Nakatulala lamang si Melody habang nasa gilid niya si Shane at Wincy. Kasalukuyan sila ngayon nasa bahay nila Lola Florita at nakaupo sa sofa. Dito sila nagtungo nang makaalis si Apollo sa resort. Atlas is the one who take over at the resort. Wala pala ito nang mangyari ang lahat kanina.Nanginginig ang mga kamay niya habang nagbabadya ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya sinasadya ang nangyari. Hindi niya ginustong mapahamak si Ellara. Ang gusto niya lang ay mapigilan niya ang pananakit nito sa kaniyang kaibigan. Hindi niya kayang tumunganga na labasta after Shane called her.Kasalukuyan siyang katatapos lang maligo sa shower room noong tumawag si Shane sa kaniya at sinabi na kailangan nila ng tulong. Kaagad niyang tinawag si Apollo noʼn upang ihatid siya at naabutan niyang sinasaktan ni Ellara si Wincy. Hindi siya makapapayag na basta na lamang nitong saktan ang kaibigan niya!Pero ang mas masakit ay ang bakas na pag-aalala sa mukha ni Apollo. Na para bang nasasaktan ito, natata
Kinabukasan ay inililigpit na ni Melody ang kanilang mga gamit nang biglang dumating di Apollo at pigilan siya nito. Ibinalik nito ang mga gamit nila sa closet at inihagis ang maleta sa kung saan sa sulok ng kuwarto.“Where do you think youʼre going with the kids?!” tanong nito sa kaniya na bakas ang pagkainis.“Uuwi na kami ng mga anak ko sa Manila, sa dati naming bahay!” sigaw niya pabalik at muling pinulot ang maleta ngunit marahas lamang muli nitong inagaw sa kaniya at hinagis ulit sa sulok ng kuwarto.“Hindi kayo aalis nang hindi ako kasama! Hindi kayo aalis hanggat hindi ko sinasabi at kailan man ay hindi kayo aalis sa pamamahay ko!” malakas ang boses nito na siyang halos nakapagpatayo ng kaniyang balahibo, pero hindi dapat siya magpatinag.“Bakit? Bakit mo ba ipinagsisiksikan ang sarili mo sa akin— sa amin ng mga anak ko?! Kasal lang ang gusto mo ʼdi ba? Hindi baʼt kasal na tayo?! Hindi pa ba sapat ʼyon?!”“You know what? Youʼre right! Kasal na tayo, at iyon lang ang gusto ko!
Inis na pumasok si Melody pabalik sa loob ng kuwarto. Hindi niya hahayaan na makulong lang siya rito at walang gagawin kung hindi hintayin si Apollo. Hindi na siya natutuwa pa sa nangyayari— sa paikot-ikot nitong nga sinasabi.“Start over pala, ah? Malaglag sana siya sa yateng sinasakyan nila!” sigaw niya saka ginulo ang buhok. Ilang oras pa ang lumipas ay wala rin naman siyang nagawa, dahil gaya ng sabi ng isang bantay nila ay marami nga ang mga ito. Kahit saan siya magpunta ay may nakabuntot sa kanila, puwera sa kuwarto at comfort room. Ganoin din sa dalawang bata na para sa kanila ay "cool" ang ganoong set up, dahil tila ba naging bodyguard nila ang mga ito at the same time ay naging kabayo pa nila sa laro.Pero siya ay buryong-buryo na! Hindi na siya makakatagal pa sa ganito. Even the phone ay kinuha rin ng mga ito para raw iwas siyang makatawag sa mga taong puwede niyang kasabwatin na tumakas. As if naman na mayroon? Eh, wala na nga rito sila Shane at Wincy.“Nakakatuwa rin pal
Napakunot ng noo si Apollo nang bigla na lamang namatay ang tawag at hindi na ito matawagan pa. Wala siyang nagawa kung hindi ang itago na lamang ang kaniyang cellphone upang hindi na maghinala pa si Ellara. Hinihiling na lamang niya na sana ay hindi malaman ni Melody ang tungkol dito.Kaya naman kasi siya kasana ni Ellara ay dahil hiniling nito na makasama siya sa loob ng tatlong araw kapalit ng hindi nito pagsusumbong sa Daddy nito. Thatʼs easy to him. Heʼs okay with that as long as wala itong binabalak na ibang plano. Kaya marami siyang tauhan na iniwan kila Melody upang bantayan ito dahil baka umuwi ang magi-ina niya sa Manila nang hindi siya kasama.“Apollo? Come here inside!” muling tawag sa kaniya ni Ellara.Napailing na lamang siya saka bumuntong hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng cavin.Abala naman si Melody sa pagmamatyag sa mga tauhan ni Apollo. Kinakabisado niya ang bawat puwesto nito ngayong gabi. Gusto niyang tumakas kasama ng mga anak niya, pero sigurado siyang kak
