Chapter 32 Pagkatapos niyang tapusin ang tawag, agad niyang tinawagan si Liam. Siya ang kanyang pinagkakatiwalaan na investigator—isang matalim na tao na may kakayahang tuklasin ang mga sikreto ng mga tao sa mabilis na paraan. "Hey Liam, I need you to do something for me," wika ni Alexa nang saglit matapos mag-ring. "I need you to investigate the people who took care of Merlyn in the Philippines. Hanapin mo kung sino sila, kung anong klaseng tao sila, at kung ano ang tunay nilang layunin." Narinig niyang huminga ng malalim si Liam. "Got it, Alexa. I’ll get to work on it right away. Don’t worry, I’ll find everything you need to know." "Thank you, Liam," sagot ni Alexa, at inend siya ng tawag. Ang desisyon na ito ay isang malaking pagbabago sa mga plano niya, at bagamat hindi pa siya sigurado sa kanyang susunod na hakbang, pakiramdam niyang tama ang ginawa niyang pag-urong. Gusto niyang malaman ang lahat ng katotohanan tungkol kay Merlyn, at hindi siya magmamadali sa paghuhusga
Chapter 33 Kinabukasan, maagang nagising si Alexa. Habang iniimpake ang kanyang gamit, hindi niya maiwasang maramdaman ang pinaghalong galit at determinasyon. Ngayon, sa wakas, haharapin niya ang pamilyang Santiago—ang mga taong responsable sa pasakit ng kanyang kapatid na si Merlyn. Matapos maisaayos ang lahat ng kailangan, agad siyang tumungo sa airport. Nang nasa eroplano na siya, tiningnan niya ang ulap sa labas ng bintana at muling binalikan sa isip ang mga nalaman tungkol sa buhay ni Merlyn. "Paano nila nagawa yun sa kanya? Pamilya nila ang dapat na unang nagmahal at nagprotekta sa kanya," bulong niya sa sarili, mariing pinipigil ang luha.Hindi nagtagal ay dumating na si Alexa sa bansang kung saan mag masalimuot nakaraan sa kanya at sa kanyanv mga magulang. Pero bumalik si Alexa para malaman nito kung ano ang dahilan kung bakit ginwa nito sa kanyang bunsong kapatid. Paglapag niya sa airport, agad niyang tinawagan si Liam ang kakilala ni Alexa na isang private agent. “Li
Pagkalabas ni Alexa mula sa bahay ng mga Santiago, ramdam niya ang halo ng galit at tagumpay. Hindi pa niya natamo ang katarungan na nararapat para kay Merlyn, ngunit ang mga unang hakbang ay nagsimula na. Habang naglalakad siya patungo sa sasakyan, naramdaman niyang may nakatutok na mga mata sa kanya. Tumigil siya at lumingon, nakita niyang may isang lalaki na tila sumusunod sa kanya."Alexa!" tawag ng lalaki, tila nagmamadali.Lumingon siya at nakilala ang lalaki—si Liam, ang kaibigan niyang private agent. Napansin niyang may pagka-worried ang mukha nito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Alexa, hindi makapaniwala."May isang masamang balita, Alexa," sabi ni Liam, "Mukhang may plano ang pamilya Santiago na gumanti sa iyo. Hindi mo sila dapat ipagsawalang-bahala."Nag-alala si Alexa ngunit hindi niya pinakita ang takot. "Hindi ko sila natatakot. At kung may balak sila, mas mabuti na lang na handa ako," sagot niya nang matigas."Pero kailangan mo ng proteksyon. Hindi lang ikaw ang m
