Ang hindi alam ni Jessica ay nabigla si Gerald sa mga kinikilos niya. Kilala ni Gerald si Jessa bilang isang bitch at slut. Kung hindi nga lang sa utos ng kanyang lola ay hindi niya ito pakakasalan. Kung sino-sino na ang nakatikim dito kaya nagtataka siya kung bakit parang may nag-iba sa kanya. Usually ay agad nakakapit sa kanya ang babae at hahalikan agad siya ng marin. Pero this time inilapat lang nito ang mga labi sa kanya at ang nakapagtataka ay pinamulahan ito ng pisngi na hindi kahit kailan niya nakita rito. Pero ang nakakabiglang lalo ay kung bakit parang may naramdaman siyang kuryente sa pagdampi ng labi nito sa labi niya?
Anong nagyari?
Samantala noon ay pinagbibigyan niya lang itong halikan siya dahil nagsusumbong ito sa lola niya. At ayaw niyang sumama ang loob ng kanyang lola.
Isa lang ang nasa isip ni Gerald, kung ano man ang binabalak nito ay tiyak na pipigilan niya.
**
"Isang buwan lang ako sa England pero pagbalik ko ay ang laki ng pinagbago mo, at nagpaitim ka pa talaga ng buhok? Why the sudden change ha? Natatakot ka bang hindi matuloy ang kasal, Jessa? Cut that crap dahil ayokong pasamain ang loob ni Grandma kaya mag-paparty ka na dahil tuloy na tuloy ang kasal!"
Nabigla ako ng bigla siyang bumangis. Ganito ba siya sa kakambal ko?
"At anong ibig mong palabasin ha? Na hindi ako desenteng tignan nung blonde pa ang buhok ko?" Napataas tuloy ang kilay ko.
"You must know, Jessa, huwag kang umakto na parang hindi mo alam ang pagkatao mo. At ang labis kong ipinagtataka ay kung paano mo natutunang pamulahan ng mukha, hindi ka dating ganyan!"
Pero shit, nakakahalata na ata siya. Hindi ko alam na marami talaga kaming pinagkaiba ni Jessa, ano bang aasahan ko? Magkamukha lang kami pero iiba ang pagkatao namin. Pero teka kanina pa ito e. Ano bang pagkakakilala niya sa kapatid ko? Parang ang lumalabas asi ay malandi si Jessa, at dahil nagpa-panggap ako ngayon bilang kakambal ko ay parang ako ang nababastos!
"Kung wala kang matinong sasabihin ay huwag ka nalang magsalita."
"Isa pa yan, hindi ka dating ganyan, lagi na ay nakadikit ka sakin. Lagi ka lang nakasangayon sakin at kulang nalang ay sambahin ako, kapag ganitong nagmamaneho ako ay lagi kang nagnanakaw ng halik. Palagi kang nagkukwento tungkol sa mga pagpunta mo sa ibat-ibang bar na pinupuntahan mo. Pero ngayon ay sumasagot ka na, tumaray ka rin, parang wala akong epekto sayo kung umakto ka!"
Ganun si Jessa sa kanya? Ano bang malay ko na ganun ang kapatid ko? Ganun siya kapatay na patay sa lalaking ito? Ngayon palang ata mabubuko na ako.
"Pagod lang ako, sorry. Hindi ba nabanggit ni Mama sayo? Nakita na namin ang papa ko, kaya pagod ako." Buti at nakaisip agad ako ng palusot, sana lang ay maniwala siya.
"Hindi niya nabanggit. Pero Jessa kung ano man yang plano mo, huwag kang mag-alala, dahil matutuloy parin ang kasal natin, makukuha mo ang mana mo kay lola. Ang mana ninyo ng mama mo pero gaya ng sinabi ko ay hindi kita kayang mahalin, magpapakasal lang tayo. Kasal lang tayo sa papel!"
Biglang naginit ang ulo ko, naiinis akong isipin na bulag sa pagmamahal ang kapatid ko, bakit magtitis siyang magpakasal sa taong hindi siya kayang mahalin? Pero anong mana? Bakit walang nabanggit si mama tungkol dito? At alam ba ni mama na ganito ang impresyon ni Gerald sa kakambal ko? Nanahimik nalang ako dahil wala naman akong alam sa mga sinasabi niya.
