Pagpasok pa lang niya sa pinto ay kita na niya ang seryosong mukha ni Zethrius habang abala ang mga mata sa libro. He was alone on the two seater table on the corner of the library. Parang sinadya talaga nito na doon umupo para walang istorbo.
Silently, she walk on a book shelves and pick a book. Ni hindi na niya tiningnan kung anong libro iyon. She just randomly pick it without looking at it. Ang totoo, Hindi naman siya pumunta doon para magbasa o mag aral. Nagpunta siya doon dahil nalaman niya mula kay Carlo na naroroon si Zethrius.
She roam her eyes around. Mangilan-ilan lang ang studyante sa loob. And there were three girls sitting on the long table na pinakamalapit sa kinaroroonan nito.
Ikinataas niya ng kilay ng mapansing hindi naman nakatuon ang pansin ng mga ito sa hawak na libro. All their eyes were secretly looking at him. Giggling and whispering words to each other.
At ilang sandali nga lang ay nakita niyang tumayo ang isa.
Instinctively she walked pass them.
Malalaki ang hakbang. Hindi siya papayag na uunahan pa siya nito na lumapit kay Zethrius. She's been waiting for this moment since three days ago.Yes, three days.. three irritated days!
Mula nong araw sa labas ng locker room ay hindi na nasundan pa ang kanilang pag uusap. Todo iwas ito sa kanya. He didn't even gave her a second look kung magsalubong sila sa pasilyo.
It won't be easy'
Parang gusto na niyang maniwala sa narinig niyang iyon kay Vera three days ago. It's really won't easy to tame him. Masyado itong mailap.
Umismid lang siya ng makita ang pagtalim ng tingin ng babaeng papalapit sana kay Zeth. Halata ang inis sa mukha nito ng bumalik sa kinauupuan nito.
'Sorry girls, but I'm more desperate than all of you!
Nagkibit balikat siya bago na inilang hakbang ang papunta sa mesa nito.
Gulat pa itong napa-angat ng tingin ng umupo siya sa bakanteng upuan sa harap nito. He imediately ceased his brows as he saw her.
"Can I sit here?"
Tumaas ang kilay nito. Sarkastiko siyang tiningnan.
"You already did." suplado nitong sagot saka ibinabang muli ang mga mata sa hawak na libro.
Sinundan niya iyon ng tingin. All was she saw in the cover was a three big letter 'LAW'.
Oo nga pala, nasa huling taon na ito sa kurso nitong abogasya. He will be graduating four months from now kaya siguro todong pag-aaral ang ginagawa nito.
Minasdan niya ito. It was her first time seeing him this close. Yung nagawa niya talagang pagmasdan ito. No wonder girls go crazy over him. He really is the epitome of perfection in the male species. Tall, dark and handsome. His deep dark eyes is hypnotizing. Kung titigan mo ay para kang malulunod. At hindi lang iyon, Isa rin itong dean lister ng universidad.
Kaya sinong babae ang hindi mababaliw rito?
Ipinilig niya agad ang kanyang ulo. She cast that question away at pilit na isiniksik sa isip na hindi siya kabilang sa mga babaeng iyon.
"What?" He hissed sharply.
"H..huh?" napapitlag siya.
Taas kilay itong nakatingin sa kanya.
"Hindi ka naman umupo diyan sa harap ko para lang titigan ako di ba?"
Doon lang siya tuluyang nahimasmasan. And the moment she realized that, her face heated.
"Nag-aaral ako kaya wala akong panahong makipagtitigan sayo kaya pwede ba uma-"
"Bakit ba ang sungit mo?" Agaw niya. Di sinasadyang napalakas ang boses. Napatingin tuloy sa kanila ang ibang naroroon.
Zethrius stare at her annoyed.
Iniwas niya rito ang mga mata at bumaling sa mga studyanteng naroroon. She smile at them apologetically.
"Bakit ba dito ka umupo sa mesa ko?" He roam his eyes. "Marami namang bakanteng iba ah?"
Sinundan niya ang pag-angat ng tingin nito sa kanilang paligid. At tama nga ito, marami ngang bakanteng mesa at upuan.
Ngumuso siya at pilit na kinalkal sa isip ang maaari niyang idahilan.
"Kukunin ko na yung t-shirt ko?" Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya.
Oh my, what was that?
