Share

Chapter 4

Author: Yuri
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Sakay na kami ngayon ng sasakyan ni Gerald. Ano kaya ang tawag ni Jessa sa lalaking ito? Nakakailang naman kung tatawagin ko siyang hon? Babe? Bhe? Sweetheart?

Parang kinilabutan ako! Mas mainam pa sigurong Gerald nalang!

"Gerald, ibaba mo nalang ako sa mabini stree—"

Teka, may mali na naman ba kong nasabi? Bakit ganyan niya ako tingnan?

"Gerald?! At kailan mo pa ko tinawag sa pangalan ko?"

Patay, ano ba kasing tawagan nila, o mas tamang sabihing tawag ng kakambal ko sa kanya? Sa tingin ko ay hindi sweet si Gerald sa kanya dahil mukhang namumuhi pa ito sa kakambal ko.

Marami akong dapat itanong kay mama!

"Bakit, masama na bang tawagin ka sa pangalan mo?" Shete kinakabahan ako.

"Okay lang naman, mas okay nga. Nakakairita kasi kapag tinatawag mo kong sweet, sweety." Seryoso niyang sabi habang nakatutok sa daan.

Sweety? Ganun ka-corni ang kakambal ko?

Shit lahat naman kasi nagiging corni kapag in-love, yun ang sabi nila.

Hindi nalang ako kumibo.

"Anong gagawin mo sa mabini street?"

"May bibisitahin ako." Bigla nalang siyang pumreno ng malakas.

"Ano bang plano mo, Jessa? Bakit bigla-bigla parang ibang tao? Masyado kang maarte para dumalaw sa kahit sinong kamaganak o kaibigan mo! Nung minsang isinama kita sa reunion namin ay asar na asar ka! Nainis ka pa sa dami ng nakipagbeso sayo. Hindi ka ganyan kaya bakit bigla nalang pakiramdam ko ibang tao ka na? Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip mo!"

Oh shit, nakakahalata na ba siya?

Pero hindi, kailangang matuloy ang kasal ng kapatid ko!

Naninibago na talaga si Gerald ang totoo ay nagdududa na siya. Pero ang mas labis na ipinagtataka niya ay kung bakit ng halikan niya ito ay parang gusto niya ulit matikman ang mga labi nito. Gusto niya itong yakapin, gusto niya itong laging masdan.

Palagi na nga lang ay ninanakawan niya ito ng tingin ng hindi nito alam. Hindi niya alam pero parang biglang bumibilis ang tibok ng puso niya ngayong nasa tabi niya ito, at dahil yun sa halik na pinagsaluhan nila kanina. At yun ang labis na pinagtataka ni Gerald dahil kahit kailan ay hindi niya nagustuhan si Jessa galit pa nga siya rito dahil sa pananamantala sa kanyang lola. Galit din siya dito dahil isa itong klase ng babaeng hindi mo nanaising pakasalan kaya bakit ngayon ay parang umuukit ito ng damdamin sa puso niya? Kung ano man ang plano ng babaeng ito ay mukhang nagtatagumpay siya. Dahil ngayon ay mukhang nakukuha niya ang atensyon niya.

"Gerald, wala akong alam sa sinasabi mo may inutos lang sakin si Mama—"

"Really huh? lsa pa yan, sa sobrang spoiled brat mo walang kahit sinong tao na susundin mo kahit pa ang mama mo! Sanay kang ikaw ang pinagsisilbihan kaya bakit ngayon ay susunod ka sa utos ng kung sino man!" Ang totoo ay kay Mrs. Rivas ako, pupunta. Magpapaalam sana ako na hindi ko muna siya maaalagaan. Napamahal na siya sakin kaya nalulungkot talaga kong hindi ko na muna siya maalagaan.

Pero bakit hindi nasabi sakin ni Mama lahat ng ito?

Masyado kong nabibigla sa ugali ng kapatid ko. Akala ko ba ay walang masyadong alam si Gerald sa kakambal ko, pero bakit ngayon ay lahat nalang ay napuna nito?