Sinusukat ko na ngayon ang Wedding gown ni Jessa, ang nakakatuwa lang ay magkakatawan pala kami?
"Mukhang masaya ka ah?" Nabigla ako ng sumulpot si Gerald sa likod namin.
"Ay sir! Bawal po kayo dito! Baka hindi matuloy ang kasal ninyo ni Miss Jessa."
"Maniwala ka, matutuloy ang kasal." Then bigla niya akong binulungan. "Dahil gagawin niya ang lahat para matuloy ang kasal." Parang umakyat lahat ng inis sa ulo ko pasensiya please. Ayokong masira ang kasal ng kapatid ko, kahit hindi ko maintindihan kung bakit gustong makasal ng kapatid ko sa hambog na ito gagawin ko ang lahat para maging masaya si Jessa. Ito man lang ay magawa ko para sa kanya. Pero bakit ganun? Bakit para kong nakuryente, bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko, sa pagbulong niya sakin.
"Iwan mo muna kami." Sabi ko sa may ari ng shop
"Bakit, natatakot ka bang marinig nila na kaya ka magpapakasal sakin ay dahil sa manang makukuha niyo kay Lola?" Sa inis ko ay nasampal ko siya.
"Kung hindi mo ako kayang pakitunguhan ng maganda, sana man lang respetuhin mo ako!"
Sorry Jessa, pero nakakainis na talaga ang fiance mo. Pero bigla siyang lumapit sakin, nakakatakot yung tingin niya, unti-unti ay nakalapit na siya sakin. Hinapit niya ang bewang ko at bigla niya akong hinalikan.
He is kissing now!
Pumalag ako pero in the end ay nagpaubaya ako, hindi ko alam pero bakit parang gusto kong yakap niya ako ngayon at nakakukong sa mga bisig niya?
Pero shit lang, ano bang alam ko dito?
Ngayon lang ako n*******n. Pero magaling siyang humalik. Mabilis akong natuto. Hingal kaming dalawa ng bumitaw siya sakin. Tiningnan niya ako ng may halong pagtataka.
"Kung hindi ko lang alam na ikaw si Jessa Ramos, hindi ko maiisip na ikaw ang kahalikan ko ngayon lang, parang ito ang unang beses na n*******n ka. Samantalang noon ay ikaw pa ang nainis kapag hindi ka nakakahalik."
Kung iisipin ko lahat ng sinabi niya about sa kakambal ko, mukhang bihasa si Jessa sa paghalik, at nakapagtataka nga namang paanong nangyari na hindi ako marunong humalik ngayon!
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Magbibihis na ako, lumabas ka na."
Nakakainis ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung mga mata niya, bakit parang—Hindi!
Isa siyang hambog na lalaki, isa pa magiging asawa siya ni Jessa, hindi ko ito dapat maram- daman. Nakatitig pa rin siya sakin. Pero ako na ang nagiwas ng tingin.
"Sa sasakyan lang ako sumunod ka nalang." Nung iniwan niya ako ay para kong nabunutan ng tinik.
Gerald Alonso...
Bakit ganun? Kahit anong inis ko sa kanya, bakit parang sumisiksik siya sa puso ko?
At yung halik niya, bakit pakiramdam ko ramdam ko pa rin sa mga labi ko?
Bakit kahit alam kong mahal siya ng kapatid ko, bakit pilit na ganito parin ang tibok nitong puso ko pag dating sa kanya.
Mali ito, maling maramdaman ko ito!
Kailangang rendahan ko ang puso ko para sa lalaking yun ngayon palang.
