"Nagkita kami kanina ni Carlo sa canteen, hindi pa rin daw pumapasok si Zeth."Banggit ni Lila habang naglalakad sila sa pasilyo patungo sa laboratory building. Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. She knew that already dahil naitanong na niya kanina sa isang kaklase nito na nasalubong niya.It's been three days mula nong manggaling siya sa bahay nito. She knew that it's imposible for him to listen to her, but somehow she was hoping that he will come back into his right senses. But seems like he didn't. Hindi na nga talaga siguro ito babalik sa pag-aaral. And it added more on the guilt she's feeling. Dahil sa kanya kaya namatay si nanay Zeny, dahil rin sa kanya kaya nasira ang buhay ni Zeth. "Nakakapanghinayang talaga. Malapit na silang grumadweyt, and Zeth is one of the candidate for Suma cum Laude. Kung hindi siya makakapag-exam sa pre-final at final, mawawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan niya sa loob ng ilang taon."Tumigil siya at walang emosyon n
Mariin siyang napalunok saka mahigpit na napahawak sa strap ng kanyang bag ng matanto niyang si Zeth nga talaga ang kanyang kaharap. Her heart is beating loudly against her chest. Sa takot, sa kaba at sa uri ng damdamin na tanging dito lamang niya naramdaman. Umiwas siya ng tingin at di sinasadyang napadako sa kamay nitong may dala rin pumpon ng mga puting bulaklak."B-Binisita ko lang si nanay Zeny."Sabi niya bago pa ito makapagtanong kung ano ang ginagawa niya doon.Naramdaman niyang idinako nito ang mga mata sa puntod ng ina, partikular sa bulaklak at kandilang hindi pa tuluyang nauupos. "I-I'm sorry. Hindi ko naman akalain na pupunta ka rito ngayon. H-Hindi naman ganitong oras tuwing pumupunta ka--" she close her mouth shut. Hindi na niya kailangan magpaliwanag, ang dapat na ginagawa niya ay umalis na bago pa siya nito ipagtabuyan. Bago pa siya nito sumbatan at pagsalitaan ng mga hindi maganda."A-Aalis na ako." Nakayuko niyang sabi, saka pilit na iginalaw ang mga paa upang l
She is walking blankly at halos wala ng lakas papunta sa magkatabing kama na may bultong natatakpan na ng puting kumot. Kasabay niya si Yaya Rosing.They are at the hospital kung saan dinala ng mga rescuer ang kanyang Mama at ang kanyang Papa na idineklara rin namang dead on arrival ng mga Doctor. Both of them."Malalim ang bangin na kanilang hinulugan, and before that, bumangga na ang kanilang sasakyan sa barrier ng kalsada. Doon pa lang baka malala na ang tinamo nilang sugat. Ang sabi ng mga nakakita sa aksidente, matulin ang kanilang takbo. At may nakakita rin na tila nag-aagawan sila ng manibela. We still don't know what the cause since it is self accident. But maybe they are fighting inside at nawalan ng control sa manibela ang Papa mo, miss Monteville." Iyon ang sabi sa kanya ng pulis na nakatalaga sa imbestigasyon. Nadatnan nila ito at dalawang iba pang kasama sa ospital. At hindi nga ito nagkamali ng hinala. Because as the investigation went further, nakita nila ang CCTV fo
Akala niya hindi ito titigil, akala niya tuluyan na siya nitong tinikis. But he stopped and turn his gaze. And the moment their eyes met, parang lahat ng sakit sa kanyang puso ay unti-unting naglaho."K-Kanina ka pa ba?" Mahinang tanong niya.Hindi agad ito sumagot. He just stare at her. Kung ano ang naiisip nito ay wala siyang idea. But after a while, he nodded."Hmm.. nandito na ako umpisa pa lang ng seremonya ng libing. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa parents mo." She bit her lips and nodded gently. Pilit niyang inaarok ang nilalaman ng mga mata nito, pero hindi niya talaga mabasa. Yes, she saw sympathy, but other than that is blurry to her. "Maraming salamat." Gusto sana niyang itanong kung bakit hindi ito lumapit sa kanya.. kung bakit hindi ito nagpakita sa kabila na naroroon pala ito, pero sinarili niya na lamang ang mga tanong iyon sa isip. She knew the reason well. The reason of him not wanting to see her. Kung hindi nga lang marahil dahil sa simpatya, ay nungka siguro
