Share

Sweet Flames Of Vengeance
Sweet Flames Of Vengeance
Author: Shanelaurice

Prologue 1.1

Author: Shanelaurice
last update Huling Na-update: 2022-01-07 02:52:14

Madilim, magulo, mausok at maingay. Iyon ang senaryong bumungad sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya sa lugar na iyon. Tiningnan niya ang kanyang wristwatch, alas ocho y kinse na ng gabi. 

Kung para sa iba, oras na iyon ng pagtulog o kaya'y pagsisiyesta.. Para sa kanila ang oras na iyon ay indikasyon pa lang ng pagsisimula ng kanilang gabi. 

Nagmadali siyang pumasok sa kwartong nagsisilbing dressing room nila. Nadatnan niya pa sina Stefanie at Mae doon na abala sa pag me-make-up. 

"Akala ko hindi ka na makakapasok ngayon, may nangyari na naman ba?" Si Stefanie na tinapunan siya ng tingin.

Umiling siya. "Wala naman, hindi lang ako nakauwi ng maaga. Marami kasing customer sa coffee shop." sagot niya saka tinungo ang silyang nakatalaga sa kanya. Sa gilid non ay naroon na ang damit na isusuot niya para sa gabing iyon. Tulad rin iyon ng suot ng dalawang kasama.

"Kung bakit ba kasi pinagtiyatiyagaan mo pang magtrabaho doon sa coffee shop e ang liit naman ng sweldo. Bakit hindi ka nalang mag focus dito?" Si Mae na nakatingin sa kanya sa salamin habang nagsusuot ng hikaw. 

Hilaw siyang ngumiti. "Napamahal na kasi sa akin ang coffee shop Mae." iyon ang palagi niyang sinasabi sa mga kasamahan niya kapag nagtatanong o nag-uusisa ang mga ito. 

It was partially the truth pero..

"Kailangan mo ng pera.. at nasa harap mo na ang solusyon. Pinag-aagawan ka nila Drey lalo na ni Gen. Tamayo alam mo ba iyon? Ilang gabi lang at tiyak kong solve ang problema mo.. magpraktikal ka na kasi, hindi na uso ang hiya at kiyeme sa panahon ngayon! Hindi mo iyan mapeperahan!"

"Hayaan mo na nga si Drea Mae, " saway ni Stephanie. "Itigil mo na ang kaka-kumbinsi sa kanya dahil hindi iyan makakatulong!"

Nagkibit balikat ito. "Bahala kayo, suhestyon lang naman yong sa akin" sabi pa nito saka tumayo. "Mauna na 'ko sa inyo." dugtong pa nito saka nagpatiuna ng maglakad papunta sa pinto. 

Dinig na dinig pa nila ang tunog ng takong nito kahit nakalabas na ito ng dressing room.

"Huwag mo nalang pansinin ang bruhang iyon Drey."

Nagkibit balikat lang siya saka ngumiti.

"Wala sa akin iyon.. sanay na naman ako sa kanya." 

"Kumusta na si Daisy?" Tanong nito. Pumunta ito sa likod niya at tinulungan siyang ibuhol ang laylayan ng suot niyang t-shirt. Tapos na itong magbihis at mag ayos ng sarili.

"Sa awa ng diyos hindi na siya sinumpong nitong linggo." 

"Mabuti naman kung ganoon."

"Sana nga tuloy-tuloy na.." sabi niyang puno ng pag-asa ang boses. 

"May awa ang diyos Drey.. hindi ka niya pababayaan."

Marahan siyang tumango. Sandali pa siya nitong minasdan sa salamin, puno ng simpatya ang mukha. 

Pilit naman siyang ngumiti saka pinasigla ang boses.

"Hintayin mo na ako Step, Sabay na tayong lalabas." pag-iiba niya ng usapan.

Marahan naman itong ngumiti at tumango bago na napadiretso ng tayo saka tinungo ang upuan nito. 

Hindi siya nagme-make-up na tulad ng mga ito. Foundation at lipstick lang ang nakasanayan niyang ikolorete sa mukha kaya hindi tumagal ang paghihintay nito. 

Nang tumayo ay tiningnan niya muli ang sarili sa salamin. Puting t-shirt na binuhol sa likod ang suot nila kaya kita ang kani-kanilang mga pusod at itim na short shorts na tinernuhan ng tatlong pulgadang heels. 

