TAAS ANG NOONG naglalakad si Clea patungo sa elevator na para sa mga empleado na katulad niya. Ramdam niya ang kakaibang tingin na ipinupukol sa kaniya ng mga katrabaho, subalit ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon saka tumuloy nang pasok sa loob ng elevator. Wala siyang pakialam kung ano man ang isipin sa kaniya ng ibang tao. At least, she knew the truth. At hindi na niya kailangang ipaliwanag pa sa iba ang totoo dahil isang pagsasayang ng oras lamang iyon para sa kaniya. Hahayaan niya lang ang ibang tao na pag-isipan siya ng masama o kung ano-ano. Kasalukuyang pupunta siya ngayon sa opisina ni Lawson dahil pinapatawag na naman siya ng lalaki. Ilang beses na rin siyang pinagsasabihan nito na ang pribadong elevator na lang ang kaniyang gamitin sa tuwing pupunta siya sa opisina ng lalaki. Subalit, hindi pa rin siya nakinig. Kahit pa man asawa na niya ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya'y hindi pa rin maitatangging nagsimula siyang magtrabaho para sa kumpanya bilang isa
"MAGALING, Clementine. Bilib na ako sa'yo." Napa-angat ng tingin si Clea kay Keigo nang magsalita ito. Nakangiti ang lalaki habang nakatingin sa kaniya. Tila proud ito sa kung ano man ang kaniyang ginawa. Tumaas ang kaniyang kilay. "What do you mean, Keigo?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Nagkibit-balikat ito saka sumandal sa likod ng kinauupuang sofa. Dumekwatro ang lalaki habang ang isang kamay ay nakapatong sa armrest ng sofa, at ang isang kamay naman nito'y nasa loob ng bulsa ng suot nitong slacks. "Ang galing mo nang lumaban. Iyan ang nababagay sa'yo, maging palaban." Nag-thumbs up pa ito sa kaniya. She shrugged. "I just did it for myself, Keigo. Walang mangyayari kung patuloy lang akong magpapa-api." banayad na wika niya. Hindi rin makabubuti para sa kaniya kung hahayaan niya lang na api-apihin siya ng iba. Marunong naman siyang manahimik, ngunit masiyado nang sumusobra si Jasmine kanina. Hindi sila magkakilala nito at kung tutuusin ay iyon pa lang ang una nilang pag
MALAMIG na simoy ng hangin ang sumalubong kay Clea nang bumaba silang dalawa ni Lawson sa sasakyan. Hindi niya maiwasang mapapikit at lumanghap ng hangin mula sa paligid. Nang muli niyang buksan ang mga mata ay hindi niya maiwasang magtaka. Nakakunot ang kaniyang makinis na noo habang inililibot ang tingin sa paligid. Hinawakan ni Lawson ang kaniyang baywang saka hinapit siya palapit sa katawan ng lalaki. Nilingon niya ito at nakatingin na rin pala ito sa kaniya gamit ang seryosong mga mata. "Lawson... W-What are we doing here?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. "Akala ko ba..." hindi niya magawang tapusin ang nais niyang sabihin dito. Mabilis siyang natahimik saka nagbaba ng tingin upang pigilan ang sarili sa pagtatanong. Sa halip na sumagot ito ay tipid lang siyang nginitian ni Lawson. Sabay silang naglakad ng lalaki patungo sa direksyon na hindi niya alam. Nagpatianod lang siya kung saan man siya dadalhin ng asawa. Pakiramdam niya'y may ideya na siya kung bakit ditong lugar s
NAPATINGALA SI CLEA sa ibabaw nang umihip ang malamig na hangin. Hindi rin niya maiwasang mapapikit. Kinabig siya ni Lawson at mahigpit siyang niyakap nito sa mga braso. Napangiti siya bago muling nagdilat at saka tumingin sa kanilang harapan. Kasalukuyan silang nasa tapat ng puntod ng yumaong dating kasintahan ni Lawson at ng anak nitong pamangkin ng lalaki. It's been a month simula noong mapagdesisyunan ni Clea na bisitahin nilang dalawa ni Lawson ang puntod ni Carmilla. Pero sa tuwing weekends lang kung kailan ay walang trabaho ang mag-asawa. Hinawakan ni Lawson ang ulo ni Clea saka dinampian nito ng magaan na halik ang asawa. "Bye, Carmilla! Babalik na lang ulit kami sa susunod. Sana masaya ka d'yan kasama ang anak mo." henwino ang mga ngiti ni Clea habang nagpapaalam siya. Bumaling siya kay Lawson saka nginitian ang asawa. Ngumiti rin ito pabalik sa kaniya. "Magpaalam ka na sa kaniya. Mauuna na ako sa sasakyan?" Maagap na umiling si Lawson. "No. You'll stay here with me. Puw
