"Hi Drey.." Agad na bati ng isa sa mga kaibigan ni Zethrius. Kung tama ang pagkakatanda niya. Carlo yata ang pangalan nito. He was smiling at her as if he wasn't talking trash behind her back. Ito yung nagsabi kahapon na mukhang payag siya sa all the way.
Lihim siyang umismid pero siyempre hindi niya iyon ipinakita. Tumigil siya sa harap ng mga ito.
"Oh, hi.." she make it sound as if hindi niya inaasahan na naroroon ang mga ito.
"Mag-isa ka lang ba?" tanong muli nito.
Ngumiti siya saka umiling. She then darted her eyes on their table na sinundan naman nito. "No, I'm with my friends."
"I thought you're alone," he chuckled. "Yayayain sana kitang maki-join sa amin." dugtong nito saka pilyong tiningnan si Zethrius.
She darted her eyes on him too.
"Hi Zeth.." she greeted him and smile sweetly.
Lihim siyang nagtaas-kilay. The nerve didn't even bother to greet back! Maiksing tango lang ang tangi nitong ginawa.
"Hihintayin ka nalang namin sa mesa bro." he simply said and turn his back.
Lihim na nagpuyos ang kanyang kalooban.
Damn him!
Hindi na siya papayag na tratuhin parin siya nito ngayon na parang 'passing wind' na gaya ng sabi ni Vera.
Kaya umabante siya.
"Anong--"
"Oh my God!" Nanlalaki ang mga matang bulalas niya habang pinipilit na ibalanse ang pagkakahawak sa bit-bit na tray. Magkaganoon man, huli na rin ang lahat dahil natapon na ang lamang iced tea sa natumbamg baso na nakapatong doon. And it was pour out on Zethrius chest down to his stomach. Segundo lang at basang-basa na ang puting t-shirt nito.
"I..I'm sorry.." Natataranta niyang sabi. Agad niyang ipinatong ang dalang tray sa kalapit na mesa saka sinubukan itong tulungan na ipagpag ang basang t-shirt. "I'm really sorry Zeth, Hindi ko sinasadya.." mahina niyang sabi.
Napakagat- labi siya ng makitang nasa kanila na rin ang tingin ng mga naroroon.
Kumuha siya ng tissue at sinubukan ulit na punasan ito pero iniwas nito ang katawan sa kanya.
"Ako na.." malamig na sabi nito.
"Hindi ko talaga sinasadya." she whisper again.
Bumuntong-hininga ito. He look at her with doubts in his eyes. Na para bang alam nito na sinadya niya ang nangyari.
Pero magunaw man ang mundo, nunka niyang aaminin iyon kaya nga todo siya sa arte niyang hindi niya sinasadya iyon. She made herself look more sorry.
"I really didn't mean it.. K..Kung gusto mo, I have an spare unisex t-shirt in my bag, malaki naman iyon at maaaring magkasya sayo.. I'll lend it to y--"
"Huwag ka ng mag-abala. " he said cold tone.
Muli rin siya nitong pinasadahan ng tingin at ewan niya kung bakit bigla siyang na conscious sa sarili. She bit her lower lip again.
Wala na itong ibang sinabi. Malalim lang itong napabuntong-hininga saka bumaling sa mga kaibigan.
"Magpapalit lang ako." he said and turn his back after. Hindi na inabalang tingnan siyang muli.
Umangat ang gilid ng labi niya.
Strike one..
Dali-dali siyang bumalik sa kanilang mesa. Puno ng ngisi si Vera. Nag thumbs up pa ito sa kanya.
"See?" puno ng pagmamalaking sabi niya.
"Umpisa pa lang ng laro, huwag ka munang pasisiguro," si Marga. "You don't know Zeth, hindi mo iyon basta-basta mapapasakay."
"At least, I already did my first move."
Ngisi niya.Kinuha niya ang kanyang bag at isinukbit.
"Saan ka pupunta?" Si Jayla.
Kumindat siya rito.
"I have a game to play.. kita-kits nalang sa classroom."Iyon lang at tumalikod na siya.
"What a move.. Ang bilis ah!"
"Tingin mo mananalo kaya siya?" si Jayla.