Iyon ang attire nila para sa gabing iyon bilang mga waitres.. waitres sa club na iyon!

KANYA-KANYA na silang tungo sa pwestong nakatoka sa kanila. Naroroon na rin ang iba pang waitress na inaasikaso na ang ibang mga customer. They were eight of them at sa walo, si Mae at Stefanie ang naging close niya sa loob ng tatlong buwan niyang pagtatrabaho doon. 

She was not working there regularly. Ume-ekstra lang siya tuwing byernes at sabado kung kailan maraming customers. 

It was Stefanie who offer her the job. Nagkakilala sila noong lumipat ito sa katabing apartment kung saan sila nagrerenta. 

Noong panahong iyon mag iisang taon na siyang nagtatrabaho sa Julie's cafe bilang server at cashier na rin. Sa trabahong iyon niya natagpuan ang peace of mind kaya kahit hindi masyadong malaki ang sweldo ay ninais niyang manatili doon. 

Kaya lang...

"Miss tatlo ngang bote ng beer at isang sisig!"

Napapitlag siya ng marinig ang tawag na iyon. Agad siyang nagkumahog at lumapit sa mesa ng tatlong lalaking di kalayuan sa kanya. 

Habang papalapit ay hindi na nakaligtas sa kanya ang nanunuot at malisyosong titig ng mga ito. They stare at her from head down to her legs as if she was naked. Binalewala niya iyon at nakangiti pa ring lumapit sa mga ito. 

Sa tatlong buwan niyang pagtatrabaho doon hindi na bago sa kanya ang mga ganoong titig at malisyosong ngisi. Noong una halos masuka siya at halos hindi niya kayang gawin ang ganoong uri ng trabaho pero dahil sa wala siyang choice ay pinilit niya iyon sikmurain. Kalaunan ay nasanay na rin siya. Hindi niya nalang pinapansin ang advances ng ibang mga customer. 

Kailangan niya ng pera at sa ngayon iyon lang ang tanging mahalaga sa kanya.

"Ano pong order natin sir?" Hinalo niya pa ng lambing ang ngiting ibinigay niya. Kinuha niya ang isang maliit na notepad at ballpen sa likod ng bulsa ng short niya. Kilala na niya yung isa sa tatlo. Regular customer ng club.

"Ikaw... pwede ba?" Natatawang biro nung isa na pinakabata sa tatlo.

Alam niyang nagpapalipad-hangin lang ito kaya sinabayan niya ito sa pagtawa. "Sorry sir but I'm not for order.." Biro din niya saka ito nginitian. "And not for sale also."

"Sabi ko sayo Roge eh.." anang katabi nito. 

Ipinagpapasalamat niya ng hindi na nagpumilit o nangulit ang kaharap. Nakuntento nalang ito sa mga nakaw na tingin at manaka-naka'y ngisi na hindi nalang niya binigyang pansin habang sine-serve niya ang order ng mga ito.

Sanay na siya sa mga customer na ganoon. Mas malala pa nga ang iba lalo na kung lasing. Ang iba idinadaan sa kunwaring di sinasadyang paghipo o kaya mga manaka-naka'y paghimas na noong una ay halos hindi na niya gustong bumalik kinabukasan. Kaya lang may nangyari kaya kahit diring-diri siyang bumalik doon sa club ay wala siyang naging ibang choice kundi ang bumalik at magtrabaho doon. 

She needs money and it was all that matter to her kaya pilit niyang binalewa ang mga advances ng mga manyak na customer. Inisip niya nalang na wala namang mawawala sa kanya as long as they will never hit her below the belt. Kaya okey lang. At kung dumadating naman sa punto na sobrang bastos na, meron naman silang mga security at mga bouncer doon na sa laki ng mga katawan ay kayang-kaya iitsa ang bastos na customer sa labas sa pamamagitan lamang ng isang kamay.

Pabalik na siya ng counter ng salubungin siya ng kanilang manager na halos mabali ang baywang kung makakembot. Daig pa nito ang mga sumasali sa mga beauty contest kung rumampa. Well, hindi na nakapagtataka, Manager Arriella is a woman trap in a man's body. 

"Drea.. nandito na siya at hinihintay ka na niya doon." 