Sakay na kami ngayon ng sasakyan ni Gerald. Ano kaya ang tawag ni Jessa sa lalaking ito? Nakakailang naman kung tatawagin ko siyang hon? Babe? Bhe? Sweetheart?Parang kinilabutan ako! Mas mainam pa sigurong Gerald nalang!"Gerald, ibaba mo nalang ako sa mabini stree—"Teka, may mali na naman ba kong nasabi? Bakit ganyan niya ako tingnan?"Gerald?! At kailan mo pa ko tinawag sa pangalan ko?"Patay, ano ba kasing tawagan nila, o mas tamang sabihing tawag ng kakambal ko sa kanya? Sa tingin ko ay hindi sweet si Gerald sa kanya dahil mukhang namumuhi pa ito sa kakambal ko.Marami akong dapat itanong kay mama!"Bakit, masama na bang tawagin ka sa pangalan mo?" Shete kinakabahan ako."Okay lang naman, mas okay nga. Nakakairita kasi kapag tinatawag mo kong sweet, sweety." Seryoso niyang sabi habang nakatutok sa daan.Sweety? Ganun ka-corni ang kakambal ko?Shit lahat naman kasi nagiging corni kapag in-love, yun ang sabi nila.Hindi nalang ako kumibo."Anong gagawin mo sa mabini street?""May
After akong ihatid ni Gerald sa bahay ay pumanik agad ako sa kwarto ni Jessa, agad kong hinanap si Mama pagkabihis ko. Marami akong gustong itanong tungkol sa kakambal ko. "Mama pwede ba tayong mag-usap?" "Oh, anak, nakauwi ka na pala? Hinatid ka ba ni Gerald?" "Ma, totoo ba lahat ng sinabi ni Gerald?" "Alin, anak?" Halatang parang natense si Mama dahil sa tanong ko. "Ma, parang malandi ang pagkakilala niya kay Jessa!" "Anak... Kasi si Jessa, ang kakambal mo ay totoong spoiled siya sakin. Laman siya ng bar gabi-gabi. Marami narin siyang nakasamang lalaki, alam lahat yun ni Gerald kaya ayaw niya sa kakambal mo. Pero si Jessa... mahal niya talaga si Gerald college days pa lang sila. Pero dahil kilala niya si Jessa bilang isang maarte, spoiled brat, at marami ng naging nobyo ay binalewala lang niya ang kapatid mo." "Ma, naman! Bakit hindi niyo sinabi agad? Muntik na akong mabuko kanina!" "Anak, natatakot kasi ako, baka umatras ka..." "Bakit? Saan ba kayo natatakot, Ma? Na hindi
Nagsimula na ang kasal. Sila Mama at Papa ang naghatid sakin sa harap ng altar kung saan naghihintay ang mapapangasawa ng aking kakambal. God... Habang papalapit ako sa kanya ay hindi ko mapigilang mapaluha. Mali mang maramdaman pero na-miss ko ang lalaking ito. Halos mahigit dalawang linggo ko siyang hindi nakita. Napaka-gwapo niya sa suot niyang puting tuxedo. Siya na ata ang pinaka-gwapong groom na nakita ko. Napakaswerte ng aking kapatid. Maswerte siya to have Gerald. "Anak, bakit ka umiiyak?" Si Papa. Bumitaw ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko. "Anak, naman huwag kang umiyak... Hindi naman Ikaw ang totoong ikakasal," subway ni Mama. "Sorry po." I have decided na habang ako muna ang asawa ni Gerald ay gagawin ko ng tungkulin ng isang tunay na asawa. Kahit pa sungitan niya ako. Ginagawa ko rin naman ito para sa kapatid ko. Para kung sakaling gumising na si Jessa ay maganda na ang pakikitungo sa kanya ng asawa niya. Na aalis ako sa mansyon na maayos ang relasyon nilang dal
