HINDI mapakali si Madonna sa kaniyang kinatatayuan. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng Emergency Room, pabalik-balik ang lakad at naghihintay sa kung sino mang nasa loob ang lalabas. Kumakabog ng malakas ang dibdib niya, walang mapaglalagyan ang kaniyang kabang nararamdaman para sa kaniyang pinsan na nasa loob. Pinagtitinginan na rin siya ng mga taong dumadaan mula sa kaniyang likuran, ngunit hindi niya ito pinagtutuonan ng pansin. Masiyado siyang kinakabahan para sa kaniyang pinsan. Aksidenteng nakakain si Clea ng mani sa in-order nilang pagkain kanina. She's allergic to peanuts. Sa tuwing nakakakain siya nito ay mahihirapan siya sa paghinga at magiging dahilan nang kaniyang pagkahimatay. Nagkakaroon din ng pantal ang kaniyang balat kapag hindi agad ito naagapan. Mabilis na napahinto si Madonna sa walang tigil niyang pabalik-balik ng lakad sa kaniyang kinatatayuan nang makita niyang paparating si Lawson. Malalaki ang hakbang nito habang pumapalapit sa kaniya ang asawa ng kaniyang pin
MABILIS NA kumalat sa angkan ng mga Lecaroz ang pagdadalang tao ni Clea nang dahil sa nangyari sa kaniya. Nagagalak ang mga ito sa balitang nakarating sa kanila. I-ilan sa mga pinsan ni Clea ang dumalaw sa kaniya, lalo na ang kaniyang mga magulang na siyang higit na natutuwa sa nalamang pagbubuntis niya. Habang ang mga matatanda naman sa pamilyang Lecaroz ay pinagkalooban siya ng regalo marahil bisi ang mga ito. Lubos niyang naiintindihan ang sitwasyon dahil hindi rin madali ang trabaho ng kaniyang mga lolo. Walang mapaglalagyan ang kaniyang kabang nararamdaman sa mga oras na iyon. Buong akala niya galit ang mga ito dahil sa nasagap na balita, ngunit kabaliktaran ang mga iniisip niya. Kasalukuyang nakatingin si Lawson sa dalawang taong nagbabangayan, mula sa ground floor ng kaniyang mansiyon. Malamig man ang awra nito ay hindi maiwasang mapataas-kilay ni Lawson sa nakikita. Si Keigo at ang pinsan ng kaniyang asawa na si Madonna ay masamang-masama ang tingin nito sa isa't isa. Napai
"HEY, what are you thinking?" Biglang naputol ang pag-iisip ni Clea nang umupo si Lawson sa tabi ng kaniyang kinauupuang malambot na kama. Nagpanggap siyang walang nararamdamang kakaiba kahit na may kakaibang epekto sa kaniya ang asawa. "N-Nothing.." Naramdaman niya ang paghawak ni Lawson sa kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng kama saka ipinagsiklop nito ang mga daliri nilang dalawa. Ramdam niya ang mainit na palad nito sa kaniya. "C'mon, wife. Tell me what's bothering you." "Wala naman, e." "Clementine." He called her. Tila may pang babanta sa boses nito. "Really, love, wala talaga.." tipid siyang ngumiti saka umambang tatayo. Subalit, mabilis siyang nahila ni Lawson kaya dumeretso siya nang upo sa kandungan nito. Ipinalibot nito ang mga braso sa kaniyang baywang saka siya niyakap ng asawa. Nararamdaman niya ang mainit na hininga nito sa bandang leeg niya. Inaamoy din nito ang kaniyang leeg. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kiliti nang halik-halikan siya ni Lawson doon.