Marahan siyang tumango saka pabuntong-hininga na tumalima. Inaasahan na niya iyon. Narinig niya pa ang pagtawag ni Manager Arriella sa isa niyang kasamahan at sinabihang ito na muna ang magsisilbi sa naiwan niyang pwesto.

Marahan siyang umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang mga VIP room. 

Kumpara sa ibaba mas pribado at mas tahimik ang sa itaas. Mostly kasi mga taong may sinasabi sa lipunan ang umookupa doon like politicians and Executives.

Marahan muna siyang kumatok bago itinulak ang pinto.

"Andrea!"

In a excited voice, the man infront greeted her.

She smile. "Good evening Gen. Tamayo." She greeted back bago na inikot ang mata sa loob ng kwartong iyon. 

Anim lahat ang naroroon. Apat ang lalaki kasali na si Gen. Tamayo. At dalawang babaeng marahil kasing edad niya lang. Katabi ng mga ito ang dalawang lalake sa bandang kanan ng mahabang sofa. Hindi ito ang palaging kasama ng Heneral sa tuwing pumupunta roon.

Gen. Tamayo is a regular customer at the club. Naging regular mula ng magtrabaho siya doon and she was his favorite server since then. Nasa late forties na ito at sa pagkakaalam niya isang na itong byudo at may tatlong anak.

Hindi naman nito ikinakaila ang pagkakagusto sa kanya. He is vocal about his feelings pero pinakatanggi-tanggi na niya iyon una pa lang. 

"I can give you the world if you'll only give me a chance Drey." 

She remember him offering her that the second time he went to the club. Dalawang linggo pa lang siyang natatrabaho doon noon. It was a tempting offer Lalo na sa mga sandaling iyon ay nangangailangan siya ng malaking halaga. But never even in her worst dream that she'll wake up one day to be a mistress.

"I'm sorry Gen. Tamayo. If you think I'm like those woman who'll heartedly jump in your bed because of money.. ngayon pa lang sinasabi ko na sayo.. hindi ako ganoong uri ng babae."

She said that with head up high. Nakita niya ang sandaling pakakatigil nito. Hindi siguro inaasahan na marinig sa isang tulad niyang nagtatrabaho sa club ang ganoon. Siguro sanay ito sa mga babaeng offeran lang nito ng pera ay agad susunggaban.

At kahit noong nalaman niyang isa na itong byudo ay hindi pa rin nagbago ang desisyon niya. It won't change even if he'll tell her that his intentions were pure.

She was a fool. Swerte na.. nilalayuan niya pa. Yun ang palaging sinasabi sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa club. She could live in luxury kung bibigyan niya lang ito ng pagkakataon. Mapera, may magandang trabaho at kung itsura naman ang pagbabasehan ay hindi naman ito dehado. Ni hindi ngang mahahalatang lagpas kuwarenta na ang edad nito. But she's really not into him or the like's of him.

Okey she's desperate to earn money.. but not to the extend that she'll exchange her freedom and her dignity to achieve it. Malakas pa siya and she can still work to save. Bahala na magkandakuba-kuba siya.

Dignity was the only thing left in her. Hindi man iyon maisip ng mga tao sa uri ng trabaho niya at least alam niya sa sarili niya na meron siya non.

"As usual po ba Gen. Tamayo?" Tanong niya ng makalapit rito.

He smile and urge her to come closer.

"Yes please, Andrea.. but before that ipakikilala muna kita sa mga kasama ko." 

Isa-isa nga nitong ipinakilala sa kanya ang naroroon. She just courteously smile kahit na hindi rin naman niya natandaan ang pangalan ng mga ito. Tantiya niya ka edad ng Heneral ang dalawa sa kabilang sofa na may mga kaharutang babae at mas bata naman ang nasa tabi nito.

Sanay na siya na kapag nandon ang lalake ay naroroon din siya sa loob ng VIP room. She was always requested by him to be inside. Taga silbi ng alak and because he paid double ay hindi iyon sinansala ng kanilang manager. Actually gustong-gusto pa nga. 

She also like it that way too. Maingay at crowded sa ibaba at mas maraming manyak na mga lasing. Unlike here in VIPs. Although there are some advances hindi naman iyon kasing lala kung naroroon siya sa ibaba.