"Jessica, tapatin mo nga ako?" Bakas sa boses ni Mama ang inis. "May gusto ka ba sa Gerald?" Bigla akong kinabahan. "Nahahalata kita, Jessica. The way you look at him alam kong gusto mo si Gerald. Baka nakakalimutan mong Substitute Bride ka lang? Tinutulungan mo ang kapatid mo kaya huwag naman sanang paggising niya ay wala na siyang asawang balikan."Alam ko naman yun. Alam ko namang pansamantala lang ako."Mama... mali po kayo ng inisip. Mali kayo ng napapansin dahil hindi ako kahit kailan magkakagusto sa lalaking yun," tanggi ko kaagad. "Hinding-hindi ko sasaktan ang kakambal ko. Kayo na ang nagsabi hindi ba? Dapat galingan ko ang pagpapanggap?""Mabuti ng malinaw sayo, anak. Ayoko lang na mahulog ka sa asawa ng kapatid mo ayoko lang din na masaktan ka.""Naiintindihan ko kayo at huwag kayong magalala. After magising ni Jessa ay babalik na sa dati ang lahat. Babalik na rin kami ni Papa sa bahay namin." Umalis na ako at iniwan si Mama.Nakakainis. Bakit pakiramdam ko mas mahal niya t
Kinabukasan..Maaga pa lang ay gumising na ako, tulog pa rin si Gerald ng iwan ko. Kahit maraming kasambahay sa mansion ni Donya Marita ay gusto kong ako mismo ang magasikaso sa mga pangangailangan ng 'asawa ko' hindi naman masamang mag- assume hindi ba? Ako pa naman ang asawa niya ngayon di ba?Nagpapanggap ako oo, pero hindi pagpapanggap ang nararamdaman ko. Nakita kong bihis na bihis na siya ng bumaba, napaka-gwapo niya sa suot niyang amerikana."Gerald, kain ka muna." Pero tiningnanlang ako. Cold. Napaka-lamig ng tinging ipinukol niya sakin. "Ah nagluto ako. Tikman mo naman kahit kaunti." Ano bang itsura ko ngayon? Bakit kung tingnan niya ko ay parang hindi mo maaarok?"Jessa, ano bang laro ang niluluto mo? At kailan ka pa natutong magluto? Kahit ano pang plano mo hindi magtatagumpay! Magpapa- annul tayo after five years!At hindi magbabago ang desisyon kong yun!" Pagkasabi non ay bigla nalang niya akong iniwang tulala ngayon. Anong magpapa-annul after five years? Bakit wala akong
Bumangon akong may malapad na ngiti sa mga labi. Bukod sa maganda ang huli naming conversation kagabi. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Paggising ko kasi ay nakayakap sakin si Gerald. Feeling ko ay ngayon pa lang ako nagdadalaga. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Kung hindi lang namin dadalavwin sila papa ay hindi pa ako babangon.Nagtungo na ko sa banyo, mamaya ko na siya gigisingin mukhang pagod na pagod siya sa trabaho. Habang naliligo ay napapahimig pa ko sa saya. Sana ito na ang umpisa ng masaya naming pagsasama. Pero agad ding napalis ang nararamdaman ko. Oo nga pala isa lang akong SUBSTITUTE. Substitute bride at isang substitute wife. Pero napagdesisyunan ko na. Pagsisilbihan ko siya, mamahalin at aalagaan hanggat ako pa ang asawa niya. Para rin naman ito sa kapatid ko di ba? Para rin sa kanya ito. Tapos na akong maligo ng maisip kong wala akong dalang tuwalya. Paano ako lalabas?Sumilip muna ako sa kwarto. Tamang-tama, tulog pa siya. Dahan-dahan a
Marahil ay sa sobrang pag-iyak ay nakatulog ako. Pero ang labis na nakakapagtaka ay may mabibigat na mga kamay na nakayakap ngayon sa akin. Paanong nakapasok ito sa kwartong ito?Ang alam ko ay ni- lock ko ang pintuan. Pero napangiti ako sa isiping kaya pala mahimbing akong makatulog ay dahil sa yakap ni Geoffrey. Parang biglang napalis ang galit at inis ko kanina.bAlas sais na pala ng gabi? Sinusubukan kong tanggalin ang mga braso niya sa bewang ko, pero isiniksik pa nito ang ulo niya sa leeg ko."Hmmmm.""Gerald... mag-magluluto muna ako.""Five minutes." Hindi ako makahinga ng maayos, buti nalang at nakata- likod ako sa kanya habang yakap niya. Ramdam ko yung maiinit niyang hininga sa aking leeg. Pakiramdam ko ay nanlalambot na ang mga tuhod ko. "Galit ka pa ba?" Ha? Ano ba yan! Hindi man lang ako makasagot! Sino bang makakasagot kung yakap niya ko at ramdam ko yung hininga niya sa batok ko? "Sorry." Nag-sorry ba talaga siya?"Gerald..."Ang totoo ay hindi mapakali si Gerald sa lab
