Agad na sumigaw si Maxine. "Oh, napaka-abala ni Miss Diana. Alam mo namang gusto kitang makasama sa inuman, bakit hindi ka lang tumabi? Kung hindi, aakalain ng lahat na sinadya ko.""Walang anuman, Miss Torres, hindi ako tumabi." Mukhang nahihiya si Diana.Maraming tao sa paligid ang tumingin na, na parang kanina lang ay basang-basa ang palda ni Maxine. Nagkunwari si Maxine na maunawain at sinabi, "Miss Rellegue, talagang kasing malas mo ako. Ang palda ko ay namantsahan din ng alak kanina. Buti na lang at nagdala ako ng ilang damit dito. Bakit hindi kita samahan na magpalit ng isa?" Bago pa makasagot si Diana, tumayo na si Kaena at sumagot para sa kanya, "Sige, hipag, magpalit ka muna ng damit kasama si Miss Torres."Kung makakalapit ka sa pamilya Torres, tiyak na makakalapit ka kay Mr. Mavros Torres. Siyempre, hindi alam ni Diana kung ano ang nasa isip niya. Ang likido sa palda ay natinahan ang palda sa isang kakaibang kulay, at talagang hindi na ito magagamit. Bahagyang tumango
"Kaena, paulit-ulit mo akong ginugulo, at sa pagkakataong ito ay gumawa ka ng isang bagay na napakasama. Sa tingin mo ba ay palaging susuportahan ka ng pamilyang Ruiz sa likod mo? Paano kung hindi ka mapoprotektahan ng pamilyang Ruiz sa pagkakataong ito?" "Miyembro ako ng pamilyang Ruiz! Syempre susuportahan ako ng kapatid ko, at ikaw, ano ang karapatan mong sabihin sa akin iyan? Hindi ba umaasa ka rin kay Master Torres para suportahan ka! Wala akong ginawang masama, huwag ka magsalita ng kalokohan!" Tila tumagos sa eardrum ang matalas na boses ni Kaena. Ang mga mata ni Mavros ay parang malamig na talim, nakatitig kay Kaena, na nagparamdam sa kanya ng takot, "Miss Ruiz, dapat ay alam mo kung ano ang nangyari sa hardin ngayon? Bakit mo ginawa ito?" "Master Torres! Maniwala ka sa akin, hindi ako ito, siya!" Itinuro ni Kaena si Mariana, "Ang lalaki ngayon lang ay sinadya niya sigurong ayusin para i-frame ako! Wala akong ginawa!" Sa oras na ito, si Diana, na nagpapal
Mukha siyang kalmado at matiwasay, na parang walang kinalaman sa kanya ang nangyari kanina. Hindi maiwasan ni Lolo Torres na tumingin sa kanya ng dalawang beses pa.Gayunpaman, tumingin siya kay Kaema nang may pagkasuklam. Masyado siyang nag-aalala sa murang edad. Tapos na ang pamilya Ruiz. "Hindi! Hindi maaaring tawagan ang pulis! Kung ipapadala mo siya sa istasyon ng pulis, matatapos si Kaena!" Namula ang ina ni Tyson.Agad niyang itinuon ang tingin niya kay Mariana, "Mariana, hindi mo magagawa ito kay Kaena. Kung tutuusin, naging hipag ka niya. Hindi ka maaaring maging malupit! At saka, hindi ka matatalo ng kahit anuman kung nailigtas ka!"Tinitigan ni Mariana ang ina ni Tyson, "Ginawa ni Kaena ang mga bagay na ito nang hindi iniisip kung gaano ako kabuti sa kanya. Siya mismo ang gumawa ng mali. Binigyan ko siya ng pagkakataon." malamig niyang sabi. Ang mukha ni Mariana ay puno ng hindi mapag-aalinlanganang katatagan. Si Kaena ay ganap na nataranta. Hindi niya inaasahan na
