Share

Chapter 36

"Ano ang pinaka hate mong kainin?" pagbubukas ko muli ng topic.

Napaisip siya saglit habang ngumunguya. "Siguro 'yung mga gulay na parang naglalaway kagaya ng okra at saluyot," aniya.

"Hala, bakit naman? Ang sarap kaya no'n," turan ko.

"Para sa iba, masarap. Pero 'yung texture niya kasi habang kinakain mo siya... iyon ang hindi ko kayang tiisin," saad niya.

"Kung sabagay, dapat kasi kapag kinain mo 'yon, hindi mo siya ini-imagine," sambit ko.

"Yeah. O siya, ikaw? Ano naman ang hindi mo kinakain?" tanong niya.

"Hindi mo ako mapapakain ng atay pero liver spread, kumakain naman ako," tugon ko.

"Weh? Ano naman ang pinagkaiba no'n?" aniya.

"'Yung atay kasi, mapait siya saka medyo kadiri 'yung texture niya kapag nginunguya mo then na-i-imagine mo. 'Yung liver spread, medyo matamis siya saka may spices kaya nakakaengganyo ring kainin 'di tulad ng totoong atay," pahayag ko.

"Okay, parang pareho lang kasi ang lasa no'n para sa 'kin," aniya.

Nang mapansin naming ubos na 'yung mga karne, humingi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status