Two months later.."Hon, may tumatawag! Pakisagot naman." Napapangiti pa rin ako tuwing tatawagin niya ako sa endearment namin. Kahit dalawang buwan na ang nakalipas simula ng aminin sakin ni Gerald na mahal niya ako pero heto at parang hindi pa rin ako makapaniwala. Parang kailan lang ay napakasungit nito sakin, pero ngayon lantaran na niyang ipinaparamdam sakin na mahalaga ako sa kanya napaka-sweet na nito.Lumipat na nga rin pala kami ng bahay. Ayaw ni Gerald pero ininsist ni Donya Marita na kailangan naming masanay na magkasama at matutunan ang buhay may asawa. Ayoko man ding iwan si Donya Marita, ang totoo ay napamahal na ito sakin pero dahil sinabi niya ay wala na kaming nagawa. Pero labis ang saya ko dahil simula ng bumukod kami ay mas naging sweet ito sakin. Palagi na nga lang ay inaaya niya kong mag-date. Lagi kaming namamasyal tuwing may pagkakataon. Ipinakilala na rin niya ako bilang asawa niya sa kanilang kompanya. Ang totoo ay napakasaya ko noon. Ibig sabihin ay ipinagmam
Malungkot akong pauwi ngayon sa bahay namin mula sa dating restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Gusto man daw niya akong tanggapin muli kaso ay nakahanap na daw sila ng kapalit ko.Bakit hindi? Halos tatlong buwan akong nawala, tapos ngayon ay babalik nalang ako ng biglaan. Bakit ba kasi hindi ko naisip ang mangyayari sa amin ni Papa after magising ng kakambal ko?Bigla ko tuloy naalala si Gerald. Kahit kailan yata ay hindi ko na siya malilimutan. Siya lang ang tanging lalaking minahal ko. Siya lang ang una at huling lalaking iibigin ko.una at huling lalaking iibigin ko.Nakarating ako sa bahay na nanlulumo. Paano ko ito sasabihin kay Papa?Mabuti pa'y huwag ko ng sabihing wala na akong babalikang trabaho. Baka magisip pa iyon kung saan kami kukuha ng panggastos sa araw-araw pati na ipambibili ng mga gamot niya. Bukas na bukas ay kailangan ko ng humanap ng ibang mapapasukan."Papa?" Tawag ko pero napakunot ang noo ko nang may mapansin. Teka bakit parang walang tao? "Papa?"Bakit ba ang
Tapos na yung pagpapanggap ko. Kasama niya na yung asawa niya. Hindi ko na maipararamdam yung pagmamahal ko sa kanya, kung alam ko lang na agad matatapos ang lahat ng ito, sana sinulit ko na ang mga panahong nasa tabi pa niya ako, sana ginawa ko ang lahat para maipakita sa kanya ang nararamdaman ko.Alam ko namang matatapos din lahat ito pero hindi ko inaasahan na biglaan nalang na kailangan ko ng umalis sa piling ng asawa ng kakambal ko.Ang sakit. Ang sakit-sakit na parang pinatay na rin ako...Bakit ba kailangang paglaruan kami ng tadhana? Bakit kailangan maaksidente ni Jessa? Tuloy ay kailangan ko pang magpanggap bilang siya, sana ay hindi kami nagkakilala ng asawa niya, sana'y hindi ko siya minahal.Tahimik ang buhay namin ni Papa noon. Masaya naman kami, pero ngayon, alam kong malaki ang magbabago. Ayokong umiyak gaya ng sabi ni Papa, ayokong umiyak sa harap niya. Kilala niya ako bilang matapang ayoko na rin na magalala pa siya sakin."Papa, okay nga lang po ako. Huwag niyo kong
