Share

Chapter 3

KUYA RENZ’ POV

"NASA principal's office pa ‘ko, ma'am. I'll be there in a minute!" hinihingal kong saad. Wrong timing naman itong alaga ko, nasa r***k na kami ng honey bunch sugar babe ko. Nakahawak ang isang kamay ko sa phone habang ang isang kamay ay sa bibig sa lalabs ko.

“Mamatay, Kuya Renz? In a minute?” kinantyawan pa ‘ko ng alaga ko. 

"Sampu, ma'am, sampu! Ayokong umiyak ka kapag mamamatay ako, ‘tong batang ‘to!" Tinawanan niya lang ako.

“Bilisan mo, Kuya Renz, basa na ‘ko.”

"Kami rin, ma'am."

“Po?”

"Sige, ma'am, papapak muna ko ng mani."

“Ewan ko sa ‘yo, Kuya Renz! Bye.”

Pagkawala nito sa screen ay basta ko na lamang hinagis ang phone sa ibabaw ng lamesa ni honey bunch sugar babe. Napatingin ako sa kanya sabay kagat ng pang-ibabang labi ko habang gumiling-giling siya sa ibabaw ko.

Nilipat ko ang aking magkabilang kamay sa pagitan ng baywang niya at tinulungan siyang magtaas-baba sa kahabaan ko. She's naked while I was still in my uniform but nothing under, upang presentable pa rin tingnan kung sakaling tumawag ang alaga ko lalo na ang mga magulang niya. Oo, lagi siyang tsinetsek ng magulang niya pero 'yong loyalty ko na kay Ma'am Era. Mabait kasi na bata, naawa rin ako dahil kulang sa pansin sa sariling mga magulang.

"Ah! Ah! Ah! Oh! Oh! Hmpt! Ang sarap mo talaga honey bunch sugar babe ko!" sunod-sunod na ungol niya. Halos mabaliw na si honey bunch sugar babe ko, parehong malapit na naming marating ang dulo. Dumoble ang bilis nito sa pagtaas-baba sa ibabaw ko. Ang b****a ko ay nag-wave-wave sa lakas niyang umindayog. Ang dalawa niyang masaganang dibdib ay tumatalbog. Ang upuan niya lumalangitngit ngunit kampante akong kakapit ito katulad ng relasyon naming dalawa. Sa dalawang taon na pagsasama namin ay naging eksperto na siyang paligayahin ako. Parang kailan lang noong nahirapan akong kunin ang virginity niya dahil napakasikip, ngayon siya na nagmamaneho.

Nagpatuloy siya sa pagtaas-baba. Ang isang kamay nito'y nasa balikat ko habang ang isa'y nasa tuhod ko. Nilagay ko sa likod niya ang isa kong kamay sabay  hapit sa kanya palapit sa akin. Dinilaan ko ang isang korona nito habang nilalaro naman ng isa kong kamay ang isa pa. 

Nang maramdaman kong malapit na ‘ko ay tumayo ako habang karga-karga ko siya. I switched our positions. Pinaupo ko siya sa kanyang swivel chair, hinugot ko ang akin, nilagay ko sa magkabila kong balikat ang dalawang binti nito sabay kain ko sa kanya habang nilalaro ng daliri ko ang cl*t niya. "Ah! Shesh! Honey bunch sugar babe ko, ahh!" Nakailang papak pa lang ako, sumabog na siya. 

Pagkatapos niya ay tinulungan niya rin akong makaraos gamit ang kamay niya. Kailangan kong magkontrol dahil ayaw pa niyang magkapamilya dahil may isa pa siyang kapatid na pinapatapos na nasa huling baitang na sa kolehiyo. 

Hinatid ko muna ang honey bunch sugar babe ko sa kanila bago sinundo ang alaga ko. 

Basta ko na lamang inihinto sa daan ang sasakyan nang makita na sapilitang  hinihila  ng isang lalaki sa braso si Ma'am Era. Nasa labas sila ng gate nang dinaluhan niyang house party. Pamilyar sa akin ang mukha, naging jowa niya ‘to. Kay bilis kong bumaba, kumuyom ang kamao ko, kantihin na lahat ‘wag lang ang mabait kong alaga . Kay laki ng hakbang ko at sinugod 'yong lalaki. Nang makalapit ay agad ko itong sinuntok sa mukha. Sumadsad ito sa lupa, hinila ko si Ma'am Era at tinago sa likuran ko. 

