Pagkabitaw ng salitang iyon, may nagwawalang alon ng tubig ang biglang umangat sa ibabaw ng lawa na kalmado lang kanina.Isang malaking palad na gawa sa tubig ang mabangis na lumutang mula sa Moonlight Lake. Sa sandaling iyon, tila lumubog nang kaunti ang buong Moonlight Lake. Napakalaki ng palad na iyon na gawa sa tubig na may diameter na mahigit isang daang metro.“Diyos ko!”“Ito... Anong klaseng himala ito?”Lumawlaw ang mga panga ng madla habang tuliro ang lahat.Maging ang mga martial expert na nakatayo sa baybayin ng Moonlight Lake ay pinawisan ng malamig, bumubulalas na imposible ang ganoon! Kahit na isa siyang natatanging Grandmaster, hindi rin siya dapat gumawa ng ganoong klaseng pakulo.Matatawag na talagang himala iyon.“Bilisan ninyo at tumakas na kayo!” Umungol si Craig.Nagmamadali niyang pinaatras ang barko.Sa kabilang banda, nakatayo si Zayn sa tabla na gawa sa kahoy. Muling tumaas ang aura sa kanyang katawan. Namuo sa kanyang katawan ang buong kapangyarihan ng isang
‘Ano? Bakit naman ang suplada niya?’Nang marinig na natapos na ang tawag, medyo hindi komportable si Beatrice. ‘Biyenan mo yung kinidnap, hindi akin. Hindi ba dapat mas kinakabahan ka kaysa sa akin? Bakit parang wala lang sa’yo? Maaari kayang wala ka na talagang nararamdaman para kay Alex?’Mahirap intindihin ang isipan ng isang babae. Kung magpapakita ng gulat at pagkabalisa si Dorothy sa sandaling ito, maaaring manghinayang at hindi pa rin siya magiging komportable sa kanyang puso. Gayunpaman, pagkatapos makita ang kawalang-interes ng kanyang ate, nakaramdam siya ng galit sa ngalan ni Alex.Sa sandaling ito, sina Maya Howards, Waltz Fleur, at Holly Yates, na medyo gumaling na mula sa kanilang mga pinsala, ay sumugod din sa lawa mula sa Rockefeller Manor.Nang makita ang maliit na bangka na matatagpuan sa gitna ng lawa at si Brittany sa loob nito, agad na sinabi ni Holly, “Pupunta ako roon para iligtas si Ninang! Hindi ko hahayaang mahulog siya sa kamay ng matandang magnanakaw na iyo
Kailanman ay hindi iyon sumagi sa isipan niya.Kung may gusto sa kanya si Alex, ano kaya ang mangyayari?Bigla niyang naramdaman na magkakaroon siya ng pakiramdam ng tagumpay kung talagang magkakagusto sa kanya si Alex. Ito ay dahil ngayon ay talagang napakalakas at kahanga-hanga si Alex. Mas malakas ito kaysa sa sinumang lalaki na nakasama niya.Sa totoo lang medyo kinilig siya habang iniisip iyon, ngunit naiintindihan din niya na imposible iyon.Unti-unting lumipas ang oras.Nagsimulang lumubog ang araw sa kanluran.Puno ng pulang ulap ang kalangitan sa kanluran.Kakaiba ang hitsura nila nang umaninag sila sa Moonlight Lake.Saka lamang napagtanto ng maraming taong nakatayo sa dalampasigan na isang oras na pala ang lumipas nang hindi nila namamalayan. Magiging madilim ang langit pagkaraan ng ilang sandali. Ano pang makikita pagkatapos noon?“Kakaiba ‘to. Anong klaseng tao ang hinihintay ng matandang iyon?”“Maging ang pinuno ng pamilyang Stoermer ay kaya niyang talunin. Hindi kaya na
Ang babaeng nakapulang tumatahak sa alon ay walang iba kundi si Auntie Rockefeller!Sa kabilang banda, ang taong sumusugod mula sa silangan ay natural na si Alex Rockefeller, na kakababa lang ng eroplano at tumawid sa lungsod ng California gamit ang kanyang mga paa pagkatapos na gamitin ang mala-kidlat na lakas.Agad siyang sumugod dito sa pamamagitan ng daanan ng tubig.Ang paliparan ng California ay matatagpuan malapit sa isang tributary sa Oregon.Nagkataon na halos isang tuwid na linya lang ng daluyan ng tubig ang meron mula sa tributary hanggang sa Moonlight Lake.Sa sandaling ito, nananabik ang madla.Sa mga ordinaryong tao, isa itong eksenang hindi nila aakalaing magiging posible. Isa itong visual effect na tatangkilikin lang sa mga palabas ng superhero sa Hollywood. Gayunpaman, sa katotohanan, ang gayong hindi kapani-paniwalang eksena ay nagbubukas sa harap ng kanilang mga mata. Hindi mabilang na tao ang naglabas ng kanilang mga phone para kuhaan ng video ang astig na sandaling