Oh dahil sa galit siya kay Jessa ay ginagawa niya ang lahat ng ito umurong ako sa kasal. Pero pasensiya siya, mahal ko ang kapatid ko kahit ngayon ko lang siya nakita. Hindi ako gagawa ng kapalpakan para hindi matuloy ang kasal nila. Kahit ano pang dahilan ng kakambal ko, ang mahalaga ay sasaya siya paggising niya.

"Natigilan ka? Ano ba talagang plano mo?"

"Ano bang sinasabi mo? Nakakababa ba ng pagkatao na hindi ita pinapansin masyado ngayon? Masakit ba sa ego mo na parang wala kang epekto sakin? Nasasaktan ba ang pride mo na balewala ka ngayon sakin? Ikaw na ang nagsabi di ba? Magpapakasal lang tayo! Kasal sa papel!"

Sa inis ko ay naibulalas ko nalang lahat ng yun, natigilan siya, halatang nabigla siya sa mga sinabi ko. Ako man ay nabigla. Shit ako nga pala si Jessa, dapat ay maging sweet ako sa kanya gaya ng sinasabi niya, pero paano?

Naiinis ako sa mga depinisyon niya sa kakambal ko. Agad niyang pinaandar ang sasakyan ng mabilis.

"Teka, magpapakamatay ka ba?! Kung oo ikaw nalang huwag mo kong idamay, lagpas na ako sa pupuntahan ko!"

"Shut up!"

Nakakatakot yung pagkakasabi niya. Nanahimik nalang ako at pumikit. Naramdaman kong tumigil na sasakyan kaya unti-unti akong dumilat. Pero pagdilat ko, he kissed me!

Smack lang pero ang bilis ng tibok ng puso ko!

"Nakapikit ka kasi akala ko gusto mo ng balik?"

At nagwinked pa sakin sabay smile!

Bipolar ba siya? Kanina galit na galit siya tapos ngayon biglang parang naging sweet?

"Bumaba ka na, kakain tayo."

Bumaba ako kahit lutang ako. Hanggang ngayon ang lakas ng tibok ng puso ko. Halatang mamahalin ang restaurant na ito.

"Anong gusto mo?" tanong niya sakin.

Bakit bigla siyang naging sweet? Siya ata ang may binabalak!

"I-Ikaw na ang bahala..."

Dumating yung mga inorder niya at napakarami! May mga seafoods pang kasama! Favorite ko ang seafoods! Bigla tuloy akong natakam.

"Kumain ka na."

Dahil parang nagutom akong bigla ay kumain agad ako, medyo nailang na nga ako dahil nakatingin lang siya sakin.

"Bakit ayaw mo pang kumain?" Hindi na ako nakatiis, sino ba kasi ang gaganahang kumain kung sayo nakatingin?

Labis na ang pagtataka ni Gerald ay allergic si Jessa sa hipon. Pero bakit yun ang kinain niya? The last time na nakakain siya ng hipon ng hindi sinasadya, namantal ang buong katawan nito at na-confine pa sa ospital. Isa lang ang nasa isip ngayon ni Gerald.

May mali kay Jessa at kailangan niya yong malaman. Hindi na niya muna sinita si Jessa dahil kailangan niyang malaman ang totoo.

Related chapters

  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 5

    After akong ihatid ni Gerald sa bahay ay pumanik agad ako sa kwarto ni Jessa, agad kong hinanap si Mama pagkabihis ko. Marami akong gustong itanong tungkol sa kakambal ko. "Mama pwede ba tayong mag-usap?" "Oh, anak, nakauwi ka na pala? Hinatid ka ba ni Gerald?" "Ma, totoo ba lahat ng sinabi ni Gerald?" "Alin, anak?" Halatang parang natense si Mama dahil sa tanong ko. "Ma, parang malandi ang pagkakilala niya kay Jessa!" "Anak... Kasi si Jessa, ang kakambal mo ay totoong spoiled siya sakin. Laman siya ng bar gabi-gabi. Marami narin siyang nakasamang lalaki, alam lahat yun ni Gerald kaya ayaw niya sa kakambal mo. Pero si Jessa... mahal niya talaga si Gerald college days pa lang sila. Pero dahil kilala niya si Jessa bilang isang maarte, spoiled brat, at marami ng naging nobyo ay binalewala lang niya ang kapatid mo." "Ma, naman! Bakit hindi niyo sinabi agad? Muntik na akong mabuko kanina!" "Anak, natatakot kasi ako, baka umatras ka..." "Bakit? Saan ba kayo natatakot, Ma? Na hindi

