"Ano ang pinaka hate mong kainin?" pagbubukas ko muli ng topic.Napaisip siya saglit habang ngumunguya. "Siguro 'yung mga gulay na parang naglalaway kagaya ng okra at saluyot," aniya."Hala, bakit naman? Ang sarap kaya no'n," turan ko."Para sa iba, masarap. Pero 'yung texture niya kasi habang kinakain mo siya... iyon ang hindi ko kayang tiisin," saad niya."Kung sabagay, dapat kasi kapag kinain mo 'yon, hindi mo siya ini-imagine," sambit ko."Yeah. O siya, ikaw? Ano naman ang hindi mo kinakain?" tanong niya."Hindi mo ako mapapakain ng atay pero liver spread, kumakain naman ako," tugon ko."Weh? Ano naman ang pinagkaiba no'n?" aniya."'Yung atay kasi, mapait siya saka medyo kadiri 'yung texture niya kapag nginunguya mo then na-i-imagine mo. 'Yung liver spread, medyo matamis siya saka may spices kaya nakakaengganyo ring kainin 'di tulad ng totoong atay," pahayag ko."Okay, parang pareho lang kasi ang lasa no'n para sa 'kin," aniya.Nang mapansin naming ubos na 'yung mga karne, humingi
Papasok na naman ako sa school, medyo nakakatamad dahil Friday na. Kung puwede lang na hindi pumasok e gagawin ko kaso hindi puwede dahil may quiz kami mamaya. Inayos ko na ang aking sarili pagkatapos kong kumain. Hotdog at sinangag ang niluto ni Mama kaya napasarap din ang kain ko.Matapos ang ilang minuto, handa na akong pumasok. Nagpaalam na ako kay Mama at lumabas na ako ng bahay. Pagkarating ko sa may sakayan, medyo mahaba na naman ang pila. Pero kahit na gano'n, mabilis pa rin namang napupuno 'yung jeep."Juness!" bati ni Angelica. Lumapit siya sa 'kin, medyo kararating niya lang yata. Nakisingit na rin siya sa pila, mabuti na lang at hindi umalma si kuyang nasa likuran ko."Uy, Angelica! Kumusta ka? No'ng birthday mo pa tayo huling nagkausap, ah," turan ko."Okay naman ako, medyo naging busy lang sa school. Alam mo naman..." aniya."Oo nga, kami nga e may quiz pa mamaya," sambit ko."Well, gano'n talaga. Kailangan pa rin nating nag-aral nang mabuti lalo na ikaw dahil mahirap an
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako pagkatapos kong makipag-video call sa mga kaibigan ko. Pagtingin ko sa orasan aking cell phone, malapit na palang mag-alas otso ng gabi. Dali-dali akong bumangon at inayos ang aking sarili. Nagbihis na rin sko ng damit na pambahay bago ako tumungo sa baba.Pagkarating sa kusina, nadatnan ko roon si Ate na naghuhugas ng pinggan."Ate, kumain na kayo?" bungad ko pagkaupo ko sa may lamesa. May mga pagkain na kasing nakahain doon. Nakatakip lang ng pinggan para hindi dapuan ng mga insektong naglilibot sa paligid."Oo, e. Hindi ka na namin ginising baka kasi pagod ka sa school. Pinagtabi ka naman na namin ng pagkain kaya kumain na rin," aniya."Sige, Ate, salamat!" Matapos 'yon, tiningnan ko kung ano ang pagkain sa lamesa. Wow, nagluto si Mama ng afritada saka ginisang upo. May pinggan na rin dito kaya ang ginawa ko na lang ay kumuha ng kanin at kutsara't tinidor."Juness, may coffee jelly rin pala sa ref," turan ni Ate."Wow, gawa mo, Ate? Hindi k
Maaga akong nagising, hindi ako nakatulog nang ayos dahil alam kong galit si Mama. Kagabi lang niya ulit ako napagalitan ng gano'n matapos niyang malaman na uminom kami ng alak sa may birthday. Hindi kasi nila kami tinuruan na bumarkada at uminom kaya alam kong na-disappoint si Mama. Nakakalungkot lang dahil alam kong damay rin ang mga kaibigan ko. Maski si Amos, alam kong negative na ang tingin ni Mama sa kaniya. Alam kong ikabubuti ko lang naman ang iniisip niya pero hindi naman 'yon kasi maiiwasan lalo na naming mga kabataan, part of growing up 'yon, ang mag-explore. Alam ko naman kung when to shop, I can control myself pa rin naman. Bad influence? Oo, may point si Mama dahil hindi naman talaga dapat umiinom ng alam ang mga kabataan. Nakasulat din naman 'yon sa biblia. Natatakot ako na ilayo ako ni Mama sa mga bagong kaibigan ko. Sa sobrang pag-aalala, bumangon na ako sa aking higaan at nag-inat-inat. Linggo ngayon, napagpasyahan kong magsimba na lang muna para makahingi rin n