"ZAICHO..." Parehong natigilan si Clea at Keigo sa narinig. Napakuyom naman ng kamao si Lawson. Ilang taon na rin ang nakakalipas magmula noong huling pagkikita nila ng kaniyang pinsan sa ama. Sariling kadugo niya si Zaicho, subalit kinasusuklaman niya ang lalaking ito. Hindi maatim ni Lawson na ang lalaking ito ang naging dahilan nang pagkamatay ng kauna-unahang babaeng minahal niya. Alam niyang mag-aanim na taon na, ngunit nakatatak na yata sa kaniyang buong pagkatao ang kagaguhan ng pinsan niyang si Zaicho. Nagparaya siya dati kahit na alam niyang masakit. Ngunit sinayang lang ni Zaicho ang pagkakataon na ‘yon at piniling gaguhin ang babaeng minahal niya noon. "Oh! My favorite cousin is here. How are you, man?" aroganteng ngumiti si Zaicho, puno ng kumpyansa sa sariling lumapit ito sa gawi ni Lawson saka niyakap ang pinsan. Nanatiling nakatayo si Lawson, nakakuyom ang kamao. Hindi siya gumagalaw at hindi rin yumakap pabalik kay Zaicho. Tila napahiya ito sa ginawang pang d-dedm
NASA TAPAT ng hapag-kainan si Lawson at Clea. Kasalukuyang kumakain ang mag-asawa. Tahimik at tanging tunog lang ng kanilang mga hawak na kubyertos ang naririnig sa apat na sulok ng dining room. Hindi magawang makipag-usap ni Clea sa asawa dahil abala siya sa kaniyang kinakain na pagkain. Sa katunayan ay kanina pa kumakalam ang sikmura niya noong nasa biyahe pa sila ni Lawson. Ngunit nakalimutan niyang bawal pala siyang malipasan ng gutom dahil may nangangailangan din mula sa loob ng kaniyang sinapupunan. Hindi niya tuloy maiwasang makonsensya dahil sa pagpapabayang ginawa niya para sa sarili."Be careful, Clementine. Walang aagaw niyang pagkain mo. Kung gusto mo ay dagdagan pa natin. Gutom na gutom ka na pala't lahat hindi ka man lang nagsabi agad." pagalit na wika ni Lawson sa kaniya. "Alam mo namang bawal sa'yo ang magpabaya," muling sermon ng asawa sa kaniya. Bahagya siyang napayuko saka nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi talaga siya sanay nang napapagalitan siya ng lalaki. "F
MADONNA is already tipsy. She was staring intently at a man, hindi kalayuan sa kaniyang kinauupuan. The man was wearing a white long-sleeve that was folded up to his elbows, his three buttons were also open so Madonna could see his massive chest. He was leaning on the back of the couch he was sitting on while holding a glass of liquor. She took a deep breath and sipped again from the wine glass she was holding. Naramdaman niya ang pagsiko ng kaibigan niya sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa bachelor party ng matalik nilang kaibigan. "Bakit?" tiningnan niya ito na may halong pagtataka. Her friend leaned closer to her at biglang bumulong sa tapat ng kaniyang tainga. "He is so hot, isn't he?" Her friend even pointed it. "Why don't you flirt with him nang makalimutan mo na iyang manloloko mong ex-boyfriend." Napaawang ang labi ni Madonna sa sinabi ng kaibigan. She isn't serious, is she? Pero hindi ito nagkakamali dahil totoong guwapo at malakas ang appeal ng lalaki sa hindi kalayuan
"Then, make me regret it. I don't give a damn! Come on." "Masiyado mo ba akong type?" mapaglarong tanong nito sa kaniya. "Yes, type kita. May problema ka ba roon? Kaya nga kita nilapitan, kasi nga type kita. Ang guwapo-guwapo mo kaya. Ang hot-hot mo pa. Oh, 'di ba!" humagikgik si Madonna. Napailing na lang ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala. "Hush, woman. You can still back out. Baka kasuhan mo pa ako ng rape pag bumalik ka na sa katinuan mo." "No! Wala akong pakialam! I just want to have some fun tonight. Okay? At anong kakasuhan kita ng rape? Hindi na ako minor! At saka isa pa, napakaguwapo mo kaya hindi na ako lugi sa'yo. Baka hindi ako papaniwalaan ng mga pulis na isa kang rapist." Kumindat pa siya dito at mas lalong inilapit ang sarili. Napailing ang lalaki. "What should I call you?" "Madonna. Call me Madonna. Ikaw? Anong pangalan mo?" "I'm Vander." Saglit na napatitig ang lalaking nagngangalang Vander sa magandang mukha ni Madonna. Tila hindi kapani-paniw