    Last Updated : 2024-10-29
  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 6

    Nagsimula na ang kasal. Sila Mama at Papa ang naghatid sakin sa harap ng altar kung saan naghihintay ang mapapangasawa ng aking kakambal. God... Habang papalapit ako sa kanya ay hindi ko mapigilang mapaluha. Mali mang maramdaman pero na-miss ko ang lalaking ito. Halos mahigit dalawang linggo ko siyang hindi nakita. Napaka-gwapo niya sa suot niyang puting tuxedo. Siya na ata ang pinaka-gwapong groom na nakita ko. Napakaswerte ng aking kapatid. Maswerte siya to have Gerald. "Anak, bakit ka umiiyak?" Si Papa. Bumitaw ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko. "Anak, naman huwag kang umiyak... Hindi naman Ikaw ang totoong ikakasal," subway ni Mama. "Sorry po." I have decided na habang ako muna ang asawa ni Gerald ay gagawin ko ng tungkulin ng isang tunay na asawa. Kahit pa sungitan niya ako. Ginagawa ko rin naman ito para sa kapatid ko. Para kung sakaling gumising na si Jessa ay maganda na ang pakikitungo sa kanya ng asawa niya. Na aalis ako sa mansyon na maayos ang relasyon nilang dal

    Last Updated : 2024-10-29
  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 7

    "Jessica, tapatin mo nga ako?" Bakas sa boses ni Mama ang inis. "May gusto ka ba sa Gerald?" Bigla akong kinabahan. "Nahahalata kita, Jessica. The way you look at him alam kong gusto mo si Gerald. Baka nakakalimutan mong Substitute Bride ka lang? Tinutulungan mo ang kapatid mo kaya huwag naman sanang paggising niya ay wala na siyang asawang balikan."Alam ko naman yun. Alam ko namang pansamantala lang ako."Mama... mali po kayo ng inisip. Mali kayo ng napapansin dahil hindi ako kahit kailan magkakagusto sa lalaking yun," tanggi ko kaagad. "Hinding-hindi ko sasaktan ang kakambal ko. Kayo na ang nagsabi hindi ba? Dapat galingan ko ang pagpapanggap?""Mabuti ng malinaw sayo, anak. Ayoko lang na mahulog ka sa asawa ng kapatid mo ayoko lang din na masaktan ka.""Naiintindihan ko kayo at huwag kayong magalala. After magising ni Jessa ay babalik na sa dati ang lahat. Babalik na rin kami ni Papa sa bahay namin." Umalis na ako at iniwan si Mama.Nakakainis. Bakit pakiramdam ko mas mahal niya t

    Last Updated : 2024-10-29
  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 8

    Kinabukasan..Maaga pa lang ay gumising na ako, tulog pa rin si Gerald ng iwan ko. Kahit maraming kasambahay sa mansion ni Donya Marita ay gusto kong ako mismo ang magasikaso sa mga pangangailangan ng 'asawa ko' hindi naman masamang mag- assume hindi ba? Ako pa naman ang asawa niya ngayon di ba?Nagpapanggap ako oo, pero hindi pagpapanggap ang nararamdaman ko. Nakita kong bihis na bihis na siya ng bumaba, napaka-gwapo niya sa suot niyang amerikana."Gerald, kain ka muna." Pero tiningnanlang ako. Cold. Napaka-lamig ng tinging ipinukol niya sakin. "Ah nagluto ako. Tikman mo naman kahit kaunti." Ano bang itsura ko ngayon? Bakit kung tingnan niya ko ay parang hindi mo maaarok?"Jessa, ano bang laro ang niluluto mo? At kailan ka pa natutong magluto? Kahit ano pang plano mo hindi magtatagumpay! Magpapa- annul tayo after five years!At hindi magbabago ang desisyon kong yun!" Pagkasabi non ay bigla nalang niya akong iniwang tulala ngayon. Anong magpapa-annul after five years? Bakit wala akong

