Share

Chapter (4)

last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-08 11:53:37

Chapter 4: Ang Kasal na Walang Puso

>> "Paano mo tatanggapin ang isang kasunduang hindi mo kailanman pinili?"

---

◀️ Araw ng Kasal – Villafuerte Cathedral

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito.

Ang bawat hakbang ko patungo sa altar ay parang pagmamartsa sa isang hatol na hindi ko ginustong tanggapin. Sa bawat yapak, pakiramdam ko ay mas lalong bumibigat ang mundo ko. Ang malamig na simoy ng aircon sa loob ng simbahan ay tila hindi nakakatulong sa pagkakakulong ng damdamin sa dibdib ko.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng dambana, sa tabi ng isang lalaking hindi ko mahal—si Sebastian Villafuerte.

Malamig ang kanyang ekspresyon. Parang wala lang ito sa kanya, na para bang isa lang itong simpleng kasunduan, isang pirma sa papel na kailangang tuparin. At marahil, ganoon nga ito para sa kanya. Isang kasal na walang emosyon.

Saman
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   Chapter (5)

    Chapter 5: Buhay sa Gintong HawlaDahan-dahan akong bumagsak sa kama, tulala, habang ang isip ko ay bumabalik sa simula ng bangungot na ito.Isang kasal na hindi ko ginusto.Isang buhay na hindi ko pinili.Gusto kong umiyak, pero parang naubos na ang luha ko sa mga nakaraang araw. Ang katawan ko ay pagod, ngunit ang isip ko ay gising na gising sa katotohanang wala na akong kawala.Ang kwarto ko ngayon ay napakalawak—mas malaki pa sa buong bahay namin noon—pero kahit gaano ito kaganda, hindi nito kayang punan ang kawalan sa loob ko.Tila isang gintong hawla.Maganda sa panlabas, pero nakakulong pa rin ako rito.---Unang Umaga Bilang Mrs. VillafuerteNagising ako sa pakiramdam ng malamig na hangin mula sa aircon. Sandali akong napapikit, umaasang panaginip lang ang lahat ng ito. Pero pagdilat ko, bumungad sa akin ang mararangyang kurtina, ang malalambot na unan, at ang malawak na kwarto na hindi

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (6)

    Kabanata 6: Isang Asawang Walang Karapatan Pagkatapos ng umagang iyon, buong araw akong nanatili sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang malamig na trato ni Sebastian o ang katotohanang wala akong karapatan magreklamo. Napaisip ako. Ito ba talaga ang buhay na papasukin ko habang-buhay? Isang buhay kung saan ako lang ang nakatali, habang siya—malaya pa ring gawin ang gusto niya? Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala nang biglang bumukas ang pinto. Isa sa mga kasambahay ang pumasok, may dalang isang kahon. "Ma'am, ipinadala po ito ni Sir Sebastian," maingat niyang sabi. Napakunot ang noo ko. Hindi ako makapaniwalang may ipinadala siya sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang kahon, at bumungad sa akin ang isang designer dress—isang eleganteng itim na gown. Kasama nito ang isang sobre na may nakasulat na mensahe: "Magsuot ka ng maayos. May event tayong pupuntahan mamaya." Napakagat-labi ako. Alam ko na ang event na ito—isa itong business gala na dada

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (7)

    Kabanata 7 – Ang Lihim ng Villafuerte Mansion Ang Villafuerte mansion. Ang laki. Ang ganda. Ang perpekto sa panlabas. Ngunit sa loob, isang malamig, walang-pusong palasyo. Para sa akin, isa lang itong malaking kulungan. Isang gintong hawla na nagbubuklod sa akin sa isang buhay na hindi ko pinili. Nakatunganga ako sa bintana ng kwarto ko sa south wing, nakatanaw sa hardin. Ang hangin ay malamig sa aking balat, isang matinding kaibahan sa init na nararamdaman ko sa aking dibdib. Ang mga damo at bulaklak, parang isang painting na masyadong maayos, masyadong perpekto—katulad ng buhay na pilit nilang ipinapakita sa mundo. Isang buhay na puno ng kasinungalingan, ng mga itinatagong katotohanan. Sa gitna ng lahat ng ito, isang fountain ang namumukod-tangi. Puting marmol, isang estatwa ng griffin na nakabuka ang mga pakpak, parang handang lumipad. Pero ang mga pakpak nito ay nakakulong sa bato. Tulad ko. Isang mapait na katotohanan na tumutusok sa

