Home / Romance / THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE / CHAPTER 1: ANG TRAHEDYA SA KASALAN

Share

THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE
THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE
Author: Musika

CHAPTER 1: ANG TRAHEDYA SA KASALAN

Author: Musika
last update Huling Na-update: 2024-08-29 13:03:54

HALOS TAKASAN si Rebecca ng katinuan sa bawat haplos at hagod sa kaniyang katawan ng kanyang fiancé na si Roland. Kapwa sila walang kahit anong saplot sa katawan at ninanamnam ang init ng balat ng bawat isa. Isang gabi iyon na punong-puno ng kasabikan at marubdob na pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa na pinupuno ng naglalagablab na halik.

Humalinghing si Rebecca nang maramdaman niya ang pagdausdos ng labi at dila ni Roland sa kanyang leeg, naramdaman niya rin ang pagbaba ng mga labi nito sa dalawang umbok ng kaniyang dibdib at nagtagal iyon ng paikot-ikot na tila may kung anong hinuhukay doon. 

Ilang minutong nagtagal sa tuktok noon ang mga labi at dila ni Roland bago naramdaman ni Rebecca na mas lalo pang bumababa ang mga maaalab na halik ng lalaki. Bumaba iyon sa kaniyang tiyan, puson, at hanggang sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napasabunot siya sa buhok ng lalaki nang maramdaman ang mainit na labi nito sa kanyang pagkababae. Hindi niya mapigilan na maidiin ang mukha ni Roland doon.

Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa ligayang dulot sa kanya ni Roland. Habang ang mga kamay ni Roland ay malayang humahaplos sa bawat parte ng kaniyang katawan. Maya-maya ay naramdaman niyang humiga si Roland at tinitigan siya nito sa mga mata bago muling hinalikan ng napakainit at sukdulan ng tamis.

Naramdaman niya na iginiya ni Roland ang kaniyang ulo upang ibaba ito sa ibabang parte ng katawa ng lalake. At kusang nagpatianod lamang si Rebecca at ibinaba ang kanyang ulo sa pagkalalaki ni Roland. Tila musika sa pandinig ni Rebecca ang ungol ni Roland nang balutin niya ng bibig ang pagkalalaki nito at ramdam na ramdam niya ang naghihimutok na galit niyon. Ilang minuto sila sa gano’ng posisyon nang maya-maya ay maingat siyang ihiniga ni Roland sa kama at dahan-dahan itong pumatong sa kaniya bago bumulong.

“Are you ready? Don’t worry, I’ll be gentle,” madamdaming bulong ni Roland habang namumungay ang mga mata na nakatitig sa kaniya.

“Don’t stop please!” Sabik na boses at pakiusap ni Rebecca.

At unti-unting kumilos si Roland upang pasukin ang langit ng ligaya na kanilang inaasam pareho. Napadiin ang mga kuko ni Rebecca nang maramdaman ang pagpasok ng pagkalalaki ng kasintahan sa kaniyang pagkababae. Pakiramdam niya ay may kung anong napunit sa parte na iyon ng kaniyang katawan. Narinig niya ang halos makapigil hiningang pag-ungol ng lalaki sa ibabaw niya habang dahan-dahan itong gumagalaw ng pataas at pababa.

Pabilis iyon ng pabilis ngunit may kalakip na pag iingat at pagmamahal. Ilang segundo ang nakalipas ay unti-unting nagiging agresibo ang bawat galaw ni Roland. Mapang-angkin at tila isang asong gutom na gutom sa pagkain. Ang bawat labi nito ay naglalandas sa bawat maaabot niya sa parte ng katawan ni Rebecca. Halos magiba ang kanilang kama sa labis na pananabik nila sa isa’t-isa.

Halos mabingi na silang pareho sa bawat ungol at halinghing na binibitawan ng kanilang mga bibig. At ilang saglit pa nga ay pumaibabaw sa loob ng silid ang mga malalakas nilang sabay na pag-ungol. 

Ramdam na ramdam ni Rebecca ang panginginig ng kalamnan ng kanyang kasintahan nang maabot nito ang tuktok ng kaligayahan. At siya man ay gano’n din. 

Kapwa sila pagod at hingal na hingal na naghiwalay at magkatabing nahiga habang nakatitig sa kisame. Natapos ang tagpong iyon sa isang mainit at mapagmahal na halik sa kanilang mga labi.

***

KINABUKASAN, masayang naglalambingan habang nag-uusap ang magkasintahan na sina Rebecca at Roland isang umaga sa kanilang kubo habang nagkakape.

