Share

Chapter 4

ERA’S POV

“NO, Dad! I am only twenty-one years old for Pete’s sake!” Napatayo ako bigla mula sa kinauupuan ko sa harap ng desk ni Daddy nang ipaalam niya sa akin na pinagkasundo niya akong ipakasal sa isa sa anak ng kasosyo niya sa negosyo. “Bakit atat na atat kayong ipakasal ako? O baka atat na atat  kayong mawala ako sa pamamahay na ‘to—”

“Melania, hindi!” Nalipat ang tingin ko kay Mommy na nakatayo sa gilid ni Daddy.

“Hindi nga ba, ha? Mommy? Daddy?” Tiningnan ko ulit si Daddy na kampanteng nakaupo sa kanyang swivel chair. We’re inside daddy’s office in our mansion. Nalipat muli ang tingin ko kay Mommy. “Aminin n'yo na, ‘my! Sobrang sakit ko na sa ulo kaya ang dali ninyong ipamigay ako.” 

 “Gusto lang namin ng daddy mo na mapupunta ka sa tamang tao. Me and your dad, we’re not getting any younger. May karamdaman na rin kami, nag-aalala lang kami sa 'yo—”

“Nag-alala sa akin? O baka nag-alala kayo sa pera n'yong ilulustay ko? Sa negosyo n'yong ‘di ko kayang pamahalaan? You haven’t tried what I am capable of but you’re already judging me! Mga magulang ko kayo, dapat alam n'yo ang kaya kong gawin!”

“My decision is final. If you disobey me, I will take everything from you.”

"Go ahead! I don't f*cking care!" 

"Don't try my patience, Melania!"

"Akala n'yo matatakot n'yo ‘ko? Go ahead!"

"Okay! Madali akong kausap, anak. I’ll start with your Manang Diding and with your Kuya Renz." Napatigil ako bigla nang marinig ang mga pangalan ng taong sobrang importante sa akin. "I'm gonna fire the ones so dear to you one by one until there's no one left for you. Sa bawat suway mo sa mga utos ko, asahan mong isa sa kanila ang mawawala sa 'yo." Napatitig ako kay Daddy, nakipagsubukan ito ng tingin sa akin—nakikipagtigasan. He really meant every word he said. He was serious, very authoritative. Manang Diding, Kuya Renz, and the rest of the house helpers are all that I have. Paano na lamang ako kung lahat sila mawala sa akin? Isa pa, narinig ko magkokolehiyo na ang dalawa sa mga anak ni Manang Diding at siya lang ang inaasahan ng pamilya niya. Kaya ko bang sikmurain na tanggalan ng pag-asang makapag-aral ang mga ito dahil sa pagiging makasarili ko? And Kuya Renz, kasasabi niya lang sa akin na sa susunod na taon ay magpapakasal na sila ni Ms. Lamicday. Kay tagal niyang hinintay ang pagkakataon na sa wakas ay maiharap niya ito sa altar at kahit 'di niya sabihin ay alam kong nag-iipon ito upang mabigay ang kasal na gusto ng mahal nito. Si Luz, may sakit ang ama nito sa probinsya at siya lang din ang inaasahan para sa pagpapagamot nito.

“You’re being so unfair.” Nangilid ang luha ko habang isa-isa kong iniisip ang mga posibilidad kung sakaling suwayin ko si Daddy. "You just prove how much of a failure you are as parents!" I smirked kasabay ang pagbagsak ng luha ko mula sa mga mata ko. Nasaktan man niya ako ay alam kong mas nasaktan ko ang damdamin niya bilang ama sa sinabi ko. Ebidensya ang pagdaan ng pait sa mga mata niya mula sa binitiwan kong mga salita at ang pagtiim ng mga bagang niya habang mariing nakatitig sa akin. 'Di rin nakaligtas sa mga mata ko ang pagkuyom ng mga kamao niya.

"Melania—" Mom was about to yell at me, but Daddy abruptly stopped her.

“‘Di ba sabi mo, we haven’t tried what you’re capable of? Then start from scratch, darling. No credit cards; no car; no nanny; no bodyguards. Go find a job of your own. Graduate ka na, may puhunan ka na. Or you can sell your collections of your expensive bags and shoes to start your business dahil kahit piso hindi kita bibigyan. Diskarte mo ang tinitingnan natin dito, if you really are capable of running the business. Let's see how a tourism graduate can run a business.” Tatay ko ba talaga siya? Bakit ang liit ng tingin niya sa akin, ako na anak niya?

“Why can't you just trust me? It’s just so unfair! Anak n'yo ba talaga ako?”

“Ang trust hindi basta-basta ibinibigay, you need to work hard for it. Saan mo gustong magsimula?”

“Anak n'yo ‘ko,” may diin kong saad, baka lang nakalimutan niyang dugo niya ang nananalaytay sa ugat ko.

“I heard you, Melania. No need to remind us. Oo, anak ka nga namin, but we’re talking about business.”

“Mas importante sa inyo ang business kaysa sa sariling n'yong anak?” I scoffed. Hindi ako makapaniwala sa lumalabas sa bibig niya.

“Walang mas importante sa 'yo, Melania, kaya nga we’re making sure that the business is doing well to secure your future. This is for your own good, Melania. Ikaw lang din ang makikinabang sa lahat ng ito. Sa 'yo rin lahat mapupunta pagdating ng araw.  Wala akong gagawin na ikapapahamak mo and to the man that you’re going to marry with, he’s a good guy, I’ll make sure of that.”

“That's bullshits!” bulyaw ko sa kanya. 

“I’m already giving you an option. It’s still up to you kung ano’ng pipiliin mo. Kung ayaw mong magpakasal sa lalaking pinili namin para sa 'yo, then start by learning how to cook or do your laundry. I'm giving you twenty-four hours to decide.”

"You can't do that!"

"Let's see, princess."

Nakipagtigasan muli ako ng tingin kay Daddy.

"I dare you," may diin kong saad before I turned my back on them.

Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ay naku ala ka laban sa mga magulang mo. baka talagang para sayo Ang care nila
goodnovel comment avatar
Maribelle Anstua
May point Din Yung papa Ni era Babae I miss my father ...
goodnovel comment avatar
Lhen Erno Cabajes
hay nkuuuu
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status