"Gago ka, ah!" 

Nang 'di na ito nanlaban pa ay giniya ko na pasakay si Ma'am Era sa loob ng kotse at humarurot na kami paalis ng lugar.

"Patawad, ma'am."

"It's not your fault, Kuya Renz, and you just came on time. Exactly ten minutes. Don't worry, I'm okay. 

ERA’S POV

KATATAPOS ko lang magbihis nang makarinig ako ng katok sa labas ng aking pintuan. Kasalukuyang nakaupo ako sa harap ng aking vanity table habang bino-blow dry ang blonde at mahaba kong buhok. I turned off my blower so I could hear the person from outside.

"Who's that?" sigaw ko.

"Ma'am, si Luz po. Pinatatawag po kayo ni Sir sa kanyang opisina po, ma'am." I rolled my eyes as I heard what she said. Malamang dahil ito sa binili kong bag. 

"Okay, bababa ako in five minutes!" muli kong sigaw. 

"Ngayon na raw po, ma'am. Sisisantihin po ako kapag 'di ko kayo mapababa sa loob ng isang minuto." Naawa naman ako sa boses ni Luz. Salbahe ako, ngunit sa mga magulang ko lang at hindi sa mga taong nag-aasikaso sa akin sa pang-araw-araw. Inis na napabuga ako ng hangin sa dibdib.

"Okay, fine! I'll go out now." 

"Salamat po, ma'am." 

Kahit hindi pa totally dry ang hair ko ay napilitan akong bumaba upang puntahan ang opisina ni Daddy. I knew him, kapag may binitiwan siyang salita—lalo na ‘pag galit—ay talagang tototohanin niya. Wala naman kasi siyang puso sa mga kasama namin sa bahay dahil panay alis nila ni Mommy kaya hindi siya manghihinayang na mangsisante ng tauhan. Sa akin lang naman sila mahalaga dahil mas may malasakit pa sila sa akin kaysa sa mga magulang ko. 

Nakatatlong katok ako bago ko narinig ang boses ni Daddy sa loob upang papasukin ako. 

Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Agad na bumungad sa akin ang biyernes santong mukha ng mga magulang ko pagpasok ko sa loob ng opisina. Si Daddy ay nakaupo sa kanyang swivel chair habang si Mommy ay nasa gilid niya—nakaupo sa armchair, ang sweet.  Kay riin ng mga titig nila sa akin, si Daddy ay nakasalubong ang magkabilang kilay. 

Dire-diretso lang ang pasok ko, ramdam ko ang bigat ng enerhiya sa paligid ngunit pinagsawalang-bahala ko. 

Naupo ako sa isang silya sa harapan ng desk ni Daddy. Tinaas ko ang aking kamay at tinignan ang mga kuko ko, kailangan ko nang magpalinis ulit. May damage na ang isa sa mga daliri ko. I diverted my attention to my nails. 

"You spent six hundred thousand pesos for just a day," panimula ni Daddy. Tama nga ang hula ko. Kalmado pa ang boses nito. 

"Why make it a big deal when you're making millions everyday? Kung tutuusin, sentimo lang ‘yan kumpara sa kita n'yo, ‘di ba?" saad ko na 'di sila sinulyapan man lang.

"You have no idea what you're talking about!" Unti-unti nang tumataas ang boses ni Daddy.

"Bakit? Naghihirap na ba tayo? Kung mali pala ako, ano’ng ginagawa n'yo sa gano’n? Lagi kayong wala sa bahay, anak n'yo 'di n'yo maalagaan, para lang pala sa kaunting halaga? 'Di n'yo na nga maibigay ang oras n'yo sa akin, tapos 'yong kaunting halaga ay ipagdadamot n'yo pa?"

"Kaunting halaga? It was more than half a million! Do you know how hard it is to earn that money? Oh, God, Melania! You're unbelievable! Wala ka na ba talagang awa sa amin ng daddy mo? Nagbabanat kami ng buto pero ikaw! Nilulustay mo lang ang mga pinaghirapan namin!" patuloy ni Mommy.