Alam ng lahat na ang host ng engrandeng piging na ito ay ang pamilyang Torres, at ang pangunahing tauhan ay natural na ang pamilyang Torres. Sa harap ng French na bintana sa pinakakanlurang bahagi ng bulwagan, maraming gintong kandelero, na nasusunog na may dim na ilaw. Tumayo si Mariana na may dalang champagne, at nasa tabi niya si Mavros.Kumuha siya ng isang baso ng alak sa dumaang messenger at inabot kay Mariana, "Bakit hindi mo subukan ito, magugustuhan mo ito." Inilagay ni Mariana ang baso sa kanyang kamay sa isang tabi, kinuha ang baso, at isang mahinang amoy ng violet ang umalingawngaw, "Nebbiolo ba ito?" "Hindi masama, kung gayon Yanyan, hulaan mo kung saang rehiyon ito galing?" Si Mariana ay humigop, ito ay isang masaganang violet na halimuyak, isang mahinang lasa ng cherry, ngumiti siya at sinabi, "Ito ba ang alak ng Barbares?" Tumango si Mavros, dalawang lugar ng produksyo lang ang Nebbiolo, Barbares at Barolo, madali ding makilala ang dalawang lugar ng
Nang sinusuri niya ang sikolohiya ng mga estudyante, biglang bumukas ang pinto ng consultation room. "Mariana! Bakit mo ginawa ito?" Galit na mukha ni Kaena ang dumating. Diretso niyang inilagay ang screen ng kanyang telepono sa harap ni Mariana.Malamig na tiningnan siya ni Mariana, "Nagtatrabaho ako!" Nagulat din ang estudyanteng gumagawa ng konsultasyon at agad na tumayo, "Mariana, pupunta ako sa iyo sa susunod." Silang dalawa na lang ang naiwan sa consultation room. Pinag-ngitngit ni Kaena ang kanyang mga ngipin, "Inamin ko na ang pagkakamali ko sa piging kahapon. Bakit mo ito ipinost sa forum? Mariana m, napakasama mong tao!" sambit niya. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Si Mariana ay masyadong tamad na bigyang pansin siya at nagsimulang abalahin ang kaniyang sarili sa sarili niyang mga bagay. Namula ang mukha ni Kaena, "Huwag kang magpanggap na hindi mo naiintindihan. Walang ibang nakakaalam sa nangyari sa piging kahapon. Sino pa ba kundi ikaw
"Bakit hindi mo ilabas lahat ng sa tingin mo ay masarap?" Muli niyang sinabi kay Jasver. Sa wakas ay tinanggap ni Jasver ang menu nang may kasiyahan. Inihain muna niya sa mesa ang asul na hipon ng Dagupan na kasasabi niya lang. Nanlaki ang mga mata ni Maxine. Ang pamilya Ruiz. Galit na galit si Kaena pagkauwi, "Mama! Nakakahiya! Ngayon, punong-puno ang forum ng eskwelahan ng ginawa ko sa piging kahapon. Tumitingin sa akin ang mga kaklase na iyon ng may kakaibang mga mata!" Agad na tumayo ang ina ni Tyson, na nakakunot ang noo, "Siguro ang asong iyon na si Mariana! Ayaw lang niyang magkaroon ng madaling buhay ang pamilya Ruiz!""Siya nga ito! Pagkakita ko, pinuntahan ko siya para tanungin, pero hindi pa rin siya umamin. Inamin talaga ni Maxine na ginawa niya iyon para sa kanya. Siya siguro ang naging dahilan para sadya na makitungo sa akin si Maxine. Ayaw lang niya na makita akong magkaroon ng madaling buhay! Ano ang gagawin ko? Ayaw ko nang pumunta pa sa eskwelahan!"
