Home / Romance / THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE / CHAPTER 3: SAKRIPISYO NI REBECCA

Share

CHAPTER 3: SAKRIPISYO NI REBECCA

Author: Musika
last update Last Updated: 2024-08-29 13:05:03

NAGHAHANDA NA NG TANGHALIAN si Rebecca para pakainin ang kaniyang asawa na si Roland at painumin ng gamot nang bigla siyang nilapitan ng kaniyang biyenan na si Zenaida.

“Walang hiya ka, Rebecca! Nawawala ang aking mga gintong alahas sa loob ng bag ko. Aminin mo nga sa akin, saan mo ba dinala ang mga alahas ko?” galit na pag-aakusa ni Zenaida kay Rebecca habang dinuduro-duro niya ito sa sentido.

“Po? Teka po, wala naman po akong alam sa mga alahas mo, Ma. . . Hindi ko pa nga po nakikita ang itsura ng iyong bag. At saka kung nakita ko po iyon ay hindi po ako magiging interesado sa gamit na pagmamay-ari mo po,” mahabang paliwanag ni Rebecca sa kaniyang biyenan. Gulat na gulat siya sa paratang nito sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawang masama rito.

Umismid si Zenaida at biglang sinabunutan si Rebecca na halatang nagulat sa inasta ng kaniyang biyenan. Halos mapaiyak sa sakit si Rebecca na sobrang ikinasiya Zenaida. 

“Ang kapal talaga ng mukha mo! Ang ayaw ko sa lahat ay iyong nagsisinungaling kahit huling-huli na! Isa ka talagang magnanakaw, Rebecca!” asik ni Zenaida na patuloy sa pananakit kay Rebecca. Wala siyang pakialam kahit halos malagas na ang buhok nito sa kaniyang ginagawang pananabunot. 

“M-Ma, pakiusap, tama na po. . . W-Wala po akong kasalanan. H-Hindi ko po alam ang iyong sinasabi sa akin,” umiiyak na pagmamakaawa ni Rebecca.

Nakasabunot sa buhok na hinila pakaladkad ni Zenaida si Rebecca papasok sa kwarto. “Kung talagang wala kang alam sa nawawala kong mga alahas, halika sumama ka sa akin at hahalughugin ko ang mga gamit mo sa loob ng iyong kwarto!”

Nang makapasok sina Zenaida at Rebecca sa loob ng kwarto ay padaskol niyang binitawan ito. Nagmamadali at pwersahang kinuha ni Zenaida ang bag nito at binuksan. Ibinuhos niya sa sahig ang lahat ng laman ng bag at tumambad sa paningin nilang dalawa ang mga tumpok ng mga alahas na halatang mamahalin at kumikinang sa ganda.

Nanlaki ang mga mata ni Rebecca sa nakita. Nagulat siya kung bakit napunta doon ang mga iyon kahit hindi naman niya naalala na mayroon siyang inilagay na ganoon. Isa itong malaking pagkakamali. Idinidiin siya ng sariling biyenan sa kasalanang hindi niya ginawa.

“Oh, nakita mo na! Sinasabi ko na nga ba! Sinungaling ka, Rebecca! Magnanakaw ka talagang babae ka! Dapat sa iyo ay pinuputulan ng mga kamay para hindi mo na magagawa ang pagnanakaw mo! Wala ka talagang kwentang babae! Magdadala ka lang ng kahihiyan sa pamilyang ito!” asik ni Zenaida at halos ingudngod na siya sa sahig.

Mas lalong umiyak sa sakit si Rebecca dahil sa ginagawa ng kaniyang biyenan na pananakit. “M-Ma, wala po talaga akong alam sa mga alahas na iyan. . . M-Mali po kayo ng sinasabi sa akin. . . H-Hindi ko po alam kung paano napunta ang mga iyan sa aking gamit.  P-Pakiusap po, tama na po. . .”

Suminghal si Zenaida. “Huwag na huwag mo nga ako matawag-tawag na Mama dahil wala akong anak at manugang na magnanakaw at sinungaling! At kung hindi ka lang kasal kay Roland, baka matagal na kitang pinalayas dito sa mismong bahay ng anak ko!”

Natigil lamang sa pananakit ang biyenan ni Rebecca nang pumasok si Roland sa kwarto. Agad siyang binitawan ng kaniyang biyenan at lumayo.