"Sweety, teka nasasaktan ako—"Alam kong mahigpit na talaga ang pagkakahawak ko sa braso niya. Kita ko yung pag ngiwi niya. "Masasaktan ka talaga dahil hindi Ikaw ang asawa na minahal ko!""Ako ang asawa mo!""Sinungaling!""Ako si Jessa!""Oo ikaw nga si Jessica, halata naman dahil hindi tumitibok ang puso ko para sayo! Galit at inis! Yun ang nararamdaman ko noon hanggang ngayon sayo! Kilala ng puso ko ang babaeng mahal ko! At hindi ikaw yun! Nasaan siya, Jessa? Sino ba talaga siya!" Alam kong natakot si Jessa, pero galit na galit na talaga ako this time. Naiinis ako. Niloko nila ako."Ako ang asawa mo, kalimutan mo na ang babaeng yon!"Natigilan ako sa sinabi niya. So totoo nga? Magkaiba sila ng babaeng minahal ko...?"Nasaan siya..""Bakit pa? Ako ang asawa mo! Pangalan ko ang nakarehistro bilang asawa mo!""Fuck! Nasaan siya, Jessa?! Huwag mo akong galitin. Alam mo ang kaya kong gawin. At asawa? Well sorry dahil hindi legal ang kasal." "Anong...""Tama ang narinig mo. Buti nalang
Nagising akong mahigpit na nakayakap sakin si Gerald. Biglang nag-flashback sakin yung mga nang yari kagabi. Pakiramdam ko ay nag- init bigla yung mga pisngi ko pero napangiti in ako malaunan.We did it. Yes we did.Ramdam ko pa rin yung pagkirot ng pagkababae ko. Pero yun ang pinaka-magandang nangyari sakin. Masaya akong babauinin lahat ng masasayang ala-ala namin habang magkasama. Masaya ako na sa kanya ko iyon inalay. Sana lang ay hindi niya napansing siya ang aking una. Ayokong magka-problema sila ni Jessa kung malalaman nitong isa akong virgin, samantalang kilala niya ang kapatid ko na marami ng naging karanasan.Pero parehas naman kaming nakainom kagabi hindi ba? Sana lang talaga ay hindi niya na mapansin...Pinilit kong tanggalin ang pagkakayakap niya sakin, kailangan ko ng umalis. Mabuti nalang at mahimbing ang tulog niya. Makakaalis ako ng maaga upang mapalitan ako ni Jessa.Kinuha ko yung cellphone ko, at tinext ang kakambal ko. Sinabi kong pumunta na siya rito sa bahay nila
Hindi maintindihan ni Gerald ang ikinikilos ng asawa. Ang mga halik at yakap nito, ang mga salita nito ay parang namamaalam. Pero ipinagwalang bahala na lang niya dahil baka napaparanoid lang siya. Malaki na talaga ang pinagbago ng kanyang asawa at labis na ikinasisiya niya ito. Sa pananamit at pananalita. Sa ugali. Lahat ay binago nito para sa kanya. Sa loob ng halos tatlong buwan nilang pagsasama ay twina na lang na pinipigil niya ang kanyang sarili. Dahil magkatabi sila ay lagi na nagtitimpi siyang huwag itong galawin. Gusto niya kasi na matanggap na niyang tuluyan ang nakaraan nito. Masakit para sa kanya na hindi siya ang unang lalaki para dito. Na marami ng nauna para sa kanya. Pero kailangan niyang tanggapin dahil mahal na niya ito, malaki na ang pinagbago nito kaya nararapat lang siguro na tanggapin na niya ng lubusan ang nakaraan nito. Nung sinabi nito na kung maaring huwag na siyang pumasok bukas para masolo siya nito ay labis ang kasiyahan niya. Iniisip niyang posible kayang
Paglabas ko ng hospital ay agad akong dumeretso sa bahay. Tinawagan ko agad si Papa."Anak, gising na ang kapatid mo.""I know, Papa. Nagkausap na kami. At kailangan ko ng umalis bukas na bukas din sa piling ng asawa niya gusto na niyang bumalik.""Anak, pasensiya ka na. Alam kong mahal mo na si Gerald. Magulang ako kaya ramdam ko yun. Pero kailangan na nating umalis sa buhay nila.ako kaya ramdam ko yun. Pero kailangan na nating umalis sa buhay nila.""Papa, akala ko mahal ako ni Mama... Akala ko nagkataon lang lahat na nahanap niya ako, tayo! Pero hindi. Sa kanya na nanggaling. Ginamit niya lang ako dahil may makukuha silang pera dahil sa arrange marriage ni Jessa at ni Gerald."Sorry, anak... Sana ay hindi nalang din ako pumayag. Akala ko ay nagbago na Ang Mama mo... Ngayon ay ikaw ang labis na nasasaktan.""Isa pa si Jesssa. Parang hindi ko siya kapatid! Mahal ko siya Papa kaso parang kaaway ang tingin niya sakin!""Anak igayak mo na ang mga gamit mo. Bukas ay babalik na tayo sa ba
