Share

CHAPTER 4: PAGTANGIS NI REBECCA

MAYABANG NA NAGPAPAYPAY ng abaniko si Zenaida sa labas ng pintuan ng bahay habang nakatanaw sa bakuran. Ang buong akala niya ay nagawa na ng kausap niya kagabi ang iniutos niya dito ngunit nagulat siya nang makita si Rebecca na naglalakad at mayroong mga dalang damit sa balde. Tila galing ito sa ilog at naglaba ng mga damit nila. Hindi siya makapaniwala habang gigil na gigil na tinititigan ito.

Nang nasa pintuan na si Rebecca ay bumati siya kay Zenaida bilang paggalang. Bahagya siyang yumukod sa kaniyang biyenan. “M-Magandang umaga po, Ma. . .” 

Umismid si Zenaida at umirap. “Ano ang maganda sa umaga? Tuwing makikita ko ang pagmumukha mo ay nasisira ang aking araw, Rebecca! Hindi ko alam kung ano ba ang nakita sa iyo ng aking anak at sa dami ng mga matitinong babae ay ikaw pa talaga ang nagawa niyang pakasalan!”

Hindi pa makukuntento si Zenaida at lumapit pa kay Rebecca. Sinabunutan niya ito sa buhok kaya’t nabitawan nito ang hawak na balde na mayroong laman na nilabhang damit.

“Aray nasasaktan po ako. . . Pakiusap po. . . Tama na po, Ma!” umiiyak na pagmamakaawa ni Rebecca habang nagpupumiglas.

“Talagang masasaktan ka dahil ang mga katulad mong babae ay dapat hindi inaasawa! Bagay ka lang sa kusina at maging muchacha habambuhay. Kahit kailan, hinding-hindi kita matatanggap na maging manugang ko. Ayaw kong malahian ang pamilya namin ng isang pobre at mukhang pera na katulad mo!” pang-iinsulto ni Zenaida habang nakasabunot sa buhok ni Rebecca at kinakaladkad papasok ng bahay. Padaskol niyang binitawan ito kaya’t napasalampak ito sa sahig. Hindi niya napigilang ngumisi habang nakatitig sa umiiyak na mukha nito. 

Bigla namang lumabas ng kwarto si Roland at pasigaw na sasawayin ang kanyang ina.”Tumigil ka, Mama! Bitawan mo ang asawa ko!”

Sabay napalingon sina Zenaida at Rebecca kay Roland. Gulat na gulat silang pareho lalong lalo na si Zenaida na ang buong akala nya ay nasa ilalim pa rin ng amnesia ang anak.

“R-Roland. . . A-Anak?” hindi makapaniwalang pagtawag ni Zenaida sa anak na si Roland.

Habang si Rebecca naman ay umiiyak na nakatingin sa kaniyang asawa na si Roland na nakatitig din sa kaniya. Nilapitan siya nito at maingat na inalalayan para makatayo. Halos dumikit ang kanilang katawan. At walang pag-aalinlangan na yumakap siya sa kaniyang asawa.

“Mahal? Ikaw na ba talaga iyan? Nagbalik na ba ang iyong mga alaala?” magkahalong tuwa at pagkasabik na sambit ni Rebecca.

Ngunit imbes na sagutin ay biglang natulala si Roland at napahawak sa kaniyang ulo. Umungol ito na parang nasasaktan kaya’t nilamon ng pag-aalala sina Rebecca at Zenaida. 

Agad na tinulak ni Zenaida si Rebecca para daluhan ang anak. “A-Anak. . . N-Nandito lang si Mama. . . H-Hinding-hindi kita iiwan. . .”

Sobrang sikip ng dibdib ni Rebecca. Gusto sana niyang lapitan ang asawang si Roland ngunit ayaw siyang palapitin ng kaniyang biyenan. Kahit papaano ay nagkaroon siya ng pag-asa dahil mukhang nagbabalik na ang alaala ng kaniyang asawa. 

Nang nahimasmasan si Roland ay galit na galit na naman ito. “Sino ba kayo at lagi kayong nag-aaway at anong ginagawa ninyo rito?” 

Tila bumagsak ang umuusbong na pag-asa para kay Rebecca. Nagsimulang pumatak ang kaniyang mga luha.  “M-Mahal. . .  A-Akala ko ba ay naaalala mo na ako? Ako ito si Rebecca ang asawa mo.”

Puno ng pagkalito ang mukha ni Roland. “Naririnig ko na madalas mong sabihin na asawa kita. Kaya para matigil kayo sa pag-aaway ninyo ay tinawag kitang gano’n. Bakit, may mali ba?” 