“Ano ba ang nangyayari sa inyo? Lagi na lang kayong nag-aaway at maingay sa bahay. Hindi ba talaga kayo titigil?” galit na sigaw ni Roland.

“Nakita mo na? Pati ang anak ko naiingayan at hindi na makapagpahinga nang maayos dahil sa kagagawan mo! Magnanakaw ka! Sinungaling ka!” patuloy na pag-aakusa ni Zenaida kay Rebecca.

“Magnanakaw? Sinungaling? Ano po ba iyon? At saka sino ba kayo at bakit dito pa kayo sa bahay ko nag-aaway? Hindi ko kayo kilala kaya pwede bang umalis na kayo rito!” galit na sabi ni Roland na litong-lito sa mga nangyayari.

Nilamon naman ng takot ang dibdib ni Rebecca.

“M-Mahal, ako to si Rebecca. . . A-Ako ang asawa mo. . . K-Kasal tayo at mahal na mahal mo ako,” nagsusumamong sabi ni Rebecca na tumayo na mula sa pagkakasalampak sa sahig. Ipinakita pa niya ang suot na singsing na ibinigay ng asawa sa kaniya.

“Wala akong alam sa mga sinasabi ninyo. Mabuti pa at iwanan ninyo na ako! Hindi ko kailangan ng bisita rito! Alis!” galit na pagtataboy ni Roland sa dalawa.

At gaya ng dati, para matahimik na si Roland at hindi na lumala pa ang sitwasyon ay umalis na lang sina Rebecca at Zenaida. Ngunit bago pa man nakalagpas si Zenaida sa harapan ni Rebecca ay dinuraan niya ang mukha nito saka tumawa nang malakas..

***

KINABUKASAN, habang nakaupo sa labas ng bahay si Roland at nagpapahangin at nakatingin sa kawalan. Lumapit si Rebecca at umupo sa harapan ng asawa habang hawak ang mga kamay nito.

Malungkot na ngumiti si Rebecca dahil walang reaksyon ang kaniyang asawa kahit nasa harapan na siya nito. “Roland, kumusta ka na? Miss na miss na kita, Mahal. . . Miss na miss ko na ang mga araw na masaya tayo at nagtatawanan habang nag-uusap ng mga bagay-bagay sa ating buhay. Miss na miss ko na ang mga araw na magkasama tayong bumubuo ng mga pangarap natin para sa isa’t-isa. Hindi ba’t gusto mo magkaroon tayo ng tatlong malulusog na anak? Hindi ba’t sabi mo ay mamasyal tayo sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan?”

Pumatak ang luha mula sa mga mata ni Rebecca. “S-Sana ay bumalik na ang alaala mo at para bumalik na rin tayo sa dati, Mahal. H-Hirap na hirap na kasi ako sa sitwasyong ito. . . H-Hindi ko na kayang pakisamahan pa si Mama Zenaida. . . H-Halos araw-araw niya akong isinusumpa kapag nakikita niya ako. R-Ramdam ko na ayaw niya talaga sa akin para sa iyo, Mahal. K-Kailangan kita, Roland. . . I-Ikaw lang ang tanging pag-asa ko para makawala sa hirap at pagmamalupit ng iyong ina. . . ”

Unti-unting napatingin si Roland at dahan-dahan na hahaplusin ang buhok ni Rebecca. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Biglang tumulo ang kaniyang luha na tila nauunawaan ang sinasabi nito sa kaniya kahit wala siyang maintindihan.

Ngunit hindi nakita ni Rebecca ang mga luha na iyon mula sa mga mata ni Roland. Sa halip ay tahimik siya na tumayo at iniwanan ito. Pagod na pagod na siya at hirap na hirap sa sitwasyon. Gusto niyang umalis ngunit hindi niya magawa dahil ayaw niyang iwanan ang asawa na kailangan ng kaniyang kalinga at pagmamahal.

Sa isang madilim na bakuran, mayroong kausap na lalaki si Zenaida. Mahina ang kanilang usapan na tila ba ayaw nilang may makarinig sa kanila.

“Gusto kong gawin mo ang ipinagagawa ko sa iyo sa lalong madaling panahon. Hindi na dapat pang makita ng kahit sino si Rebecca bukas. Malaking halaga ang handa kong ibigay sa iyo basta’t sundin mo lang ang utos ko. At ayaw ko nang maruming trabaho, naiintindihan mo?” galit at pabulong na utos ni Zenaida sa kausap.