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-13
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (8)

    Kabanata 8: Ang Harapang Pag-aawayAng puso ko’y marahas na tumitibok, isang martilyo na humahampas sa aking dibdib, habang tinatahak ko ang mahabang koridor patungo sa opisina ni Sebastian. Ang bawat hakbang ay parang isang hakbang patungo sa isang digmaan, ang malamig na marmol sa ilalim ng aking mga paa ay parang isang patunay sa malamig na katotohanang aking haharapin. Hawak-hawak ko ang lumang kontrata, ang papel ay malamig at matigas sa aking mga daliri, isang patunay sa mga lihim na tinatago ng Villafuerte mansion. Ang matapang na amoy ng kape at ang maalikabok na bango ng mga lumang libro mula sa library ay nananatili sa aking ilong, isang paalala sa mga katotohanang aking natuklasan, mga katotohanang magbabago sa takbo ng aking buhay.Nang makarating ako sa pintuan, huminga ako nang malalim, pilit na pinapatahan ang aking nag-aalab na damdamin. Ang aking mga kamay ay nanginginig, ang mga buko ay pinagpapawisan, ngunit ang aking mga mata ay mata

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-13
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (9)

    "Mga Anino ng Nakaraan" Nakatayo si Isabella sa isang sulok, nakatitig sa nakasarang pinto ng opisina ni Sebastian. Mabigat ang hangin sa paligid, at ang tanging naririnig niya ay ang malakas na pintig ng kanyang puso. Isang matinding pagod ang bumalot sa kanya, na para bang pasan niya ang bigat ng buong mansyon.Gusto niyang tumakbo. Tumakas mula sa nakakapasong presensya ng bahay ng mga Villafuerte, hanapin ang isang lugar kung saan makakahinga siya nang maluwag, nang walang takot na tuluyan siyang mawawalan ng kontrol sa sarili niyang buhay. Ngunit ang malamig at mapait na katotohanan ay mabilis na bumalik sa kanyang isipan: wala siyang matatakbuhan."Isabella?"Napapitlag siya sa marahang tinig na iyon. Paglingon niya, nakita niya si Daniel, ang nakababata niyang kapatid, na nakatayo sa may pasilyo. Ang dati’y masayahin at maliwanag niyang mga mata ay puno ngayon ng pag-aalala."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya, halos pabulong, r

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-14
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (10)

    CHAPTER 10: Mga Lihim na Hindi Ko Pinili Tahimik na tinitigan ni Sebastian si Isabella, ang dating malamig niyang ekspresyon ay napalitan ng pag-aalinlangan. Parang may mabigat na pasanin sa kanyang dibdib."Ano ang gusto mong sabihin, Sebastian?" malamig ngunit matatag na tanong ni Isabella.Bumuntong-hininga si Sebastian bago naupo sa gilid ng kama, pinaglalaruan ang kanyang mga daliri."Totoo ang nakita o nabasa mo," aniya sa wakas, ang boses ay mabigat. "Kami sana ni Kasandra. Ngunit dahil sa kasakiman ng kanyang pamilya, naudlot ang lahat."Napasinghap si Isabella. Hindi siya dapat magulat, alam na niya ito. Ngunit iba pa rin ang marinig ito mismo kay Sebastian."Bakit ako, Sebastian?" mahina ngunit puno ng hinanakit ang tinig niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa inyong dalawa? Bakit hindi ikaw ang nagdesisyon kung sino ang iyong mapapangasawa?"Tiningnan siya ni Sebastian, ang sakit sa kanyang mg

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-14
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (11)