Of all reasons, bakit iyon pa? Hindi ba ibinigay na niya iyon? She even told him to throw it away kung hindi nito gagamitin.
Bigla siyang napakagat-labi. Nakakahiyang dahilan!
Tumaas muli ang kilay nito. Napapantastikuhan siyang minasdan.
She can see a ghost of smile rose on the corner of his lips. If he was mocking her or what.. hindi niya alam."Inistorbo mo ako dahil lang doon? Hindi ba iniwan mo iyon at sinabing ako ng bahala kung ano ang gagawin ko roon?"
She raised her brows. "So, you keep it?" Sa maliit na boses tanong niya. Hindi niya alam pero may umusbong na tuwa sa puso niya ng maisip iyon.
"No, itinapon ko." Pasimple nitong sagot saka bumalik ang atensyon sa libro.
Nanlalaki ang mga matang umangat ang tingin niya sa mukha nito.
"You really did that?" Pinilit niyang hinayin ang boses. Hindi niya gustong makaagaw pansin na naman siya doon.
"Bakit? Hindi ba iyon ang sabi mo?"
Ngumuso siya. Oo nga, sinabi niya iyon, pero hindi niya naisip na gagawin talaga nito iyon.
Ang sama talaga nito!
She pouted and look at him sharply. Hindi niya alam kung bakit biglang bumangon ang inis sa sistema niya. Gayong hindi naman mahalaga iyon sa kanya. It was just an ordinary plain shirt. But why she feel annoyed?
Maybe because, somehow she hope that he'll going to keep it.
Why would he do that? Nagpapatawa ka ba? Kantiyaw ng isang bahagi ng isip niya. He didn't even like you?'
Sa inis ay lalo lang siya naghimutok! She crossed her arms and just look at him annoyed.
"Nasagot ko na ang tanong mo, so you may leave me now.. nag-aaral ako."
Ang hudyong ito!'
Padaskol niyang pinulot ang librong sa harap niya.
"Mag-aaral rin ako!" Inis niyang sabi.
Umiling-iling ito at muling ibinalik ang atensyon sa binabasa. Pero siya.. nanatili rito ang naiinis niyang tingin.
"Read your book Drey." He said blatantly. Nasa libro pa rin ang tingin.
Napa-angat ang tingin niya saka napadiretso ng upo. Tama ba ang narinig niya?
Drey..
Paulit-ulit iyon nag-echo sa isip niya. At kasabay ng panlalambot ng kanyang mga mata ay ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
The way he mention her name was so gentle that she can't stop her heart from beating fast.
Kaya ang inis na naramdaman niya kani-kanina lang ay napalitan ng hindi maipaliwanag na tuwa. Pakiramdam niya biglang gumaan ang loob niya.
Kagat-labing unti-unti siyang napangiti. Tila biglang nagliwanag ang buong paligid.
The next thing she knew is her lifting the book in reading positon at kahit walang koneksyon sa kurso niya ang librong nahablot ay buong sigla niya iyon binuklat. Her eyes was still on him.
She saw him darted his eyes on hers kaya dali-dali niyang itinuon ang mata sa hawak though she never really did put her focus on the book.
Pasulyap-sulyap siya rito ng lihim at sa tuwing umaangat ito ng tingin sa kanya ay nagkukunwari naman siyang abala sa pagbabasa.
"Are you done?" Kunot-noo niyang tanong ng makitang inaayos na nito ang mga librong nasa harap nito at inililigpit na rin ang mga gamit at inilalagay na sa bag nito.
Tiningnan siya nito. Ilang sandali rin iyon tumagal sa mukha niya bago bumuntong-hininga.
"Hindi pa."
"Kung ganoon bakit parang aalis ka na? Dahil ba sa akin? Hindi naman kita ginugulo ah!"
"May trabaho ako ng alas tres." Baritono nitong sagot.
"Trabaho? Nagtatrabaho ka?"
"Oo.." maikli nitong sabi saka tumayo.
Tumayo rin siya, sinundan ito papunta sa may book shelves para Ibalik na ang libro. Napilitan rin siyang ibalik ang kanya.
Kunot-noo itong bumaling. "Aalis ka na rin?"
Tumango siya.
"Tapos ka na sa binabasa mo?"
"Oo.."
Umiling-iling nalang ito. Tila hindi naniniwala. Magkaganoon man ay hindi ito nagsalita.
