Share

Chapter 01

last update Terakhir Diperbarui: 2020-08-15 11:30:58

"Finally!" Nag-inat ako pagkalagay ng huling sulat sa aking lalagyanan habang inaayos ang pagkasunod-sunod ng mga lugar upang hindi na pabalik-balik kapag nadaanan na ang address ng mga sulat. Kinuha ko ang tasa at ininom ang lamang kape. Napatingin ako sa orasang nasa kaliwa ng mesa. 7 AM.

Maaga pa.

"Zyle, ano? Tapos ka na ba?" tanong sa akin ni Rizzy—katrabaho ko—habang may kung anong binabasa sa tumpok ng mga papel sa kaniyang mesa.

"Yup." Ngumiti ako sa kaniya. "Sige, mauna na 'ko." Inayos ko sandali ang gamit ko at lalabas na sana, nang muli akong tawangin ni Rizzy.

"Bakit?"

Lumapit siya sa akin at iniabot ang isang sulat.

"Wala kasing address 'tong isang 'to kung kanino ipapadala. Tutal malapit naman 'to sa range mo, baka pwedeng ikaw na lang ang magbalik?"

Iniabot niya ang isang sobreng kulay puti. Tiningnan ko ang likod at nakita ang magandang pagkakasulat ng address ng pinagmulan. Cursive ito, masisiguradong magaling sa calligraphy ang nagsulat.

Hmm. Alam ko kung saan 'to.

"O sige... mauna na ako."

"Ingat!" Kumaway siya habang bumabalik sa kaniyang puwesto kanina dala ang isang parcel. Inayos ko ang aking inupuan bago lumabas.

Pagkalabas sa post office ay tumungo ako sa kaliwa kung saan nakaparada ang motor na lagi kong gamit nitong mga nakaraang araw sa pagde-deliver ng mga sulat.

Kinuha ko ang helmet saka ito isinuot. Binuksan ko ng makina ng motor bago kunin ang unang sulat na aking ihahatid.  Sinilip ko ang address at saka pinaandar ang aking sinsakyan.

Palibhasa ay nasa probinsya, hindi masyadong marami ang nakakasalubong kong sasakyan sa sementadong daan. Ang mga puno at bakanteng lote ang makikita sa kabilaan ng daan at paminsan-minsa'y may bahay o compound na matatanaw.

Sariwa ang hangin na mahinang humahampas sa aking mukha na may kalamigan dahil hindi pa gaano sumisikat ang araw. Malayang nililipad naman ng hangin ang aking buhok ganoon na rin ang alikabok sa aking nadaraanan.

Sa paulit-ulit kong pagdadala ng sulat sa mga bahay at kompanya, halos nakabisado ko na ang pasikot-sikot sa San Rafael.

Kadalasang naming matanggap ang sulat na mga galing sa kompanya. Ipinadadala nito sa empleyado nilang malayo sa kanila ang mga papeles. Medyo malaki na nga rin ang sakop kong lugar dahil na rin kaunti na lang ang nagpapadala ng sulat ngayon. Halos lahat kasi'y nagagawa na ng teknolohiya.

Bumaba ako ng motor at pinindot ang doorbell sa gilid ng gate sa unang adress na bibigyan ko ng sulat. Lumabas ang isang babaeng kulay puti na ang buhok. Si Ms. Melissa, isa sa mga madalas magpadala ng sulat sa amin.

"Good morning po Ms. Melissa," nakangiting bati ko.

"O, ikaw pala 'yan, Iho. Nandito ka na pala ulit."

Sumilip ako ng kaunti sa loob ng bahay niya.  Mula sa kinatatayuan ko ay makikita ang kaniyang maliit na hardin kung saan may iba't ibang halaman na basa.  Halatang kakadilig niya lang ng mga ito.

Ibinalik ko ang tingin sa matanda. "Hmm, opo. Kamusta na po pala kayo?"

"Ayos lang naman, Iho. Buti naman at napaaga ka ngayong taon. Balita ko kasi sa susunod na Linggo pa ang simula ng bakasyon."

"Napaaga po kasi sa school namin. Kaya, eto..." sabi ko ng may ngiti.

"Alam mo bang ang sungit ng pumalit sa 'yo? Ay dapat kasi si Bob na lang." nakapamewang nitong turan.