    Last Updated : 2024-10-29
  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 9

    Bumangon akong may malapad na ngiti sa mga labi. Bukod sa maganda ang huli naming conversation kagabi. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Paggising ko kasi ay nakayakap sakin si Gerald. Feeling ko ay ngayon pa lang ako nagdadalaga. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Kung hindi lang namin dadalavwin sila papa ay hindi pa ako babangon.Nagtungo na ko sa banyo, mamaya ko na siya gigisingin mukhang pagod na pagod siya sa trabaho. Habang naliligo ay napapahimig pa ko sa saya. Sana ito na ang umpisa ng masaya naming pagsasama. Pero agad ding napalis ang nararamdaman ko. Oo nga pala isa lang akong SUBSTITUTE. Substitute bride at isang substitute wife. Pero napagdesisyunan ko na. Pagsisilbihan ko siya, mamahalin at aalagaan hanggat ako pa ang asawa niya. Para rin naman ito sa kapatid ko di ba? Para rin sa kanya ito. Tapos na akong maligo ng maisip kong wala akong dalang tuwalya. Paano ako lalabas?Sumilip muna ako sa kwarto. Tamang-tama, tulog pa siya. Dahan-dahan a

    Last Updated : 2024-10-29
  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 10

    Marahil ay sa sobrang pag-iyak ay nakatulog ako. Pero ang labis na nakakapagtaka ay may mabibigat na mga kamay na nakayakap ngayon sa akin. Paanong nakapasok ito sa kwartong ito?Ang alam ko ay ni- lock ko ang pintuan. Pero napangiti ako sa isiping kaya pala mahimbing akong makatulog ay dahil sa yakap ni Geoffrey. Parang biglang napalis ang galit at inis ko kanina.bAlas sais na pala ng gabi? Sinusubukan kong tanggalin ang mga braso niya sa bewang ko, pero isiniksik pa nito ang ulo niya sa leeg ko."Hmmmm.""Gerald... mag-magluluto muna ako.""Five minutes." Hindi ako makahinga ng maayos, buti nalang at nakata- likod ako sa kanya habang yakap niya. Ramdam ko yung maiinit niyang hininga sa aking leeg. Pakiramdam ko ay nanlalambot na ang mga tuhod ko. "Galit ka pa ba?" Ha? Ano ba yan! Hindi man lang ako makasagot! Sino bang makakasagot kung yakap niya ko at ramdam ko yung hininga niya sa batok ko? "Sorry." Nag-sorry ba talaga siya?"Gerald..."Ang totoo ay hindi mapakali si Gerald sa lab

    Last Updated : 2024-10-29
  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 11

    Two months later.."Hon, may tumatawag! Pakisagot naman." Napapangiti pa rin ako tuwing tatawagin niya ako sa endearment namin. Kahit dalawang buwan na ang nakalipas simula ng aminin sakin ni Gerald na mahal niya ako pero heto at parang hindi pa rin ako makapaniwala. Parang kailan lang ay napakasungit nito sakin, pero ngayon lantaran na niyang ipinaparamdam sakin na mahalaga ako sa kanya napaka-sweet na nito.Lumipat na nga rin pala kami ng bahay. Ayaw ni Gerald pero ininsist ni Donya Marita na kailangan naming masanay na magkasama at matutunan ang buhay may asawa. Ayoko man ding iwan si Donya Marita, ang totoo ay napamahal na ito sakin pero dahil sinabi niya ay wala na kaming nagawa. Pero labis ang saya ko dahil simula ng bumukod kami ay mas naging sweet ito sakin. Palagi na nga lang ay inaaya niya kong mag-date. Lagi kaming namamasyal tuwing may pagkakataon. Ipinakilala na rin niya ako bilang asawa niya sa kanilang kompanya. Ang totoo ay napakasaya ko noon. Ibig sabihin ay ipinagmam

    Last Updated : 2024-10-29
  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 12