Hindi ko siya nakitang suot ito kahapon sa handaan, kaya akala ko ay hindi niya ito gusto."Ngayon, sa wakas ay nahanap nina Jasver at Max ang pagkakataon para makabawi para sa iyo," sabi ni Mavros na may kaunting pag-aalala.Sa gap ng pagkain, maraming panghimagas ang hiningi ni Max, at si Jasver naman ay nag-effort sa pagluluto ng masasarap na pagkain. Sa huli, napakaraming pagkain ang nasa lamesa na hindi na maipagpatong, kaya’t pinakawalan na siya ni Jasver."Salamat sa sponsorship sa pagkakataong ito. Sa susunod iimbitahan kita, at pwede niyo akong gantihan," sabi ni Mariana nang may biro.Nakatingin nang may ganitong ngiti, si Mavros ay tila lumutang ng saglit.Mabilis siyang nagbalik sa kaniyang huwisyo, "Sige."Pagdating nila sa baba ng gusali ng apartment, tinulungan ni Mariana si Maxine paakyat.Agad na inalis ng pamilya Ruiz ang post tungkol kay Kaena sa forum. Kahit walang naglalakas-loob na banggitin ito sa forum, tuwing bumabalik si Kaena sa silid-aralan, ramdam pa rin
Lumapit si Diana sa tainga ni Kaena at bumulong ng ilang salita, "Ang lihim na paraan na ito ay tinatawag na pag-akit ng isang tao sa isang bitag." "Isang maagang paghahanda sa kaarawan? Sasama ba siya?" Paulit-ulit na sabi ni Kaena. Hindi nasisiyahang sinabi ng ina ni Tyson. "Ayokong makita ang asong babaeng iyon, at gusto ko siyang imbitahan na dumalo sa paghahanda ng kaarawan ni Kaena, huwag mo nang isipin iyon!" Walang pakialam si Kaena. Iniisip niya na kung talagang katulad ito ng sinabi ni Diana, kung makakapunta si Mariana, malaki rin ang posibilidad na dumating si Mavros. Kahit hindi siya dumating, walang magpoprotekta sa kanya. Kapag dumating si Mariana sa handaan sa kaniyang kaarawan, hindi ba magiging madali para sa kanya ang anumang bagay? At saka, ilang araw na lang ay kaarawan niya, isa o dalawang araw na lang bago ang kompetisyon."Mama! Nakapag-desisyon na ako na gusto kong magdaos ng maagang paghahanda para sa kaarawan ko. Hipag, kailangan mo ak
"Talaga bang hindi mo alam kung ano ang sinasabi ko? Kung ganoon ay iibahin ko ang tanong ko sa tanong na mas madali mong maintindihan. Sinulat mo ba talaga ang papel na iyon?" diretsong tumingin si Mariana kay Bella, malapit na tinitignan ang magihing reaksyon nito. Sa kasamaang palad, umiwas ng tungin sa kanya si Bella at umikot para magpanggap na kukuha ng tubig. "Siyempre ako ang sumulat niyon. Mahigit isang buwan kong isinulat ang thesis na iyon." ani Bella. "Kalahating buwan kong isinulat ang papel na ito, ngunut ngayon ay lumabas ito nang nakapangalan na sa iyo. Ilang araw ang nakalipas, ipinadala ko ito sa Journal of Psychology. Hindi pa ito nakikita, pero nakita ko na ang anunsyo ng eskwelahan. Parehong pareho ang papel mo sa isinulat ko, ultimo ang title ay hindi napalitan. Ang mas interesring pa ay maging ang references at notes doon ay hindi rin nabago. Ang direksyon ng talakayan ay tinalakay din mula kay Nova Castro. Sa tingin mo ba hindi ko dapat itanong ng malin
Sa sandaling lumabas siya, isang ngiti ang lumitas sa kaniyang labi. Narinig niya ang lahat. Pagkatapos ng klase, dumating sa eskwelahan si Mavros para sunduin si Maxine, at kasunod ni Maxine ay si Mariana. Matapos ang huling pagdiriwang ng kaarawan, naging mas malapit sa isa't isa ang relasyon nina Mariana at Mavros. Kahit na hindi pa nila nililinaw ang lahat, masyado pa ring manipis ang papel na nakaharang sa kanilang dalawa. Lalo na kung kasama si Maxine na gustong - gustong sumali sa katuwaan, palaging sumusubok na maglapitin silang dalawa. "Ate Mariana, nitong mga nakaraan ay palaging nagtatanong si kuya sa akin tungkol sa 'yo sa tuwing tumatawag siya. Tinanong ko nga siya kung bakit hindi ka na lang niya tawagan ng diretso, pero hindi niya ako sinagot. Sa tibgin ko ay nahihiya lang ang kuya ko! " "Hindi totoo' yan." nagpanggap na galit si Mavros. "Hindi ako nagsasabi ng hindi totoo!" ani Maxine. Lumapit si Maxine mula sa backseat at inilapit ang bibig sa tainga ni Ma