TAAS ANG NOONG naglalakad si Clea patungo sa elevator na para sa mga empleado na katulad niya. Ramdam niya ang kakaibang tingin na ipinupukol sa kaniya ng mga katrabaho, subalit ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon saka tumuloy nang pasok sa loob ng elevator. Wala siyang pakialam kung ano man ang isipin sa kaniya ng ibang tao. At least, she knew the truth. At hindi na niya kailangang ipaliwanag pa sa iba ang totoo dahil isang pagsasayang ng oras lamang iyon para sa kaniya. Hahayaan niya lang ang ibang tao na pag-isipan siya ng masama o kung ano-ano. Kasalukuyang pupunta siya ngayon sa opisina ni Lawson dahil pinapatawag na naman siya ng lalaki. Ilang beses na rin siyang pinagsasabihan nito na ang pribadong elevator na lang ang kaniyang gamitin sa tuwing pupunta siya sa opisina ng lalaki. Subalit, hindi pa rin siya nakinig. Kahit pa man asawa na niya ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya'y hindi pa rin maitatangging nagsimula siyang magtrabaho para sa kumpanya bilang isa
"MAGALING, Clementine. Bilib na ako sa'yo." Napa-angat ng tingin si Clea kay Keigo nang magsalita ito. Nakangiti ang lalaki habang nakatingin sa kaniya. Tila proud ito sa kung ano man ang kaniyang ginawa. Tumaas ang kaniyang kilay. "What do you mean, Keigo?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Nagkibit-balikat ito saka sumandal sa likod ng kinauupuang sofa. Dumekwatro ang lalaki habang ang isang kamay ay nakapatong sa armrest ng sofa, at ang isang kamay naman nito'y nasa loob ng bulsa ng suot nitong slacks. "Ang galing mo nang lumaban. Iyan ang nababagay sa'yo, maging palaban." Nag-thumbs up pa ito sa kaniya. She shrugged. "I just did it for myself, Keigo. Walang mangyayari kung patuloy lang akong magpapa-api." banayad na wika niya. Hindi rin makabubuti para sa kaniya kung hahayaan niya lang na api-apihin siya ng iba. Marunong naman siyang manahimik, ngunit masiyado nang sumusobra si Jasmine kanina. Hindi sila magkakilala nito at kung tutuusin ay iyon pa lang ang una nilang pag
MALAMIG na simoy ng hangin ang sumalubong kay Clea nang bumaba silang dalawa ni Lawson sa sasakyan. Hindi niya maiwasang mapapikit at lumanghap ng hangin mula sa paligid. Nang muli niyang buksan ang mga mata ay hindi niya maiwasang magtaka. Nakakunot ang kaniyang makinis na noo habang inililibot ang tingin sa paligid. Hinawakan ni Lawson ang kaniyang baywang saka hinapit siya palapit sa katawan ng lalaki. Nilingon niya ito at nakatingin na rin pala ito sa kaniya gamit ang seryosong mga mata. "Lawson... W-What are we doing here?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. "Akala ko ba..." hindi niya magawang tapusin ang nais niyang sabihin dito. Mabilis siyang natahimik saka nagbaba ng tingin upang pigilan ang sarili sa pagtatanong. Sa halip na sumagot ito ay tipid lang siyang nginitian ni Lawson. Sabay silang naglakad ng lalaki patungo sa direksyon na hindi niya alam. Nagpatianod lang siya kung saan man siya dadalhin ng asawa. Pakiramdam niya'y may ideya na siya kung bakit ditong lugar s
NAPATINGALA SI CLEA sa ibabaw nang umihip ang malamig na hangin. Hindi rin niya maiwasang mapapikit. Kinabig siya ni Lawson at mahigpit siyang niyakap nito sa mga braso. Napangiti siya bago muling nagdilat at saka tumingin sa kanilang harapan. Kasalukuyan silang nasa tapat ng puntod ng yumaong dating kasintahan ni Lawson at ng anak nitong pamangkin ng lalaki. It's been a month simula noong mapagdesisyunan ni Clea na bisitahin nilang dalawa ni Lawson ang puntod ni Carmilla. Pero sa tuwing weekends lang kung kailan ay walang trabaho ang mag-asawa. Hinawakan ni Lawson ang ulo ni Clea saka dinampian nito ng magaan na halik ang asawa. "Bye, Carmilla! Babalik na lang ulit kami sa susunod. Sana masaya ka d'yan kasama ang anak mo." henwino ang mga ngiti ni Clea habang nagpapaalam siya. Bumaling siya kay Lawson saka nginitian ang asawa. Ngumiti rin ito pabalik sa kaniya. "Magpaalam ka na sa kaniya. Mauuna na ako sa sasakyan?" Maagap na umiling si Lawson. "No. You'll stay here with me. Puw
"ZAICHO..." Parehong natigilan si Clea at Keigo sa narinig. Napakuyom naman ng kamao si Lawson. Ilang taon na rin ang nakakalipas magmula noong huling pagkikita nila ng kaniyang pinsan sa ama. Sariling kadugo niya si Zaicho, subalit kinasusuklaman niya ang lalaking ito. Hindi maatim ni Lawson na ang lalaking ito ang naging dahilan nang pagkamatay ng kauna-unahang babaeng minahal niya. Alam niyang mag-aanim na taon na, ngunit nakatatak na yata sa kaniyang buong pagkatao ang kagaguhan ng pinsan niyang si Zaicho. Nagparaya siya dati kahit na alam niyang masakit. Ngunit sinayang lang ni Zaicho ang pagkakataon na ‘yon at piniling gaguhin ang babaeng minahal niya noon. "Oh! My favorite cousin is here. How are you, man?" aroganteng ngumiti si Zaicho, puno ng kumpyansa sa sariling lumapit ito sa gawi ni Lawson saka niyakap ang pinsan. Nanatiling nakatayo si Lawson, nakakuyom ang kamao. Hindi siya gumagalaw at hindi rin yumakap pabalik kay Zaicho. Tila napahiya ito sa ginawang pang d-dedm