"Are you sure you can make him fall inlove with you?"
Puno ng pagdududang ngisi sa kanya ng kanyang mga kaibigan.
It was their breaktime and the five of them were sitting on the bench at the back of their campus na nasa ilalim ng malaking punong talisay.
They are daring her since yesterday. Or should she say she was daring them since yesterday.
"He was as cold as the artic ice.. as serious as the cold night. Parang hindi nga iyon marunong ngumiti. And then here you are telling us that you can make him fall for you." Taas kilay na sabi ni Jayla.
"Ang sabi ni Cianna, wala daw sa vocabulary ni Zeth ang babae. Wala daw iyon ka inte-interest.. Kita mo naman the other day di ba? He just treat you like a passing wind when you tried to make pa-cute at him.." Si Vera.
"Focus iyon sa pag aaral.." kibit-balikat lang ni Marga.
They are all trying to discourage her about Zethrius Miranda.
Yes, all of what her friends said was true. Zethrius was always serious and never had any interest in woman. Kaya nga ang tawag ng mga kaibigan niya rito ay cold hearted man.
Inaarok na tingin ang ibinigay niya sa mga ito. They are talking as if she wasn't aware that they are also crushing him and Marga has her share of basted experience from him.
Pasikretong sinabi iyon ni Vera sa kanya minsan. Inabangan at kinausap daw ni Marga si Zethrius last year noong nasa senior high pa lamang ang mga ito at nagtapat ng pagkakagusto sa binata. They didn't exactly know what happened, just that the next morning.. Ayon kay Vera, Marga was irritated and angry when they mentioned Zethrius.
"Don't under estimate my best friend charm guys." Si Lila. Her best friend since high school. Magkaklase na sila nito mula pa nong junior high till senior high sa st. Thereese. Samantalang ang tatlo ay nakilala lang nila nong pasukan six months ago.
"If you have the famous Zethrius here, We had the famous Andreanna Monteville at st. Thereese. She's every man's dream. Walang lalakeng hindi nabibighani sa kanya, as you can see, she had tons of admirers and suitors here too."
"Yeah, wala namang duda roon. But one thing for sure she can never melt Zethrius heart. No one here does. Not even Cianna. Ang ganda kaya non.. pero no pansin pa rin ni Zeth."
Iritado siyang bumaling sa mga ito.
"Kung ganoon bakit hindi tayo magpustahan?" Buong kumpiyansa niyang sabi. Her pride hurts. Hindi lang dahil sa pinagsasabi ng mga ito. Ang totoo kahapon pa siya iritado. No.. last week pa.
Nadagdagan lang ngayon. Vera was right, she tried to make a move at him the other day. Sinadya nilang tumambay sa hallway ng school building nina Zethrius. Lumapit siya, nag 'hi' at ngumiti rito. Balak sana niyang magpakilala but he just look at her with menacing eyes saka nilagpasan.
I told you so!'
It was the exact words Jayla said after.
Out of embarrassment she swear not only to them but to herself that she'll gonna make him fall inlove with
her-- na mas lalo lamang pinagtawanan ng mga ito.Tila ba hindi kapani-paniwalang mai-inlove nga si Zethrius sa kanya.
Kaya hanggang kanina ay hindi siya mapakali.
"Let's make a bet.." taas-noo niyang sabi. "Kung magagawa kong paibigin si Zeth ano ang ibibigay ninyo sa akin?"
Taas kilay na bumaling sa kanya ang apat.
"Paano naman kung hindi?"
"Payag ako diyan." Agad na sabat ni Jayla saka nakangising tumingin sa kanya. "Kung magagawa mong paibigin si Zethrius sa loob ng dalawang linggo, two tickets to boracay.. Free."
Bahagya nanlaki ang kanyang mga mata.. hindi dahil sa naghihintay na premyo.. kundi.. Two weeks? Ganoon ka iksi? How on Earth will she--'
Ngumisi si Vera. "Payag din ako... Ikaw? Ano ang ipupusta mo kung matalo ka?"