"Knowing Zethrius, It won't be easy."
Narinig niya pa ang tawa ni Vera bago siya tuluyang lumabas ng canteen. Tinaasan niya lang iyon ng kilay.
Well, let's see..
GULAT at pagkamangha ang agad na rumehistro sa mukha ng mga lalakeng nadatnan niya ng pumasok siya sa locker room ng mga ito. Lima ang naroroon. Two were shirtless.
"Oops.. I'm sorry.." she smile.
Nang mahimasmasan ay nag-uunahang magsuot ng t-shirt ang dalawa. Nagpagilid naman ang tatlo ng magsimula siyang tuluyang pumasok. Her eyes were searching.
"Anong ginagawa mo rito?" parang kulog ang boses na iyon na halos yumanig sa pandinig niya.
She immediately turn around. Not minding the sharpness in his voice. Inihahanda na niya ang kanyang ngiti at nasa loob na rin ng bag niya ang kanyang kamay. Holding the t-shirt she said she'll lend him. Handa na rin siya sa kanyang sasabihin.
Pero naiwan nalang iyon sa kanyang lalamunan ng sandaling makita niya ito. Her mouth drop open.
Maliban sa tuwalya na nasa balikat nito. He was naked from waist up. Mamasa-masa ang dib-dib at tumutulo pa ang tubig. Unconsciously, her eyes followed the droplets of the water. Tumutulo iyon sa bandang tiyan nito papunta sa puno ng maong nitong pantalon.
Di sinasadyang napalunok siya. It's not just the droplets of water. Ang higit na nagpatulala sa kanya ay ang perpektong bulto ng katawan nito. His biceps were perpectly form in its places. Ni wala man lang siyang nakitang taba sa tiyan nito. What was there is only his hard six pack.
God, he has a gorgeous body!
Nagwo-work out kaya ito?
Hila sa palapulsuhan ang nagpabalik sa kanya sa kanyang huwisyo. And before she knew it, they are out of the locker room and Zethrius is pulling her wrist hard and cold.
"Anong pumasok sa isip mo at pumasok ka doon?" he blurted. Salubong na salubong ang mga kilay nito at madilim na madilim ang mukha.
Nasa likod na sila. At sila lang dalawa ang naroroon. Halos ngumiwi siya ng pabalya nitong binitiwan ang kanyang kamay.
"I.. " she bit her lip. Somehow, She's a bit intimidated by his dark aura.
Dumukot siya sa kanyang bag at inilabas ang t-shirt doon saka inabot rito. "Sinundan kita para sana ibigay ito sayo. I just can't sit knowing that I am the one who cause you this mess. It's my way of saying how sorry I am."
"Dahil lang doon kaya lakas-loob kang pumasok doon sa locker room? Di ba sinabi ko na na huwag ka ng mag-abala?"
"I'm sorry, I was just so guilty that it didn't accur in my mind.. gusto ko lang talaga--"
"Hindi iyon pumasok sa isip mo dahil sanay ka ng makakita ng h***d na katawan ng mga lalake, hindi ba?"
Napa-angat ang tingin niya rito. Kumunot ang noo.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Huwag ka ng magmaang-maangan pa! Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin! Hindi ugali ng isang matinong babae ang papasok sa isang lugar na alam niyang puro lalake ang nasa loob!"
She knew he was cold, but she never thought that he was also this heartless!
Oo na, mali siya. Inaamin niya iyon, pero kailangan bang ganito? Kulang nalang harap-harapan nitong sabihin na hindi siya matinong babae!
Just because she enter their locker room and saw those guys half naked, ganoon na ito kung manghusga? Hindi na agad matino? My God, eh sa pool nga, ang mga lalake doon naka swimming trunks lang or briefs.. Wala namang babaeng hinuhusgahan hah! May nagsabi bang hindi na matino ang mga babaeng nakakakita sa h***d na katawan ng mga lalakeng iyon?
Ang OA naman nito!
She was annoyed. But she did her best to control her temper. This is not the right time to burst out. Not now, when the game is not over yet.
"Don't over-react Zeth, hindi naman nakakawala ng virginity ang makakita ng h***d na lalake!" Pilya siyang ngumisi.