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Lumipat na po kasi s'ya ng lugar, kaya ganu'n." Hinanap ko sa bag ang letter ni Ms. Melissa at iniabot sa kaniya. "Ito na po 'yung love letter n'yo," may pang-aasar na sabi ko sa kaniya habang nakangisi.

Hinampas niya ako sa balikat at tumawa. "Loko ka talagang bata ka."

"Bakit? Totoo naman po, 'di ba?" muli kong tanong sa kaniya na sinagot naman niya nang matamis na ngiti.

Halos lahat yata sa post office ay kilala siya dahil nga sa 'romantic' daw sila. Na kung titingnan ay totoo naman.

Ngumiti na lang ako at saka nagpaalam.

Hindi pa man ako nagsisimulang magtrabaho, lagi na raw nagpapadala ng sulat si Ms. Melissa. Iisang address lang din naman daw ang pinadadalhan nito. Meron din daw na nagpapadala ng sulat sa kaniya palagi ayon sa mga katrabaho ko na nagmula rin sa destinasyon ng mga sulat na pinapadala niya.  Paminsan,  nang nagdala nga ako ng sulat ay may rosas pang kasama.  Parang mapupunit ang mukha ni Ms. Melisa noon sa lapad ng ngiti.

Bumalik ako sa motor at muli itong pinaandar. Hinatid ko ang mga sulat sa kaniya-kaniyang address at tulad nga ng dati, natapos ko ang paghahatid ng mag-a-alas-dose ng tanghali.

Pabalik na sana ako sa bahay nang maalala ko 'yong pinababalik na sulat ni Rizzy sa nagpadala nito. Inikot ko ang manibela upang puntahan 'yung sender ng sulat.

Pagkadating sa address ay bumaba agad ako sa aking motor. Isang bungalow house ang hinintuan ko. May paka-modern ang itsura at may kahoy na mga desenyo.  Parang isang vacation house kung ako ang tatanungin.

Lumapit ako sa kahoy na pinto at kumatok. "Tao po?"

Nag-intay ako ng ilang sandali sa katahimikan. Maririnig ang pag-alpas ng hangin lalo na at bakangteng lote nang kabilaang gilid ng bungalow. Nang walang sumagot ay muli akong kumatok.

"May tao po ba rito?"

Nakailang tawag pa ako ngunit wala pa rin akong naririnig na sagot. Aalis na sana ako at isusuksok na lang ang sulat sa ilalim ng pinto nang may marinig akong kung anong nabasag mula sa loob. Napakunot ang noo ko at sinubukan buksan ang pinto na bumukas naman agad na mas ikinakunot ng aking noo.

Iniwanan ba 'to ng bukas?

Glass wall ang bumungat sa akin na ka-partner ang parang kahoy pa rin na design ng bahay. Nang makapasok ay bumungad sa akin ang mga nakakalat na papel sa sala.  Umikot ang mata ko magmula sa maliit na center table na gawa sa kininis na kahoy, sa lapag at maging sa mga rattan na upuan.  Meron din sa mahabang sofa na gawa sa kahoy na nilagyan ng puting mga unan.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Hinanap ang may-ari ng bahay.

"Tao po?"

Halos nakailang tawag na rin ako ngunit wala talagang sumasagot. Naisip kong libutin ang bahay at hanapin kung saan nanggaling ang ingay na narinig ko kahit na may parte sa utak ko na nagsasabing umalis na dahil trespassing ang ginagawa ko at maaari akong makulong.

Pumunta ako sa kusina ng bahay at nakita ang isang babaeng walang malay na nakaupo sa sahig at nakasandal sa cabinet sa baba. Sa gilid naman niya ay may basag na baso. Dali-dali akong lumapit sa kaniya upang tulungan siya.

"Miss," tawag ko sa kaniya. Hindi siya gumalaw o anoman kaya lumapit ako sa kaniya. Niyugyog ko ng kaunti ang kaniyang balikat. Ilang sandali pa ay dumilat siya at umayos ng pagkakaupo. Sinuklay niya ang kaniyang buhok pataas gamit ang kamay upang mawala ang buhok na tumatabon sa kaniyang mukha.

"S-sino ka? A-anong ginagawa mo rito?" Napansin kong nahihirapan siya magsalita.  Tila ba nauubusan siya ng hininga sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

"Ako nga pala si Zyle, Pumunta 'ko dito kasi 'yung sulat-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Ikaw pala ang nakakuha." Natawa siya at pumikit. "Pasensiya na. Naabala ba kita?"