Hilaw siyang ngumisi. She can't complain now dahil idea niya iyon. Doing so will only put her more into an embarrass situation. Mas lalo mag-iisip ang mga ito na puro lang siya yabang. Na hindi pala niya kaya.
"I'll give three tickets.." taas noo niyang sagot. "Free."
Nagkatinginan ang kanyang mga kaharap at maliban kay Lila ay naghagikhikan ang tatlo saka nag apiran.
"Deal!"
"Deal!" napasubo na siya so there's no turning back now. Ang kailangan niya lang gawin ay mag-isip ng magandang istratehiya para mapansin siya ni Zethrius.
"Let me ask.." si Marga. Takang bumaling sila rito. "Bakit ba atat na atat kang mapansin ni Zeth? Do you like him? I remember you told us last time that you don't. Did you just lie?"
She smirked. She could sense bitterness in her voice.
"I still don't.." kibit balikat niyang sabi. "He's not my type."
"Then why you're so eager to--"
"Teka Marg.. are you jealous?" Ngisi ni Vera.
Isang masamang tingin ang ipinukol nito sa kaharap.
"It's just a dare." si Jayla. "Walang gusto si Drey doon. Hindi ba Drey?"
Hilaw siyang nagtaas kilay. "I told you guys, I don't like him. Masyado siyang confident sa sarili! mayabang! Feeling! Pakiramdam niya lahat ng babae nagkakagusto sa kanya and besides ayaw ko ng lalakeng sobrang tanda sa akin"
"He's just six years older than us Drey" si Lila.
"Matanda pa rin yon.." She smirked.
"Huwag ka ng magselos Marg, See? Walang gusto si Drey kay Zeth. Pustahan lang talaga 'to."
Yeah, it was just a bet. Marahil iyon rin ang paraan para maibalik niya ang confidence sa sarili niya. She want to restore her ego and her broken pride.
Hindi sana mangyayari iyon kung hindi niya lang narinig ang pinag-usapan ng mayabang na Zeth na iyon at mga kaibigan nito kahapon.
"Balitang-balita na nagpapansin daw sayo si Drey bro."
Napatigil at napakubli siya sa pader ng gym ng marinig ang pag-uusap na iyon. She was sure that she's their topic since wala namang ibang 'Drey' siyang kilala sa kanilang campus.
Sumilip siyang bahagya. She saw Zeth and his two friends sitting on the gym's bench. Umiinom ito ng mineral water at may nakasukbit na puting tuwalya sa balikat. Maybe they just finished their basketball practice. Isa rin kasi itong varsity player ng universidad.
"You're lucky bro. She's every man's fantasy.. Ano kaya kung ligawan mo? If she's interested at you like what the hearsay, I'm sure, she won't reject you."
Umangat ang kanyang labi sa unang tinuran ng kasama nito.
"Ang ganda-ganda non bro." sabat naman ng isa. " Hanep rin ang katawan.. at mukhang payag sa all the way.."
Aba't ang bastos ng hayop na it--'
"Hindi siya ang tipo ko." malumanay pero buong lamig nitong sagot na nagpatigil sa kanya mula sa paglabas niya sana sa kanyang pinagkukublihan. Kukomprontahin niya sana ang bastos na kasama nito.
Pero dahil sa narinig tila siya nafroze sa kanyang kinatatayuan.
Narinig niyang tumawa ang isa pang kasama nito. "Ikaw lang yatang lalake rito sa campus na hindi tipo ang isang tulad ni Andreanna Monteville bro.. she became the talk of the campus and boys swooing over her since she transfered here. You really don't like her huh? Or you're just lyi--"
"Hindi pa ako nababaliw para magkagusto doon.." sagot nito na tila bagot na bagot na siya ang pinag uusapan. Muli nitong dinala ang mineral water sa bibig.
Naghihimutok ang dib-dib na nagtiim bagang siya.
Zethrius Miranda.. How dare you!'
Gustong-gusto na niyang lumabas at pagmukhaan ito. Pero ewan niya kung bakit ng makitang tumayo ang mga ito ay para siyang basang sisiw na lalong napasiksik sa kanyang pinagkukublihan.