Nang lumabas ito sa library ay nagkukumahog siyang sumunod rito. Malalaki ang hakbang nito kaya hirap siyang pantayan ang lakad nito.
And all of a sudden he halted his step.
Muntik pa niyang mabangga ang likod nito."Anong ginagawa mo?"
"Huh?"
"Hindi ba doon ang building ninyo?"
Sinundan niya ang tiningnan nito. They are exactly at the opposite direction to where their classroom is.
"P..pupunta ako ng canteen!"
Tumaas ang kilay nito. "Doon ang canteen Drey."
Bumaling siya sa itinuro nito. Nalagpasan na nila ang canteen.
Ngumuso siya. Nag iinit ang mukha. Bistado siya kaya wala siyang magawa kundi iyuko nalang ang ulo at tingnan ang kanyang itim na sapatos.
"Pauwi na ako. Huwag mong sabihin na susundan mo ako hanggang sa bahay?"
"Hindi ah!" Defensive niyang sagot.
"Bumalik ka na sa building ninyo."
Marahan siyang tumango. "Oo na!" Labag sa loob siyang tumalikod.
Nakakadalawang hakbang pa lamang siya ng muli siyang humarap.
No.. hindi pwede sa ganito lang magwawakas ang effort niya para sa araw na iyon!
Napahiya na rin lang siya.. sasagarin na lang niya.
"Zeth.."
Kunot-noo itong lumingon.
"Ganitong oras din ba ang punta mo sa library bukas?"
Mas lalong kumunot ang noo nito.
"Di ba sabi mo hindi ka pa tapos mag-aral?"
Tumaas ang kilay nito. "Hindi pa nga.."
"Tabi ulit tayo sa mesa bukas."
Naninimbang siya nitong tiningnan.
"Di ba sabi mo tapos mo ng basahin ang libro kanina?" He asked sarcastically.
Ang talas naman ng memorya nito!
"I'll read another one! Marami namang ibang libro doon!"
Tumaas ang kilay nito. Ilang sandaling nanatili ang mga mata sa kanya.
"As long as hindi mo ako iistorbohin at hindi mo ako papakialaman, walang magiging problema." Mahina pero buong diin nitong sabi bago tuluyang tumalikod.
Malayo na ito ay nanatili pa rin sa papalayong likod nito ang kanyang mga mata. She can't stop herself from smiling wildly.
Zethrius Miranda.. I'll make you mine soon!
Ang masayang pakiramdam na dala niya hanggang sa kanyang pagtulog ay napalitan ng iritasyon at pagkainis.Naalimpungatan siya sa ingay at sigawan na nagmumula sa labas.Tiningnan niya ang maliit na orasan na nasa side table ng kanyang kama.. Alas dos ng madaling araw!Nagtiim-bagang siya. Hindi na niya iyon ipinagtaka. What else is new?"Galing ka na naman sa kerida mong hayop ka!"Narinig niyang sigaw ng kanyang ina.It was always the main topic. Ang pambababae ng kanyang Papa."Kaya nagkakandaletse-letse ang buhay natin dahil diyan sa kawalanghiyaan mo!""Tumigil ka na Dianna! Kung natalo ka sa casino huwag mo sa akin ibunton ang init ng ulo mo!""Walanghiya ka talaga!"Mga kalabog at kalansing na ng mga natapong bagay ang sunod niyang narinig."Lumayas ka rito!"Inis siyang dumapa at ibinaon ang ulo sa malambot na kutson ng kanyang kama. Hindi pa siya nakontento, ti
"B..bakit ka nandito?" Ipinilig niya ang ulo ng mahimasmasan. Patuloy pa rin siya nitong hinihila palabas. Malalaki ang mga hakbang nito kaya nagkakandahirap siyang sumunod.Hindi siya nito sinagot. Bagkus ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa palapulsuhan niya.Napangiwi siya habang nakatingin doon. Namamaga na yata iyon sa higpit ng pagkakahawak nito. Iniangat niya ang mukha. Mula sa likod ay ramdam niya ang madilim nitong aura.Padaskol siya nitong pinasok sa harapang bahagi ng isang owner type Jeep saka binitiwan.Hindi niya talaga maintindihan kung bakit tila galit na galit ito!Marahan niyang minasahe ang palapulsuhan habang tinatanaw itong lumigid sa kabilang bahagi ng sasakyan. Madilim pa rin ang mukha at tiim ang mga labi ng sumampa sa driver seat."Saan ka umuuwi?" He asked coldly.S