Muli siyang dumulat.  Titig na titig sa akin.

"Hindi naman. Isa pa, trabaho ko namang magdala nang sulat-"

"Ay gano'n ba?" tanong niya na may pagkagulat. "Akala ko ikaw 'yung... Anyway," humawak siya sa dulo ng center aisle at mukhang tatayo sana  pero bigla siyang nawalan ng balanse kaya dali-dali ko siyang inalalayan. Doon ko lang napansin na mainit pala siya. Inalalayan ko siya para makaupo sa upuang malapit sa counter. Inilapat ko ang aking kamay sa kaniyang noo.

"May lagnat ka ba?"

"Obvious ba?" pabalang pero nanghihina pa ring sagot niya.

"Hindi," sarkastikong sagot ko naman. Ibang klase rin. May sakit na nakakapag-sungit pa.  Mga babae nga naman.

Inikot ko ang paningin ko at hinanap kung nasaan nakalagay ang mga baso. Kumuha ako roon ng isa at kumuha rin ng tubig sa ref at saka nilagyan ang baso. Base kasi sa basag na baso sa lapag,  mukhang kukuha siya ng tubig dahil nakaharap ang katawan niya sa direksyon ng ref.

Pakabalik ko sa gilid niya ay nakayukyok na siya sa counter.

"Oy, eto na, o." Iniaangat niya ang ulo niya at kinuha sa akin ang baso saka ininom ang laman nito.

"Thanks." uminom siya saka muling pumikit.

"Hindi ka ba iinom ng gamot?"

"Oo nga pala, hindi pa rin ako kumakain." Nasapo niya ang ulo niya. "O God, my world's spinning!" sabi niya sabay yukyok ulit.

"Ah..."

"May gagawin ka pa ba? Kung meron man pwede ka nang umalis." Tumingin siya sa akin sandali at pumikit ulit.

"Wala na, bakit?"

"Since you're here, sasamantalahin ko na 'yong pagkakataon. Marunong ka bang magluto?"

"Oo."

"Good. Okay lang ba kung magpaluto ako? 'Di ko na talaga kayang tumayo. Kahapon pa 'ko gan'to. Babayaran na lang kita kung gusto mo." Nakapikit pa rin siya at halatang nanghihina.

Napakubot ang noo ko.  Iba talaga.   Demanding agad kala mo naman kakilala ko siya. Isa pa, anong tingin niya sa akin, mukhang pera? Tss.  Pasalamat siya nagi-guilty ako iwan siya. My mom raised me well. Sabi niya,  no matter what, I should treat people with kindness.

"Okay lang naman. Pero, ayos lang ba na nandito ako? You know... Hindi mo pa ako kilala. Hindi ka ba natatakot na baka may gawin ako?"

"Hindi. Kung may gagawin ka naman, kulungan diretso mo. Madaming hidden CCTVs dito. By the way, I'm Arila." Kahit nahihirapan ay inilahad niya ang kaniyang kamay.

"Zyle." Inabot ko ang kamay ko at nakipag-kamay.

"Sige, lutuan muna kita ng makakain mo. Meron ka bang mga stocks dito?" Tumingin ako sa paligid at lumapit sa ref. I'm not really sure why I'm here.  Pero kasi... Kawawa naman.  Mukha siyang lantang gulay sa counter niya.

"Oo meron d'yan," pagkasabi niya ay yumukyok na ulit siya.

Napailing na lang ako at nagsimula na lang magluto. Naisip kong lugaw na lang ang lutuin upang mas madali siyang makakain. Ganoon naman lagi kapag may sakit ang pakakainin.  Isa pa, kadalasan wala namang panlasa ang mga may sakit. Mabuti na lang talaga naturuan konf magluto bata pa lang.

Ilang sandali lang ay natapos ko na rin ang pagluluto. Kumuha ako ng mangkok at doon nilagay ang lugaw.

Lumapit ako sa kaniya at ginising siya dahil nakatulog agad siya marahil sa masama niyang pakiramdam. Muli kong niyugyog ang balikat niya para magising siya.

Habang kumakain ay nakatitig lang ako sa kaniya. Pinagmamasdan kung paano siya kumain nang biglang tumunog ng mahina ang aking tiyan.