Hanggang sa nakalabas nalang ang mga ito ay nanatili nalang sa isip niya ang mga salitang ipamumukha niya sana sa mga ito.
Dahil sa inis hindi na siya natuloy sa usapan nila nina Vera na makikita doon sa gym para magpraktis ng volleyball. Umalis siya doon dala ang matinding iritasyon na hindi man lang nabawasan hanggang kinabukasan.
"Maybe we can start our deal today.." Nguso ni Vera sa kanya. Sinundan niya ang inginunguso nito. Ganoon din sina Jayla, Marga at Lila.
Pagkatapos nilang tumambay sa likod ay nag-aya ito sa canteen para magmeryenda muna bago pumasok sa susunod nilang subject.
Ang hindi niya lang inaasahan ay ang makita si Zethrius doon kasama ang mga kaibigan.
Her irritation grow bigger as she watch him with his usual serious and cold face.
Naramdaman niyang sabay-sabay na bumaling sa kanya ang mga kaharap. Puno ng ngisi ang labi nina Vera at Jayla. Samantalang nakatiim lang si Marga. Si Lila naman ay nagkibit-balikat sa kanya.
Taas noo siyang tumayo. Tiningnan niya ang mga kaibigan na puno ng kumpiyansa at pagmamalaki sa sarili.
She walk confidently to the counter. Alam niya doon papunta ang mga ito para mag order.
Yes, this will be the start.. She will show everyone how she will melt Zethrius Miranda's Ice cold heart. She will make everyone see how she'll tame him and make him fall crazily inlove with her.
Mababaliw ito sa kanya. Sinisigurado niya iyon.
Dahil siya.. Siya si Andreanna Monteville and no man fucking dares reject her!
At hindi si Zethrius Miranda ang unang gagawa non!
"Hi Drey.." Agad na bati ng isa sa mga kaibigan ni Zethrius. Kung tama ang pagkakatanda niya. Carlo yata ang pangalan nito. He was smiling at her as if he wasn't talking trash behind her back. Ito yung nagsabi kahapon na mukhang payag siya sa all the way.Lihim siyang umismid pero siyempre hindi niya iyon ipinakita. Tumigil siya sa harap ng mga ito."Oh, hi.." she make it sound as if hindi niya inaasahan na naroroon ang mga ito."Mag-isa ka lang ba?" tanong muli nito.Ngumiti siya saka umiling. She then darted her eyes on their table na sinundan naman nito. "No, I'm with my friends.""I thought you're alone," he chuckled. "Yayayain sana kitang maki-join sa amin." dugtong nito saka pilyong tiningnan si Zethrius.She darted her eyes on him too."Hi Zeth.." she greeted him and smile sweetly.Lihim siyang nagtaas-ki
Pagpasok pa lang niya sa pinto ay kita na niya ang seryosong mukha ni Zethrius habang abala ang mga mata sa libro. He was alone on the two seater table on the corner of the library. Parang sinadya talaga nito na doon umupo para walang istorbo.Silently, she walk on a book shelves and pick a book. Ni hindi na niya tiningnan kung anong libro iyon. She just randomly pick it without looking at it. Ang totoo, Hindi naman siya pumunta doon para magbasa o mag aral. Nagpunta siya doon dahil nalaman niya mula kay Carlo na naroroon si Zethrius.She roam her eyes around. Mangilan-ilan lang ang studyante sa loob. And there were three girls sitting on the long table na pinakamalapit sa kinaroroonan nito.Ikinataas niya ng kilay ng mapansing hindi naman nakatuon ang pansin ng mga ito sa hawak na libro. All their eyes were secretly looking at him. Giggling and whispering words to ea