At ang higit na dahilan kung bakit gusto niya sa VIP's ay dahil malaki kung magbigay ng tip ang mga nag ookupa doon. 

She pour another shot. As usual their topic was politics. Noon pa man ay alam na niya ang plano ni Gen. Tamayo na tumakbo bilang senador sa susunod na eleksyon kaya sa tuwing pumupunta ito doon, pulitika ang palaging topic nito at kung sino mang kasama nito.

A few shots more and they are starting to get groggy. Nagiging maingay na sa loob. Napupuno na ng tawanan at harutan.

"Try this Drey.." 

Mariin siyang umiling ng iabot sa kanya ni Gen. Tamayo ang baso na may lamang alak. 

"Alam mong hindi ako umiinom Genaral." Ganting bulong niya. 

"Just this once. I'll assure you magugustuhan mo ang lasa nito."

Umiling siya ulit. Kinuha niya ang bote ng whisky "I'll just pour you another shot."

Mahina itong tumawa.

"Okey, hindi na kita pipiliting uminom but in one condition.."

Taas kilay siyang nagtaas ng tingin.

"Stop calling me Gen. Tamayo. It's too formal for our three months acquaintance. Andro nalang, pwede ba iyon Drey?" 

She smile and raised her brows but after a while she nodded. "Andro then.."

Bahagya pa siyang napapitlag ng inilapit pa nito lalo ang mukha sa bandang teynga niya.

"Kita mo na, pati pangalan natin halos magkapareho na.. Andrea and Andro. Hindi pa ba ito takda ng tadhana para sa atin?" He chuckled.

She laugh at his remarks. Siya naman ang lumapit sa bandang taynga nito.

"Destiny is not in the name Andro.."

"Wala ka talagang planong bigyan ako ng pagkakataon huh?" 

"Wala rin akong planong magbigay ng pagkakataon sa iba."

Andro's laugh fill the room. Pati mga kasamahan nito ay napatingin sa gawi nila.

"I'm sorry I'm late.. Did I miss something?" 

Mula sa kanila, bumaling ang tingin ng mga kaharap sa may pinto. 

And she did too. 

And who she saw there standing almost made her faint!

Kaugnay na kabanata

  • Sweet Flames Of Vengeance   Prologue 1.2

    Inalis niya sa isip ang posibilidad na isa iyon panaginip. She's sure now that it wasn't a dream or hallucination when Gen. Tamayo introduce him to them. Napilitan siyang tumayo ng dumating na sa puntong ipapakilala na siya ng Heneral dito kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod. With dark piercing eyes, he stood infront of her. Walang kangiti-ngiti sa mga labi. Obviously, naalala rin siya nito. She smile bitterly. Paano siya nito makakalimutan kung siya ang pinakamalaking pagkakamali na nangyari sa buhay nito? "Andrea, this is Attorney Zethrius Miranda, a dearest friend and also my lawyer. Zeth this is Andrea, a very dear friend too." pagpapakilala ng Heneral habang namumungay ang mga matang nakatingin sa kanya. She swallowed hard. Biglang-bigla ay parang nabingi siya. The inside of the room suddenly seems dark. Kasing dilim ng aura ng

    Huling Na-update : 2022-01-07
  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter one

    "Are you sure you can make him fall inlove with you?" Puno ng pagdududang ngisi sa kanya ng kanyang mga kaibigan. It was their breaktime and the five of them were sitting on the bench at the back of their campus na nasa ilalim ng malaking punong talisay. They are daring her since yesterday. Or should she say she was daring them since yesterday. "He was as cold as the artic ice.. as serious as the cold night. Parang hindi nga iyon marunong ngumiti. And then here you are telling us that you can make him fall for you." Taas kilay na sabi ni Jayla. "Ang sabi ni Cianna, wala daw sa vocabulary ni Zeth ang babae. Wala daw iyon ka inte-interest.. Kita mo naman the other day di ba? He just treat you like a passing wind when you tried to make pa-cute at him.." Si Vera. "Focus iyon sa pag aaral.." kibit-balikat lang ni Marga. They are all trying to discourage

    Huling Na-update : 2022-01-07
  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter two