"Kung wala kang matinong sasabihin, pwede bang umalis ka na!" He said pissed.
She chuckled.
"Don't make a big fuss about it Mr. Old fashion man because I didn't even gave their body a second look.." Pinasadahan niya ang katawan nito ng tingin saka ito bahagyang nilapitan. "Their's.." She said almost a whisper. "Nothing compares to your's.." ngisi niya.
Kita niya ang gulat na rumehistro sa mukha nito. Kung sa sinabi niya o sa lalong disgusto sa kanya hindi niya alam.
One thing for sure, He's pissed! Really pissed!
Lihim siyang nagdiwang.
Well, at least she knew now that he has that side of him aside from being cold and heartless. Hindi man maganda ang takbo ng kanilang pag-uusap, tumagal naman iyon. Hindi siya nito tinalikuran at itinuring na 'passing wind' gaya noong una.
Kaya para sa kanya. Isa iyon achievement!
In their next meeting she'll make sure to earn those gentleness from him. Sisiguraduhin niya iyon!
Inabot niya ang kamay nito at inilagay doon ang kanyang t-shirt.
"Ibibigay ko na ito sayo, it's up to you if you wear it or throw it away."
"May extra akong t-shirt kaya hindi mo na--"
Nagkibit balikat siya. "Then throw it away. You have a choice Zeth, basta iiwan ko na iyan sayo!" sabi niya saka tumalikod.
Nakakadalawang hakbang pa lamang siya ng muli siyang bumaling.
Naramdaman siguro nito iyon kaya lumingon ito sa direksyon niya.
While her eyes are gentle, his.. was dark. And when her lips are naughtily smiling, his.. was in grim line.
"You can also keep it Zeth, souvenir mula sa akin."
Kinindatan niya pa ito bago muling tumalikod.
Umalis siya sa lugar na iyon dala-dala ang ngiti sa kanyang mga labi.
Pagpasok pa lang niya sa pinto ay kita na niya ang seryosong mukha ni Zethrius habang abala ang mga mata sa libro. He was alone on the two seater table on the corner of the library. Parang sinadya talaga nito na doon umupo para walang istorbo.Silently, she walk on a book shelves and pick a book. Ni hindi na niya tiningnan kung anong libro iyon. She just randomly pick it without looking at it. Ang totoo, Hindi naman siya pumunta doon para magbasa o mag aral. Nagpunta siya doon dahil nalaman niya mula kay Carlo na naroroon si Zethrius.She roam her eyes around. Mangilan-ilan lang ang studyante sa loob. And there were three girls sitting on the long table na pinakamalapit sa kinaroroonan nito.Ikinataas niya ng kilay ng mapansing hindi naman nakatuon ang pansin ng mga ito sa hawak na libro. All their eyes were secretly looking at him. Giggling and whispering words to ea
Ang masayang pakiramdam na dala niya hanggang sa kanyang pagtulog ay napalitan ng iritasyon at pagkainis.Naalimpungatan siya sa ingay at sigawan na nagmumula sa labas.Tiningnan niya ang maliit na orasan na nasa side table ng kanyang kama.. Alas dos ng madaling araw!Nagtiim-bagang siya. Hindi na niya iyon ipinagtaka. What else is new?"Galing ka na naman sa kerida mong hayop ka!"Narinig niyang sigaw ng kanyang ina.It was always the main topic. Ang pambababae ng kanyang Papa."Kaya nagkakandaletse-letse ang buhay natin dahil diyan sa kawalanghiyaan mo!""Tumigil ka na Dianna! Kung natalo ka sa casino huwag mo sa akin ibunton ang init ng ulo mo!""Walanghiya ka talaga!"Mga kalabog at kalansing na ng mga natapong bagay ang sunod niyang narinig."Lumayas ka rito!"Inis siyang dumapa at ibinaon ang ulo sa malambot na kutson ng kanyang kama. Hindi pa siya nakontento, ti