Ang masayang pakiramdam na dala niya hanggang sa kanyang pagtulog ay napalitan ng iritasyon at pagkainis.Naalimpungatan siya sa ingay at sigawan na nagmumula sa labas.Tiningnan niya ang maliit na orasan na nasa side table ng kanyang kama.. Alas dos ng madaling araw!Nagtiim-bagang siya. Hindi na niya iyon ipinagtaka. What else is new?"Galing ka na naman sa kerida mong hayop ka!"Narinig niyang sigaw ng kanyang ina.It was always the main topic. Ang pambababae ng kanyang Papa."Kaya nagkakandaletse-letse ang buhay natin dahil diyan sa kawalanghiyaan mo!""Tumigil ka na Dianna! Kung natalo ka sa casino huwag mo sa akin ibunton ang init ng ulo mo!""Walanghiya ka talaga!"Mga kalabog at kalansing na ng mga natapong bagay ang sunod niyang narinig."Lumayas ka rito!"Inis siyang dumapa at ibinaon ang ulo sa malambot na kutson ng kanyang kama. Hindi pa siya nakontento, ti
"B..bakit ka nandito?" Ipinilig niya ang ulo ng mahimasmasan. Patuloy pa rin siya nitong hinihila palabas. Malalaki ang mga hakbang nito kaya nagkakandahirap siyang sumunod.Hindi siya nito sinagot. Bagkus ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa palapulsuhan niya.Napangiwi siya habang nakatingin doon. Namamaga na yata iyon sa higpit ng pagkakahawak nito. Iniangat niya ang mukha. Mula sa likod ay ramdam niya ang madilim nitong aura.Padaskol siya nitong pinasok sa harapang bahagi ng isang owner type Jeep saka binitiwan.Hindi niya talaga maintindihan kung bakit tila galit na galit ito!Marahan niyang minasahe ang palapulsuhan habang tinatanaw itong lumigid sa kabilang bahagi ng sasakyan. Madilim pa rin ang mukha at tiim ang mga labi ng sumampa sa driver seat."Saan ka umuuwi?" He asked coldly.S
Siguro nga.. it was the safest place dahil natagpuan niya ang sarili na muling bumabalik doon. Katunayan, iyon na ang pangatlong beses sa linggong iyon na nagpunta siya doon."Nailagay ko na po ang lahat ng sangkap 'nay, ano na po ang isusunod ko?"Baling niya sa nanay ni Zeth na noo'y abala sa paghihiwa ng labanos sa may mesa. Nagluluto sila ng sinigang na hipon. After she found out that it was Zeth favorite ay nagpaturo na siya rito kung paano lutuin iyon."Takpan mo na muna at hayaan na kumulo."Iyon nga ang ginawa niya. Matapos non ay masaya siyang bumalik sa kinauupuan sa harap nito. She watch her with fondness in her eyes. Hindi niya akalain na magiging ganito agad kagaan ang loob niya rito. Tatlong beses pa lang siyang nagpunta doon and she's already at ease and very much comfortable in their home.Well, sino nga bang hindi magiging kumportable kung ganit
"OH ano, kumusta na kayo ni Zeth? Lumevel-up na ba? May nakapagsabi sa akin na nakitakayong magkasama sa bayan noong sabado and guess where?" Ngising-ngisi si Vera. As usual nasa likod sila ng school kung saan ang kanilang tambayan.Kuryoso naman siyang tiningnan ng tatlo pagkunway kay Vera. Hinihintay ang dugtong nito."At Mariana's motel.."She saw how their eyes widen. Pilya agad ang ngisi ni Jayla, si Lila naman ay nagtatanong ang mga matang bumaling sa kanya. Samantalang parang nakita niya ang sandaling pagdilim ng titig ni Marga bago ngumiti."Don't tell us para lang manalo ka sa pustahan ay pumayag ka na mag motel kayo?"She widen her eyes. "Guys it's not what--""What's wrong with that Marg?" Si Vera. "Wala naman tayong napag-usapan na hindi siya pwedeng mag all the way. It's a win-win issue so it's up to her kung--"