Chapter 035 Merlyn POV Sa bawat araw na lumilipas, unti-unting natutunan ko nang mahalin ang bagong yugto ng aking buhay kasama si Cris. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kaayos ang aming pagsasama, lalo na't nagsimula kami sa isang napaka-komplikadong sitwasyon. Mula nang magpakasal kami, hindi ko naramdaman na tinuring niya akong "substitute bride." Bagkus, naging maasikaso siya—laging iniisip ang kapakanan ko bago ang sarili niya. Minsan, naiisip ko kung paano niya nagagawang pagsabayin ang pagiging CEO ng isang malaking kompanya at ang pagiging mabuting asawa sa akin. Isang araw habang nasa kusina ako at naghahanda ng almusal, bigla siyang pumasok, nakasuot ng suit ngunit dala ang isang apron. "Bakit hindi mo ako hinintay? Ako na ang magluluto," sabi niya habang iniaabot ang hawak kong kutsilyo. "Hindi naman ako pagod, Cris. Kaya ko naman ito," sagot ko, ngunit ngumiti lang siya at kinuha ang mga gulay na hiniwa ko. "Pero hindi ko gusto na napapagod ka. Ang trabaho
Chapter 036 Pagkatapos naming kumain, nagmadali na akong magbihis para pumasok sa trabaho. Bilang isang accountant sa kompanya ni Cris, hindi ko maiiwasang isipin na may mga mata palaging nakatingin sa akin, naghahanap ng dahilan upang husgahan ang pagiging asawa ko ng CEO. Habang naghahanda ako sa kwarto, pumasok si Cris na nakasuot na ng itim na suit at mukhang handa na rin para sa opisina. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa at ngumiti. “Perfect,” sabi niya habang inaabot ang coat ko. “Siguraduhin mong hindi ka mapapagod, Merlyn. Ako na ang bahala sa mga malalaking problema sa opisina.” Napatawa ako nang bahagya. “Cris, hindi mo kailangang alalahanin ang trabaho ko. Kaya ko naman ang ginagawa ko.” “Alam ko,” sagot niya habang inaayos ang kuwelyo ng suot ko. “Pero hindi ibig sabihin ay hahayaan kitang mag-overwork. Tandaan mo, asawa kita. Responsibilidad kong alagaan ka.” Bago pa ako makasagot, may katok mula sa pinto. Sumilip ang isa sa mga kasambahay at magalang
Chapter 037 Pagkalipas ng ilang oras, abala pa rin ako sa mga financial reports nang biglang pumasok si Cris sa accounting department. Agad na tumahimik ang buong silid—halos lahat ng empleyado ay nagulat sa kanyang presensya. Hindi siya madalas pumunta rito, kaya ang pagdating niya ay tila isang malaking balita. "Good afternoon, everyone," bati niya, pormal ang tono ngunit may bahagyang ngiti. "Good afternoon, Sir," sabay-sabay na sagot ng mga empleyado. Lumapit siya sa desk ko, at kahit pa sinusubukan kong magmukhang kalmado, ramdam ko ang biglang pagtigil ng lahat ng trabaho sa paligid. Nakatingin silang lahat, nag-aabang ng anumang mangyayari. "Mrs. Montereal," tawag niya sa akin, pormal ang tono ngunit may kilig akong naramdaman sa pagbigkas niya ng apelyido ko. "I just came to check if you’re doing okay. Have you had lunch yet?" Napatingin ako sa mga kasamahan ko, na ngayon ay nag-aabang ng sagot ko. Napangiti ako, pilit na itinatago ang nerbiyos. "Yes, Mr. Montereal.