Habang nasa biyahe, nag-iisip pa rin ako ng paraan kung ano puwede kong mahingi kay Tyron para kay Gela. Fan sign na lang din ba? Puwede rin naman 'yon, sasabihin ko lang naman na naging fan niya si Gela after no'ng contest. Pagkarating ko sa may palengke sa lugar nila Tyron ay agad kong hinanap 'yung puwesto nila. Hindi naman ako naligaw at agad kong namukhaan 'yung ate niya. Lumapit ako sa kaniya dahil abala siya sa paggawa ng longganisa."Hello po, magkano po 'yung longganisa?" bungad ko. "Hi, 240 pesos 'yung isang kilo. Kapag kalahati naman, 120 pesos," sambit niya."Ay, mahal din po pala. Puwede po bang one fourth?" tanong ko pa."Puwede naman, 60 pesos ang one fourth. Ang mahsl din kasi ng pork ngayon, e," turan niya."Oo nga po, e. Sige po, pabili po ako ng one fourth," saad ko.Apat na piraso lang pala 'yung one fourth pero malaki naman siya saka medyo mataba. Talagang tinitimbang pala nila 'yon para sure at walang aberya. Kulay pula 'yung tinda nilang longganisa, ibig sabih
Tanghalian na nang makarating ako aming tahanan. Nag-aayos na ng pagkain si Ate sa hapag-kainan. Pagkalapit ko roon, agad akong nagmano kay Mama nang walang imik. Tahimik lang ako hanggang sa makaupo ako sa aking upuan.Nilagang baboy ang ulam namin ngayon, kumuha na muna ako ng sabaw at hinigop ito. Nagtataka rin siguro 'yung dalawa kong kapatid kung bakit gano'n ang atmosphere. Nakatingin lang din sa 'kin si Ate na wari mo'y tinitimbang kung magkukuwento ba ako o hindi. Ni senyas ay hindi ko naisukli sa kaniya kaya alam niya na kung ano ang dapat gawin.Nagkuwento na lang si Ate ng mga nangyari about sa office nila para maputol ang katahimikan sa aming kalagitnaan. Maging ang nakababa kong kapatid ay nagkuwento na lang din ng mga katatawanan para hindi kami masyadong maging tahimik. Isa lang ibig sabihin nito, na-gets na nila na napagalitan ako ni Mama.Matipid lang din kung magsalita si Mama. Pagkakain, nagligpit na si Ate at si Januarius 'yung naghugas ng aking pinagkainan. After
Hindi magkandamayaw ang dalawa kong kaibigan nang ipakita ko sa kanila 'yung picture na may fan sign ng kanilang mga sinisinta. "Girl, totoo ba talaga 'yan? Hindi ba 'yan edited?" tanong ni Gela."Oo naman. Hello, wala akong talent sa pag-e-edit, 'no," turan ko."Shocks! Hindi talaga ako makapaniwala!" komento ni Osang na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta 'yung mukha sa sobra tuwa."Naku, kailangan n'yo talagang maniwala. At heto pa, para may souvenir kayo..." sambit ko sabay kuha ng papel na may fan sign ng mga sinta nila. Una kong iniabot 'yung kay Gela."Wahhh!" mahina niyang tili matapos mahawakan 'yung papel. Talagang sinamyo niya ang amoy nito at wari mo'y ginalugad pa ang bawat sulok. "Ih, totoo nga talaga! Thank you, prend!" saad ni Gela sabay yakap sa 'kin. Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi simula pa kanina."Naku, wala 'yon," tugon ko. Pagkahiwalay ko sa pagkakayakap niya, sunod ko namang binuhusan ng pansin ang kanina pa ngiting-ngiti na si Osang.Inilaha
Natapos ang klase namin nang hindi namin namamalayan dahil ang bilis ng oras. Parang kanina lang nagkukuwentuhan pa kami tapos ngayon, heto, uwian na ulit. Hindi na kami nag-abalang mag-ayos pa sapagkat pauwi na rin naman na kami at wala na kaming balak puntahan pa pagkakain namin.Pagkarating namin sa may labas ng unibersidad, sa may gilid nito ay doon matatagpuan 'yung nagtitinda ng tuhog-tuhog at mga kung anek-anek na pagkain. Tumungo kami sa tindahan ng tuhog-tuhog. Binigyan lang kami ni Manong ng baso at kami na ang bahalang tumuhog ng aming kakainin.Sa baso ko, naglagay ako ng tatlong pugo, anim na pirasong fishball, dalawang kikiam, at dalawang chicken balls. Naglagay lang din ako ng kaunting suka at marami-raming matamis. Mas bet ko kasi na lamang 'yung tamis kaysa sa asim. "Sure ka? 'Yan lang ang kukuhanin mo?" tanong ni Gela."Sa ngayon, heto na muna. Baka hindi ko maubos kapag kumuha ako ng sandamakmak. Balik na lang ako mamaya kapag na-trip-an ko pa,," turan ko."Okay,"