Hindi naman na nakabalik pa si Epifanio sa Korean Restaurant kung saan naroon si Melodya at Grace. Sumama raw ang sikmura nito, dahil marahil ay nanibago sa timplan ng korean food. Nagpadala na lamang ito ng ilang tauhan na siyang gagabay at magbibitbit ng bibilihin nila Melody.Habang namimili ng mga damit at dress si Melody ay hindi niya maialis sa kaniyang isipan na tila ba may nakatingin sa kaniya at nagmamatyag. Malakas ang pakiramdam niya sa tuwing mga taong nakatitig sa kaniya, ngunit sa dami ng tao sa loob ng mall ay hindi niya alam kung makikita niya kung nasaan ito. Hindi naman big deal sa kaniya kung may nakatingin, ngunit ang ikinababahala niya ay tila binabatantayan siya sa bawat pagkilos niya.Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa mga taong abot ng kaniyang paningin ngunit hindi naman nasa kaniya ang paningin o atensyon ng mga ito. Kung sino man ang taong nagmamatyag sa kaniya ngayon at pinapanuod ang bawat galaw niya ay ramdam niya ang bigat ng awra nito. Is this someon
Nang matapos mailagay sa kaniya-kaniyang paper bag ang mga naipamili nila Melody ay kaagad naman itong binitbit ng mga tauhan na kasama nila. Naayos naman din niya ang issue sa mga sales lady, maliban nga lang sa manager dahil makailang ulit man itong mag-sorry, hindi pa rin maganda na sariling tauhan nito ang ibato kahit pa siya dapat ang makausap niya. She hates that, at isa pa ito rin dapat ang magiging hubog at magdidisplina ng mga sales lady ngunit mas ito pa ang sablay ang ugali.Napatingin naman si Melody sa kaniyang cellphone nang marinig niya itong mag-ring. Ang akala niya ay si Apollo ang tumatawag, pero kaagad na nagkunot ang noo niya nang makitang unregistered number ito. At tila ba pamilyar sa kaniya ang number.“Ate Melody, saan na po tayo sunod na pupunta?” tanong ni Grace habang nakatingin kay Melody. Nang hindi ito sumagot ay bahagya itong lumapit at dumungaw din sa cellphone nito. “Sino po ’yan, Ate Melody? Bakit ayaw mo pong sagutin?”Doon lamang napansin ni Melody
Nang makarating sila ay kotse ay pilit na ikinakalma ni Melody ang kaniyang sarili. Kitang-kita niya kasi sa mga mata ng mga bata na napupuno ito ng takot. Kailangan niyang magpanggap na walang nangyaring hindi maganda.Napatingin naman siyang bigla kay Apollo nang kuhain nito ang sariling cellphone at tila may tinatawagan. Kaagad niyang hinawakan ang braso nito, at napatingin naman ito sa kaniya. Sumilip siya sa kanilang likuran at doon lamang din na-realize ni Apollo na naroon nga pala ang mga bata.Hindi niya kasi talaga mapigil ang galit na nararamdaman. Binastos ng pulis na ’yon ang kaniyang asawa. Kilala niya si Chavez, dahil isa ito sa tauhan ng kaniyang ama noong paimbestigahan ang kaso ng aksidente ng kaniyang yumaong ina.“W–What happened, Mom, Dad?” tanong ni Liven.Mabilis na ibinaba ni Apollo ang kaniyang cellphone. “Ah, some bad people hurt your Mom. Ayaw natin siyang inaaway or sinasaktan ’di ba? I’m just protecting her, sorry for what you saw.” mahinahon na paliwanag n
“One of my men contacted me, Apollo. What have you done?” iyon kaagad ang ibinungad ng Daddy ni Apollo. Bakas sa awra nito ang pagkaseryoso at tila may galit na nararamdaman.Dahan-dahan itong naglakad papasok sa library room. Ramdam kaagad ni Epifanio ang tensyon sa mag-ama. Napasuot kasi ang kamay ni Apollo sa bulsa nito at bakas din ang galit at inis— na marahil ay pilit itinatago nito.“Nagsumbong kaagad kahit wala pa akong ginagawa? Tsk.” sambit naman ni Apollo. “Saka na dapat siya magsumbong kapag ipinapatrabaho ko na siya sa tauhan ko.”“Chavez is not just a people of mine, Apollo! Alam mo ’yan!”“Yes, I know. He is your right dog, your friend and so called family. Pero wala akong pakialam sa kaniya. Hindi ko siya kaano-ano, at hindi ko siya kilala! Binastos niya ang asawa ko, Dad! Anong gusto mong gawin ko? Hayaan ko ang ginawa niyang ’yon?!” napalakas na rin ang boses ni Apollo.“K–Kumalma muna kayong dalawa, Tito Arthur, Apollo.” pagpapagitna ni Epifanio habang siya ay pinagp