Chapter 038 Tumigil ang mundo ko sa sandaling iyon. Hindi ko magawang magsalita. Ang dami kong gustong itanong, pero parang may bara sa lalamunan ko. Ang mga mata ko ay nakatuon kay Cris, naghihintay ng paliwanag, pero nanatili siyang nakatulala kay Cassandra at sa batang hawak nito. Ang lahat ng tapang na naipon ko para sabihin sa kanya na mahal ko na siya ay biglang naglaho. Parang lahat ng plano ko para sa amin ay biglang gumuho dahil sa hindi inaasahang pagdating ng ex niya—kasama pa ang isang batang sinasabing anak nila. "Cris, ano to?" tanong ko, sa wakas ay nakahanap ng lakas para magsalita, pero halos pabulong lang. Tumingin siya sa akin, bakas ang pagkabalisa sa kanyang mukha. "Merlyn, I swear, hindi ko alam ang tungkol dito," sagot niya, halatang desperado na maipaliwanag ang sarili. "Aba, syempre hindi mo alam," sabat ni Cassandra, halatang galit pa rin. "Oo, inamin ko na iniwan kita sa araw mg kasal natin, pero noong panahon na pinakamahirap para sa akin at nagsis
Chapter 039Habang naglalakbay kami, pakiramdam ko’y unti-unti nang nawawala ang bigat ng aking puso. Hindi ko pa kayang magkuwento ng lahat ng nangyari, pero sa tuwing tumitingin ako kay Alexa, parang may kabuntot na pag-asa. Hindi siya nagmamadali, hindi rin siya nagtatanong—nagbibigay lang siya ng espasyo para sa akin, at para sa unang pagkakataon mula nang umalis ako sa mansyon, naramdaman ko na hindi ako nag-iisa."Salamat," sabi ko nang mahina, hindi ko kayang ipaliwanag kung gaano kabigat ang mga salitang iyon, pero kailangan ko siyang pasalamatan.Tiningnan ako ni Alexa, at ang mata niyang may kalaliman ay hindi ko rin maipaliwanag. "Wala 'yan," sagot niya, habang nagmamaneho nang maayos. "Laging may mga panahon ng pagsubok. Ang mahalaga, alam mong makakaya mong magpatuloy."Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ang madilim na kalangitan. Hindi ko alam kung saan kami papunta, ngunit sa oras na iyon, hindi ko na rin inaalintana. Ang bawat paghinga ko, isang hakbang palayo
Chapter 060Cris POVNapailing ako habang pinagmamasdan si Merlyn na namumula pa rin sa sinabi ni Mommy. Ang cute niyang makita na ganito—nahihiya pero hindi makapagsalita.Lumapit ako sa kama at naupo sa tabi niya. “Sweetheart, bakit parang gusto mong lumubog sa kama?” biro ko habang iniaabot sa kanya ang gamot at tubig.Sinamaan niya ako ng tingin bago marahang kinuha ang baso. “Ikaw kasi! Kung hindi mo lang ako pinagod ng ganito, hindi ako mapapansin ni Mommy!”Hindi ko napigilan ang ngiti ko. “Alam mo, dapat nga nagpapasalamat ka sa akin. Ngayon, may dagdag na supporter tayo sa ‘plano’ natin.”Napangiwi siya at uminom ng gamot. “Anong plano?”Hinaplos ko ang pisngi niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na bumagsak sa mukha niya. “Ang magkaroon ng baby.”Halos mabulunan siya sa narinig at mabilis na tiningnan ako. “Cris! Hindi ko pa sinasabing ready ako diyan!”Tumawa ako at hinila siya papalapit para yakapin. “Alam ko, sweetheart. Pero ‘di ba sabi mo kanina, wala nang bawian?” b
Chapter 059 Merlyn’s POV Napangiwi ako habang dahan-dahang bumangon sa kama. Pakiramdam ko’y dinaanan ako ng bagyo. Ang sakit ng buong katawan ko, lalo na sa ibabang bahagi, kaya napahawak ako sa bewang ko habang naglalakad papunta sa banyo. “Cris, hindi ka man lang naawa sa akin,” bulong ko sa sarili habang hinahagod ang balakang ko. Pagtingin ko sa salamin, nakita ko ang sarili kong punong-puno ng kiss marks—sa leeg, sa balikat, pati na rin sa collarbone. Para akong naging canvas ng isang lalaking hindi marunong maghinay-hinay. Napaungol ako sa inis pero hindi ko rin napigilang mapangiti. Kahit masakit ang katawan ko, hindi ko maitatangging masaya ako. Napalingon ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Cris, nakangiti at may dala pang tray ng pagkain. “Good morning, sweetheart,” aniya, habang inilalapag ang tray sa tabi ng kama. Napansin niya ang paraan ng paglalakad ko kaya agad siyang lumapit at inalalayan ako. “Masakit pa ba?” tanong niya, puno ng pag-aalala. Sina