Siguro nga.. it was the safest place dahil natagpuan niya ang sarili na muling bumabalik doon. Katunayan, iyon na ang pangatlong beses sa linggong iyon na nagpunta siya doon."Nailagay ko na po ang lahat ng sangkap 'nay, ano na po ang isusunod ko?"Baling niya sa nanay ni Zeth na noo'y abala sa paghihiwa ng labanos sa may mesa. Nagluluto sila ng sinigang na hipon. After she found out that it was Zeth favorite ay nagpaturo na siya rito kung paano lutuin iyon."Takpan mo na muna at hayaan na kumulo."Iyon nga ang ginawa niya. Matapos non ay masaya siyang bumalik sa kinauupuan sa harap nito. She watch her with fondness in her eyes. Hindi niya akalain na magiging ganito agad kagaan ang loob niya rito. Tatlong beses pa lang siyang nagpunta doon and she's already at ease and very much comfortable in their home.Well, sino nga bang hindi magiging kumportable kung ganit
"OH ano, kumusta na kayo ni Zeth? Lumevel-up na ba? May nakapagsabi sa akin na nakitakayong magkasama sa bayan noong sabado and guess where?" Ngising-ngisi si Vera. As usual nasa likod sila ng school kung saan ang kanilang tambayan.Kuryoso naman siyang tiningnan ng tatlo pagkunway kay Vera. Hinihintay ang dugtong nito."At Mariana's motel.."She saw how their eyes widen. Pilya agad ang ngisi ni Jayla, si Lila naman ay nagtatanong ang mga matang bumaling sa kanya. Samantalang parang nakita niya ang sandaling pagdilim ng titig ni Marga bago ngumiti."Don't tell us para lang manalo ka sa pustahan ay pumayag ka na mag motel kayo?"She widen her eyes. "Guys it's not what--""What's wrong with that Marg?" Si Vera. "Wala naman tayong napag-usapan na hindi siya pwedeng mag all the way. It's a win-win issue so it's up to her kung--"
Malalaki ang hakbang na hinila siya nito. Kung saan siya nito dadalhin ay hindi niya alam. Dumako ang tingin niya sa braso nitong nakahawak sa kanya. She saw how the vein on his arms protruded and how his jaw clenched when she darted her eyes on him. Hindi iyon nagawang itago kahit na nakatalikod ang postura nito sa kanya. He was pissed! And she knew the reason why. Mas lalo iyon nadepina sa nangyari kanina ng magsalubong sila sa gym. Alam niyang nahalata na nito na umiiwas siya. Naisip na rin siguro nito na iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya pumupunta sa library.Marahas siya nitong binitiwan."So you're done playing with me. Kaya ngayon umiiwas ka na?" Agad nitong akusa. Napalunok siya sa lamig ng boses nito pero pinatatag niya ang sarili. It was better this way. Mabuti nga iyon dito na mismo nanggaling ang bagay na iyon. Hindi na niya kailangang magpaliwanag. Hahayaan niya lang mag-isip ito na pinaglaruan nga lang niya talaga ito. Iyon naman talaga ang totoo di ba? And no
Naghalukipkip siya at bahagyang napakagat-labi ng mapansing pinapasadahan siya ng tingin ng bawat studyanteng dumadaan sa harapan niya. Because of what happened, everyone now was curious and talking behind her back. Hindi nga lang niya masigurado kung mga magagandang komento o mga malisyosong usapan ang ginagawa ng mga ito. And because she don't care at all, she just ignore those curious stares and malicious talks at tahimik na naghintay doon.Muli niyang tiningnan ang kanyang cellphone. Paulit-ulit lang na pinapasadahan ng tingin ang isang partikular na numero. Naalala niya kung paano siya naghimutok ng hindi man lang niya alam ang cellphone number ni Zeth at hindi nito ibinigay. Naisip niya pa na kaya hindi nito ibinigay dahil wala naman itong interes sa kanya. Until earlier."Hanggang anong oras ang klase mo ngayon?" Tanong nito matapos ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila. She was still mesmerized from his confession. Wala na siyang ginawa kundi ang kagatin ang kanya