    Pagkaalis ni Gerald ay agad akong gumayak. Papunta na ko ngayon sa ospital kung saan naka-confine ang kakambal ko. Kinakabahan ako. Ito ang unang beses na magkakaharap kami ng gising siya. Naabutan ko si Mama sa labas ng kwarto na kausap ang isang doctor."Mama...""Jessica, nandito ka na pala." Bumaling siya sa Doctor na kausap niya. "Doc, sige po salamat." Nung makaalis na ito ay muli akong"Kailan pa po siya nagising?" "Kanina lang. Alam na niya ang lahat dahil sinabi ko. Alam na niya na natuloy ang kasal sa tulong mo. Bukas ay maaari na siyang lumabas sabi ng doctor ay maganda ang responses niya, maganda din ang resulta ng mga test niya." Lalo akong nakaramdam ng lungkot. Hindi dahil magaling na ang kakambal ko, pero dahil huling araw ko na bukas sa piling ni Gerald."Pwede na po ba akong pumasok?""Oo sige hinihintay ka niya, kaaalis lang ng papa mo, nagkasalisi kayo." Pinihit ko yung pintuan at bumungad sakin ang kakambal kong nakaupo at nakasandal sa headboard ng hospital bed.

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 18

    Malungkot akong pauwi ngayon sa bahay namin mula sa dating restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Gusto man daw niya akong tanggapin muli kaso ay nakahanap na daw sila ng kapalit ko.Bakit hindi? Halos tatlong buwan akong nawala, tapos ngayon ay babalik nalang ako ng biglaan. Bakit ba kasi hindi ko naisip ang mangyayari sa amin ni Papa after magising ng kakambal ko?Bigla ko tuloy naalala si Gerald. Kahit kailan yata ay hindi ko na siya malilimutan. Siya lang ang tanging lalaking minahal ko. Siya lang ang una at huling lalaking iibigin ko.una at huling lalaking iibigin ko.Nakarating ako sa bahay na nanlulumo. Paano ko ito sasabihin kay Papa?Mabuti pa'y huwag ko ng sabihing wala na akong babalikang trabaho. Baka magisip pa iyon kung saan kami kukuha ng panggastos sa araw-araw pati na ipambibili ng mga gamot niya. Bukas na bukas ay kailangan ko ng humanap ng ibang mapapasukan."Papa?" Tawag ko pero napakunot ang noo ko nang may mapansin. Teka bakit parang walang tao? "Papa?"Bakit ba ang

  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 17

    Tapos na yung pagpapanggap ko. Kasama niya na yung asawa niya. Hindi ko na maipararamdam yung pagmamahal ko sa kanya, kung alam ko lang na agad matatapos ang lahat ng ito, sana sinulit ko na ang mga panahong nasa tabi pa niya ako, sana ginawa ko ang lahat para maipakita sa kanya ang nararamdaman ko.Alam ko namang matatapos din lahat ito pero hindi ko inaasahan na biglaan nalang na kailangan ko ng umalis sa piling ng asawa ng kakambal ko.Ang sakit. Ang sakit-sakit na parang pinatay na rin ako...Bakit ba kailangang paglaruan kami ng tadhana? Bakit kailangan maaksidente ni Jessa? Tuloy ay kailangan ko pang magpanggap bilang siya, sana ay hindi kami nagkakilala ng asawa niya, sana'y hindi ko siya minahal.Tahimik ang buhay namin ni Papa noon. Masaya naman kami, pero ngayon, alam kong malaki ang magbabago. Ayokong umiyak gaya ng sabi ni Papa, ayokong umiyak sa harap niya. Kilala niya ako bilang matapang ayoko na rin na magalala pa siya sakin."Papa, okay nga lang po ako. Huwag niyo kong