“Hindi ka maniniwala sa nakikita ko.” boses iyon ni Luhan at rinig na rinig niya ang malakas na sigawan at musika.Tamang-tama ang pagtawag nito dahil kasalukuyang nagbabalak si Ellara na akitin siya. For fuck sake? Talagang desperada na ang babaeng ito at tila wala ng natiturang respeto sa katawan.“What is it, Luhan? By the way, can you guys go at Lola Florita's house? Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan, e.”Totoo iyon. Simula nang mamatay ang tawag kanina ay hindi na siya matahimik pa. Iniisip niyang baka may masama ng nangyari sa mag-ina niya. Hindi rin kasi sinasagot ni Direk ang tawag, at tanging nagre-reply lamang it through text messages.“Gago, ganoʼn ba talaga kapag kinasal na? Nararamdaman mo ng may mali kapag may ginagawang mali ang asawa?” bulgar na tanong nito.Napatingin siya sa cellphone at doon niya lamang napansin na may pagka-lasing na ang tono ng boses nito.“You know what? Pang-uwi ka na, Luhan. Youʼre fucking drunk, kung ano-ano na ang sinasabi mo.”“You sho
Walang imikan sa loob ng sasakyan habang nasa byahe sila. Hindi na ipinilit pa ni Melody na alamin ang sagot sa tanong niya. Malinaw naman sa kaniya kung bakit, dahil mas pinipili nito ang babaeng iyon kaysa sa kanila ng mga anak niya.Nang bumaba sila ay kaagad na sinuntok ni Apollo si Derek. Nagulat pa ang mga ito sa pagdating nila. Hindi na niya iyon pinansin pa at dali-dali na lamang din umakyat patungo sa kuwarto nila.“I told you to keep an eye on her! What the hell do you do?” sigaw ni Apollo rito.“P—Pasensya na po. Hindi po namin namalayan ang pag-alis niya. Marahil ay lihim siyang tumakas.” dahil ni Derek sabay tingin nito sa papalayong bulto ni Melody.Ito na nga ba ang sinasabi niya kay Atlas. Talagang siya ang malilintikan. Bakit kasi patuloy pa rin nitong kinakalaban ang kapatid kahit na alam niyang wala naman siyang palag dito.“Hindi siya basta tumakas lang, Derek! Sheʼs with Atlas! Are you sure na wala kang kinalaman sa pagtakas nila?” nanggagalaiting tanong ni Apollo
Naalimpungatan si Melody dahil sa labing humahalik sa kaniyang balikat. Bahagya niyang inunat ang kaniyang braso at binti. Naramdaman niya ang isang bisig na yumakap sa kaniya.“Good morning, Mi Amore.” nakangiting bati sa kaniya ni Apollo sabay halik nito sa kaniyang noo.“Hmm. . . What time is it?” tanong niya habang nakapikit at nakangiti.“Itʼs time to wake up and eat breakfast, or puwede rin na ako ang kainin mo? Oh, I would love that!” para bang excited pang sigaw ni Apollo.Tuluyan nang napadilat si Melody at doon niya nakitang magkatapat na ang kanilang mga mukha. Apollo look at her, like sheʼs the most beautiful woman in the world. Nakakalunod ang mga tingin nito. Malagkit at para bang kinakabisado ang kaniyang mukha.“Youʼre so amazing, wife.” sambit ni Apollo at pinindot ang ilong niya. “You didnʼt know what you did to me.” dagdag pa nito.Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi mapangiti ng malawak. Apat na taon ang ginugol niya para sa mga anak niya at nakalimutan niya ang sar
After that day ay hindi na niya nakita pa si Apollo. Hindi rin daw alam ng mga tauhan nito kung nasaan ito o kung saan ito pumunta. Tinanong niya rin ang dalawang matanda ngunit wala rin alam ang mga ito.“Mommy, kailan po tayo uuwi?” tanong ni Liven.“Nah, I donʼt want to go home yet.” malungkot namang sambit ni Lexus.Ginulo ni Melody ang buhok ng kaniyang mga anak. “Uuwi tayo, kapag nandito na si Daddy niyo. For now, we will wait him okay?”“Ah, I remember heʼs with Tito Epi yesterday!” para namang namamanghang sambit ni Liven. “They talking about . . . About blood? Blood at the bath tub?” lukot na ang mukha nito, habang si Melody ay nanlalaki ang mga mata.“What blood?” tanong naman ni Lexus.“Aish, b—baka pinag-uusapan nila ʼyung napanuod nilang movie. Sa susunod huwag ng makikinig sa usapan ng mga matatanda, ah?” paalala niya kay Liven at tumango naman ito.Tumakbo na ang mga bata patungo muli sa dalampasigan. Habang siya naman ay naiwang kinakain ng hiya at alam niyang sing pula