    "Hi Drey.." Agad na bati ng isa sa mga kaibigan ni Zethrius. Kung tama ang pagkakatanda niya. Carlo yata ang pangalan nito. He was smiling at her as if he wasn't talking trash behind her back. Ito yung nagsabi kahapon na mukhang payag siya sa all the way.Lihim siyang umismid pero siyempre hindi niya iyon ipinakita. Tumigil siya sa harap ng mga ito."Oh, hi.." she make it sound as if hindi niya inaasahan na naroroon ang mga ito."Mag-isa ka lang ba?" tanong muli nito.Ngumiti siya saka umiling. She then darted her eyes on their table na sinundan naman nito. "No, I'm with my friends.""I thought you're alone," he chuckled. "Yayayain sana kitang maki-join sa amin." dugtong nito saka pilyong tiningnan si Zethrius.She darted her eyes on him too."Hi Zeth.." she greeted him and smile sweetly.Lihim siyang nagtaas-ki

    Huling Na-update : 2022-01-12
  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Three

    Pagpasok pa lang niya sa pinto ay kita na niya ang seryosong mukha ni Zethrius habang abala ang mga mata sa libro. He was alone on the two seater table on the corner of the library. Parang sinadya talaga nito na doon umupo para walang istorbo.Silently, she walk on a book shelves and pick a book. Ni hindi na niya tiningnan kung anong libro iyon. She just randomly pick it without looking at it. Ang totoo, Hindi naman siya pumunta doon para magbasa o mag aral. Nagpunta siya doon dahil nalaman niya mula kay Carlo na naroroon si Zethrius.She roam her eyes around. Mangilan-ilan lang ang studyante sa loob. And there were three girls sitting on the long table na pinakamalapit sa kinaroroonan nito.Ikinataas niya ng kilay ng mapansing hindi naman nakatuon ang pansin ng mga ito sa hawak na libro. All their eyes were secretly looking at him. Giggling and whispering words to ea

    Huling Na-update : 2022-02-13
  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter four

    Ang masayang pakiramdam na dala niya hanggang sa kanyang pagtulog ay napalitan ng iritasyon at pagkainis.Naalimpungatan siya sa ingay at sigawan na nagmumula sa labas.Tiningnan niya ang maliit na orasan na nasa side table ng kanyang kama.. Alas dos ng madaling araw!Nagtiim-bagang siya. Hindi na niya iyon ipinagtaka. What else is new?"Galing ka na naman sa kerida mong hayop ka!"Narinig niyang sigaw ng kanyang ina.It was always the main topic. Ang pambababae ng kanyang Papa."Kaya nagkakandaletse-letse ang buhay natin dahil diyan sa kawalanghiyaan mo!""Tumigil ka na Dianna! Kung natalo ka sa casino huwag mo sa akin ibunton ang init ng ulo mo!""Walanghiya ka talaga!"Mga kalabog at kalansing na ng mga natapong bagay ang sunod niyang narinig."Lumayas ka rito!"Inis siyang dumapa at ibinaon ang ulo sa malambot na kutson ng kanyang kama. Hindi pa siya nakontento, ti

    Huling Na-update : 2022-02-19
  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Five

    "B..bakit ka nandito?" Ipinilig niya ang ulo ng mahimasmasan. Patuloy pa rin siya nitong hinihila palabas. Malalaki ang mga hakbang nito kaya nagkakandahirap siyang sumunod.Hindi siya nito sinagot. Bagkus ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa palapulsuhan niya.Napangiwi siya habang nakatingin doon. Namamaga na yata iyon sa higpit ng pagkakahawak nito. Iniangat niya ang mukha. Mula sa likod ay ramdam niya ang madilim nitong aura.Padaskol siya nitong pinasok sa harapang bahagi ng isang owner type Jeep saka binitiwan.Hindi niya talaga maintindihan kung bakit tila galit na galit ito!Marahan niyang minasahe ang palapulsuhan habang tinatanaw itong lumigid sa kabilang bahagi ng sasakyan. Madilim pa rin ang mukha at tiim ang mga labi ng sumampa sa driver seat."Saan ka umuuwi?" He asked coldly.S

    Huling Na-update : 2022-03-02
  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Six

