Konting push pa Jace...
"Alam kong patatawarin din ako ni Emerald balang araw," sabi ni Jace kay Kyle. Nasa opisina sila, at nag-aalala ang kaibigan niya matapos siyang makita na malalim ang iniisip. "Siyempre, patatawarin ka rin niya. At maswerte ka na gusto ka ng anak mo," sagot ni Kyle, na ikinangiti ni Jace. Ikinuwento niya kung ano ang ginagawa ni Ace para bigyan sila ng oras ni Emerald na magkasama. "Sana lang gumana ang plano namin. Seryoso si Ace sa pagbabalikan namin ni Emerald, kaya ayokong masayang ang mga effort niya." "Hindi mo siya masisisi. Gusto niyang magkaroon ng kumpletong pamilya, at matapos niyang tawaging 'daddy' si Liam nang matagal, siguro ang kasiyahan niya na sa wakas nakilala ka niya ay higit pa sa inaasahan natin." Ganoon din ang iniisip ni Jace. Tuwing tinitingnan niya ang anak, nakikita niya ang isang batang malaya at puno ng sigla. Kahit hindi sabihin ni Emerald, alam niyang matalino ang bata. Wala nang iba pang hiling si Jace sa mundo kundi ang mabuo ang pamilya nila. "Anyw
Mabilis na hinabol ni Jace si Emerald at pinigilan siya matapos ang kanilang meeting. “Ihahatid kita sa kumpanya mo,” sabi niya. “Kukunin ko lang ang susi ng kotse.”“Magta-taxi na lang ako,” pagtanggi ni Emerald.“Please, Emerald. Hayaan mo akong gawin ito para sa'yo,” pagsusumamo ni Jace. Hindi na nagsalita si young Morgan at napabuntong-hininga na lang bago tumango. Hinawakan ni Higginson ang kanyang kamay at hinila papasok ng elevator.“Anong ginagawa mo?” takang tanong ng babae.“Kukunin ko ang susi ng kotse, at natatakot akong baka biglang umalis ka kapag iniwan kita kahit saglit, kaya isasama kita sa opisina ko, tapos sabay tayong pupunta sa parking lot,” sagot ni Jace.“Hindi ko alam na may trust issues ka pala,” sabi ni Emerald habang umiiling. Sa kaloob-looban niya, may saya siyang naramdaman dahil nag-aalala si Jace para sa kanya. Kahit na ang balita mula kay Creep ang dahilan ng kanyang alalahanin, gumaan ang loob niya sa presensya ng lalaki.“Saan ka pupunta?” tanong ni Em
"Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo ang mga lolo't lola mo, ha?" paalala ni Emerald sa anak niya. Dumating si Jace sa bahay nila para sunduin ang bata. Biyernes na, at mag-i-stay si Ace sa bahay ng mga Higginson buong weekend."Yes, Mommy!" masayang sagot ng bata. Gustung-gusto niya kasing magpunta sa bahay ng mga lolo’t lola niya dahil sa pinsan niyang kalaro niya doon. Ngumiti si Emerald at hinalikan si Ace bago inabot kay Jace ang bag ng damit nito.“Paki-alagaan mo siya, ha,” sabi ni Emerald kay Jace habang kinukuha nito ang bag.“Siyempre,” nakangiting sagot ni Jace. “Magpaalam ka na kay Mommy,” sabi niya sa anak.“Bye, Mom!” excited na sabi ng bata habang kumakapit sa kamay ng ama, hawak ang bag nito.“Aalis na kami,” sabi ni Jace sabay hila kay Emerald at biglang hinalikan ito sa labi.“Yehey!” tuwang-tuwang sigaw ni Ace matapos makita ang ginawa ng ama. Tiningnan ni Emerald si Jace nang masama, habang nagtatawanan ang mag-ama bago tuluyang umalis.Nanatili si Emerald sa bahay, n
Sa mansyon ng Higginson, wlang ibang laman ang isip ni Jace kung hindi ang kanyang asawa at kung ano ang ginagawa nito. nag-aalala siya sa problemang kinakaharap ng kumpanya ni Emerald, at nais niyang tumulong at magbigay ng suporta at maipakita na pwede siyang masandalan. Dahil hindi na niya kaya ang pagkagulo ng kanyang isipan ay nagdesisyon siyang puntahan nalang ang asawa.“Anak, puwede ka bang matulog sa mga lola mo ngayong gabi?” tanong ni Jace. Nangibabaw ang pag-aalala niya at alam niyang hindi siya matatahimik kung hindi niya masisiguro na maayos si Emerald.“Okay lang, Dad. Pero dalhin mo 'to,” sagot ng bata at bumangon mula sa kama upang kunin ang kanyang bag. Kinuha ni Ace ang ilang susi at ibinigay ito sa kanyang ama. “Kilala ka ng mga guards, kaya papapasukin ka nila, pero naka-lock ang bahay sa mga oras na ito.”Ngumiti si Jace sa kanyang anak bago kinuha ang mga susi. Tumayo rin siya mula sa kanyang kama at binuhat si little Ace upang dalhin siya sa silid ng kanyang mga
"Mr. Higginson, kunin mo ito," sabi ni Daryl kay Jace habang inaabot ang bulak at alkohol para linisin ang mga sugat niya. Matindi ang naging laban nila ni Liam, dahil pareho silang malaki lalaki at malakas."Salamat," sagot niya habang nakatingin ng masama kay Emerald, na naglalagay ng gamot sa mga sugat ni Liam. Selos na selos siya, iniisip na dapat siya ang inaalagaan ng asawa niya. Kahit siya ang nagsimula ng away, pinagtanggol niya ang sarili dahil asawa siya ni Emerald."May masakit pa ba sa'yo?" tanong ni Emerald kay Liam habang tuloy-tuloy ang pagtingin sa mukha at mga braso nito."Bakit sobrang concern ka sa kanya?" tanong ni Jace na parang bata, pero hindi siya pinansin ni Emerald, at hindi niya gusto iyon. "Hindi mo ba ako sasagutin?" dagdag pa niya."Ahm, Mr. Higginson, mas mabuti sigurong lagyan mo rin ng gamot ang mga sugat mo," sabat ni Daryl. Alam niyang lalo lang magagalit ang kaibigan niya kung patuloy pa siyang magsasalita."Tinanong ba kita?" galit na sagot ni Jace.