    Kabanata 11 – Ang Planong Magka-ApoMaagang nagtipon-tipon ang pamilya Villafuerte sa dining hall. Sa kabila ng masaganang pagkaing nakahain, parang may mabigat na ulap na nakabalot sa bawat isa. Si Isabella ay naupo sa dulong bahagi ng mahabang lamesa, tahimik na sinusuri ang reaksyon ng bawat miyembro ng pamilya. Si Sebastian naman ay nasa kabilang dulo, tila balisa at hindi mapakali.Nasa unahan ng lamesa si Don Victor, seryosong nakamasid sa dalawa. Sa tabi niya ay si Mercedes, na bahagyang nakayuko, mistulang may nais sabihin pero pinipiling manahimik.Ilang minuto ang lumipas nang halos walang nagsasalita. Tanging ang mahinang kalansing ng mga kubyertos at plato ang naririnig, na para bang sinasalamin ang di-kumportableng katahimikan sa pagitan nila.Biglang tumikhim si Don Victor, dahilan para mapatigil ang lahat at mapatingin sa kanya. Tiningnan niya nang isa-isa sina Sebastian at Isabella bago nagsalita, matigas ang boses at halatang may

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-15
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (12)

    Kabanata 12 – Lihim na Pag-aminIsang tahimik na gabi sa loob ng silid nina Isabella at Sebastian. Habang nasa loob si Isabella, abala siya sa pag-aayos ng couch na tulugan ni Sebastian. Bagama’t malamig ang aircon, pakiramdam niya ay tila may mabigat na hanging bumabalot sa paligid.Habang inaayos niya ang kumot, napatingin siya sa kawalan. Muling bumalik sa kanyang isipan ang sinabi ni Don Victor kaninang umaga—na gusto nitong magkaroon agad ng apo. Para bang hindi siya handa sa ideyang iyon, lalo pa’t nasa ilalim pa rin siya ng sapilitang kasal na ito.“Paano kung pilitin ako? Paano kung wala na akong ibang magawa kundi sundin ang gusto nila?” tanong niya sa kanyang sarili.Sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni, biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Sebastian, bahagyang nakakunot-noo habang hinuhubad ang kanyang coat. Hindi napansin ni Isabella ang pagdating nito, kaya naman nanatili siyang nakatitig sa kawalan, malalim ang iniisip.

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-15

Bab terbaru

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (71)

    Kabanata 71Tahimik ang biyahe pauwi ng villa.Magkaharap lang ang mga palad nina Isabella at Sebastian sa gitna ng seat, pero wala ni isa sa kanila ang gumalaw para muling maghawakan. Kanina lang, punong-puno ng halik at matamis na salita ang pagitan nila. Ngayon, parang pareho silang hindi alam ang gagawin.“Gabi na,” bulong ni Isabella habang pinagmamasdan ang kalsadang tinatamaan ng ilaw mula sa headlights. “May work pa tayo bukas…”“Hmm,” sagot lang ni Sebastian, bahagyang tumango.Nang makarating sila sa villa, binuksan ni Sebastian ang pinto para sa kanya tulad ng dati. Pero walang usual banter, walang teasing. Tahimik silang pumasok sa loob ng bahay, habang ang mga yapak nila sa marmol na sahig ang tanging ingay sa paligid.Pagkapasok sa kwarto, naunang nagtanggal ng coat si Sebastian at isinabit ito. Si Isabella nama’y dumiretso sa vanity para alisin ang make-up niya.“Gusto mo ng tea?” tanong ni Sebastian

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (70)

    KABANATA 70 "Sa Likod ng Abalang Araw" Araw ng Martes. Maagang dumating si Isabella sa opisina, dala ang determinasyong matapos ang lahat ng nakatambak na reports. Sunod-sunod ang meetings, emails, at tawag mula sa iba't ibang departamento. Ngunit sa kabila ng stress, may kakaibang sigla sa kanyang mga mata—isang bagay na hindi niya maipaliwanag ngunit alam niyang may kinalaman ito kay Sebastian. Bandang alas-onse ng umaga, habang abala siya sa pagbabasa ng marketing brief, biglang kumatok ang receptionist sa kanyang opisina. “Ma’am Isabella, may delivery po para sa inyo.” Napakunot-noo siya. “Delivery? Wala naman akong inorder—” Ngunit naputol ang kanyang sinasabi nang makita ang isang eleganteng bouquet ng pulang rosas, kasama ang isang maliit na card. I love you forever, honey. – S Napangiti siya, bahagyang napailing. Napaka-sweet talaga ng asawa ko…