“Kilala ako bilang palaboy na si Sebastian White... Ah! Tingnan mo, pumana na siya!”Sa posisyon na isang daang metro ang layo mula sa hangganan ng force field, pumana siya sa direksyon ng force field.Halos lumuwa na ang mga mata ng tinaguriang matandang palaboy na si Sebastian White.Ito ay dahil ang pinana ni Auntie Rockefeller ay hindi palaso kundi isang phoenix.“Mukha talagang totoo yung phoenix!”“Paano niya kaya nagawa iyon? Kung ganito kalawak ang kakayahan ng kanyang Chi transformation, maaari kayang nalampasan na niya ang mundo ng Martial Honor?”Nagpakawala ng mahaba at nakakatakot na sigaw ang Fiery Phoenix Bow ni Auntie Rockefeller.Kasabay nito, ang Espada ng Sandaigdig sa kamay ni Alex ay bumaril ng sinag ng liwanag na halos sampung metro ang haba.“Laslasin mo!”Bam!Bam!Umalingawngaw ang mga mala-lindol na pagsabog sa magkabilang panig.Sa ibabaw ng Moonlight Lake, muling pumailanlang ang mga tumalsik na tubig patungo sa kalangitan, umaabot sa taas na dose-dosenang m
Lumitaw si Guilherme.Natural na intensyon ito ni Dr. Cheryl.Nag-aalala siya sa kaligtasan ni Alex at baka may mangyaring masama. Isa pa, higit siyang nag-aalala tungkol sa kabilang partido na ginagamit si Madame Brittany bilang alas para saktan si Alex. Bukod dito, nagkataong mula sa Witch Doctor Sect si Guilherme. Malamang na mas marami ang kaalaman nito tungkol sa Witch Doctor Sect. Kaya naman mahigpit niyang hiniling kay Guilherme na sundan si Alex at pinaalalahanan itong huwag gamitin si Alex sa anumang paraang posible.Gayunpaman, sa hindi inaasahang pagkakataon, matapos makita ni Guilherme ang ninuno ng Witch Doctor, agad niya itong nakilala.Nagmula pala silang dalawa sa parehong panahon.Noong taon din niyang mahigpit na tinutulan ang Witch Doctor Sect Master.Walong daang taon na ang lumipas.Natigilan si Alex sa sinabi ni Guilherme. “Elder Extraordinaire. Kilala mo ba siya?”Tumango si Guilherme. “Siya ang dahilan kung bakit ako umalis sa Witch Doctor Sect noon. Siya ang ik
Madaling nakuha ni Maiko Chiba si Brittany. Matapos humiwalay sa maliit na bangkang kahoy, agad na dinala ni Maiko Chiba si Brittany at rumaragasang sumugod patungo sa baybayin ng Moonlight Lake. Akala niya susundan siya ni Torres pero hindi iyon nangyari.Matapos tumakbo palabas mula sa makapal na hamog sa gitna ng lawa, nabigla pa rin sina Maiko Chiba at Brittany.Nanonood ng labanan ang mga tao sa paligid.Noong una ay labis silang hindi nasisiyahan sa hamog sa lawa dahil hinaharangan nito ang kanilang paningin, at hindi nila makita ang nangyayari sa loob.Sa sandaling ito.Nakita nila si Brittany na nagmamadaling lumabas sa ulap.“Ah...”“Hindi ba siya yung bihag?”“Nakalabas na ang bihag. Ibig sabihin may nagaganap nang malaking labanan na sa loob, tama?”“Paano malalabanan ng lalaki at babaeng iyon yung matanda?”Nagpakawala ng gulat na sigaw ang madla.Sa sandaling iyon, natagpuan nila ang isa pang pigura sa dalampasigan na nagmamadaling umangat patungo sa langit, diretsong lumu
Boom—Bumagsak na parang malaking bundok ang malaking palad sa ibabaw ng lawa.Walang awang hinampas nito ang likod ni Alex.Sa kisap-mata, dinaganan nito ang dalawa sa lawa.Poof—Napabuga si Alex ng dugo sa mukha ni Auntie Rockefeller habang nakakapit pa rin ito sa kanya gamit ang dalawang kamay. Hindi nito namalayan dahil bahagya lang ang ikinilos ni Alex.Ito ay dahil sa sobrang sakit ng kanyang katawan.Buti na lang at nasa loob sila ng lawa. Mabilis na mawawala yung tumalsik sa mukha niya. Sa sandaling ito, mahigpit na hinawakan ni Auntie Rockefeller si Alex at mabilis na lumipat sa gilid.“Tara na!”Nang umalis ang dalawa sa lugar na iyon, may malaking bahagyang-nakikitang kamay ang mabangis na dumakma sa hangin at marahas na pumisil.Buti na lang at nauna sila ng isang hakbang.Kung hindi, nadurog na sila sa kamatayan.“Alex, kamusta?” Ginamit ni Auntie Rockefeller ang kanyang espirituwal na kapangyarihan para makipag-usap kay Alex sa tubig.“Ayos pa naman ako. Wala naman masya
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l