Nagbago ng matindi ang itura ni Diana at agad na tinulungan si Tyson upang makatayo, "Tyson, ano bang ginagawa mo?" Kumakatok ang kanyang asawa sa pintuan ng ibang babae sa harap niya. Ano ba 'yan, nakakahiya! "Hindi." lasing na talaga si Tyson at namumula na ang buong mukha, ngunit tumanggi oa rin itong umalis. "Ito ang bahay ni Miss Ramirez, dapat ay mahimasmasan ka na." naging mababa ang tono ni Diana. Ngunit isa pa rin siyang babae kahit papano, at di hamak na matangkad si Tyson at mabigat, nakahawak rin ito sa pinto ng apartment ni Mariana at ayaw talagang umalis." Pagkatapos ng ilang sandali ay nawalan ng lakas ang pagod na mga braso ni Diana at malakas na bumagsak si Tyson sa sahig. Ni man lang nagising si Tyson dahil sa pagbagsak, at patuloy lang ito sa pagbulong ng kung ano-ano, "Mariana! Buksan mo ang pinto! Buksan mo ang pinto!" "Tyson! Tignan mo akong mabuti!" lumakas ang tinig ni Diana at malamig na tumingin kay Tyson. Halata namang wala ka talagang m
Ikinuyom ni Maxine ang kanyang mga kamao, "Si ate Mariana..." sambit niya sa nanginginig na boses. "Oo, si Ate Mariana, inabot niya ang kamay niya sa 'yo, at nakasakay ka bangka na' yon. Lumulutang bangka na iyon sa ibabaw ng dagat, at hinangin ka palayo. Naaalala mo pa ba kung bakit ka lumitaw sa dagat?" "May, may hinahanap ako." "Okay, nakita mo na siya, kasama mo na siya. Ngayon may kasama kang dalawang tao, si Mariana ang isa at ang isa naman ay ang taong hinahanap mo." Kumunot ang noo ni Maxine, "Hindi, hindi, isang tao lang naroon." Ilang sandaling natigilan si Mariana, "Sige, hindi mo nahanap ang tao na iyon, patuloy na lumulutang ang bangka na sinasakyan mo, at nakita mong napakaraming bangka ang lumutang sa paligid na papalit sa maliit na bangka na sinasakyan mo. Ano sa tingin mo ang gusto nilang gawin?" agad niyang tanong. "Pagpatay!" matalim ang boses ni Maxine, "Gusto nilang pumatay ng tao!" "Sa pagkakataon na ito ay nakaamoy ka ng isang halimuyak, na
"Dumating ang mga pulis at dinakip si Tyson kanina lang, sinasabi nila na nag-trespass daw siya!" balisang sambit ni Diana. "Hindi ba ay nandito lang naman si Tyson sa bahay ng buong oras. Paano siya makakapag-trespass?" "Pagkatapos ng hapunan, wala na sa katinuan si Tyson. Lumabas siya mag-ida noong bago mag-alas onse. Tinanong ko siya pero hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta." naalala ni Diana ang talunang mukha ni Tyson kanina, at agad siyang nagkaroon ng hinuha. Maaari kayang doon ito nagtungo? Sa A University. Nakatanggap ng mensahe si Mariana sa kaniyang email mula kay Nova Castro. Mula nang basahin ni Nova Castro ang papel niya noong nakaraan, madalas nang mag-usap ang dalawa sa email tungkol sa mga research sa sikolohiya. Tungkol sa publication ng papel