Matapos iligtas si Tanny ng naka-mask na lalaki ay dinala siya nito sa hospital. Buong gabi siyang tiningnan at nagpahinga. Siya na rin ang nagpumilit pa na lumabas kahit alam niyang wala siyang pupuntahan.Nagulat na lamang siya nang makita si Apollo na naghihintay sa labas ng kaniyang hospital room. Nakakaramdam siya ng takot at kaba, dahil sa ginawa niyang kasamaan noon. Hindi niya alam kung ano ang tunay na pakay nito, ngunit nang sabihin nito na dahil kay Melody kaya siya niligtas ay bigla na lamang siyang napaluha at lumuhod sa harap nito saka nanghingi ng kapatawaran. Napabalik sa kasalukuyan si Tanny nang hawakan ni Melody ang kaniyang kamay.“H–Halika na, kumain na tayo.” pag-aya nito sa kaniya.Habang papalapit sa hapag-kainan ay nakaramdam siya ng hiya at takot nang makita naman niya si Athena. Hindi niya malaman kung pamilyar ba ang taong ito sa kaniya. Para bang nakita na niya ito noon, hindi lang niya matiyak kung saan at kung kailan.Ang dalawa namang kambal nang makit
Apollo's POVHindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil dumating ang mga anak namin. Hindi ko mawari kung senyales ba iyon ng tadhana upang huwag ko sabihin kay Melody ang totoo. Hindi ko na rin kasi kinakaya pa, ang dami ko ng lihim na hindi nasasabi sa kaniya.What if one day bigla na lang lumabas lahat ng sikretong mayroon ako?I just choose to stay at the library room upang makapahinga ang aking isipan. Sunod-sunod ang mga nangyayari. And this Tanny, there's something wrong in her when she sees Athena. I saw how she looked at her.Habang nakaupo ako sa swivel chair, I keep close my eyes. Habang pinagtatagpi-tagpi ko ang mga naganap nito lang. Ang hirap magpaka-detective, pero dahil parang lahat ay konektado kay Melody, gagawin ko lahat malaman lang kung ano ’yon.Tanny said her father was killed by unknown pero siya ang tinuturo. Bakit naman siya ang ituturong pumatay sa sarili niyang ama? She is pregnant with Melvon. And Melvon disappeared.And that fvcking Chavez, kumanta na
Isang linggo na ang nakalipas simula nang araw ng surpresa ni Athena. Isang linggo na rin na si Athena ang nagluluto ng makakain nila. Aaminin niyang masarap ang mga niluluto nito, pero never ng sumabay si Apollo sa pagkain sa kanila.Since then, Apollo seems not to be himself. Para siya palaging malalim ang iniisip at may malaking problema. Gustuhin man ni Melody na malaman kung ano iyon ay palagi naman sinasabi ni Apollo na okay lang siya at walang problema. Ayaw na lamang din niya itong pilitin na magsabi dahil may nararamdaman din siya sa kaniyang panganagatawan.The following weeks, ay hindi na niya nakakausap ng maayos si Apollo. Madalas siyang nanghihina, at madalas din ang panay sakit ng kaniyang tiyan. Hindi naman iyon napapansin ni Apollo dahil pilit tinitiis ni Melody ang sakit sa tuwing kasama niya ito.Iniinom naman niya sa tamang oras ang lahat ng kaniyang gamot at vitamins. Pero nakakaramdam pa rin siya na para bang may mali sa pagbubuntis niya. Kaya naman lihim siyang n
Maagang nakauwi si Melody kaysa sa kaniyang inaasahang oras na gagabihin siya. Kumpleto ang kaniyang mga nabili at tinitiyak niyang wala siyang nakalimutan. This is it! Talagang aaminin niya na kay Apollo ang tungkol sa kanilang magiging anak.Habang ini-imagine niya ang mga bagay na 'yon ay kapwa na nag-aasikaso sila Grace at Hope, kasama na rin si Epifanio. Tuwang-tuwa ang mga ito sa kanilang nalaman. Sigurado silang masusurpresa nila si Apollo. Ngunit taliwas ang kanilang nararamdaman sa nararamdaman ni Apollo.Halos tahimik ito buong oras at tila malalim din ang iniisip. Alam na kasi ni Epifanio ang tungkol kay Melody, but right now Apollo is facing a big trouble, that he can't leave his office early.“Maayos na po ang lahat, Miss Melody!” excited na sambit ni Grace.“Naku, excited na rin pati kami!” sambit naman ni Hope.Habang nakatitig si Melody sa kaniyang inihandang mga pagkain, ay napatingin siya kay Epifanio na halatang pilit ang ngiti. Hindi niya magawang magtanong dahil na