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (69)

    Kabanata 69Huwag making mahina —Nasa kalagitnaan ng tahimik na gabi nang biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian. Kakatapos lang nilang maghapunan ni Isabella, at kasalukuyan silang nagpapahinga sa sala nang makita niya ang pangalan sa screen—Mirachi Monroe Luigi."Napansin ni Isabella ang panandaliang pagbabago sa ekspresyon ni Sebastian. Hindi niya ito tinanong, ngunit ramdam niya na may kinalaman iyon kay Andrea. Pinanood niya lang itong sumagot."Hello, Mrs. Luigi o ahhh Tita?""Sebastian, anak… Pasensya ka na kung ginagambala kita ngayong gabi, pero hindi ko na alam ang gagawin kay Andrea. Hindi siya kumakain, hindi siya natutulog, at kanina lang, nagbanta siyang hindi na niya gustong mabuhay kung hindi ka pupunta rito!"Nanlamig si Sebastian sa narinig. Hindi siya kaagad nakasagot. Napansin iyon ni Isabella at bahagyang napakunot ang noo."Sebastian, anak, natatakot ako! Kahit ano'ng pilit kong gawin, hindi si

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (68)

    Kabanata 68 " Tawag ng karibal 'Pauwi na si Isabella gamit ang kanyang sasakyan, habang si Sebastian naman ay sumunod sa kanya. Ayaw niyang tuluyang magka-gulo silang mag-asawa. Habang nagmamaneho siya, biglang tumunog ang kanyang telepono. Tumawag si Roxie."Sebastian, ipinapatawag ka ni Andrea. Gusto niyang malaman kung kailan kayo babalik sa ospital."Matagal na natahimik si Sebastian bago siya sumagot. "Pakisabi kay Andrea na may inaayos lang ako. At please, alam ko ang ginagawa ko. Babalik ako diyan pagkatapos ko sa ginagawa ko. Importante ito."Pagdating nila sa bahay, halos sabay silang nakarating ni Isabella. Agad na lumabas si Sebastian sa kanyang sasakyan at mabilis na nilapitan si Isabella.Papasok na sana ito nang bigla niyang yakapin mula sa likuran at marahang hinalikan sa leeg. "I missed you so much, please calm down, honey. Sa totoo lang, naguguluhan ako. Sana maunawaan mo ako. Nakokonsensya lang ako sa nangyari kay Andre

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (67)

    Kabanata 67 – Tahimik na DistansyaSa ospital, malungkot na umiiyak si Andrea habang nakahiga sa kama. Halos hindi niya kayang titigan si Sebastian, ngunit pilit niyang ipinaparamdam dito ang sakit na nararamdaman niya.“Seb… hindi mo na ba talaga ako mahal?” mahina niyang tanong, punong-puno ng hinanakit.Napalunok si Sebastian. Alam niyang matagal nang tapos ang kanilang relasyon, pero hindi niya kayang sabihin ito nang harapan ngayon. Hindi ngayon, hindi sa ganitong sitwasyon.“Andrea… hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin ’yan. Ang mahalaga, gumaling ka muna,” sagot niya nang maingat.Napaluha si Andrea. “Alam mo bang ikaw lang ang gusto kong makasama ngayon? Kahit saglit lang, pwede bang huwag mo muna akong iwan?”Sa kabila ng pangungusap na iyon, nanatili si Sebastian. Hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa awa. Nang mapansin niyang tuluyan nang nakatulog si Andrea, naramdaman niyang pagod na rin siya. Hindi ni

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (66)

    Kabanata 66 - Ang Inaasahan at Ang HindiSa loob ng ospital, nanatili si Sebastian sa tabi ni Andrea. Pinili niyang manatili roon, hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa bigat ng kanyang konsensya. Hindi niya kayang talikuran ang babaeng minsan niyang minahal, lalo na’t nasa bingit ito ng kawalan. Alam niyang hindi tama, ngunit nagpa-anod na lamang siya sa sitwasyon.Ilang oras pa ang lumipas at dumating ang ina ni Andrea—si Meraichi. Isang eleganteng babae, kita sa kilos at tindig nito ang pagiging matatag at may mataas na pinag-aralan. Ito ang pangalawang beses na nagkita sila ni Sebastian, ang una ay noong nasa Amerika pa sila ni Andrea.Lumapit si Meraichi sa kanyang anak at hinaplos ang pisngi nito. “Anak, buti at nagising ka na, nag-alala ako sayo, pasensiya ka na nagising nga na wala ako, my pinuntahan lang ako, "Mom puwde bang umuwi ka na muna bulong ni Andrea— at ito'y agad naintindihan ng kanyang inang si Meraichi okay anak, pahinga ka muna. U