Chapter 058 Cris POV Hindi ko inaasahan ang biglang sinabi ni Merlyn. "Cris, let's make a baby!" Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa isip ko, at hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkapula ng kanyang mukha, ang mabilis na pag-iwas ng kanyang tingin—halatang-halata ang hiya at pagsisisi sa biglaan niyang pagsambit. Pero sa halip na malito o matawa, may kung anong init ang gumapang sa loob ko. Napakatagal kong hinintay ang pagkakataong ito—na makita siyang kusa akong piliin, hindi dahil sa obligasyon o dahil sa kasal namin, kundi dahil gusto niya. Mabilis siyang tumayo, halatang gusto nang takasan ang sitwasyon. "Nakalimutan mo na! Burahin mo sa utak mo!" Pero hindi ko siya hinayaang lumayo. Agad kong hinawakan ang kanyang braso at hinila pabalik, dahilan para mapadikit siya sa dibdib ko. “Bakit ka biglang nahihiya?” tanong ko, idinidikit ang labi ko malapit sa kanyang tainga. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, pati na rin ang mabil
Chapter 057 Nagkatinginan ulit sila ng fiancé niya bago muling bumaling sa akin si Alexa. “Kasi… gusto na naming bumuo ng pamilya.” Napahinto ako. Bumuo ng pamilya? Doon ko lang napansin ang bahagyang pamumula ng pisngi niya, ang mahigpit na hawak ng fiancé niya sa kanyang kamay, at ang mahiya-hiya ngunit masayang kislap sa kanyang mga mata. “Alexa…” Hindi ko napigilang mapaawang ang labi ko. “Naglilih—” Tumawa siya nang mahina at tumango. “Oo.” Natulala ako saglit bago bumalik sa sarili ko. Hindi ko alam kung matatawa, maiiyak, o yayakapin siya kaagad. Sa huli, ginawa ko ang lahat ng iyon—natawa ako, napaluha, at yinakap siya nang mahigpit. “Grabe ka! Dapat kanina mo pa sinabi!” bulalas ko habang hinahaplos ang kanyang likod. Natawa siya at mas hinigpitan ang yakap niya sa akin. “Gusto ko lang na ikaw ang unang makaalam, bukod sa fiancé ko.” Lumingon ako sa fiancé niya, na nakatingin sa amin nang may matamis na ngiti. “Salamat at inaalagaan mo ang kapatid ko,” seryoso kong s
Chapter 056Dahan-dahan kong isinandal ang noo ko sa dibdib ni Cris, dinadama ang tibok ng kanyang puso—matibay, walang pag-aalinlangan. Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng ganitong katiyakan, habang ako ay naguguluhan pa rin sa dami ng emosyon sa loob ko. Pero kahit paano, sa sandaling ito, gusto kong hayaan ang sarili kong sumandig sa kanya.“Cris…” mahina kong tawag, halos isang bulong lang sa pagitan naming dalawa.“Hmm?” Sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko.“Paano kung… paano kung isang araw, dumating ang pagsubok na mas mahirap pa sa ngayon? Paano kung hindi na natin kayang ipaglaban ito?”Ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan bago siya huminga nang malalim. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at bahagyang lumayo upang tingnan ako sa mata. Sa ilalim ng liwanag ng chandelier, malinaw kong nakita ang determinasyon sa kanyang mga mata.“Walang ‘paano kung’ sa akin,” sagot niya, diretso at puno ng paninindigan. “Hindi ako kailanman bibitaw, kahit ano pa ang d