Malalaki ang hakbang na hinila siya nito. Kung saan siya nito dadalhin ay hindi niya alam. Dumako ang tingin niya sa braso nitong nakahawak sa kanya. She saw how the vein on his arms protruded and how his jaw clenched when she darted her eyes on him. Hindi iyon nagawang itago kahit na nakatalikod ang postura nito sa kanya. He was pissed! And she knew the reason why. Mas lalo iyon nadepina sa nangyari kanina ng magsalubong sila sa gym. Alam niyang nahalata na nito na umiiwas siya. Naisip na rin siguro nito na iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya pumupunta sa library.Marahas siya nitong binitiwan."So you're done playing with me. Kaya ngayon umiiwas ka na?" Agad nitong akusa. Napalunok siya sa lamig ng boses nito pero pinatatag niya ang sarili. It was better this way. Mabuti nga iyon dito na mismo nanggaling ang bagay na iyon. Hindi na niya kailangang magpaliwanag. Hahayaan niya lang mag-isip ito na pinaglaruan nga lang niya talaga ito. Iyon naman talaga ang totoo di ba? And no
Naghalukipkip siya at bahagyang napakagat-labi ng mapansing pinapasadahan siya ng tingin ng bawat studyanteng dumadaan sa harapan niya. Because of what happened, everyone now was curious and talking behind her back. Hindi nga lang niya masigurado kung mga magagandang komento o mga malisyosong usapan ang ginagawa ng mga ito. And because she don't care at all, she just ignore those curious stares and malicious talks at tahimik na naghintay doon.Muli niyang tiningnan ang kanyang cellphone. Paulit-ulit lang na pinapasadahan ng tingin ang isang partikular na numero. Naalala niya kung paano siya naghimutok ng hindi man lang niya alam ang cellphone number ni Zeth at hindi nito ibinigay. Naisip niya pa na kaya hindi nito ibinigay dahil wala naman itong interes sa kanya. Until earlier."Hanggang anong oras ang klase mo ngayon?" Tanong nito matapos ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila. She was still mesmerized from his confession. Wala na siyang ginawa kundi ang kagatin ang kanya
AUTHOR'S NOTE:So this is it. The final chapter. Again, thank you dahil sinamahan ninyo si Zeth at Drey sa journey ng kanilang kwentong pag-ibig. At gaya ng pagsubaybay ninyo sa kuwento nila, hinihiling ko rin na sana samahan ninyo rin at subaybayan ang bagong kwentong pag-ibig na sinusulat ko.Ang kwento nina Prince Dylan at ni Serie sa Fated to Love You, My Prince'.Hanggang sa muli. Mahal ko po kayo....>>>>>>"Gusto kong malaman kung paanong naging mama mo si ma'am Aurora? How about nanay Zeny?" Tanong niya saka bahagya itong nilingon.They are at a private resort. Doon siya nito dinala matapos ang kasal nila kanina. At ngayon ay nasa terrace sila ng villa at sabay na minamasdan ang kalangitan na puno ng mga bituin.He is resting his body at the couch at siya naman ay nasa ibabaw ng katawan nito na nakasandal. They are both wrapped in a blanket while Zeth arms is tightly wrapped around her. "Si Mama ang biological mother ko. Si inay naman ang nagpalaki sa akin. Minah
AUTHOR'S NOTE:Sa lahat po ng sumubaybay sa kwentong pag-ibig nina Zeth at Drey, maraming-maraming salamat po. Matagal man bago ko natapos ang novelang ito, hindi ninyo pa rin ako iniwan. Dahil doon kaya abot-langit ang pasasalamat ko sa inyong lahat. After this, may epilogue pa po akong ilalagay. POV ni Zeth. At may bago rin po akong story na ipu-publish, title niya po is 'FATED TO LOVE YOU, MY PRINCE' Kasali siya sa contest ni GN. Sana suportahan ninyo rin po ang bago kong akdang iyon.Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat...>>>>"A-Ano ang g-ginagawa natin dito?" Kunot noo niyang tanong saka nagtatakang bumaling kay Zeth matapos na makita ang lugar na pinagdalhan nito sa kanya. Hindi ito sumagot. Bumaba ito mula sa driver seat saka umikot papunta sa kabilang bahagi ng sasakyan kung saan siya nakaupo at binuksan ang pinto.Naglapat ito ng labi saka ini-abot ang kamay sa kanya. "Come... Naghihintay na si Judge Herrera sa loob." From his hand, she darted her
Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni ma'am Aurora sa sinabi nito. It left her puzzle. Sinabi nito at siniguro na mahal siya ni Zeth. She wanted to laugh at it. Paano mangyayari iyon kung siya mismo ang nakarinig ng totoo?Ang pagsama at pagpili nito kay Marga kanina ay isang malaking patunay sa katotohanang iyon.She don't want to hope for it anymore. Oo, mahal niya ito. Mahal na mahal. Pero pagod na siyang masaktan. Pagod na siyang umasa na pwede silang dalawa.Dahil hindi talaga. Hindi sila para sa isa't-isa. Maybe some things were really not meant for each other, at isa sila sa mga iyon. Malungkot niyang minasdan ang anak na mahimbing na natutulog sa crib. "Baby, I'm sorry. Patawarin mo si Mama, kung hindi kita mabibigyan ng kumpleto at masayang pamilya. Magkaganoon man, mahal na mahal ka namin ng Papa mo. At hindi iyon magbabago kahit na kailan."She whisper with fondness in her eyes. Sa ngayon, hindi niya pa alam kung ano ang magiging set-up nila ni Zeth pagdating sa
"W-What happened?" Narinig niyang nag-aalalang tanong ni Zeth kay Marga. The woman is crying in his arms. "S-Si Papa, Zeth, n-nasa ospital. Inatake siya sa puso.""Huh?" Kumawala ito mula sa babae."Kumusta ngayon ang Papa mo?" "H-He's not in stable condition. Ang sabi ng Doctor, masyado siyang na-stress sa mga nangyari kaya siya inatake. Please bumalik ka na. Ang mga trabahante sinabotahe ang planta. Kailangan ka namin sa Buenavista. Please, bumalik ka na..Hindi ko na alam kung paano ko sila iha-handle. I need you there."Kahit medyo may kalayuan, kita niya na biglang hindi naging palagay ang mata ni Zeth. Maybe he's confused whether to stay or to go with Marga.Mariin siyang nagtiimbagang. Her blood is boiling seeing them like this. Muli na namang nanariwa sa ala-ala niya ang narinig niya ng gabing iyon. And how dare them to play and hurt her like this!"Marge, hindi na ako ang abogado ng Papa mo. Si attorney Solano dapat ang pinuntahan mo. Siya na ngayon ang bagong abogado ng
"B-Bakit dito?" Hilaw niyang tanong ng makita ang tumambad na silid sa kanya. Hindi na niya kailangan itanong para malaman na kwarto nito ang kinaroroonan nila ngayon.Matapos na ma discharge sa ospital, idiniretso siya nito sa mansion ng mga Dela Vega. Hindi na ito pumayag na bumalik pa sila sa apartment. "Ipapakuha ko nalang ang mga gamit ninyo nina Yaya Rosing at Daisy doon sa apartment ninyo. From now on, doon na kayo sa mansion titira." Sabi nito kanina habang isinisilid niya ang kanyang mga gamit sa bag.After two days of staying in the hospital, makakauwi na rin siya a wakas, but to her shocked, ito ang maririnig niya.Nagkatinginan sila ni Yaya Rosing na noo'y nakaupo sa couch at buhat si Kai.Inis siyang muling ibinaling ang tingin sa lalake."You decided this without even consulting me? Sino ka para gawin iyon huh?" Ikiniling nito ang ulo saka sarkastiko siyang tiningnan. "Nakalimutan mo na yata, I'm the father of your child." "I clearly knew that. Hindi ko naman itinan