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (65)

    Kabanata 65 - Gising na Nakaraan Dahan-dahang pumasok si Sebastian sa silid ni Andrea. Muling bumungad sa kanya ang manipis na katawan nito, ang maputlang mukha, at ang bahagyang gumagalaw na mga daliri. Nang mapansin siyang pumasok, bumaling ang tingin ni Andrea sa kanya, may bahagyang luha sa mga mata. “Sebastian…” mahina nitong tawag. Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, lumapit siya sa kama at marahang naupo sa gilid. Kita niya ang sakit at panghihinayang sa mga mata ni Andrea, ngunit hindi niya alam kung paano iyon sasagutin. “Akala ko… hindi na kita makikita ulit,” dagdag nito, tinig na punong-puno ng emosyon. Napakuyom ng kamao si Sebastian. Hindi niya kayang balewalain ang lahat ng nangyari. Alam niyang may utang siyang paliwanag kay Andrea, pero alam din niyang may isang taong naghihintay sa kanya—si Isabella. --- “Bakit mo naman pinagtangkaan ang buhay mo? Ano ba ang nasa isip mo?” tanong ni Sebastian, ang tinig ay puno ng pagkabahala. Hindi siya makapaniwala na

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (64)

    Kabanata 64 " TUNGKULIN O PUSOSebastian, si Andrea nasa loob. Hindi pa rin siya nagigising," seryosong sabi ni Roxie habang nakatingin kay Sebastian. "Sabi ng doktor, 24 hours daw bago siya magkamalay. Sa panahong ito, kailangan ka niya. Simula nung naghiwalay kayo, nawalan na siya ng gana sa lahat. Ikaw lang talaga ang kailangan niya, alam mo naman 'yan."Napakuyom ng kamao si Sebastian. Alam niyang may pinagdadaanan si Andrea, pero hindi niya inasahan na hahantong ito sa ganito. May bahagyang kirot sa kanyang dibdib, hindi dahil sa pagmamahal na akala ng lahat ay naroon pa rin, kundi dahil sa responsibilidad na matagal na niyang tinakasan."Dapat ba akong manatili dito?" tanong niya, hindi sigurado kung ano ang tamang gawin."Ikaw ang dahilan kung bakit siya umabot sa ganito," tugon ni Roxie, diretsong tumingin sa kanya. "Kung may natitira ka pang malasakit sa kanya, kahit konti, dapat kang manatili."Napatingin si Sebastian sa pi

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (63)

    Kabanata 63: "Pagkikita ng mga Lihim"Sa isang tahimik na coffee shop, ang malamig na hangin mula sa air conditioning ay nagbibigay ng bahagyang ginhawa sa kabila ng tensyong namamagitan sa dalawang babaeng nagkita sa unang pagkakataon. Sa isang sulok, tahimik na naghihintay si Meraichi Luigi, ang mga mata’y nagmamasid sa bawat dumaraan. Isang mahirap na paghihintay na puno ng katanungan at alalahanin.Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng coffee shop. Isang matangkad at eleganteng babae ang pumasok—si Mercedes Villafuerte. Tumigil ito sandali at luminga-linga, waring naghahanap ng isang pamilyar na mukha. Nag-ring ang cellphone ni Meraichi, at nang tingnan niya ang screen, pangalan ni Mercedes ang lumitaw. Kaagad niya itong sinagot."Hello," bati ni Meraichi habang pinagmamasdan ang babaeng ngayo'y papalapit na sa kanya."Hi, nice meeting you, Mrs. Villafuerte," magalang niyang bati."Nice meeting you too," sagot ni Merce

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status