Nakalimutan ko, hindi pa nga pala ako kumakain. Hindi ko alam kung narinig niya ba na kumakalam na ang sikmura ko kaya sumandok siya at inilapit sa akin ang kutsara. Tumingin muna ako sa kaniya at saka ibinalik ang tingin sa kutsara. Isusubo ko na sana ito nang bigla niya itong inilayo sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"May sakit pala ako. Baka mahawa ka." Tiningnan ko siya nang walang emosyon ang mukha. Nakibit-balikat naman siya at ipinagpatuloy ang pagkain.

Napabuntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Pagkabukas ko ay nakita ko ang isang message mula kay Tita Mira. Tinatanong niya kung nasaan na raw ako. Madalas kasi akong umuuwi tuwing tanghali at kumakain kasabay nila. Nag-reply lang ako na mauna na silang kumain at may ginagaw pa ako.

"Kailangan mo na ba umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Tulungan mo na lang ako umakyat, nahihilo na talaga ako. Tapos pwede ka nang umalis." Hindi ko namalayan na tapos na pala siyang kumain.

Tsk. Still demanding.

Tinulungan ko siyang umakyat sa kwarto niya hanggang sa makahiga siya sa kama. Hindi talaga siya second floor since bungalow nga 'yung bahay. Bali pagkaakyat mo pa lang ng hagdan,  sasalubong na agad 'yung kama niya. Parang attic 'yung room. May dream catcher sa bintana, maliit na side table, carpet at aztec design sa kama at kumot. A very boho inspired room. I know. Mahilig sa boho stuff 'yung kapatid ko.

"Bukas na lang 'yung bayad mo. Balik ka na lang. Paki-lock na rin pala 'yung pinto. Naiwan ko pala nang hindi naka-lock kanina," sabi niya at biglang nagtalukbong.

Tiningan ko siya at napakunot ang noo. Problema nito?

Halos isang minuto ko na siyang tinitingnan habang nakatalukbong at aalis na sana nang makita ko siya na parang sumisilip. Noong makita niyang nandoon pa ako at nagsalubong ang aming mata, muli siyang nagtalukbong.

Tumaas ang sulok ng aking mga labi  at napailing-iling na lang.

"Sige na. Alis na 'ko."

Bumaba ako ng hagdan habang napapasilip sa kaniya. Bago lumabas ng bahay niya ay nakita ko pa rin ang mga papel na nakakalat. Animo'y dinaanan ito ng bagyo. Napakamot na lang ako sa ulo.

Kababaeng tao, ang kalat.

She's pretty, though.

Bab terkait

  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 02

    ...Looks up at the man that she turned downHe was a skater boyShe said see you later boyHe wasn't good enough for herNow he's a super star slamming on his guitarDoes your pretty face see what he's worth?...Malakas na tugtog ang nabutan ko nang makapasok akong muli sa bahay ni Arila.Inikot ko ang aking paningin sa loob ng bahay at nakita siya sa sala na isa-isang pinupulot ang piraso ng mga papel. Maglalakad na sana ako papunta sa kaniya nang marinig ko siyang sumigaw."Stop!"Napahinto naman ako. Napakunot ang noo ko.Tumuro siya sa baba kaya tinignan ko ang tinuturo niya. May papel pala na muntikan ko nang matapakan. Kinuha ko 'to at tiningnan. May mga nakasulat dito at babasahin ko na sana nang bigla niya itong kunin sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. May kinuha siyang remote na nasa sofa sa gilid namin at hininaan ang tugtog."Hi." Ngumiti siya."Um, hi..." bati ko rin.Tinititigan niya ako na parang sinusuri ang mukha ko kaya naman tinitigan ko rin siya sa mga kulay brow

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-15
  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 03