Pagkaalis ni Gerald ay agad akong gumayak. Papunta na ko ngayon sa ospital kung saan naka-confine ang kakambal ko. Kinakabahan ako. Ito ang unang beses na magkakaharap kami ng gising siya. Naabutan ko si Mama sa labas ng kwarto na kausap ang isang doctor."Mama...""Jessica, nandito ka na pala." Bumaling siya sa Doctor na kausap niya. "Doc, sige po salamat." Nung makaalis na ito ay muli akong"Kailan pa po siya nagising?" "Kanina lang. Alam na niya ang lahat dahil sinabi ko. Alam na niya na natuloy ang kasal sa tulong mo. Bukas ay maaari na siyang lumabas sabi ng doctor ay maganda ang responses niya, maganda din ang resulta ng mga test niya." Lalo akong nakaramdam ng lungkot. Hindi dahil magaling na ang kakambal ko, pero dahil huling araw ko na bukas sa piling ni Gerald."Pwede na po ba akong pumasok?""Oo sige hinihintay ka niya, kaaalis lang ng papa mo, nagkasalisi kayo." Pinihit ko yung pintuan at bumungad sakin ang kakambal kong nakaupo at nakasandal sa headboard ng hospital bed.
Two months later.."Hon, may tumatawag! Pakisagot naman." Napapangiti pa rin ako tuwing tatawagin niya ako sa endearment namin. Kahit dalawang buwan na ang nakalipas simula ng aminin sakin ni Gerald na mahal niya ako pero heto at parang hindi pa rin ako makapaniwala. Parang kailan lang ay napakasungit nito sakin, pero ngayon lantaran na niyang ipinaparamdam sakin na mahalaga ako sa kanya napaka-sweet na nito.Lumipat na nga rin pala kami ng bahay. Ayaw ni Gerald pero ininsist ni Donya Marita na kailangan naming masanay na magkasama at matutunan ang buhay may asawa. Ayoko man ding iwan si Donya Marita, ang totoo ay napamahal na ito sakin pero dahil sinabi niya ay wala na kaming nagawa. Pero labis ang saya ko dahil simula ng bumukod kami ay mas naging sweet ito sakin. Palagi na nga lang ay inaaya niya kong mag-date. Lagi kaming namamasyal tuwing may pagkakataon. Ipinakilala na rin niya ako bilang asawa niya sa kanilang kompanya. Ang totoo ay napakasaya ko noon. Ibig sabihin ay ipinagmam
Marahil ay sa sobrang pag-iyak ay nakatulog ako. Pero ang labis na nakakapagtaka ay may mabibigat na mga kamay na nakayakap ngayon sa akin. Paanong nakapasok ito sa kwartong ito?Ang alam ko ay ni- lock ko ang pintuan. Pero napangiti ako sa isiping kaya pala mahimbing akong makatulog ay dahil sa yakap ni Geoffrey. Parang biglang napalis ang galit at inis ko kanina.bAlas sais na pala ng gabi? Sinusubukan kong tanggalin ang mga braso niya sa bewang ko, pero isiniksik pa nito ang ulo niya sa leeg ko."Hmmmm.""Gerald... mag-magluluto muna ako.""Five minutes." Hindi ako makahinga ng maayos, buti nalang at nakata- likod ako sa kanya habang yakap niya. Ramdam ko yung maiinit niyang hininga sa aking leeg. Pakiramdam ko ay nanlalambot na ang mga tuhod ko. "Galit ka pa ba?" Ha? Ano ba yan! Hindi man lang ako makasagot! Sino bang makakasagot kung yakap niya ko at ramdam ko yung hininga niya sa batok ko? "Sorry." Nag-sorry ba talaga siya?"Gerald..."Ang totoo ay hindi mapakali si Gerald sa lab