“Sa makalawa na pala ang kasal natin, Mahal. Sabik na akong makaisang-dibdib ang matagal ko nang pinapangarap na mapangasawa,” malambing na sabi ni Rebecca habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Roland.

Hinagod ni Roland ang alon-along buhok ni Rebecca habang nakangiti. “Ako rin naman, Mahal. Mas lalo akong sabik na maihatid ka sa altar dahil matagal na nating plano ang ating kasal at matutupad na rin sa wakas.”

Inihilig ni Rebecca ang kaniyang ulo sa maskuladong bisig ni Roland at kinuha nito ang kaniyang kamay para yakapin at kipkipin ito sa dibdib. Natapos sa masaya at matamis na lambingan sa umaga na iyon para sa kanilang dalawa. Tila bang wala nang katapusan ang bawat sandali ng kanilang pagsasama. 

Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at dumating na ang pinakahihintay nila. Tuluyan na nilang itinali ang isa’t-isa bilang ganap na mag-asawa. Walang pagsidlan ang kasiyahan nina Rebecca at Roland sa araw ng kanilang kasal. Maraming dumalong mga bisita subalit ang karamihan ay ang mga kamag-anak lamang sa panig ni Rebecca.

Inaasahan ni Roland na dadalo ang kaniyang ina na si Zenaida sa araw ng kaniyang kasal ngunit hindi niya napigilan ang maging malungkot dahil hindi niya nakita ang anino nito.

Nakita ni Rebecca ang kaniyang asawa na si Roland. Nakaupo sa isang sulok habang tulala at tila malalim ang iniisip. Hindi niya napigilang lumapit at malambing na yumakap dito.

“Bakit parang malungkot ka yata, Mahal? Hindi ka ba masaya na mag-asawa na tayo ngayon?” pagbibirong tanong ni Rebecca.

Natawa si Roland at marahang hinaplos ang kamay ng kaniyang asawa na nakayakap sa kaniya. “Masaya ako na ikinasal tayong dalawa, Mahal. Sa katunayan, ako ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo ngayon dahil sa wakas ay asawa ko na ang babaeng noon ay pangarap ko lang.”

Kinilig naman na nakangiti si Rebecca bago magsasalita. “Kung gano’n, bakit nagsosolo ka rito? Naroon ang mga bisita mo sa lamesa, ayaw mo ba silang samahan?”

Muling nanumbalik sa isipan ni Roland ang hindi pagsipot ng kaniyang ina kanina. “Malungkot lang ako dahil hindi tumupad si Mama sa kaniyang pangako na pupunta siya sa pinaka-espesyal na araw ng aking buhay.”

Napakagat sa labi si Rebecca. Nilamon ng lungkot at sakit ang kaniyang dibdib nang malaman niya ang rason kung bakit malalim ang iniisip ng kaniyang asawa. “Naiintidihan kita, Mahal. . . Baka hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ni Mama na ako ang napangasawa mo kaya hindi siya sumipot.”

Iginiya ni Roland ang kaniyang asawa na si Rebecca para magkaharap silang dalawa. Malambing niyang hinimas ang mga pisngi ng asawa. “Wala siyang magagawa para paghiwalayin tayong dalawa. Tumutol man siya ay handa akong ipaglaban ka mula sa kaniya, Mahal. Ikaw ang gusto kong maging asawa at ina ng aking mga anak. Ikaw lamang ang gusto kong bigyan ng aking apelyido. Simula sa araw na ito, ikaw na si Rebecca Estrella.”

Hindi napigilang lumuha ni Rebecca. Nag-uumapaw ang pagmamahal at saya sa kaniyang puso. Unti- unting inilapit ni Roland ang kaniyang mukha at inanggulo iyon para halikan ang kaniyang labi. Awtomatikong ipinikit niya ang kaniyang mga mata at buong puso na tinugon ang halik ng asawa.

Sinulit ng dalawa ang kanilang oras sa sulok at nilambing ang isa’t-isa habang ang mga bisita ay abala sa pagkain at kasiyahan sa gitna ng selebrasyon.

Maya-maya ay nagpaalam si Roland na aalis sandali at may kukunin sa loob ng bahay. Naiwan naman mag-isa si Rebecca. Wala sa sariling napayakap siya sa kaniyang sarili nang umihip ang malakas na hangin na naghatid ng kilabot sa kaniyang sistema. Bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil hindi pa rin bumabalik ang kaniyang asawa.

Napagpasiyahan ni Rebecca na pumasok at libangin ang kaniyang sarili kasama ang mga bisita. Ngunit napakunot ang kaniyang noo nang nagkakagulo ang mga tao sa selebrasyon. Tila bombang sumabog sa kaniyang utak nang sabihin nilang naaksidente si Roland.