Tumango lang ang kausap. ”Huwag ka pong mag-aalala, Madam. Makakaasa ka po na magtatagumpay ang iyong plano. Hinding-hindi ko po kayo bibiguin..”

Napairap si Zenaida habang maarteng nakatingin dito. ”Siguraduhin mo lang na magiging maayos ang lahat kung hindi ay malilintikan ka sa akin. Sige na, umalis ka na at baka may makakita pa sa iyo rito. Mag-iingat ka. Uulitin ko, ayaw ko nang maruming trabaho.”

Nang umalis na ang kausap ay nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay si Zenaida na parang walang nangyari. Ngunit ang hindi nila alam, mayroong dalawang tainga at mata na lihim na nakakita at nakarinig sa maitim nilang plano.

Related chapters

  • THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE   CHAPTER 4: PAGTANGIS NI REBECCA

    MAYABANG NA NAGPAPAYPAY ng abaniko si Zenaida sa labas ng pintuan ng bahay habang nakatanaw sa bakuran. Ang buong akala niya ay nagawa na ng kausap niya kagabi ang iniutos niya dito ngunit nagulat siya nang makita si Rebecca na naglalakad at mayroong mga dalang damit sa balde. Tila galing ito sa ilog at naglaba ng mga damit nila. Hindi siya makapaniwala habang gigil na gigil na tinititigan ito.Nang nasa pintuan na si Rebecca ay bumati siya kay Zenaida bilang paggalang. Bahagya siyang yumukod sa kaniyang biyenan. “M-Magandang umaga po, Ma. . .” Umismid si Zenaida at umirap. “Ano ang maganda sa umaga? Tuwing makikita ko ang pagmumukha mo ay nasisira ang aking araw, Rebecca! Hindi ko alam kung ano ba ang nakita sa iyo ng aking anak at sa dami ng mga matitinong babae ay ikaw pa talaga ang nagawa niyang pakasalan!”Hindi pa makukuntento si Zenaida at lumapit pa kay Rebecca. Sinabunutan niya ito sa buhok kaya’t nabitawan nito ang hawak na balde na mayroong laman na nilabhang damit.“Aray

    Last Updated : 2024-08-29
  • THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE   CHAPTER 1: ANG TRAHEDYA SA KASALAN

    HALOS TAKASAN si Rebecca ng katinuan sa bawat haplos at hagod sa kaniyang katawan ng kanyang fiancé na si Roland. Kapwa sila walang kahit anong saplot sa katawan at ninanamnam ang init ng balat ng bawat isa. Isang gabi iyon na punong-puno ng kasabikan at marubdob na pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa na pinupuno ng naglalagablab na halik.Humalinghing si Rebecca nang maramdaman niya ang pagdausdos ng labi at dila ni Roland sa kanyang leeg, naramdaman niya rin ang pagbaba ng mga labi nito sa dalawang umbok ng kaniyang dibdib at nagtagal iyon ng paikot-ikot na tila may kung anong hinuhukay doon. Ilang minutong nagtagal sa tuktok noon ang mga labi at dila ni Roland bago naramdaman ni Rebecca na mas lalo pang bumababa ang mga maaalab na halik ng lalaki. Bumaba iyon sa kaniyang tiyan, puson, at hanggang sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napasabunot siya sa buhok ng lalaki nang maramdaman ang mainit na labi nito sa kanyang pagkababae. Hindi niya mapigilan na maidiin ang mukha ni Roland d

    Last Updated : 2024-08-29
  • THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE   CHAPTER 2: PAGKABALISA NI REBECCA

    ANG DAMING GUMUGULO sa isipan ni Rebecca sa mga nakalipas na araw. Kakakasal lamang nilang dalawa ni Roland ngunti sinubok agad ang kanilang pagsasama.‘Paano na ang aming pagsasama? Makikilala pa ba kaya niya ako oras na magising siya mula sa pagiging comatose?’Mas lalong nadagdagan ang kaniyang problema kapag oras na malaman ng ina ni Roland ang nangyari. Paniguradong mag-uumapaw ang galit nito sa kaniya.Panay ang pagdasal ni Rebecca na magising na ang kaniyang asawa na si Roland. Agad iyon tinugon ngunit hindi mas lalong sumikip ang kaniyang dibdib sa sakit dahil hindi siya maalala nito.Ayon sa doktor, nagkaroon ng Retrograde Amnesia ang asawa ni Rebecca na si Roland. Ipinaliwanag nito ang kondisyon ng kaniyang asawa. Habang pinapakinggan niya ang mga iyon ay libong-libong patalim ang tumutusok sa kaniyang puso. Hindi niya matanggap ang pangyayaring ito.At dahil sa kundisyon ni Roland, kinailangan iuwi ni Rebecca sa bahay at doon ay alagaan na lamang at bigyan ng lunas ayon sa