Palagi niyang nararamdaman na may nananakit sa kanya, at lahat ng nakikita niya ay masamang tao. Ngunit palagi niyang nararamdaman na hindi ito kasing simple lang ng pagkidnap. "Matagal kong hinanap si Max matapos siyang dukutin. Nang sa wakas ay natagpuan ko na siya, para siyang isang baliw noong araw na iyon, at hindi niya ako nakilala. Ilang araw siyang nag-collapse at umiiyak tuwing gabi dahil sa sobrang takot." Bahagyang kumunot ang noo ni Mariana, "Anong nangyari? Hindi kaya si Maxine ay..." Walang magawang ngumiti si Mavros, "Hindi, nakita lang niya ang mga taong iyon na nagpapahirap ng mga tao, nakinig siya sa lahat ng uri ng pqg-daing, at hinarap ang mga dugo na nasa lupa. Sinabi niya sa psychologist na sa sandaling ipinikit niya ang mga mata niya, nakikita niya ang dugo at ang buong mundo ay kulay pula. Pagkatapos, tuluyan siyang nag-collapse at na-coma sa loob ng ilang araw. Nang magising
Ang pamilya Ruiz ay hindi mapayapa nang gabing iyon dahil nakarinig si Kaena ng isang bulung-bulungan. Mabilis niyang itinutok ang screen ng kanyang telepono sa tatlong tao sa hapag kainan, "Mama! Kuya, hipag, tingnan ninyo!" Sa screen, isang lalaki at isang babae ang sumasayaw. Niyakap nila ang isa't isa, at lumilipad ang palda ng babae. Maraming tao ang sumasayaw sa paligid nila, ngunit nakita pa rin ni Tyson na ito ay sina Mariana at Mavros sa isang sulyap lang. Nanginig ang kanyang hawak na mga chopstick para sa pagpulot ng pagkain, at tahimik siyang uminom ng isang higop ng sabaw. Nakita ni Diana ang kanyang ekspresyon. "Hindi naman ito isang kakaiba na bagay. Hindi ba ay palagi naman silang magkasama?" sambit niya nang may iniisip. Inihagis ng ina ni Tyson ang mga chopstick sa galit at malamig na bumuntong hininga. "Kung ako ang tatanungin mo, hiniwalayan ka kaagad ni Mariana at hinahalik-halikan niya ang pamilya Torres. Hindi ka pa rin naniniwala na niloko ka niya
"Kung sina Miss Serrano at ang iba pang mga babae ay magpapatuloy sa pag-tsimis at pagsabi ng walang katuturan, kakailangin ko muna kayong paalisin." "Tara na." naglakad palayo sina Miss Serrano nang may malungkot na mukha. Ipinagpatuloy ni Mariana na ibaba ang kanyang ulo. Hindi talaga niya alam kung oaani niya dapat harapin si Mavros at kung ano ang sinabi niya. Tumitig siya sa sulok ng kaniyang palda at sa tip ng kaniyang mga sapatos, hindi alam kung ano ang eksoresyon ang gagawin. "Muntik ka na naman nasangkit sa gulo. Ayos ka lang ba?" marahang tanong ni Mavros. Nang makitang hindi tumugon si Mariana, tinawag niya itong muli. "Yan Yan?" "Ah? Nakikinig ako. Ayos lang ako." sabit niya nang wala sa kaniyang isip. Ang gusot na sinulid sa kanyang dibdib ay nagkasabit sa lahat ng direksyon. Habang pinag-iisipan niya ito, mas lumalaki ang sinulid. Ano ang ibig sabihin ni Mavros? "Bakit natutulala ka? Mamaya ay magsisimula na ang handaan. Pwede ko bang anyayahan si Yan
Malaya tulad ng isang ibon ang tumutugtog sa loob ng bulwagan, malambing na magaan na musika, ang piramide ng mga baso ng alak ay kumikinang sa ilalim ng liwanag, at ang mga batang babae sa bulwagan ay nag-uusap at nagtatawanan sa mga mamahaling mga bestida. Nakatayo sila sa ilalim ng spotlight, at ang mga alahas sa kanilang mga katawan ay pinalamutian sila ng pinaka nakakasilaw na liwanag. Si Mariana sa isang sulok ay nakasuot ng masikip na itim na velvet na damit. Bilang isang namumukod-tanging Filipino dress designer noong ika-20 siglo, perpektong na-highlight ng damit na ito ang klasikal na pagka-elegante ng mga babaeng pilipino. Siya ay hindi kailanman nagsuot ng anumang nakasisilaw na alahas, ngunit nakasuot lamang ng isang esmeralda na kwintas, na puno ng kagandahan. Si Maxine sa tabi niya ay nakasuot ng prinsesa na bestida at may hawak na panghimagas sa kanyang mga kamay. Bagaman siya ang host ng isang normal na piging, ang kanyang mga mata ay puno ng hindi nararapat