Puting kapaligiran ang unti-unting nasilayan niya ng imulat niya ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inikot ang tingin at napagtantong nasa isang silid na siya.Isang tila hotel na silid.Sinubukan niyang i-angat ang katawan para sana bumangon ng biglang bumukas ang pinto."Gising ka na pala.."She darted her eyes on the door direction and saw Zeth walking towards her bed.Ikiniling niya ang ulo at bahagyang kumunot ang noo. Mga anag-ag ng nagdaang gabi ang biglang pumasok sa kanyang ala-ala.Ang natataranta at nag-aalalang mukha nito habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay at binibigyan siya ng lakas ng loob.So, he's really real. Kasama niya talaga ito kagabi habang nanganganak siya.Pero bakit hindi na niya makita sa mukha nito ngayon ang emosyong nasa mga mata nito kagabi? All she can see in his eyes now is torment and pain at mga panunumbat."N-Nasaan ang baby ko?" Mahinang tanong niya saka nagtangkang bumangon. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito.Sa kabi
"Anong nangyari kay Dre-- Diyos ko!"Nanlalaki ang mga matang sambit ni Yaya Rosing ng makitang nagmamadali at halos takbuhan ni Zeth ang pagitan ng bulwagan at pinto habang karga siya. Mas lalo itong nataranta ng mapadako ang mga mata sa bandang hita niya at makitang puno na ng dugo ang kanyang suot na damit.Nagtatakbo rin silang sinalubong ni ma'am Aurora. At tulad ni Yaya Rosing ay nanlaki rin ang mga mata nito ng makita ang ayos niya."Oh my God!" "Mama, tawagan ninyo si Doctora Mendez, tell them to be ready and wait for us infront of the hospital. Dadalhin ko doon si Drey!" Zeth said breathlessly with out stopping. Tuloy-tuloy ang nagmamadali nitong mga paa papunta sa pinto."Huh? Ah.. Oo.. Oo.." She closed her eyes tight at mas lalo pang nangunyapit kay Zeth. Pigil na pigil niya ang mapaiyak sa sakit na nararamdaman."Aghh.."Ngunit sa huli, hindi pa rin niya napigilan ang mapadaing. Ang sakit talaga!"K-Konting tiis lang, hmm? We're going to the hospital." Hinihingal niton
"N-Naku, pasensiya na ma'am, hindi ko po sinasadya. Ayos lang po ba kayo?" Natatarantang sabi ng waiter sa kanya. Tiningnan siya nito, pagkunwa'y sa mga nabasag na baso sa bandang paanan niya. "Pasensiya na po talaga..." Ulit nito, pagkunwa'y dali-daling yumuko para pulutin ang bubog. "Huwag po muna kayong gumalaw, lilinisin ko po muna ang sahig.""Drey!"Dinig niya ang sigaw na iyon ni ma'am Aurora. Hindi man siya umangat ng tingin, alam niyang papunta na ito sa direksyon nila. Sa di malamang gagawin, yumuko siya at tinangkang tulungan ang waiter. Iwas na iwas niyang i-angat ang mga mata."Naku ma'am, ako na po.. hindi ninyo na po kailangan gawin ito. Baka masugatan po kayo at--""What the hell are you doing, Drey?" Hangos na dating ni ma'am Aurora. "Kumuha kayo ng dustpan at walis. Bilis.." Utos nito sa dumaang waiter bago muling ibinaling sa kanya ang mga mata. "Tumayo ka diyan at huwag na munang gumalaw, baka matapakan mo ang mga bubog." Puno ng pag-aalalang dugtong nito. She
--ZETHRIUS--"Santa Monica?" Napakunot ang kanyang noo ng marinig ang sinabing iyon ng kausap niya sa kabilang linya. "Yes, attorney Miranda. I investigate and look throughly. Nasa Santa Monica nga po ngayon si Miss Monteville kasama ng kanyang kapatid at ina-inahan."Tumiim ang kanyang labi at nagtagis ang kanyang bagang."Are you sure about it?" Matigas niyang tanong."Yes, I'm very sure of it. They are renting a two bedroom apartment downtown, at kasalukuyang nagtatrabaho si miss Monteville sa Dela Vega interprises bilang sekretarya ni Mrs. Aurora Dela Vega. I'll send you the address and--""No need to do that, detective Samonte. I know the address." Tiim pa rin ang labing sabi niya pagkunwa'y pinutol na ang tawag. Mahigpit siyang napahawak sa manibela ng kanyang sasakyan at tiim ang mga matang itinuon sa harap. The sun is already settling, nagkukulay kahel na ang buong kapaligiran. It was a beautiful scenery, and yet hindi niya ma-appreciate ang kagandahang iyon. "Damn you, An