Isang simpleng selebrasyon at konting salo-salo na tanging mga malalapit na kaibigan at kapitbahay ang naroroon sa bahay ng mga ito ng pumasok sila. Kilala na niya ang iba sa mga iyon, taga doon lang din sa looban. Nasa munting sala ang mga ito and they are busy talking, pero tumigil ang mga ito ng makita sila. "Oh, nandito na pala sina Zeth at Drey." sabi nong isang matabang babae na nakaupo sa gilid. Kung tama ang pagkakatanda niya ay Lorna ang pangalan nito. "Magandang hapon po." Bati niya sa mga ito. "Magandang hapon rin iha, naku mas lalo kang gumaganda ah." "Thank you po aling Lorna." "Ang suwerte mo sa girlfriend mo Zeth, maganda na, magalang pa. Bihira na sa mga kabataan ngayon ang may magandang asal." baling nito kay Zeth na noo'y nasa gilid niya. Zeth smile gently saka ibinaling sa kanya ang namumungay na mga mata. Ramdam niya rin ang bahagyang pagpisil nito sa kanyang kamay na ayaw na yata nitong bitawan."At masuwerte ka rin kay Zeth," sabad ni aling Salve. Isa rin
"Ehem!" Isang tikhim sa kanilang likod ang nagpabaling sa kanilang dalawa. When they turn, they saw nanay Zeny on the kitchen entrance. Sa kamay nito ay bit-bit ang isang pitsel ng tubig na walang laman. "Kukuha lang ako ng tubig." Paalam nito pagkunwa'y dumako sa maliit na refrigerator sa gilid at kumuha ng isa pang pitsel.Mariin siyang napakagat-labi. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito sa nadatnang tagpo. While she so ashamed, si Zeth naman ay tila wala lang. "Hinahanap ka na pala nina Froi doon sa labas Zeth." Baling nito kapagkuwan. "Ikaw rin, Drey.. nagtatanong sina Lorna"Ahm.. opo inay. Lalabas na po kami." "Pero bago iyon..." Si Zeth. Hinawakan nito ang kanyang kamay saka tinitigan siya sa malamlam na mga mata. "Inay..." Baling nito kay Aling Zeny. "Gusto ko lang pong sabihin sa inyo, na mahal na mahal ko po si Drey."Nanay Zeny raised her brows and make a face. Pinalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin."Halatang-halata nga." Natatawa at iiling-iling nitong
AUTHOR'S NOTE:So this is it. The final chapter. Again, thank you dahil sinamahan ninyo si Zeth at Drey sa journey ng kanilang kwentong pag-ibig. At gaya ng pagsubaybay ninyo sa kuwento nila, hinihiling ko rin na sana samahan ninyo rin at subaybayan ang bagong kwentong pag-ibig na sinusulat ko.Ang kwento nina Prince Dylan at ni Serie sa Fated to Love You, My Prince'.Hanggang sa muli. Mahal ko po kayo....>>>>>>"Gusto kong malaman kung paanong naging mama mo si ma'am Aurora? How about nanay Zeny?" Tanong niya saka bahagya itong nilingon.They are at a private resort. Doon siya nito dinala matapos ang kasal nila kanina. At ngayon ay nasa terrace sila ng villa at sabay na minamasdan ang kalangitan na puno ng mga bituin.He is resting his body at the couch at siya naman ay nasa ibabaw ng katawan nito na nakasandal. They are both wrapped in a blanket while Zeth arms is tightly wrapped around her. "Si Mama ang biological mother ko. Si inay naman ang nagpalaki sa akin. Minah
AUTHOR'S NOTE:Sa lahat po ng sumubaybay sa kwentong pag-ibig nina Zeth at Drey, maraming-maraming salamat po. Matagal man bago ko natapos ang novelang ito, hindi ninyo pa rin ako iniwan. Dahil doon kaya abot-langit ang pasasalamat ko sa inyong lahat. After this, may epilogue pa po akong ilalagay. POV ni Zeth. At may bago rin po akong story na ipu-publish, title niya po is 'FATED TO LOVE YOU, MY PRINCE' Kasali siya sa contest ni GN. Sana suportahan ninyo rin po ang bago kong akdang iyon.Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat...>>>>"A-Ano ang g-ginagawa natin dito?" Kunot noo niyang tanong saka nagtatakang bumaling kay Zeth matapos na makita ang lugar na pinagdalhan nito sa kanya. Hindi ito sumagot. Bumaba ito mula sa driver seat saka umikot papunta sa kabilang bahagi ng sasakyan kung saan siya nakaupo at binuksan ang pinto.Naglapat ito ng labi saka ini-abot ang kamay sa kanya. "Come... Naghihintay na si Judge Herrera sa loob." From his hand, she darted her
Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni ma'am Aurora sa sinabi nito. It left her puzzle. Sinabi nito at siniguro na mahal siya ni Zeth. She wanted to laugh at it. Paano mangyayari iyon kung siya mismo ang nakarinig ng totoo?Ang pagsama at pagpili nito kay Marga kanina ay isang malaking patunay sa katotohanang iyon.She don't want to hope for it anymore. Oo, mahal niya ito. Mahal na mahal. Pero pagod na siyang masaktan. Pagod na siyang umasa na pwede silang dalawa.Dahil hindi talaga. Hindi sila para sa isa't-isa. Maybe some things were really not meant for each other, at isa sila sa mga iyon. Malungkot niyang minasdan ang anak na mahimbing na natutulog sa crib. "Baby, I'm sorry. Patawarin mo si Mama, kung hindi kita mabibigyan ng kumpleto at masayang pamilya. Magkaganoon man, mahal na mahal ka namin ng Papa mo. At hindi iyon magbabago kahit na kailan."She whisper with fondness in her eyes. Sa ngayon, hindi niya pa alam kung ano ang magiging set-up nila ni Zeth pagdating sa
"W-What happened?" Narinig niyang nag-aalalang tanong ni Zeth kay Marga. The woman is crying in his arms. "S-Si Papa, Zeth, n-nasa ospital. Inatake siya sa puso.""Huh?" Kumawala ito mula sa babae."Kumusta ngayon ang Papa mo?" "H-He's not in stable condition. Ang sabi ng Doctor, masyado siyang na-stress sa mga nangyari kaya siya inatake. Please bumalik ka na. Ang mga trabahante sinabotahe ang planta. Kailangan ka namin sa Buenavista. Please, bumalik ka na..Hindi ko na alam kung paano ko sila iha-handle. I need you there."Kahit medyo may kalayuan, kita niya na biglang hindi naging palagay ang mata ni Zeth. Maybe he's confused whether to stay or to go with Marga.Mariin siyang nagtiimbagang. Her blood is boiling seeing them like this. Muli na namang nanariwa sa ala-ala niya ang narinig niya ng gabing iyon. And how dare them to play and hurt her like this!"Marge, hindi na ako ang abogado ng Papa mo. Si attorney Solano dapat ang pinuntahan mo. Siya na ngayon ang bagong abogado ng
"B-Bakit dito?" Hilaw niyang tanong ng makita ang tumambad na silid sa kanya. Hindi na niya kailangan itanong para malaman na kwarto nito ang kinaroroonan nila ngayon.Matapos na ma discharge sa ospital, idiniretso siya nito sa mansion ng mga Dela Vega. Hindi na ito pumayag na bumalik pa sila sa apartment. "Ipapakuha ko nalang ang mga gamit ninyo nina Yaya Rosing at Daisy doon sa apartment ninyo. From now on, doon na kayo sa mansion titira." Sabi nito kanina habang isinisilid niya ang kanyang mga gamit sa bag.After two days of staying in the hospital, makakauwi na rin siya a wakas, but to her shocked, ito ang maririnig niya.Nagkatinginan sila ni Yaya Rosing na noo'y nakaupo sa couch at buhat si Kai.Inis siyang muling ibinaling ang tingin sa lalake."You decided this without even consulting me? Sino ka para gawin iyon huh?" Ikiniling nito ang ulo saka sarkastiko siyang tiningnan. "Nakalimutan mo na yata, I'm the father of your child." "I clearly knew that. Hindi ko naman itinan