    Ang tumayo sa harap ng maraming tao ay siguradong nakapagbibigay nang kakaibang pakiramdam. Minsa'y takot o kaya nama'y galak. Pero ang pinakamadalas, ay ang kaba. Dahil sa isang mali mo lang, marami ang makakakita. Marami anh makakaalam. Marami ang manghuhusga.Magdadalawang Linggo na simula noong kantahan ko si Arila. Noong bumalik ako pagkatapos ng araw na iyon, masasabi kong may nagbago. Hindi tulad nang iniisip ko na iiwasan o lalayuan niya ako. Kaya naman nakahinga ako nang maluwag nang hindi iyon nangyari. Ang totoo ay mas naging komportable kami sa isa't isa. Parang kakaiba nga, e.Narinig kong nagpalakpakan ang ilan sa mga tao rito sa loob ng coffee shop nang matapos sabihin ni Arila ang huling mga salita sa kaniyang tula.Nalaman kong isa pala siyang spoken word artist. May grupo sila na nagtatanghal sa California. Iba-iba raw sila ng schedule depende kung sino ang pwede. Naitanong ko kasi kaniya kung nasubukan na niya dahil gusto kong masubukan."O, ikaw na." Hinampas niya a

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-15
  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 04

    Malamig na hangin, madilim na kalangitan at ingay na gawa ng alon ang agad na sumalubong sa amin pakahinto ng sasakyan. Huminto kami sa tapat ng dagat na napapalibutan ng iba't ibang resort at nagringin-tingin sa paligid. Pagkarating ay naghanap agad kami kung saan ang pwede naming tuluyan habang nasa lugar kami. Umupa kami ng isang bahay at cottage saka nagbayad. Kukunin na dapat namin ang mga gamit nang sabihin ni Arila na gusto niya munang makita at mapanood ang pagsikat ng araw. Kinuha niya ang dala niyang camera. Nakatayo lang kami habang nag-aabang.Nakita ko niyayakap-yakap at hinihingahan niya ang kaniyang kamay nang muling umihip ang hangin. Nakasuot siya ng long sleeve pero manipis naman ang tela at isang denim shorts."Nilalamig ka?" Tumango lang siya bilang tugon."Wala ka bang dalang jacket?""Nah."Napatawa ako. "Wala rin akong dala." Ngumiti lang siya sa akin at muling tumingin sa kalangitan sabay lumakad ng kaunti. Sumunod ako sa kaniya at pumuwesto sa kaniyang likuran

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-15
  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 05

    Nagising akong may nararamdamang kung ano sa mukha ko. Kanina ko pa nararamdaman ang daliri na paikot-ikot sa mukha ko kaya naman hinawakan ko na ang mga ito."Arila..." reklamo ko kahit nakapikit pa."Ano?""Tigilan mo 'yan.""E, bumangon ka na kasi. Nagugutom na ko, o.""Last five minutes," hirit ko saka niyakap siya nang mahigpit.Tumigil siya sandali sa pagpapaikot hintuturo niya sa mukha ko kaya lang makalipas ang ilang minuto, pinagdudutdot na naman niya ang pisngi ko.Napabuntong-hininga na lang ako at napadilat. Nakita ko siyang nakatingin sakin saka ngumiti."Good morning.""Bad morning," nakabusangot ang mukhang sabi ko na ikinatawa niya."Tara na kasi!" Pinilit niyang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kaniya. Nang makatakas siya sa yakap ko at makatayo ay bigla naman niya akong hinatak kaya muntikan na akong masubsob sa lapag.Tiningnan ko siya ng masama."Sorry," sabi niya habang pinipigilang tumawa.Napailing na lang ako saka tumayo at lumabas sa kwarto saka dumiretso sa CR

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-15
  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 06

    It takes a lot of courage to step on a stage with a lot of audience that you know will witness whatever you will be doing. They might judge you after your performance. But at least, you might not care to their opinions, simply because a stranger's opinion might not matter to you.But it takes a brave heart to confess to someone, what you truly feel about them.Gabi na pero nasa labas pa rin kami. Kanina, noong sinabi niya iyong tatlong salita na 'yon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tuwa? Lungkot? Pagkadismaya? Hindi ko alam. Natutuwa ako kasi gusto niya ako. Pero nalulungkot at nadidismaya ako kasi alam ko na 'yung nararamdaman ko, mas malalim sa nararamdaman niya para sa akin. Isa pa sa iniisip ko, baka maging hanggang doon lang 'yon. Ngumiti ako sa kaniya ng mapakla noon saka sinabi iyong nararamdaman ko. Sinabi kong mahal ko siya. Bumakas sa muka niya ang pagkagulat pero pagkatapos noon ay bigla siyang tumakbo.Alam kong mabilis. But like what I've wrote before in one of

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-15
  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 07