Natawa naman nang malakas si Zenaida at puno ng pang-iinsultong tinignan si Rebecca na mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa. 

“Huwag ka nang mag-ilusyon pa, Rebecca. Kahit kailan ay hindi ka na maalala pa ng anak ko at hindi ka na niya kikilalanin bilang asawa. Kaya huwag ka nang umasa pa na mamahalin ka ni Roland!” sarkastikong turan ni Zenaida. 

Hindi na lamang sumagot si Rebecca at umiyak na lang. Buong akala pa naman niya ay nagbalik na ang alaala ng kanyang asawa ngunit hindi naman pala. 

Nasa gano’n silang sitwasyon nang biglang mayroong pumasok na isang babae. Maputi ito, makinis, balingkinitan ang katawan, at higit sa lahat, mukha itong mayaman base sa pananamit nito na sinamahan pa ng mga mamahaling alahas. Kumikinang ang katawan nito sa damit at alahas na suot. 

“Hello, I’m back! Kumusta po kayo, Tita Zenaida? Did you miss me? Teka, ito na ba si Roland?” maarteng boses na bati nito sa kanila at bumaling kay Roland.

“C-Cynthia? I-Ikaw na ba iya, Hija?” gulat na tanong ni Zenaida habang tinitigan ang paborito niyang nobya ng kaniyang anak mula ulo hanggang paa.

“Of course, Tita! I’m one and only Cynthia Sebastian who was your son’s ex-girlfriend. I hope I didn’t disturb you,” matinis na boses na sagot nito na nagpa ikot ikot pa sa harapan nila na tila isang model.

“Jusko! Nagbalik ka na talagang tunay, Hija! Napakaganda mo na lalo. Huwag mo na lang pansinin ang nangyari,” masayang turan ni Zenaida at mabilis na niyakap si Cynthia at iginiya sa sofa. “Halika at maupo ka na muna. Bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating ka para naipagluto kita ng pagkain? Teka, dumalaw ka na ba sa pamilya mo?” 

“Ayaw ko nang makita pa ang mga kapatid ko, Tita. Remember, simula nang namatay sina Mommy at Daddy Papa ay wala nang rason para magkita pa kami dahil kapatid ko lang naman sila sa ama. Wait, siya ba ang katulong ninyo, Ttita? Pakisabi naman na kunin niya ang mga bagahe ko sa labas kasi may mga pasalubong akong dala para sa inyo ni Roland,” maarteng sabi ni Cynthia na ang tinutukoy ay si Rebecca.

Agad na tumango si Zenaida. “Ah, oo. . . Katulong nga namin siya rito sa bahay, Hija.”

Nanlaki naman ang mga mata ni Rebecca. Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ng kaniyang biyenan.

“Rebecca, kunin mo raw ang mga bagahe sa labas. Ingatan mo at may mga pasalubong na laman iyon para sa aming dalawa ni Roland. Huwag kang tatanga-tanga at malilintikan ka sa akin!” paasik na utos ni Zenaida kay Rebecca. 

Agad na lumapit si Cynthia kay Roland. Ngunit napahiya ito nang biglang umalis si Roland sa harapan niya at padabog na pumasok sa kwarto at nag-lock ng pintuan. 

Naguguluhang napabaling ng tingin si Cynthia kay Zenaida ngunit agad na nag-iwas ng tingin si Zenaida sa kaniya. Kaya naman ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon at bumaling kay Rebecca na hindi pa rin kumikilos para kunin ang mga bagahe niya sa labas.

“Hey, are you dumb? Bakit nakatunganga ka pa rin d’yan? Hindi ba’t ang sabi ko ay kunin mo ang mga bagahe ko sa labas? Huwag kang tatamad-tamad. Simula ngayon, susunod ka na sa mga utos ko dahil dito na ako titira sa bahay nina Tita Zenaida at Roland. Right, Tita?” mataray na turan ni Cynthia nang tuluyan nang umupo sa sofa habang naka-dekwatro. 

“Oo naman, Hija. Lagi kang welcome rito sa bahay. Isa pa, maganda na nandito ka para may katuwang akong maglinis at magtapon ng mga basura,” makahulugang sabi ni Zenaida na tumingin kay Rebecca. 

Napairap si Cynthia. “What the hell! Basura, Tita? Are you serious? Yuck! Hindi ako nagtatapon ng basura! Pero kung babaeng umaaligid kay Roland ay puwede pa. Roland is mine, and I want him back no matter what happens.”

At sabay na tumawa nang malakas sina Cynthia at Zenaida at nag-apir. Walang nagawa si Rebecca kung hindi sumunod. Lumabas na siya para kunin ang mga bagahe ng bisita habang mabigat ang dinadala sa kaniyang dibdib. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status