    Last Updated : 2024-08-29

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE   CHAPTER 3: SAKRIPISYO NI REBECCA

    NAGHAHANDA NA NG TANGHALIAN si Rebecca para pakainin ang kaniyang asawa na si Roland at painumin ng gamot nang bigla siyang nilapitan ng kaniyang biyenan na si Zenaida.“Walang hiya ka, Rebecca! Nawawala ang aking mga gintong alahas sa loob ng bag ko. Aminin mo nga sa akin, saan mo ba dinala ang mga alahas ko?” galit na pag-aakusa ni Zenaida kay Rebecca habang dinuduro-duro niya ito sa sentido.“Po? Teka po, wala naman po akong alam sa mga alahas mo, Ma. . . Hindi ko pa nga po nakikita ang itsura ng iyong bag. At saka kung nakita ko po iyon ay hindi po ako magiging interesado sa gamit na pagmamay-ari mo po,” mahabang paliwanag ni Rebecca sa kaniyang biyenan. Gulat na gulat siya sa paratang nito sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawang masama rito.Umismid si Zenaida at biglang sinabunutan si Rebecca na halatang nagulat sa inasta ng kaniyang biyenan. Halos mapaiyak sa sakit si Rebecca na sobrang ikinasiya Zenaida. “Ang kapal talaga ng mukha mo! Ang ayaw ko sa lahat ay iyong nagsis

  • THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE   CHAPTER 2: PAGKABALISA NI REBECCA

    ANG DAMING GUMUGULO sa isipan ni Rebecca sa mga nakalipas na araw. Kakakasal lamang nilang dalawa ni Roland ngunti sinubok agad ang kanilang pagsasama.‘Paano na ang aming pagsasama? Makikilala pa ba kaya niya ako oras na magising siya mula sa pagiging comatose?’Mas lalong nadagdagan ang kaniyang problema kapag oras na malaman ng ina ni Roland ang nangyari. Paniguradong mag-uumapaw ang galit nito sa kaniya.Panay ang pagdasal ni Rebecca na magising na ang kaniyang asawa na si Roland. Agad iyon tinugon ngunit hindi mas lalong sumikip ang kaniyang dibdib sa sakit dahil hindi siya maalala nito.Ayon sa doktor, nagkaroon ng Retrograde Amnesia ang asawa ni Rebecca na si Roland. Ipinaliwanag nito ang kondisyon ng kaniyang asawa. Habang pinapakinggan niya ang mga iyon ay libong-libong patalim ang tumutusok sa kaniyang puso. Hindi niya matanggap ang pangyayaring ito.At dahil sa kundisyon ni Roland, kinailangan iuwi ni Rebecca sa bahay at doon ay alagaan na lamang at bigyan ng lunas ayon sa

  • THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE   CHAPTER 1: ANG TRAHEDYA SA KASALAN

    HALOS TAKASAN si Rebecca ng katinuan sa bawat haplos at hagod sa kaniyang katawan ng kanyang fiancé na si Roland. Kapwa sila walang kahit anong saplot sa katawan at ninanamnam ang init ng balat ng bawat isa. Isang gabi iyon na punong-puno ng kasabikan at marubdob na pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa na pinupuno ng naglalagablab na halik.Humalinghing si Rebecca nang maramdaman niya ang pagdausdos ng labi at dila ni Roland sa kanyang leeg, naramdaman niya rin ang pagbaba ng mga labi nito sa dalawang umbok ng kaniyang dibdib at nagtagal iyon ng paikot-ikot na tila may kung anong hinuhukay doon. Ilang minutong nagtagal sa tuktok noon ang mga labi at dila ni Roland bago naramdaman ni Rebecca na mas lalo pang bumababa ang mga maaalab na halik ng lalaki. Bumaba iyon sa kaniyang tiyan, puson, at hanggang sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napasabunot siya sa buhok ng lalaki nang maramdaman ang mainit na labi nito sa kanyang pagkababae. Hindi niya mapigilan na maidiin ang mukha ni Roland d

DMCA.com Protection Status