"Hoy Drey... Nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Andro. Ano ba ang ginagawa mo rito?" Napapitlag siya sa biglang pagsulpot na iyon ni Stephanie.Bago siya lumgingon, marahan at palihim muna niyang pinahid ang kanyang mga luha. She wanted to run away, she wanted to hide, pero alam niyang hindi niya iyon maaaring gawin. May trabaho siyang naiwan sa loob, and she just can't leave because of personal reason, because of her pain. Hindi mapapakain ng nakaraan ang kanyang pamilya. The guilt and the pain is still there, it always has been. Pero nasa realidad siya ng buhay. And she just can't run away or hide dahil nakatalaga sa trabahong iyon ang buhay ng kapatid niya.Tumayo siya at hinarap si Stephanie. She then plaster a smile. "M-Medyo sumakit kasi ang ulo ko kaya nagpahangin muna ako sandali."Damn! Bakit kailangang pumiyok ang boses niya?"Iyon nga ang sabi ni sir Andro, kaya nga sobra siyang nag-aalala sayo. Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa halos wala ka ng pahing
Inalis niya sa isip ang posibilidad na may naiwan ito kaya ito bumalik. As she look at his deep and serious eyes looking at her, alam niya na siya ang pakay kaya ito naroroon. Mas lalo iyon nadepina ng makitang humahakbang ito patungo sa direksyon niya. She is panicking inside, pinilit niya lang na huwag ipahalata at huwag itong pansinin.With trembling legs, she step to the side and wave immediately when she saw a taxi coming. Ngunit biglang hinawakan ni Zeth ang kanyang kamay at ibinaba iyon.Maang siyang napabaling dito. What the hell is he doing? Pinipilit na nga niyang umiwas para hindi sila magpang-abot, why did the hell he came back?!"A-Anong ginagawa mo?" Tanong niya na ang isip ay nasa kamay nitong hawak ang braso niya.Tiim siya nitong tiningnan. Ngunit hindi niya mabasa ang nilalaman ng mga mata nito."I came back, because I forgot to give you the tip I promised." Bigla siyang natigilan.Ano daw?Lihim siyang nagpalatak. So, he came back to mock her. Pero hindi niya
"Good morning 'te." Bati sa kanya ni Daisy ng umagang iyon. Nadatnan niyang nasa kusina na ito at abala sa paghahanda ng kanilang almusal. She's already in her school uniform.Kahit papano, sa kabila ng may sakit ito ay pumapasok ito sa skwelahan. It was what she wanted kaya pinagbigyan nila ni Yaya Rosing sa kondisyon na hindi ito pwedeng mapagod.It happened once. Ang pangalawang atake nito ay nangyari sa paaralan. At iyon ang pinakamalala sa mga naging atake nito. She was in grade five then and as a child, natural lang na makipaglaro ito. But it almost cost her her life. Kaya nagdesisyon siya noon na patigilin muna ito ng pag-aaral. It was not the only reason, lumipat rin sila ng tirahan ayon na rin sa advice ng Doctor. Daisy need a peaceful and clean environment. At yung una nilang nirentahang apartment ay nasa isang maingay at magulong lugar. Not to mention the pollution around the City that surely will added trigger to Daisy's condition.Lumipat sila sa Buenavista. Isang B
Kung meron man siyang isa pang tao na hindi niya gustong makaharap bukod kay Zeth, yun ay walang iba kundi si Marga. Ang mga ito ang kahuli-hulihang nilalang na nanaisin sana niyang makita at makaharap.Ngunit pinaglaruan na naman siya ng malupit niyang kapalaran. Hindi lang si Zeth ang nakaharap niya, ngayon pati si Marga.May hinala na siyang kaya naroroon si Zeth ay dahil nalaman nitong doon siya nagtatrabaho. Of how he knew, it was still a puzzle to her, dahil kagabi.. or to be exact, kaninang madaling araw lang sila muling nagkita. If he did a little investigation about her, he was quick, huh?He was also quick to call Marga. And speaking of the bitch, kailan pa nagsimulang nagkamabutihan ang mga ito? Hearing her say, she misses him, and seeing them this close, mahihinuha niyang matagal ng nagkikita ang mga ito. O baka nga may namamagitan na sa mga ito ngayon, judging by their actions. She remember how Marga like Zeth back then.But its not her business anymore. Kung ano man