"B..bakit ka nandito?" Ipinilig niya ang ulo ng mahimasmasan. Patuloy pa rin siya nitong hinihila palabas. Malalaki ang mga hakbang nito kaya nagkakandahirap siyang sumunod.Hindi siya nito sinagot. Bagkus ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa palapulsuhan niya.Napangiwi siya habang nakatingin doon. Namamaga na yata iyon sa higpit ng pagkakahawak nito. Iniangat niya ang mukha. Mula sa likod ay ramdam niya ang madilim nitong aura.Padaskol siya nitong pinasok sa harapang bahagi ng isang owner type Jeep saka binitiwan.Hindi niya talaga maintindihan kung bakit tila galit na galit ito!Marahan niyang minasahe ang palapulsuhan habang tinatanaw itong lumigid sa kabilang bahagi ng sasakyan. Madilim pa rin ang mukha at tiim ang mga labi ng sumampa sa driver seat."Saan ka umuuwi?" He asked coldly.S
Siguro nga.. it was the safest place dahil natagpuan niya ang sarili na muling bumabalik doon. Katunayan, iyon na ang pangatlong beses sa linggong iyon na nagpunta siya doon."Nailagay ko na po ang lahat ng sangkap 'nay, ano na po ang isusunod ko?"Baling niya sa nanay ni Zeth na noo'y abala sa paghihiwa ng labanos sa may mesa. Nagluluto sila ng sinigang na hipon. After she found out that it was Zeth favorite ay nagpaturo na siya rito kung paano lutuin iyon."Takpan mo na muna at hayaan na kumulo."Iyon nga ang ginawa niya. Matapos non ay masaya siyang bumalik sa kinauupuan sa harap nito. She watch her with fondness in her eyes. Hindi niya akalain na magiging ganito agad kagaan ang loob niya rito. Tatlong beses pa lang siyang nagpunta doon and she's already at ease and very much comfortable in their home.Well, sino nga bang hindi magiging kumportable kung ganit
"OH ano, kumusta na kayo ni Zeth? Lumevel-up na ba? May nakapagsabi sa akin na nakitakayong magkasama sa bayan noong sabado and guess where?" Ngising-ngisi si Vera. As usual nasa likod sila ng school kung saan ang kanilang tambayan.Kuryoso naman siyang tiningnan ng tatlo pagkunway kay Vera. Hinihintay ang dugtong nito."At Mariana's motel.."She saw how their eyes widen. Pilya agad ang ngisi ni Jayla, si Lila naman ay nagtatanong ang mga matang bumaling sa kanya. Samantalang parang nakita niya ang sandaling pagdilim ng titig ni Marga bago ngumiti."Don't tell us para lang manalo ka sa pustahan ay pumayag ka na mag motel kayo?"She widen her eyes. "Guys it's not what--""What's wrong with that Marg?" Si Vera. "Wala naman tayong napag-usapan na hindi siya pwedeng mag all the way. It's a win-win issue so it's up to her kung--"
Malalaki ang hakbang na hinila siya nito. Kung saan siya nito dadalhin ay hindi niya alam. Dumako ang tingin niya sa braso nitong nakahawak sa kanya. She saw how the vein on his arms protruded and how his jaw clenched when she darted her eyes on him. Hindi iyon nagawang itago kahit na nakatalikod ang postura nito sa kanya. He was pissed! And she knew the reason why. Mas lalo iyon nadepina sa nangyari kanina ng magsalubong sila sa gym. Alam niyang nahalata na nito na umiiwas siya. Naisip na rin siguro nito na iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya pumupunta sa library.Marahas siya nitong binitiwan."So you're done playing with me. Kaya ngayon umiiwas ka na?" Agad nitong akusa. Napalunok siya sa lamig ng boses nito pero pinatatag niya ang sarili. It was better this way. Mabuti nga iyon dito na mismo nanggaling ang bagay na iyon. Hindi na niya kailangang magpaliwanag. Hahayaan niya lang mag-isip ito na pinaglaruan nga lang niya talaga ito. Iyon naman talaga ang totoo di ba? And no
