Boom—Bumagsak na parang malaking bundok ang malaking palad sa ibabaw ng lawa.Walang awang hinampas nito ang likod ni Alex.Sa kisap-mata, dinaganan nito ang dalawa sa lawa.Poof—Napabuga si Alex ng dugo sa mukha ni Auntie Rockefeller habang nakakapit pa rin ito sa kanya gamit ang dalawang kamay. Hindi nito namalayan dahil bahagya lang ang ikinilos ni Alex.Ito ay dahil sa sobrang sakit ng kanyang katawan.Buti na lang at nasa loob sila ng lawa. Mabilis na mawawala yung tumalsik sa mukha niya. Sa sandaling ito, mahigpit na hinawakan ni Auntie Rockefeller si Alex at mabilis na lumipat sa gilid.“Tara na!”Nang umalis ang dalawa sa lugar na iyon, may malaking bahagyang-nakikitang kamay ang mabangis na dumakma sa hangin at marahas na pumisil.Buti na lang at nauna sila ng isang hakbang.Kung hindi, nadurog na sila sa kamatayan.“Alex, kamusta?” Ginamit ni Auntie Rockefeller ang kanyang espirituwal na kapangyarihan para makipag-usap kay Alex sa tubig.“Ayos pa naman ako. Wala naman masya
“Alex, nababaliw ka na ba?” Naging asul ang mukha ni Auntie Rockefeller dahil sa sobrang gulat.“Hindi ako nababaliw! Isipin mo na lang nagdo-donate ako ng dugo. Hindi naman mamamatay ako doon, hindi ba!” Napatingin si Alex kay Torres. “Master Qantas, ano sa palagay mo? Paano kung kusang-loob kong hayaan kang sipsipin ang aking dugo, pero hindi mo ako sisipsipin sa isang bagsakan upang pisikal akong makagawa ng dugo araw-araw, at lalabas na parang binibigyan kita ng blood bank? Kung papayag ka, palayain mo ang tiyahin ko tapos ipangako mong hindi mo ako papatayin. Kung hindi, sasabog agad ako, at wala kang mapapala.”Napakalinaw ng sinabi ni Alex.Malamang maghihinala ang ninuno kung kusa niyang iaalay ang kanyang dugo.Gayunpaman, sa pamamagitan ng pag-alok ng mga kundisyon, magmumukhang mas makatwiran iyon.Gaya ng inaasahan, agad na pumayag ang ninuno ng Witch Doctor Sect. Ang mga zombie ay may likas na kasakiman sa dugo. Gayunpaman, nadagdagan ng dugo ni Alex ang kasakiman na ito n
“Boom—”Sumabog ang gitna ng Moonlight Lake na parang may intercontinental missile ang tumama dito.Unang lumubog ang buong Moonlight Lake pababa sa gitna bago narinig ang isang nakakabinging tunog.Kung saan naroon ang ninuno ng Witch Doctor Sect, may haligi ng tubig na umabot sa langit ang umaangat nang husto hanggang sa taas ng ilang daang metro. Kaagad pagkatapos, isang malakas na panginginig ng boses ang marahas na yumanig sa lawa, na nagpapadala ng mga shock wave na tumatama sa libu-libong sundalo.Ang mga tao na nasa loob ng sampung milyang radius, at ang kanilang mga puso ay halos lumaktaw ng tibok dahil sa nakakabinging tunog na ito. Walang tigil na nanginginig ang mga kamay at paa nila.Ang mga tao, lalo na sa baybayin ng Moonlight Lake, ay napabagsak ng shock wave.Ang mga matatapang na tycoon ng California, na tumayo sa mga bangka at hindi umalis, ay talagang nagdusa. Ang mga bangka ay nanatiling buo; hindi nila nakayanan ang matinding mapanirang puwersang ito. Kaya, ang mg
Gayunpaman, likas na itong alam ng karamihan sa mga babaeng may mahabang buhok.Hindi na ito masyadong pinagtuunan ng pansin ni Alex.“Auntie, nakita mo na ang nanay ko. Malamang gusto niya ring alamin kung sino ka ngayon. Bakit hindi ka sumama sa’kin para makipagkita sa kanya? Personal kitang ipagluluto mamaya. Ano sa tingin mo?” tanong ni Alex.Gayunpaman, tinanggihan ni Auntie Rockefeller si Alex.“Hindi pa ngayon ang tamang oras. Hindi pa rin alam ng nanay mo ang nangyari sa tatay mo. Kapag nalantad ang pagkatao ko, sisikapin ng nanay mo na alamin ang ugat ng lahat ng ito! Kung may babanggitin yung mga babae mo tungkol dito, sabihin mo lang na Auntie ang palayaw ko!” Sabi ni Auntie Rockefeller.Nagsimulang sumimangot si Alex. “Nagsisimula na akong maghinala kung totoo ba talaga kitang tiyahin. Bakit hindi mo ako bigyan ng hibla ng buhok mo? Ipapa-DNA test ko.”Pinektusan ni Auntie Rockefeller ang ulo ni Alex. “Baliw ka. Hindi mo ako nanay. Bakit kailangan nating magpa-DNA test? Aal