    Bad habits are hard to die. Pwedeng mawala pero hindi basta-basta. Syempre at some point hahanapin mo 'yon, ‘di ba?Naalala ko nakaraan na sinabi ni Arila na gusto niyang mag-bar. Siguro nami-miss niya kaya naman kahit madilim na, pumunta ako sa bahay niya. Hindi kasi ako nakapunta kanina dahil may mga inasikaso ako sa post office at may mga pinagawa sila tita kaya naman aayain ko na lang siya. Nagdadalawang isip man, alam ko naman na magiging masaya siya dahil isa 'to sa parte ng buhay niya.Pagkarating ko ay naabutan ko siyang naka-pajama at nagsusuklay. Siguro ay kakatapos niya lang maligo dahil basa pa ang buhok niya."Hi.""Anong ginagawa mo rito?" tanong niya."Wala lang. 'Di ako nakapunta kanina e. Punta tayong bar? May alam ako.""Talaga?" Bakas sa mukha niya ang saya kaya naman napangiti ako."Oo, kaya magpalit ka na ng damit mo.""Sige, hintayin mo 'ko." Dali-dali siyang umakyat sa kwarto niya saka nagpalit. Wala pa 'atang limang minuto nakababa na siya."Okay lang ba 'tong s

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-15
  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 08

    Napatulala ako sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? Baka naman nabibingi lang ako?"Ano?""I said I love you... and I want to be your girlfriend."Umalis ako sa pagkakayakap niya at saka humarap sa kaniya. Tinitingnan lang ng tahimik kung bigla ba niyang babawiin ang sinabi."Let's talk, okay? Maglilinis lang ako."Para akong tinakasan ng boses ko kaya napatango na lang ako. Ikinulong niya ang mukha ko sa dalawang kamay niya saka ako ginawaran ng halik sa noo. Tumayo siya at naglakad papasok sa banyo. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang makapasok siya.Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama niya saka tumingin sa ceiling."Ano bang nangyayari sa'yo, Zyle?" bulong ko sa sarili saka napabuntong hininga.Naka-move on na ako sa mga pang-iiwan sa akin, 'di ba? Nasanay naman na ko. E, bakit ganoon inakto ko kanina?Naiwan na ko ng mga naging girlfriend ko. 'Yung pamilya ko—well, hindi naman talaga nila ako iniwan. Pero 'yung pagkawala ng presensiya nila, ayon siguro 'yung isa sa mga n

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-15
  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 09

    Ang mga nangyari noong Linggo na 'yon ay ilan sa mga araw na masaya balik-balikan.Kinabukasan noong araw na natulog ako sa bahay ni Arila, nagising akong nakayakap siya sa akin. Medyo nangawit nga lang ang balikat ko dahil ginawa niya itong unan pero okay lang naman.Noong mga sumunod na araw naman, dinala ko siya sa amusement park, mall o kaya naman ay nandoon lang kami sa loob ng bahay niya at nanonood ng mga movies. Kaya lang may mga araw na sumasakit raw ang ulo niya kaya naman pinagpahinga ko na lang siya.Ngayong araw, inaya ko siyang pumunta sa park."Ba't ba kung saan-saan mo 'ko dinadala?" tanong niya saka tumawa. Umakyat siya sa kuwarto niya para magpalit ng damit kaya naman hindi na niya narinig ang sagot ko."Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan lang 'to. Kaya sinusulit ko na lahat ng oras na meron tayo."Pagkarating namin sa Park, nakita namin ang iba't ibang taong may kaniya-kaniyang ginagawa. Nakabisikleta ang iba habang ay iba naman ay naglalakad lang katulad ng gin

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-15

Bab terbaru

  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 18

    At last.To all the readers, thank you for reading and spending coins for this. It was short like how Arila and Zyle's time was, but I give my best and I really hope you appreciate it.I hope if you're afraid to do something now, face that fear. We don't know how short our life could be so do it. Don't be afraid so that you don't have to live with regrets and what ifs later.