Puting kapaligiran ang unti-unting nasilayan niya ng imulat niya ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inikot ang tingin at napagtantong nasa isang silid na siya.Isang tila hotel na silid.Sinubukan niyang i-angat ang katawan para sana bumangon ng biglang bumukas ang pinto."Gising ka na pala.."She darted her eyes on the door direction and saw Zeth walking towards her bed.Ikiniling niya ang ulo at bahagyang kumunot ang noo. Mga anag-ag ng nagdaang gabi ang biglang pumasok sa kanyang ala-ala.Ang natataranta at nag-aalalang mukha nito habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay at binibigyan siya ng lakas ng loob.So, he's really real. Kasama niya talaga ito kagabi habang nanganganak siya.Pero bakit hindi na niya makita sa mukha nito ngayon ang emosyong nasa mga mata nito kagabi? All she can see in his eyes now is torment and pain at mga panunumbat."N-Nasaan ang baby ko?" Mahinang tanong niya saka nagtangkang bumangon. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito.Sa kabi
"Anong nangyari kay Dre-- Diyos ko!"Nanlalaki ang mga matang sambit ni Yaya Rosing ng makitang nagmamadali at halos takbuhan ni Zeth ang pagitan ng bulwagan at pinto habang karga siya. Mas lalo itong nataranta ng mapadako ang mga mata sa bandang hita niya at makitang puno na ng dugo ang kanyang suot na damit.Nagtatakbo rin silang sinalubong ni ma'am Aurora. At tulad ni Yaya Rosing ay nanlaki rin ang mga mata nito ng makita ang ayos niya."Oh my God!" "Mama, tawagan ninyo si Doctora Mendez, tell them to be ready and wait for us infront of the hospital. Dadalhin ko doon si Drey!" Zeth said breathlessly with out stopping. Tuloy-tuloy ang nagmamadali nitong mga paa papunta sa pinto."Huh? Ah.. Oo.. Oo.." She closed her eyes tight at mas lalo pang nangunyapit kay Zeth. Pigil na pigil niya ang mapaiyak sa sakit na nararamdaman."Aghh.."Ngunit sa huli, hindi pa rin niya napigilan ang mapadaing. Ang sakit talaga!"K-Konting tiis lang, hmm? We're going to the hospital." Hinihingal niton
"N-Naku, pasensiya na ma'am, hindi ko po sinasadya. Ayos lang po ba kayo?" Natatarantang sabi ng waiter sa kanya. Tiningnan siya nito, pagkunwa'y sa mga nabasag na baso sa bandang paanan niya. "Pasensiya na po talaga..." Ulit nito, pagkunwa'y dali-daling yumuko para pulutin ang bubog. "Huwag po muna kayong gumalaw, lilinisin ko po muna ang sahig.""Drey!"Dinig niya ang sigaw na iyon ni ma'am Aurora. Hindi man siya umangat ng tingin, alam niyang papunta na ito sa direksyon nila. Sa di malamang gagawin, yumuko siya at tinangkang tulungan ang waiter. Iwas na iwas niyang i-angat ang mga mata."Naku ma'am, ako na po.. hindi ninyo na po kailangan gawin ito. Baka masugatan po kayo at--""What the hell are you doing, Drey?" Hangos na dating ni ma'am Aurora. "Kumuha kayo ng dustpan at walis. Bilis.." Utos nito sa dumaang waiter bago muling ibinaling sa kanya ang mga mata. "Tumayo ka diyan at huwag na munang gumalaw, baka matapakan mo ang mga bubog." Puno ng pag-aalalang dugtong nito. She
--ZETHRIUS--"Santa Monica?" Napakunot ang kanyang noo ng marinig ang sinabing iyon ng kausap niya sa kabilang linya. "Yes, attorney Miranda. I investigate and look throughly. Nasa Santa Monica nga po ngayon si Miss Monteville kasama ng kanyang kapatid at ina-inahan."Tumiim ang kanyang labi at nagtagis ang kanyang bagang."Are you sure about it?" Matigas niyang tanong."Yes, I'm very sure of it. They are renting a two bedroom apartment downtown, at kasalukuyang nagtatrabaho si miss Monteville sa Dela Vega interprises bilang sekretarya ni Mrs. Aurora Dela Vega. I'll send you the address and--""No need to do that, detective Samonte. I know the address." Tiim pa rin ang labing sabi niya pagkunwa'y pinutol na ang tawag. Mahigpit siyang napahawak sa manibela ng kanyang sasakyan at tiim ang mga matang itinuon sa harap. The sun is already settling, nagkukulay kahel na ang buong kapaligiran. It was a beautiful scenery, and yet hindi niya ma-appreciate ang kagandahang iyon. "Damn you, An