  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 16

    "Sweety, teka nasasaktan ako—"Alam kong mahigpit na talaga ang pagkakahawak ko sa braso niya. Kita ko yung pag ngiwi niya. "Masasaktan ka talaga dahil hindi Ikaw ang asawa na minahal ko!""Ako ang asawa mo!""Sinungaling!""Ako si Jessa!""Oo ikaw nga si Jessica, halata naman dahil hindi tumitibok ang puso ko para sayo! Galit at inis! Yun ang nararamdaman ko noon hanggang ngayon sayo! Kilala ng puso ko ang babaeng mahal ko! At hindi ikaw yun! Nasaan siya, Jessa? Sino ba talaga siya!" Alam kong natakot si Jessa, pero galit na galit na talaga ako this time. Naiinis ako. Niloko nila ako."Ako ang asawa mo, kalimutan mo na ang babaeng yon!"Natigilan ako sa sinabi niya. So totoo nga? Magkaiba sila ng babaeng minahal ko...?"Nasaan siya..""Bakit pa? Ako ang asawa mo! Pangalan ko ang nakarehistro bilang asawa mo!""Fuck! Nasaan siya, Jessa?! Huwag mo akong galitin. Alam mo ang kaya kong gawin. At asawa? Well sorry dahil hindi legal ang kasal." "Anong...""Tama ang narinig mo. Buti nalang

  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 15

    Nagising akong mahigpit na nakayakap sakin si Gerald. Biglang nag-flashback sakin yung mga nang yari kagabi. Pakiramdam ko ay nag- init bigla yung mga pisngi ko pero napangiti in ako malaunan.We did it. Yes we did.Ramdam ko pa rin yung pagkirot ng pagkababae ko. Pero yun ang pinaka-magandang nangyari sakin. Masaya akong babauinin lahat ng masasayang ala-ala namin habang magkasama. Masaya ako na sa kanya ko iyon inalay. Sana lang ay hindi niya napansing siya ang aking una. Ayokong magka-problema sila ni Jessa kung malalaman nitong isa akong virgin, samantalang kilala niya ang kapatid ko na marami ng naging karanasan.Pero parehas naman kaming nakainom kagabi hindi ba? Sana lang talaga ay hindi niya na mapansin...Pinilit kong tanggalin ang pagkakayakap niya sakin, kailangan ko ng umalis. Mabuti nalang at mahimbing ang tulog niya. Makakaalis ako ng maaga upang mapalitan ako ni Jessa.Kinuha ko yung cellphone ko, at tinext ang kakambal ko. Sinabi kong pumunta na siya rito sa bahay nila

  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 14

    Hindi maintindihan ni Gerald ang ikinikilos ng asawa. Ang mga halik at yakap nito, ang mga salita nito ay parang namamaalam. Pero ipinagwalang bahala na lang niya dahil baka napaparanoid lang siya. Malaki na talaga ang pinagbago ng kanyang asawa at labis na ikinasisiya niya ito. Sa pananamit at pananalita. Sa ugali. Lahat ay binago nito para sa kanya. Sa loob ng halos tatlong buwan nilang pagsasama ay twina na lang na pinipigil niya ang kanyang sarili. Dahil magkatabi sila ay lagi na nagtitimpi siyang huwag itong galawin. Gusto niya kasi na matanggap na niyang tuluyan ang nakaraan nito. Masakit para sa kanya na hindi siya ang unang lalaki para dito. Na marami ng nauna para sa kanya. Pero kailangan niyang tanggapin dahil mahal na niya ito, malaki na ang pinagbago nito kaya nararapat lang siguro na tanggapin na niya ng lubusan ang nakaraan nito. Nung sinabi nito na kung maaring huwag na siyang pumasok bukas para masolo siya nito ay labis ang kasiyahan niya. Iniisip niyang posible kayang

  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 13

    Paglabas ko ng hospital ay agad akong dumeretso sa bahay. Tinawagan ko agad si Papa."Anak, gising na ang kapatid mo.""I know, Papa. Nagkausap na kami. At kailangan ko ng umalis bukas na bukas din sa piling ng asawa niya gusto na niyang bumalik.""Anak, pasensiya ka na. Alam kong mahal mo na si Gerald. Magulang ako kaya ramdam ko yun. Pero kailangan na nating umalis sa buhay nila.ako kaya ramdam ko yun. Pero kailangan na nating umalis sa buhay nila.""Papa, akala ko mahal ako ni Mama... Akala ko nagkataon lang lahat na nahanap niya ako, tayo! Pero hindi. Sa kanya na nanggaling. Ginamit niya lang ako dahil may makukuha silang pera dahil sa arrange marriage ni Jessa at ni Gerald."Sorry, anak... Sana ay hindi nalang din ako pumayag. Akala ko ay nagbago na Ang Mama mo... Ngayon ay ikaw ang labis na nasasaktan.""Isa pa si Jesssa. Parang hindi ko siya kapatid! Mahal ko siya Papa kaso parang kaaway ang tingin niya sakin!""Anak igayak mo na ang mga gamit mo. Bukas ay babalik na tayo sa ba