Chapter 055 Bago pa siya makapagsalita pa ulit, isang maharlikang babae ang lumapit mula sa gilid—ang Mommy ni Cris, nakataas ang noo at puno ng awtoridad ang bawat hakbang. "Jessa, my dear," matigas ngunit may bahid ng pakikisuyo ang tinig nito. "Anong karapatan mong sabihin ang mga salitang ‘yan?" Tumigil si Jessa. "Sabihin ko sa’yo," patuloy ng Mommy ni Cris, "totoo ang kasal nilang dalawa dahil ako mismo ang pumunta sa register office para tiyakin na legal ito." Tahimik ang buong bulwagan. Ramdam ko ang pagluwag ng aking dibdib, na parang isang mabigat na pasan ang unti-unting inalis. Jessa, sa unang pagkakataon, ay nawalan ng sagot. Nanginginig ang kanyang mga labi, tila hindi matanggap ang naging sagot sa kanyang akusasyon. Hanggang sa bumaling siya kay Cris, ang kanyang mga mata puno ng sama ng loob. "You’ll regret this," aniya, bago mabilis na tumalikod at lumabas ng bulwagan, iniwan ang isang katahimikang kasingbigat ng kanyang rebelasyon. Napatingin ako kay C
Chapter 054 Naramdaman ko ang marahang paghila ni Cris sa akin. Iniharap niya ako sa karamihan, pero hindi niya binitiwan ang kamay ko. "Smile," bulong niya, tila isang utos pero puno ng lambing. Pilit akong ngumiti, pero bago pa ako makapagsalita, may isang pamilyar na boses ang biglang sumingit mula sa gilid ng silid. “Talaga bang siya lang ang may karapatan kay Cris?” Napatigil ako. Lahat ng mata ay napunta sa direksyon ng nagsalita. At nang lumingon ako, para bang tumigil ang paghinga ko. Dahil sa harap ng lahat, nakatayo ang isang babae na hindi ko inakalang makikita ko sa ganitong sitwasyon. Si Jessa. Ang ex-girlfriend ni Cris. At sa paraan ng kanyang pagkakatayo, sa titig niyang matalim at puno ng determinasyon, alam kong hindi lang siya basta dumaan para bumati. May balak siya. At hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.Agad naging tumahimik ang buong bulwagan sa sinabi nito.Nagtama ang mga mata namin ni Jessa. Sa ilalim ng maliwanag na chandelier, para akong n
Chapter 053KinabukasanAgad akong inayusan ng mga makeup artists. Sa harap ng malaking salamin, pinagmasdan ko ang sarili ko—ibang-iba sa simpleng Merlyn na kilala ko. Ang mahabang gown na suot ko ay eleganteng bumagay sa aking katawan, at ang makeup na inilagay sa akin ay nagbigay-diin sa natural kong ganda. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may kaba pa rin akong nararamdaman.“Ang ganda mo, iha.” Lumapit si Mama at hinawakan ang aking kamay. “Alam kong hindi ka sanay sa ganitong atensyon, pero tandaan mo, wala kang dapat ikatakot.”Huminga ako nang malalim at bahagyang tumango.Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito at bumungad si Cris. Halos mapatigil ako sa paghinga nang makita ko siya. Suot niya ang isang itim na tuxedo, at kahit ilang beses ko na siyang nakita, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan siya nang ganito kaayos.“Wow,” bulong niya habang nakatitig sa akin. “Hindi ko alam na kaya mo palang maging mas maganda pa.”“Wala kang hiya,” sagot ko, kahit na ra
Chapter 052Napangiti ako nang marinig ang boses ni Mrs. Montereal. Kahit paano, sa kabila ng lahat, may bahagi sa kanya na nagpapadama sa akin na tanggap na niya ako bilang bahagi ng pamilya nila.“Saka na ‘yang dramahan, lumalamig na ang almusal,” dugtong niya habang nakapamewang, pero may bakas ng lambing sa kanyang tinig.Napatingin ako kay Cris, na bahagyang napailing pero may ngiting sumilay sa kanyang labi. “Tara na, wife. Baka pagalitan pa tayo ni Mama.”“Wife ka diyan,” mahina kong bulong pero hindi ko napigilan ang pagngiti.Hinila ako ni Alexa patungo sa hapag-kainan, at doon ko nakita ang masarap na pagkaing inihanda. May sinangag, pritong itlog, tapa, at isang mainit na tasang kape—parang isang tipikal na almusal ng isang masayang pamilya.Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapaisip. Ilang araw pa lang ang nakakalipas mula nang maramdaman ko ang kawalan ng pag-asa, pero ngayon, nandito ako—kasama ang isang pamilyang tila tanggap na ako, at isang lalaking unti-unting nagi