"Wala ka na bang ibang idudulot sa amin kung hindi sakit sa ulo?" sabat ni Daddy.

"At least ngayon nasa ulo n'yo na ako, kailan naman ako papasok sa mga puso n'yo?" Ginalaw ko ang mga mata upang ibaling ang tingin sa kanila. I raised my brow. Nakita ko ang pagtiim-bagang ni Daddy at pag-awang ng mga bibig ni Mommy. "Buying all I want from your money is the only way I could feel that I am connected with you, with the both of you. Na masasabi kong magulang ko pa rin kayo.  Na okay lang kahit ‘wag n'yo na ‘kong alagaan, ‘wag n'yo na ‘kong mahalin, ‘wag n'yo na ‘kong pansinin, ‘wag n'yo na ‘kong alalahanin dahil naibibigay n'yo naman lahat ng kailangan ko. Lahat ng gusto ko, pero kung pati ito ay 'di n'yo maibigay, ano pa ang silbi n'yo bilang magulang ko—" 'Di ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang inabot ako ng sampal ni Daddy sa kaliwang pisngi ko. Sa lakas ng impact ay tumabingi ang mukha ko. Naramdaman ko rin ang pag-iinit ng bahaging nasaktan ni Daddy. Sa hapdi ay agad bumaling ang luha ko sa gilid ng mga mata ko, ngunit pinipigilan ko lang ang sariling ‘wag umiyak. 

Sapo ang kaliwang pisngi ko, napatingin ako kay Daddy. Napatayo silang dalawa mula sa swivel chair. Nanginginig na dinuro ako ni Daddy.

"Wala kang utang na loob! Ang kapal ng mukha mo!  Lahat ng ginagawa namin ay para sa ‘yo. Ikaw ang makikinabang ng lahat ng ‘to in the future. Nagpapakahirap kami ng mommy mo para maibigay lahat ng gusto mo, pero utang na loob! ‘Wag namang sobra-sobra! Pinipilit kitang intindihin dahil alam ko na may pagkukulang din kami bilang magulang mo!" I couldn't stop my tears from falling as his voice broke.

"Sweetheart . . ." alo sa kanya ni Mommy. 

"Nilunok ko lahat ng kawalang respeto mo sa amin dahil tama ka, wala kaming oras sa 'yo kaya hinahayaan ka namin! Pero sobra ka na! Sumosobra ka na! Kung 'di mo kami kayang irespeto bilang magulang mo, kahit bilang mga tao na lang na nagpapakahirap mabigyan ka lang ng magandang kinabukasan!" For the first time, I saw my dad crying. Nahabag ang puso ko pero ang peklat na inukit nilang pareho sa puso ko, sobrang laki, na nagpanatili sa akin maging matapang sa kanila.  "We're doing this for you. Why is it so hard for you to understand that?" patuloy nito sa mababang boses.

"And why is it hard for the both of you to understand that I need you more than your wealth?" Panay ang agos ng mga luha ko, sapo ko pa rin ang aking kaliwang pisngi. "I was once a good child, hoping you could see my worth, but none of you saw it. You made me like this! You brought out the monster in me! So, deal with it!"

Basta na lamang akong tumayo at iniwan sila, narinig ko ang pagtawag ni Mommy ngunit 'di ko na sila nilingon pang muli at basta ko na lamang nilisan ang opisina ni Daddy. 

I never changed. I became worse. Siguro nagsawa na kasisita ang mga magulang ko sa akin kaya hinayaan na lamang nila ako. 

Until my graduation came. 

Daddy announced that I was already in an arranged marriage with one of the sons of his business associates. 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Maribelle Anstua
mahirap din Pla Mag mayaman Dapat Marunong Din Sila mag hati nag Oras nila para sa mnga anak nila
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
wawa ka naman era di bale magkaka jowa kana ikakasal ka pa sa hot and yummy.........
goodnovel comment avatar
Emma Dancel
Hayys, ang lagi problem ng mga mayayaman wala ng time sa anak lagi iniisip future..Hayys..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status