    Siguro nga.. it was the safest place dahil natagpuan niya ang sarili na muling bumabalik doon. Katunayan, iyon na ang pangatlong beses sa linggong iyon na nagpunta siya doon."Nailagay ko na po ang lahat ng sangkap 'nay, ano na po ang isusunod ko?"Baling niya sa nanay ni Zeth na noo'y abala sa paghihiwa ng labanos sa may mesa. Nagluluto sila ng sinigang na hipon. After she found out that it was Zeth favorite ay nagpaturo na siya rito kung paano lutuin iyon."Takpan mo na muna at hayaan na kumulo."Iyon nga ang ginawa niya. Matapos non ay masaya siyang bumalik sa kinauupuan sa harap nito. She watch her with fondness in her eyes. Hindi niya akalain na magiging ganito agad kagaan ang loob niya rito. Tatlong beses pa lang siyang nagpunta doon and she's already at ease and very much comfortable in their home.Well, sino nga bang hindi magiging kumportable kung ganit

    Huling Na-update : 2022-03-15
  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Seven

    "OH ano, kumusta na kayo ni Zeth? Lumevel-up na ba? May nakapagsabi sa akin na nakitakayong magkasama sa bayan noong sabado and guess where?" Ngising-ngisi si Vera. As usual nasa likod sila ng school kung saan ang kanilang tambayan.Kuryoso naman siyang tiningnan ng tatlo pagkunway kay Vera. Hinihintay ang dugtong nito."At Mariana's motel.."She saw how their eyes widen. Pilya agad ang ngisi ni Jayla, si Lila naman ay nagtatanong ang mga matang bumaling sa kanya. Samantalang parang nakita niya ang sandaling pagdilim ng titig ni Marga bago ngumiti."Don't tell us para lang manalo ka sa pustahan ay pumayag ka na mag motel kayo?"She widen her eyes. "Guys it's not what--""What's wrong with that Marg?" Si Vera. "Wala naman tayong napag-usapan na hindi siya pwedeng mag all the way. It's a win-win issue so it's up to her kung--"

    Huling Na-update : 2022-03-15

Pinakabagong kabanata

  • Sweet Flames Of Vengeance   FINAL CHAPTER

    AUTHOR'S NOTE:So this is it. The final chapter. Again, thank you dahil sinamahan ninyo si Zeth at Drey sa journey ng kanilang kwentong pag-ibig. At gaya ng pagsubaybay ninyo sa kuwento nila, hinihiling ko rin na sana samahan ninyo rin at subaybayan ang bagong kwentong pag-ibig na sinusulat ko.Ang kwento nina Prince Dylan at ni Serie sa Fated to Love You, My Prince'.Hanggang sa muli. Mahal ko po kayo....>>>>>>"Gusto kong malaman kung paanong naging mama mo si ma'am Aurora? How about nanay Zeny?" Tanong niya saka bahagya itong nilingon.They are at a private resort. Doon siya nito dinala matapos ang kasal nila kanina. At ngayon ay nasa terrace sila ng villa at sabay na minamasdan ang kalangitan na puno ng mga bituin.He is resting his body at the couch at siya naman ay nasa ibabaw ng katawan nito na nakasandal. They are both wrapped in a blanket while Zeth arms is tightly wrapped around her. "Si Mama ang biological mother ko. Si inay naman ang nagpalaki sa akin. Minah

  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Seventy Eight

    AUTHOR'S NOTE:Sa lahat po ng sumubaybay sa kwentong pag-ibig nina Zeth at Drey, maraming-maraming salamat po. Matagal man bago ko natapos ang novelang ito, hindi ninyo pa rin ako iniwan. Dahil doon kaya abot-langit ang pasasalamat ko sa inyong lahat. After this, may epilogue pa po akong ilalagay. POV ni Zeth. At may bago rin po akong story na ipu-publish, title niya po is 'FATED TO LOVE YOU, MY PRINCE' Kasali siya sa contest ni GN. Sana suportahan ninyo rin po ang bago kong akdang iyon.Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat...>>>>"A-Ano ang g-ginagawa natin dito?" Kunot noo niyang tanong saka nagtatakang bumaling kay Zeth matapos na makita ang lugar na pinagdalhan nito sa kanya. Hindi ito sumagot. Bumaba ito mula sa driver seat saka umikot papunta sa kabilang bahagi ng sasakyan kung saan siya nakaupo at binuksan ang pinto.Naglapat ito ng labi saka ini-abot ang kamay sa kanya. "Come... Naghihintay na si Judge Herrera sa loob." From his hand, she darted her