Naghalukipkip siya at bahagyang napakagat-labi ng mapansing pinapasadahan siya ng tingin ng bawat studyanteng dumadaan sa harapan niya. Because of what happened, everyone now was curious and talking behind her back. Hindi nga lang niya masigurado kung mga magagandang komento o mga malisyosong usapan ang ginagawa ng mga ito. And because she don't care at all, she just ignore those curious stares and malicious talks at tahimik na naghintay doon.Muli niyang tiningnan ang kanyang cellphone. Paulit-ulit lang na pinapasadahan ng tingin ang isang partikular na numero. Naalala niya kung paano siya naghimutok ng hindi man lang niya alam ang cellphone number ni Zeth at hindi nito ibinigay. Naisip niya pa na kaya hindi nito ibinigay dahil wala naman itong interes sa kanya. Until earlier."Hanggang anong oras ang klase mo ngayon?" Tanong nito matapos ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila. She was still mesmerized from his confession. Wala na siyang ginawa kundi ang kagatin ang kanya
Isang simpleng selebrasyon at konting salo-salo na tanging mga malalapit na kaibigan at kapitbahay ang naroroon sa bahay ng mga ito ng pumasok sila. Kilala na niya ang iba sa mga iyon, taga doon lang din sa looban. Nasa munting sala ang mga ito and they are busy talking, pero tumigil ang mga ito ng makita sila. "Oh, nandito na pala sina Zeth at Drey." sabi nong isang matabang babae na nakaupo sa gilid. Kung tama ang pagkakatanda niya ay Lorna ang pangalan nito. "Magandang hapon po." Bati niya sa mga ito. "Magandang hapon rin iha, naku mas lalo kang gumaganda ah." "Thank you po aling Lorna." "Ang suwerte mo sa girlfriend mo Zeth, maganda na, magalang pa. Bihira na sa mga kabataan ngayon ang may magandang asal." baling nito kay Zeth na noo'y nasa gilid niya. Zeth smile gently saka ibinaling sa kanya ang namumungay na mga mata. Ramdam niya rin ang bahagyang pagpisil nito sa kanyang kamay na ayaw na yata nitong bitawan."At masuwerte ka rin kay Zeth," sabad ni aling Salve. Isa rin
AUTHOR'S NOTE:So this is it. The final chapter. Again, thank you dahil sinamahan ninyo si Zeth at Drey sa journey ng kanilang kwentong pag-ibig. At gaya ng pagsubaybay ninyo sa kuwento nila, hinihiling ko rin na sana samahan ninyo rin at subaybayan ang bagong kwentong pag-ibig na sinusulat ko.Ang kwento nina Prince Dylan at ni Serie sa Fated to Love You, My Prince'.Hanggang sa muli. Mahal ko po kayo....>>>>>>"Gusto kong malaman kung paanong naging mama mo si ma'am Aurora? How about nanay Zeny?" Tanong niya saka bahagya itong nilingon.They are at a private resort. Doon siya nito dinala matapos ang kasal nila kanina. At ngayon ay nasa terrace sila ng villa at sabay na minamasdan ang kalangitan na puno ng mga bituin.He is resting his body at the couch at siya naman ay nasa ibabaw ng katawan nito na nakasandal. They are both wrapped in a blanket while Zeth arms is tightly wrapped around her. "Si Mama ang biological mother ko. Si inay naman ang nagpalaki sa akin. Minah
AUTHOR'S NOTE:Sa lahat po ng sumubaybay sa kwentong pag-ibig nina Zeth at Drey, maraming-maraming salamat po. Matagal man bago ko natapos ang novelang ito, hindi ninyo pa rin ako iniwan. Dahil doon kaya abot-langit ang pasasalamat ko sa inyong lahat. After this, may epilogue pa po akong ilalagay. POV ni Zeth. At may bago rin po akong story na ipu-publish, title niya po is 'FATED TO LOVE YOU, MY PRINCE' Kasali siya sa contest ni GN. Sana suportahan ninyo rin po ang bago kong akdang iyon.Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat...>>>>"A-Ano ang g-ginagawa natin dito?" Kunot noo niyang tanong saka nagtatakang bumaling kay Zeth matapos na makita ang lugar na pinagdalhan nito sa kanya. Hindi ito sumagot. Bumaba ito mula sa driver seat saka umikot papunta sa kabilang bahagi ng sasakyan kung saan siya nakaupo at binuksan ang pinto.Naglapat ito ng labi saka ini-abot ang kamay sa kanya. "Come... Naghihintay na si Judge Herrera sa loob." From his hand, she darted her
Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni ma'am Aurora sa sinabi nito. It left her puzzle. Sinabi nito at siniguro na mahal siya ni Zeth. She wanted to laugh at it. Paano mangyayari iyon kung siya mismo ang nakarinig ng totoo?Ang pagsama at pagpili nito kay Marga kanina ay isang malaking patunay sa katotohanang iyon.She don't want to hope for it anymore. Oo, mahal niya ito. Mahal na mahal. Pero pagod na siyang masaktan. Pagod na siyang umasa na pwede silang dalawa.Dahil hindi talaga. Hindi sila para sa isa't-isa. Maybe some things were really not meant for each other, at isa sila sa mga iyon. Malungkot niyang minasdan ang anak na mahimbing na natutulog sa crib. "Baby, I'm sorry. Patawarin mo si Mama, kung hindi kita mabibigyan ng kumpleto at masayang pamilya. Magkaganoon man, mahal na mahal ka namin ng Papa mo. At hindi iyon magbabago kahit na kailan."She whisper with fondness in her eyes. Sa ngayon, hindi niya pa alam kung ano ang magiging set-up nila ni Zeth pagdating sa
"W-What happened?" Narinig niyang nag-aalalang tanong ni Zeth kay Marga. The woman is crying in his arms. "S-Si Papa, Zeth, n-nasa ospital. Inatake siya sa puso.""Huh?" Kumawala ito mula sa babae."Kumusta ngayon ang Papa mo?" "H-He's not in stable condition. Ang sabi ng Doctor, masyado siyang na-stress sa mga nangyari kaya siya inatake. Please bumalik ka na. Ang mga trabahante sinabotahe ang planta. Kailangan ka namin sa Buenavista. Please, bumalik ka na..Hindi ko na alam kung paano ko sila iha-handle. I need you there."Kahit medyo may kalayuan, kita niya na biglang hindi naging palagay ang mata ni Zeth. Maybe he's confused whether to stay or to go with Marga.Mariin siyang nagtiimbagang. Her blood is boiling seeing them like this. Muli na namang nanariwa sa ala-ala niya ang narinig niya ng gabing iyon. And how dare them to play and hurt her like this!"Marge, hindi na ako ang abogado ng Papa mo. Si attorney Solano dapat ang pinuntahan mo. Siya na ngayon ang bagong abogado ng
"B-Bakit dito?" Hilaw niyang tanong ng makita ang tumambad na silid sa kanya. Hindi na niya kailangan itanong para malaman na kwarto nito ang kinaroroonan nila ngayon.Matapos na ma discharge sa ospital, idiniretso siya nito sa mansion ng mga Dela Vega. Hindi na ito pumayag na bumalik pa sila sa apartment. "Ipapakuha ko nalang ang mga gamit ninyo nina Yaya Rosing at Daisy doon sa apartment ninyo. From now on, doon na kayo sa mansion titira." Sabi nito kanina habang isinisilid niya ang kanyang mga gamit sa bag.After two days of staying in the hospital, makakauwi na rin siya a wakas, but to her shocked, ito ang maririnig niya.Nagkatinginan sila ni Yaya Rosing na noo'y nakaupo sa couch at buhat si Kai.Inis siyang muling ibinaling ang tingin sa lalake."You decided this without even consulting me? Sino ka para gawin iyon huh?" Ikiniling nito ang ulo saka sarkastiko siyang tiningnan. "Nakalimutan mo na yata, I'm the father of your child." "I clearly knew that. Hindi ko naman itinan