  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 12

    Pagkaalis ni Gerald ay agad akong gumayak. Papunta na ko ngayon sa ospital kung saan naka-confine ang kakambal ko. Kinakabahan ako. Ito ang unang beses na magkakaharap kami ng gising siya. Naabutan ko si Mama sa labas ng kwarto na kausap ang isang doctor."Mama...""Jessica, nandito ka na pala." Bumaling siya sa Doctor na kausap niya. "Doc, sige po salamat." Nung makaalis na ito ay muli akong"Kailan pa po siya nagising?" "Kanina lang. Alam na niya ang lahat dahil sinabi ko. Alam na niya na natuloy ang kasal sa tulong mo. Bukas ay maaari na siyang lumabas sabi ng doctor ay maganda ang responses niya, maganda din ang resulta ng mga test niya." Lalo akong nakaramdam ng lungkot. Hindi dahil magaling na ang kakambal ko, pero dahil huling araw ko na bukas sa piling ni Gerald."Pwede na po ba akong pumasok?""Oo sige hinihintay ka niya, kaaalis lang ng papa mo, nagkasalisi kayo." Pinihit ko yung pintuan at bumungad sakin ang kakambal kong nakaupo at nakasandal sa headboard ng hospital bed.

  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 11

    Two months later.."Hon, may tumatawag! Pakisagot naman." Napapangiti pa rin ako tuwing tatawagin niya ako sa endearment namin. Kahit dalawang buwan na ang nakalipas simula ng aminin sakin ni Gerald na mahal niya ako pero heto at parang hindi pa rin ako makapaniwala. Parang kailan lang ay napakasungit nito sakin, pero ngayon lantaran na niyang ipinaparamdam sakin na mahalaga ako sa kanya napaka-sweet na nito.Lumipat na nga rin pala kami ng bahay. Ayaw ni Gerald pero ininsist ni Donya Marita na kailangan naming masanay na magkasama at matutunan ang buhay may asawa. Ayoko man ding iwan si Donya Marita, ang totoo ay napamahal na ito sakin pero dahil sinabi niya ay wala na kaming nagawa. Pero labis ang saya ko dahil simula ng bumukod kami ay mas naging sweet ito sakin. Palagi na nga lang ay inaaya niya kong mag-date. Lagi kaming namamasyal tuwing may pagkakataon. Ipinakilala na rin niya ako bilang asawa niya sa kanilang kompanya. Ang totoo ay napakasaya ko noon. Ibig sabihin ay ipinagmam

  • Substitute Bride for Brother In-law   Chapter 10

    Marahil ay sa sobrang pag-iyak ay nakatulog ako. Pero ang labis na nakakapagtaka ay may mabibigat na mga kamay na nakayakap ngayon sa akin. Paanong nakapasok ito sa kwartong ito?Ang alam ko ay ni- lock ko ang pintuan. Pero napangiti ako sa isiping kaya pala mahimbing akong makatulog ay dahil sa yakap ni Geoffrey. Parang biglang napalis ang galit at inis ko kanina.bAlas sais na pala ng gabi? Sinusubukan kong tanggalin ang mga braso niya sa bewang ko, pero isiniksik pa nito ang ulo niya sa leeg ko."Hmmmm.""Gerald... mag-magluluto muna ako.""Five minutes." Hindi ako makahinga ng maayos, buti nalang at nakata- likod ako sa kanya habang yakap niya. Ramdam ko yung maiinit niyang hininga sa aking leeg. Pakiramdam ko ay nanlalambot na ang mga tuhod ko. "Galit ka pa ba?" Ha? Ano ba yan! Hindi man lang ako makasagot! Sino bang makakasagot kung yakap niya ko at ramdam ko yung hininga niya sa batok ko? "Sorry." Nag-sorry ba talaga siya?"Gerald..."Ang totoo ay hindi mapakali si Gerald sa lab

DMCA.com Protection Status