  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Seventy Seven

    Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni ma'am Aurora sa sinabi nito. It left her puzzle. Sinabi nito at siniguro na mahal siya ni Zeth. She wanted to laugh at it. Paano mangyayari iyon kung siya mismo ang nakarinig ng totoo?Ang pagsama at pagpili nito kay Marga kanina ay isang malaking patunay sa katotohanang iyon.She don't want to hope for it anymore. Oo, mahal niya ito. Mahal na mahal. Pero pagod na siyang masaktan. Pagod na siyang umasa na pwede silang dalawa.Dahil hindi talaga. Hindi sila para sa isa't-isa. Maybe some things were really not meant for each other, at isa sila sa mga iyon. Malungkot niyang minasdan ang anak na mahimbing na natutulog sa crib. "Baby, I'm sorry. Patawarin mo si Mama, kung hindi kita mabibigyan ng kumpleto at masayang pamilya. Magkaganoon man, mahal na mahal ka namin ng Papa mo. At hindi iyon magbabago kahit na kailan."She whisper with fondness in her eyes. Sa ngayon, hindi niya pa alam kung ano ang magiging set-up nila ni Zeth pagdating sa

  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Seventy Six

    "W-What happened?" Narinig niyang nag-aalalang tanong ni Zeth kay Marga. The woman is crying in his arms. "S-Si Papa, Zeth, n-nasa ospital. Inatake siya sa puso.""Huh?" Kumawala ito mula sa babae."Kumusta ngayon ang Papa mo?" "H-He's not in stable condition. Ang sabi ng Doctor, masyado siyang na-stress sa mga nangyari kaya siya inatake. Please bumalik ka na. Ang mga trabahante sinabotahe ang planta. Kailangan ka namin sa Buenavista. Please, bumalik ka na..Hindi ko na alam kung paano ko sila iha-handle. I need you there."Kahit medyo may kalayuan, kita niya na biglang hindi naging palagay ang mata ni Zeth. Maybe he's confused whether to stay or to go with Marga.Mariin siyang nagtiimbagang. Her blood is boiling seeing them like this. Muli na namang nanariwa sa ala-ala niya ang narinig niya ng gabing iyon. And how dare them to play and hurt her like this!"Marge, hindi na ako ang abogado ng Papa mo. Si attorney Solano dapat ang pinuntahan mo. Siya na ngayon ang bagong abogado ng

  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Seventy Five

    "B-Bakit dito?" Hilaw niyang tanong ng makita ang tumambad na silid sa kanya. Hindi na niya kailangan itanong para malaman na kwarto nito ang kinaroroonan nila ngayon.Matapos na ma discharge sa ospital, idiniretso siya nito sa mansion ng mga Dela Vega. Hindi na ito pumayag na bumalik pa sila sa apartment. "Ipapakuha ko nalang ang mga gamit ninyo nina Yaya Rosing at Daisy doon sa apartment ninyo. From now on, doon na kayo sa mansion titira." Sabi nito kanina habang isinisilid niya ang kanyang mga gamit sa bag.After two days of staying in the hospital, makakauwi na rin siya a wakas, but to her shocked, ito ang maririnig niya.Nagkatinginan sila ni Yaya Rosing na noo'y nakaupo sa couch at buhat si Kai.Inis siyang muling ibinaling ang tingin sa lalake."You decided this without even consulting me? Sino ka para gawin iyon huh?" Ikiniling nito ang ulo saka sarkastiko siyang tiningnan. "Nakalimutan mo na yata, I'm the father of your child." "I clearly knew that. Hindi ko naman itinan

  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Seventy Four

    Puting kapaligiran ang unti-unting nasilayan niya ng imulat niya ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inikot ang tingin at napagtantong nasa isang silid na siya.Isang tila hotel na silid.Sinubukan niyang i-angat ang katawan para sana bumangon ng biglang bumukas ang pinto."Gising ka na pala.."She darted her eyes on the door direction and saw Zeth walking towards her bed.Ikiniling niya ang ulo at bahagyang kumunot ang noo. Mga anag-ag ng nagdaang gabi ang biglang pumasok sa kanyang ala-ala.Ang natataranta at nag-aalalang mukha nito habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay at binibigyan siya ng lakas ng loob.So, he's really real. Kasama niya talaga ito kagabi habang nanganganak siya.Pero bakit hindi na niya makita sa mukha nito ngayon ang emosyong nasa mga mata nito kagabi? All she can see in his eyes now is torment and pain at mga panunumbat."N-Nasaan ang baby ko?" Mahinang tanong niya saka nagtangkang bumangon. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito.Sa kabi