Puting kapaligiran ang unti-unting nasilayan niya ng imulat niya ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inikot ang tingin at napagtantong nasa isang silid na siya.Isang tila hotel na silid.Sinubukan niyang i-angat ang katawan para sana bumangon ng biglang bumukas ang pinto."Gising ka na pala.."She darted her eyes on the door direction and saw Zeth walking towards her bed.Ikiniling niya ang ulo at bahagyang kumunot ang noo. Mga anag-ag ng nagdaang gabi ang biglang pumasok sa kanyang ala-ala.Ang natataranta at nag-aalalang mukha nito habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay at binibigyan siya ng lakas ng loob.So, he's really real. Kasama niya talaga ito kagabi habang nanganganak siya.Pero bakit hindi na niya makita sa mukha nito ngayon ang emosyong nasa mga mata nito kagabi? All she can see in his eyes now is torment and pain at mga panunumbat."N-Nasaan ang baby ko?" Mahinang tanong niya saka nagtangkang bumangon. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito.Sa kabi
"Anong nangyari kay Dre-- Diyos ko!"Nanlalaki ang mga matang sambit ni Yaya Rosing ng makitang nagmamadali at halos takbuhan ni Zeth ang pagitan ng bulwagan at pinto habang karga siya. Mas lalo itong nataranta ng mapadako ang mga mata sa bandang hita niya at makitang puno na ng dugo ang kanyang suot na damit.Nagtatakbo rin silang sinalubong ni ma'am Aurora. At tulad ni Yaya Rosing ay nanlaki rin ang mga mata nito ng makita ang ayos niya."Oh my God!" "Mama, tawagan ninyo si Doctora Mendez, tell them to be ready and wait for us infront of the hospital. Dadalhin ko doon si Drey!" Zeth said breathlessly with out stopping. Tuloy-tuloy ang nagmamadali nitong mga paa papunta sa pinto."Huh? Ah.. Oo.. Oo.." She closed her eyes tight at mas lalo pang nangunyapit kay Zeth. Pigil na pigil niya ang mapaiyak sa sakit na nararamdaman."Aghh.."Ngunit sa huli, hindi pa rin niya napigilan ang mapadaing. Ang sakit talaga!"K-Konting tiis lang, hmm? We're going to the hospital." Hinihingal niton
"N-Naku, pasensiya na ma'am, hindi ko po sinasadya. Ayos lang po ba kayo?" Natatarantang sabi ng waiter sa kanya. Tiningnan siya nito, pagkunwa'y sa mga nabasag na baso sa bandang paanan niya. "Pasensiya na po talaga..." Ulit nito, pagkunwa'y dali-daling yumuko para pulutin ang bubog. "Huwag po muna kayong gumalaw, lilinisin ko po muna ang sahig.""Drey!"Dinig niya ang sigaw na iyon ni ma'am Aurora. Hindi man siya umangat ng tingin, alam niyang papunta na ito sa direksyon nila. Sa di malamang gagawin, yumuko siya at tinangkang tulungan ang waiter. Iwas na iwas niyang i-angat ang mga mata."Naku ma'am, ako na po.. hindi ninyo na po kailangan gawin ito. Baka masugatan po kayo at--""What the hell are you doing, Drey?" Hangos na dating ni ma'am Aurora. "Kumuha kayo ng dustpan at walis. Bilis.." Utos nito sa dumaang waiter bago muling ibinaling sa kanya ang mga mata. "Tumayo ka diyan at huwag na munang gumalaw, baka matapakan mo ang mga bubog." Puno ng pag-aalalang dugtong nito. She
--ZETHRIUS--"Santa Monica?" Napakunot ang kanyang noo ng marinig ang sinabing iyon ng kausap niya sa kabilang linya. "Yes, attorney Miranda. I investigate and look throughly. Nasa Santa Monica nga po ngayon si Miss Monteville kasama ng kanyang kapatid at ina-inahan."Tumiim ang kanyang labi at nagtagis ang kanyang bagang."Are you sure about it?" Matigas niyang tanong."Yes, I'm very sure of it. They are renting a two bedroom apartment downtown, at kasalukuyang nagtatrabaho si miss Monteville sa Dela Vega interprises bilang sekretarya ni Mrs. Aurora Dela Vega. I'll send you the address and--""No need to do that, detective Samonte. I know the address." Tiim pa rin ang labing sabi niya pagkunwa'y pinutol na ang tawag. Mahigpit siyang napahawak sa manibela ng kanyang sasakyan at tiim ang mga matang itinuon sa harap. The sun is already settling, nagkukulay kahel na ang buong kapaligiran. It was a beautiful scenery, and yet hindi niya ma-appreciate ang kagandahang iyon. "Damn you, An