  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 17

    “Zyle!” Napangiti ako ng makita siyang nakaupo sa kama ng nakangiti. Nakakumot siyang puti at mayroong sidetable na may iilang prutas at gamot sa gilid.Inilahad niya ang kaniyang mga lamay, parang nanghihingi ng yakap. Napapailing na lumapit ako sa kaniya.“Welcome back.”Hinampas niya ang likod ko kaya napatawa ako. “Kamusta naman ang sleeping beauty namin?”“Gago!” natawa ako ng batuhin niya ako ng unan.“Pero hindi nga, ayos ka lang?”“Oo naman. Sabi ng doctor dito muna ako para sa mga test. Saka para rin mamonitor muna ako. Takte, apat na taon rin akong tulog, ano. Para ngang hindi ko na alam maglakad.” Pareho kaming natawa sa sinabi niya.Kakagising niya lang from coma last week pero mukhang okat naman siya.Naupo ako sa upuan malapit sa kaniya.“Zyle, kamusta ka na?”“I guess I’m okay.” Napatango-tango siya.Pareho kaming natahimik. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan siya. Pero pagkalipas ng ilang sandal ay tumikhim siya.“Balita ko ikakasal ka na?”Tuma

  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 16

    Maingay ang paligid ngunit hinayaan ko lang ito. May kaniya-kaniyang usapan ang ilan habang ang iba naman ay tahimik lang na nag-iintay sa pila."Pwede pong magpa-picture?" kinikilig na sabi ng dalagita sa aking harap.Ngumiti ako saka tumayo mula sa aking kinauupuan. "Sure."Lumapit sa aking ang dalaga hawak ang ilang libro na pinapirmahan niya lang kani-kanina. Iniabot niya ang kaniyang phone sa isa pang babae na sa tingin ko ay kaibigan niya. Humarap kami roon saka sabay na ngumiti."Thank you po!" masiglang sabi niya."Salamat rin sa pagtangkilik ng libro ko."Nang umalis siya ay naupo na ako sa upuan ko kanina at ngumiti sa nasa harapan ko na may dala ulit na libro."Hi, Kuya Z!""Hello!" bati ko habang pinipirmahan ang librong dala niya."Paborito ko po talaga 'yang Summer Escape! Grabe, hindi ko ine-expect 'yung ending! Pero I'm happy po. At least April and Kyle had their own happy ending po..."Ngumiti lang ako sa kaniya.Hindi ko na mabilang ang libro na napirmahan ko. Nakakap

  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 15

    "Terrence?" Tumingin ito sa akin ng kunot ang noo."Zyle, remember? Kaibigan ni C. Nagkita na tayo noon sa resort ng kaibigan namin." Saka lang bumakas sa mukha niyang naaalala niya ako."Yeah. I remember."That was our first conversation after not seeing each other for a year. But who would have thought we will be friends after?Naabutan ko siya sa harap ng kaniyang locker. Binuksan ko ang katabing locker nito saka inilagay ang mga librong sa awa ng Diyos ay hindi ko na gagamitin."You too still have art app next sem?"Tumango lang ako. "Let's get the same sched.""Sure," then he smiled playfully. Napailing na naman ako."Are you setting me up again with Cassie?" I asked him as we both close our lockers.As if on cue, I heard the familiar voice making us turn to our left. "Hi, Rencey!"Lumapit ito kay Terrence at kumapit sa baraso niya. Kung hindi ko alam na magkapatid ang turingan nila, iisipin ko talagang childhood sweetheart sila, e."Morning, Cassie. Won't you greet my friend?" I

  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 14

    I was holding a bouquet again. I just wanted to apologize to Arila for pushing here to something I am well aware that she’s afraid of. I shouldn’t leave her. I should’ve stayed.Nang makapasok ay hinanap ko siya sa sala pero wala siya. Dumiresto ako sa kusina kasi magtatanghali na. Baka nagluluto lang siya. But still, the kitchen looked untouched.Baka busy na naman siya sa manuscript niya. Umakyat ako sa kwarto ng dahan-dahan, para surpresahin sana siya pero wala akong nakita ni anino niya. Wala akong ingay na marinig. Tahimik lang ang paligid. Hanggang sa marinig ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko. It suddenly felt wrong.“Arila?” tawag ko. Baka kasi nagtatago na naman siya. One time kasi tinaguan niya ako. Hindi ko rin talaga maisip ‘yung trip niya pero kahit ganoon, mahal ko ‘yon.Naglakad ako patungo sa CR sa kwarto niya. Wala ring tao. Napalunok ako saka tiningnan ang ilalim ng kama.“Arila, it’s not funny anymore. Come here I have something for you.” Pero walang Aril ana lumaba