  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Seventy Three

    "Anong nangyari kay Dre-- Diyos ko!"Nanlalaki ang mga matang sambit ni Yaya Rosing ng makitang nagmamadali at halos takbuhan ni Zeth ang pagitan ng bulwagan at pinto habang karga siya. Mas lalo itong nataranta ng mapadako ang mga mata sa bandang hita niya at makitang puno na ng dugo ang kanyang suot na damit.Nagtatakbo rin silang sinalubong ni ma'am Aurora. At tulad ni Yaya Rosing ay nanlaki rin ang mga mata nito ng makita ang ayos niya."Oh my God!" "Mama, tawagan ninyo si Doctora Mendez, tell them to be ready and wait for us infront of the hospital. Dadalhin ko doon si Drey!" Zeth said breathlessly with out stopping. Tuloy-tuloy ang nagmamadali nitong mga paa papunta sa pinto."Huh? Ah.. Oo.. Oo.." She closed her eyes tight at mas lalo pang nangunyapit kay Zeth. Pigil na pigil niya ang mapaiyak sa sakit na nararamdaman."Aghh.."Ngunit sa huli, hindi pa rin niya napigilan ang mapadaing. Ang sakit talaga!"K-Konting tiis lang, hmm? We're going to the hospital." Hinihingal niton

  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Seventy Two

    "N-Naku, pasensiya na ma'am, hindi ko po sinasadya. Ayos lang po ba kayo?" Natatarantang sabi ng waiter sa kanya. Tiningnan siya nito, pagkunwa'y sa mga nabasag na baso sa bandang paanan niya. "Pasensiya na po talaga..." Ulit nito, pagkunwa'y dali-daling yumuko para pulutin ang bubog. "Huwag po muna kayong gumalaw, lilinisin ko po muna ang sahig.""Drey!"Dinig niya ang sigaw na iyon ni ma'am Aurora. Hindi man siya umangat ng tingin, alam niyang papunta na ito sa direksyon nila. Sa di malamang gagawin, yumuko siya at tinangkang tulungan ang waiter. Iwas na iwas niyang i-angat ang mga mata."Naku ma'am, ako na po.. hindi ninyo na po kailangan gawin ito. Baka masugatan po kayo at--""What the hell are you doing, Drey?" Hangos na dating ni ma'am Aurora. "Kumuha kayo ng dustpan at walis. Bilis.." Utos nito sa dumaang waiter bago muling ibinaling sa kanya ang mga mata. "Tumayo ka diyan at huwag na munang gumalaw, baka matapakan mo ang mga bubog." Puno ng pag-aalalang dugtong nito. She

  • Sweet Flames Of Vengeance   Chapter Seventy One

    --ZETHRIUS--"Santa Monica?" Napakunot ang kanyang noo ng marinig ang sinabing iyon ng kausap niya sa kabilang linya. "Yes, attorney Miranda. I investigate and look throughly. Nasa Santa Monica nga po ngayon si Miss Monteville kasama ng kanyang kapatid at ina-inahan."Tumiim ang kanyang labi at nagtagis ang kanyang bagang."Are you sure about it?" Matigas niyang tanong."Yes, I'm very sure of it. They are renting a two bedroom apartment downtown, at kasalukuyang nagtatrabaho si miss Monteville sa Dela Vega interprises bilang sekretarya ni Mrs. Aurora Dela Vega. I'll send you the address and--""No need to do that, detective Samonte. I know the address." Tiim pa rin ang labing sabi niya pagkunwa'y pinutol na ang tawag. Mahigpit siyang napahawak sa manibela ng kanyang sasakyan at tiim ang mga matang itinuon sa harap. The sun is already settling, nagkukulay kahel na ang buong kapaligiran. It was a beautiful scenery, and yet hindi niya ma-appreciate ang kagandahang iyon. "Damn you, An

DMCA.com Protection Status