Dali-daling tinungo ni Rebecca ang kinaroroonan ng mga tao na tila ba hindi magkandatuto sa pagkataranta. Nang marating niya ito ay halos maubusan siya ng hininga at ulirat sa kaniyang nakita. Nakahandusay si Roland sa lupa at duguan ang ulo nito. Isang lalaking kaibigan nila ang nag-prisinta na buhatin ito at isakay sa tricycle ng isang bisita upang mabilis itong dalhin sa pinakamalapit na pagamutan. 

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, habang naglalakad si Roland galing sa loob ng kanilang bahay upang kunin ang greeting card na ibibigay sana nito kay Rebecca ay aksidente itong nabagsakan ng isa sa mga kahoy na matigas na ginamit bilang haligi para sa pagtatayo ng ginawang pansamantalang bubong sa reception ng kanilang kasal. Agad itong bumagsak at agad na nawalan ng malay. At ang kasunod na nakita na nga nila ay ang duguan nitong ulo at nakahandusay na katawan sa lupa.

Napapisil si Rebecca sa mga braso matapos pakinggan ang kwento ng may-ari ng tricycle na siya ring saksi sa buong pangyayari. Nasa labas sila ng pintuan noon ng emergency room at inaantay ang resulta ng paggamot kay Roland. Hindi siya makapaniwala na ganoon lang kabilis ang lahat ng pangyayari. Nagsisimula pa nga lang ang masaya at malambing na araw nila ng kanyang asawa ngunit parang magtatapos na ito kaagad.

Napa-igtad si Rebecca nang marinig niya na nagbukas ang pintuan ng emergency room at iniluwa noon ang isang medyo may-edad na lalaking nakasuot ng puti. Tila hindi magandang balita ang hatid nito base sa itsura ng mukha at pagkakatingin nito sa kanya.

“Ikaw po ba ang asawa ng pasyente?” tanong nito sa kaniya.

Tanging tango na lamang ang naisagot ni Rebecca bago hinayaan niya na magpatuloy sa pagsasalita ang Doktor.

“Tatapatin na kita, Misis. Hindi maayos ang kondisyon ng asawa mo. Matapos ang aming masusi at maingat na eksaminasyon ay medyo matindi ang naging pinsala ang kaniyang natamo sa ulo kaya’t siya ay comatose ngayon. Ngunit mayroong malaking posibilidad na oras na magising siya ay magkaroon siya ng amnesia.”

Pumatak ang luha sa mga mata ni Rebecca. “D-Dok, paano po iyon? A-Ano po ang kailangan kong gawin? G-Gagaling pa po ba ang asawa ko? G-Gaano po katagal ang magiging gamutan para magising po siya?”

Takot na takot si Rebecca. Ayaw niyang malagay sa ganitong sitwasyon ang kaniyang pinakamamahal na asawa.

Napabuntong-hininga ang doktor. “Walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising kaya’t tatagan mo ang iyong loob, Misis.”

Sobrang sikip ng dibdib ni Rebecca habang patuloy sa pag-iyak hanggang sa makalabas ng hospital. Naawa naman ang may-ari ng tricycle sa kaniya at pinilit siyang pakalmahin nito sa pamamagitan ng pagpisil sa kaniyang mga balikat.

Hindi man lubos na nauunawaan ni Rebecca ang lahat ng nangyari ay batid niya na malalagpasan ng asawa niya ang pagsubok na ito. Magigising si Roland at magiging magkasama silang dalawa.

Kaugnay na kabanata

  • THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE   CHAPTER 2: PAGKABALISA NI REBECCA

    ANG DAMING GUMUGULO sa isipan ni Rebecca sa mga nakalipas na araw. Kakakasal lamang nilang dalawa ni Roland ngunti sinubok agad ang kanilang pagsasama.‘Paano na ang aming pagsasama? Makikilala pa ba kaya niya ako oras na magising siya mula sa pagiging comatose?’Mas lalong nadagdagan ang kaniyang problema kapag oras na malaman ng ina ni Roland ang nangyari. Paniguradong mag-uumapaw ang galit nito sa kaniya.Panay ang pagdasal ni Rebecca na magising na ang kaniyang asawa na si Roland. Agad iyon tinugon ngunit hindi mas lalong sumikip ang kaniyang dibdib sa sakit dahil hindi siya maalala nito.Ayon sa doktor, nagkaroon ng Retrograde Amnesia ang asawa ni Rebecca na si Roland. Ipinaliwanag nito ang kondisyon ng kaniyang asawa. Habang pinapakinggan niya ang mga iyon ay libong-libong patalim ang tumutusok sa kaniyang puso. Hindi niya matanggap ang pangyayaring ito.At dahil sa kundisyon ni Roland, kinailangan iuwi ni Rebecca sa bahay at doon ay alagaan na lamang at bigyan ng lunas ayon sa