“Ingatan mo si Mommy, Daddy Liam,” sabi ni Ace habang papasok na siya sa kotse. Hinalikan niya ang kanyang ina bilang paalam, kahit na gusto niyang sumama si Emerald sa kanila sakay ng kotse ng ama. “No, problem, kid. Gagawin ko ‘yan kahit hindi mo pa ako paalalahanan,” tugon ni Liam na may ngiti. Ihahatid niya si Emerald sa opisina, habang si Jace naman ang maghahatid kay Ace sa school nito. “Ingat ka, dear,” sabi ni Emerald, kumakaway sa anak bago siya sumakay sa kanyang kotse kasama si Liam na papunta sa driver’s seat. Sa kabilang banda, galit na galit si Jace nang marinig niyang tinawag ni Ace na "Daddy" si Liam. Pero alam niyang masyado pang bata si Ace para maintindihan ang nararamdaman niya, at wala naman ginawa si Liam na anumang masama o saktan ang anak niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa manibela, nangingitim na ang kanyang mga knuckles, habang nagmamaneho sa pamilyar na ruta papunta sa eskwelahan ng kanyang anak. Tahimik si Ace sa tabi niya, ramdam ang tensyon at an
“M, ayos ka lang ba?” tanong ni Creep nang mapansing malayo ang tingin ni Emerald.“Huh?” nagtatakang tugon ng batang Morgan, salitang tinignan sila Creep at Daryl na walang kamalay-malay sa pinag-uusapan nila.“Mukha kang balisa, anong meron? May nangyari ba sa Software Group?” tanong ni Daryl.“Wala, okay lang. Maayos naman ang lahat doon, at sa tingin ko matatapos namin ang project nang mas maaga kaysa inaasahan.” Mabilis na sagot ng batang Morgan. Totoo iyon; maayos ang takbo ng kanyang team, ngunit ang gumugulo sa isip niya ay ang mga sinabi ni Jace.“Eh, ano ang iniisip mo? Kanina pa kami nagdidiskusyon dito, pero parang wala kaming nakukuhang sagot mula sa’yo,” tanong ni Creep na puno ng pag-aalala.“Personal lang, pasensya na.”“Ayos ka lang ba? Gusto mo bang ipagpaliban muna natin ang meeting?”“Huwag na, Daryl. Ituloy na natin. Kailangan nating ayusin ang kasong ito, kung hindi, baka patuloy lang silang gumawa ng ganito. At sino ang nakakaalam, baka tayo ulit ang puntiryahin
Mature Content"Mag-usap tayo, Emerald.""Tapos na tayong mag-usap. Ilang beses ko bang kailangan sabihin 'yan?" sagot niya habang inilapag ang hair blower. Nakasuot pa rin siya ng bathrobe at kinakabahan na baka may mangyari na naman sa kanila."Nandito pa ba si Liam?""Oo.""Sabihin mo sa kanya na maghanap na ng ibang matitirhan. Hindi ko gusto na kasama mo siya rito""Bahay ko ito, Jace. Kung pinapayagan kitang pumasok dito, bakit hindi siya?""Alam mo bang iniisip ko palagi na magkasama kayong dalawa dito? Kailan ba siya uuwi sa bansa niya?""Hindi na siya uuwi.""Ano? Ibig sabihin dito na siya mananatili? Hindi, hinding-hindi ko 'yan papayagan. Akin ka, Emerald, at hindi ko hahayaang makihati ang lalaking iyon sa atensyon mo sa akin!" galit na sabi ni Jace."I don't give you any right to–""May karapatan ako, Emerald! You're my fucking wife!" putol ni Jace sa mga salita ng asawa na ikinatawa ni Emerald. Hindi niya maintindihan kung bakit ang pagiging possessive ni Jace ay nakakapa