“Ahh—“Anak ko, Natalie!”Naglupasay si Mariah Hamilton sa sahig. Hindi niya napigilang kilabutan.Nakita niya ang kanyang bunsong anak na babae, si Natalie Rockefeller, na nakahandusay sa sanaw ng dugo. May walang laman na butas sa dibdib nito na tila pilit na pinunit. Samantala, ang anak ni Carol Rockefeller, ang haunting fetus na mukhang pangit na halimaw, ay nakatayo sa tabi ni Natalie habang pinagpipiyestahan ito mula sa butas.“Ughh!” Hindi nakatiis si Noah Rockefeller, at bigla siyang sumuka.Hindi niya kinaya ang katotohanang pinatay talaga si Natalie sa ganoong kalupit at karahas na paraan.Dumampot si Noah ng patpat at pinalo iyon. “Papatayin kita, g*go!”Gayunpaman, tila hindi natatakot ang haunting fetus. Sa halip, hinampas niya ang patpat na ibinato sa kanya ni Noah. Inilabas pa niya ang matatalas niyang ngipin na tila pag-aari ng isang multo. May mga duguang bagay na nakasabit sa kanyang mga ngipin, at lahat ng iyon ay mukhang kakila-kilabot.“Baby, tumigil ka!” sigaw ni
Sa wakas ay bumitaw na si Waltz Fleur at tumakbo sa likod ni Brittany Rockefeller sa medyo nahihiyang paraan.“Alex, kamusta ka? Sinaktan ka ba ng matandang iyon?” Hinila ni Brittany si Alex Rockefeller sa tabi at maingat na sinuri ang katawan nito mula ulo hanggang paa at harap hanggang likod. Natatakot siya na baka makaligtaan niya ang anumang lugar na maaaring magdulot ng panganib sa anak. Hindi talaga maikukumpara ang pagmamahal ng isang ina.Matapos matiyak na maayos si Alex, sa wakas ay nakahinga ng maluwag si Madame Brittany. “Saan pumunta ang babaeng iyon?”“Umalis na siya!” sabi ni Alex.“Sino siya?” tanong ni Madame Brittany.“Kaibigan ko. Erm, Auntie ang palayaw niya!” sabi ni Alex.Kailangan niyang ‘bakunahan’ ang kanyang ina nang maaga. Kung hindi, kung lumabas ang salita, imposibleng maisalba ang sitwasyon.“Kuya, patay na ba talaga ang matandang ninunong iyon?” tanong ni Holly Yates.Tumango si Alex bago inabot ang buhok nito. “Holly, salamat sa pagsusumikap mo ngayon! I
“Little Miss B?”Natigilan si Alex Rockefeller sa narinig niya.Napatingin siya kay Zachary Xavier. “Uncle Xavier, ibang tao siguro ang akala mo. Lumaking ulila ang aking ina. Paano siya naging si Little Miss B?”Gayunpaman, mukhang sabik pa rin si Zachary. May determinadong ekspresyon sa mukha niya. “Hindi ako nagkakamali. Ikaw si Little Miss B! Little Miss B, ako si Zachary Xavier, naaalala mo pa ba ako? Hinawakan pa nga kita noong bata ka pa…”Hindi alam ni Alex kung iiyak o matatawa ba siya.Tumingin siya kay Brittany Rockefeller.Nakatayo sa malapit, natulala rin sina Cheryl Coney at Sky Melvis sa kanilang nasaksihan. Parehong may kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha. Sa sandaling iyon, dumating din ang pinuno ng pamilya Stoermer ng Michigan, sina Zayn Stoermer, Kazim Stoermer, at Xyla Stoermer.Magkakilala na sina Zayn at Zachary noon pa man.Noong kinalaban ni Alex ang dalawang Grandmaster sa pamilyang Stoermer ng Michigan, binalak pa ni Zachary na sumugod para iligtas siy
Napalingon ang lahat kay Brittany Rockefeller.Walang sinuman sa kanila ang kailanman nag-akala na meron siyang ganoong pagkakilanlan.Lalawlaw talaga ang panga ng lahat!Nagpatuloy sa pagsasalita si Zachary Xavier. “Little Miss B, simula nang tumakas kayo ni Madame Yvonne sa bahay, hinahanap na kayo ng presidente ng Divine Constabulary sa buong mundo. Gayunpaman, hindi niya kayo mahanap. Nadurog ang kanyang puso. Hindi ko akalain na nandito ka lang pala sa California. Mainam ito. Kung malalaman ito ng presidente, matutuwa siya.”Nang marinig ito ni Brittany, malamig siyang tumawa.Sa huli, umiling siya. “Uncle Xavier, huwag mo nang mabanggit-banggit sa’kin ang lalaking iyon! Mula noong araw na umalis kami ng aking ina sa pamilyang Melvis, nagpasya akong putulin ang lahat ng relasyon sa pamilyang Melvis! Nanumpa ako sa harap ng libingan ng aking ina na hindi ko kailanman kikilalanin ang taong iyon sa buhay na ito! Dahil nasa bahay ka ngayon, aakto ka na parang hindi mo ako kilala. Kung
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l