya ay tila isang malaking balita. "Good afternoon, everyone," bati niya, pormal ang tono ngunit may bahagyang ngiti. "Good afternoon, Sir," sabay-sabay na sagot ng mga empleyado. Lumapit siya sa desk ko, at kahit pa sinusubukan kong magmukhang kalmado, ramdam ko ang biglang pagtigil ng lahat ng trabaho sa paligid. Nakatingin silang lahat, nag-aabang ng anumang mangyayari. "Mrs. Montereal," tawag niya sa akin, pormal ang tono ngunit may kilig akong naramdaman sa pagbigkas niya ng apelyido ko. "I just came to check if you’re doing okay. Have you had lunch yet?" Napatingin ako sa mga kasamahan ko, na ngayon ay nag-aabang ng sagot ko. Napangiti ako, pilit na itinatago ang nerbiyos. "Yes, Mr. Montereal.
Chapter 036 Pagkatapos naming kumain, nagmadali na akong magbihis para pumasok sa trabaho. Bilang isang accountant sa kompanya ni Cris, hindi ko maiiwasang isipin na may mga mata palaging nakatingin sa akin, naghahanap ng dahilan upang husgahan ang pagiging asawa ko ng CEO. Habang naghahanda ako sa kwarto, pumasok si Cris na nakasuot na ng itim na suit at mukhang handa na rin para sa opisina. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa at ngumiti. “Perfect,” sabi niya habang inaabot ang coat ko. “Siguraduhin mong hindi ka mapapagod, Merlyn. Ako na ang bahala sa mga malalaking problema sa opisina.” Napatawa ako nang bahagya. “Cris, hindi mo kailangang alalahanin ang trabaho ko. Kaya ko naman ang ginagawa ko.” “Alam ko,” sagot niya habang inaayos ang kuwelyo ng suot ko. “Pero hindi ibig sabihin ay hahayaan kitang mag-overwork. Tandaan mo, asawa kita. Responsibilidad kong alagaan ka.” Bago pa ako makasagot, may katok mula sa pinto. Sumilip ang isa sa mga kasambahay at magalang