  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 13

    Nakangiti ako habang dala-dala ang isang bouquet ng bulaklak. The summer sun still shines brightly. Summer was about to end but I couldn’t think of anything that might go wrong. Everything just happened smoothly.But I was so dumb that time to even assume that everything’s fine. Kinuha ko ang susi sa aking bulsa at saka binuksan ang pinto. Nakahanda na ang ngiti ko at itinago pa ang bulaklak sa likod ko. I hope she’ll like it. Perong parang tinakasan ako ng pagkatao ko nang makita ko si Arila na nakahandusay sa sahig malapit sa hagdan, habang hinahampas ang kaniyang ulo.Tangina! Nahulog ba siya sa hagdan?!“Stupid! Stupid! You’re so stupid!” sabi niya saka patuloy pa rin sa pananakit sa sarili.“Arila!” Agad kong nabitawan ang hawak na bulaklak saka dumiretso sa kaniya. Hinawi ko ang buhok niya at nabasag ang puso ko ng makita siyang umiiyak. Puno ng luha at pawis ang kaniyang mukha. Dumidikit tuloy ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa mukha niya. Nanlambot ako sa itsura niya.Kinul

  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 12

    “Anong gusto mong kainin?”Instead na sagutin ako ay hinikpitan niya lang ang yakap sa akin. “Hmm, cuddle.”Napatawa ako. “Kanina pa tayo nagka-cuddle. Lunch na. We need to eat.”“Hmm, order na lang tayo.” She pouted.Hinalikan ko siya sa labi. “Good idea. Kaso nasa probinsya tayo. Luluto lang ako ta’s pagkatapos natin kumain, we can cuddle ‘til night. Sounds like a plan?”Lalo lang humaba ang nguso niya pero tumango naman kaya hinalikan ko siya ulit sa labi saka tinanggal ang kapit niya.Tss. This temptress. Walang kalam-alam na may binubuhay na naman siyang hindi dapat.Tumayo ako saka sinuot ang aking boxers. Inayos naman ni Arila ang kumot sa kaniyang katawan bago pumikit ay yakapin ang unang hinihigaan ko kanina. How I wish ako ‘yung kayakap niya ngayon kaya lang kailangan talaga naming kumain. Nangangayayat na kasi si Arila. Tss. Kahit naman pinapagod ko ‘yan, pinapakain ko ‘yan.Pero ewan ko ba ang payat pa rin.Bumaba ako ng kusina para maghanda ng pagkain. Wala sila tito sa b

  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 11

    When I was a kid, my mom always taught me practice self-control specially when I get angry. I still remember when my parents were called to the principal's office because I included myself in a fight. My enemy got his shoulder bleed because of the pencil I used to stab him. Well, what can I say, he really irritates me to hell.Since then, they always taught me to control myself because I discover that having a short-tempered run in our blood. But there are things that no matter how hard you control yourself; you'll fail. Especially when an angel with a body of a sinner is lying beside you.Sinubukan kong ilayo ang aking mga kamay sa kaniya pero parang magmet ang katawan niya na hinihila ang aking mga kamay. Her upper body almost rest on mine. Her arms clinging to me like I will go somewhere, and she don't want to let go. She snores a little but that's not what bothers me. It’s her naked body that was so warm and so soft against mine. It’s her nipples touching my chest. And her knees th

  • Summer Scape [Filipino | Tagalog]   Chapter 10

    Some people change for a reason. They didn't change in a blink of an eye, or on a snap of fingers. They change because of different reasons. Some change for a better living; some change because the society pushed them to; and some change because of someone."Thanks, Ma." I ended her call.Ilang araw na akong napapadalas ng tawag kay mama at ganon din siya-sila ni dad.Nagtatanong sila bakit daw biglang ginagalaw ko na 'yung pera ko sa bangko. Nasanay kasi sila na kung ano 'yung iniwan nilang status ng account ko, ganoon pa rin kapag nagbigay sila ng bagong allowance. Alam nila na nagtatrabaho ako at working student pa dahil paminsan ay nasa kompanya ako at gumagawa ng kung anu-ano na sinusuwelduhan naman nila.Lagi akong may pera. Perang pinaghirapan ko. Kung babawasan ko man 'yung pera ko sa bangko, I make sure na sobrang importante lang o kaya naman ay babayaran ko rin. I still have this thinking na pera nila 'yon. Na kahit allowance ko 'yon ay hindi ko pa rin dapat gastahin 'yon sa

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status