    Huling Na-update : 2024-08-29
  • THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE   CHAPTER 3: SAKRIPISYO NI REBECCA

    NAGHAHANDA NA NG TANGHALIAN si Rebecca para pakainin ang kaniyang asawa na si Roland at painumin ng gamot nang bigla siyang nilapitan ng kaniyang biyenan na si Zenaida.“Walang hiya ka, Rebecca! Nawawala ang aking mga gintong alahas sa loob ng bag ko. Aminin mo nga sa akin, saan mo ba dinala ang mga alahas ko?” galit na pag-aakusa ni Zenaida kay Rebecca habang dinuduro-duro niya ito sa sentido.“Po? Teka po, wala naman po akong alam sa mga alahas mo, Ma. . . Hindi ko pa nga po nakikita ang itsura ng iyong bag. At saka kung nakita ko po iyon ay hindi po ako magiging interesado sa gamit na pagmamay-ari mo po,” mahabang paliwanag ni Rebecca sa kaniyang biyenan. Gulat na gulat siya sa paratang nito sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawang masama rito.Umismid si Zenaida at biglang sinabunutan si Rebecca na halatang nagulat sa inasta ng kaniyang biyenan. Halos mapaiyak sa sakit si Rebecca na sobrang ikinasiya Zenaida. “Ang kapal talaga ng mukha mo! Ang ayaw ko sa lahat ay iyong nagsis

    Huling Na-update : 2024-08-29
  • THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE   CHAPTER 4: PAGTANGIS NI REBECCA

    MAYABANG NA NAGPAPAYPAY ng abaniko si Zenaida sa labas ng pintuan ng bahay habang nakatanaw sa bakuran. Ang buong akala niya ay nagawa na ng kausap niya kagabi ang iniutos niya dito ngunit nagulat siya nang makita si Rebecca na naglalakad at mayroong mga dalang damit sa balde. Tila galing ito sa ilog at naglaba ng mga damit nila. Hindi siya makapaniwala habang gigil na gigil na tinititigan ito.Nang nasa pintuan na si Rebecca ay bumati siya kay Zenaida bilang paggalang. Bahagya siyang yumukod sa kaniyang biyenan. “M-Magandang umaga po, Ma. . .” Umismid si Zenaida at umirap. “Ano ang maganda sa umaga? Tuwing makikita ko ang pagmumukha mo ay nasisira ang aking araw, Rebecca! Hindi ko alam kung ano ba ang nakita sa iyo ng aking anak at sa dami ng mga matitinong babae ay ikaw pa talaga ang nagawa niyang pakasalan!”Hindi pa makukuntento si Zenaida at lumapit pa kay Rebecca. Sinabunutan niya ito sa buhok kaya’t nabitawan nito ang hawak na balde na mayroong laman na nilabhang damit.“Aray

    Huling Na-update : 2024-08-29

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE   CHAPTER 1: ANG TRAHEDYA SA KASALAN

    HALOS TAKASAN si Rebecca ng katinuan sa bawat haplos at hagod sa kaniyang katawan ng kanyang fiancé na si Roland. Kapwa sila walang kahit anong saplot sa katawan at ninanamnam ang init ng balat ng bawat isa. Isang gabi iyon na punong-puno ng kasabikan at marubdob na pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa na pinupuno ng naglalagablab na halik.Humalinghing si Rebecca nang maramdaman niya ang pagdausdos ng labi at dila ni Roland sa kanyang leeg, naramdaman niya rin ang pagbaba ng mga labi nito sa dalawang umbok ng kaniyang dibdib at nagtagal iyon ng paikot-ikot na tila may kung anong hinuhukay doon. Ilang minutong nagtagal sa tuktok noon ang mga labi at dila ni Roland bago naramdaman ni Rebecca na mas lalo pang bumababa ang mga maaalab na halik ng lalaki. Bumaba iyon sa kaniyang tiyan, puson, at hanggang sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napasabunot siya sa buhok ng lalaki nang maramdaman ang mainit na labi nito sa kanyang pagkababae. Hindi niya mapigilan na maidiin ang mukha ni Roland d

DMCA.com Protection Status