Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Nicco na kalong si baby sa mga braso niya. Ang saya niya sobra, ramdam na ramdam ko ang tuwa niya habang hawak niya ito.“He’s so pretty, right? Sweetheart?” kay tamis ng pagkaka-ngiti niya habang pinagmamasdan ang mukha ni baby. Tumango-tango ako habang nakangiti. “He’s so tiny, so cute, kay sarap niyang titigan, nakakawala ng alalahanin.” he continued. Aliw na aliw talaga siya.“Yeah… He looks like you, so adorable,” ani ko. Napatingin siya sa akin, napangiti ako sabay pikit ng mga mata ko ng kintalan niya ako ng halik sa labi. Nagmulat ako at muling napatitig sa kanyang mukha, “hindi maikakailang anak siya ng tatay niya, kamukhang-kamukha niya ang kanyang ama.” habang pinagmamasdan ko silang dalawa nawala ang ngiti ko sa mga labi, hindi ko mapigilan na masaktan at malungkot para sa asawa ko. Halatang sabik na sabik na siyang magka-anak, maging daddy. Napatingin siyang muli sa akin, pilit na ngumiti ako.“Can I hold him?” I asked. “Ofcourse, s
When I woke up, wala na si Niccolai sa tabi ko. Bahagya akong bumangon upang silipin ang oras sa alarm clock. Napakunot noo ako ng makitang quarter to eight pa lang, ang aga yata ng asawa kong bumangon.Bumangon ako, nagbihis at nagsipilyo bago ako lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa hagdanan unti-unting bumagal ang hakbang ko ng marinig ko ang tawanan sa dining area. Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdanan. Sinundan ko kung nasaan nanggaling ang narinig but just to see him and her. Nakatayo sa harapan ni Samantha ang asawa ko, naka-apron ito habang pinagmamasdan si Samantha na humihigop sa sabaw na malamang ay luto niya. Sana all pinagluluto. ‘Di ko mapigilan magselos dahil dapat ako lamang ang pinagluluto niya. “Did you like it?” nakangiting ani ng asawa ko kay Sam. Tiningala naman siya ni Samantha kay tamis ng ngiti, kay ningning ng mga mata, hindi halatang nagpapacute sa asawa ko.“Oh wow! Infairness, it tastes so good.” in her most alluring voice. “Glad you like it, Sam. It is healt
When I wake up, wala na ulit sa tabi ko si Niccolai. I already get used to wake up na wala na siya sa tabi ko. Maaga na siyang nagigising upang ipagluto si Samantha. He always made sure she was eating right and healthy foods gaya ng bilin ng Daddy niya. Noong minsan nga, nadatnan ko silang dalawa na parehong nakatayo sa kusina. Pinapatikim ni Nicco kay Sam yung niluto niya habang hawak ng asawa ko yung sandok. Ang saya nilang dalawang tignan, parang mag-asawa lang ganun. Nasanay na ako, pati yata yung puso ko, nasanay na masaktan.It’s monday, so I need to get up for work kahit na puyat ako. Gusto kong sumama kay Nicco sa opisina dahil yun lamang ang time na hindi ako makikihati ng oras kay Samantha dahil dito sa bahay halus buong atensyon niya ay nasa kay Samantha na. At least sa opisina kapag wala lang siyang importanteng meeting ay nasosolo ko siya.Tumayo ako, naligo, nagsipilyo at nagbihis ng pangopisina. Inayos ko muna ang sarili bago ako bumaba. Nasanay na rin akong madatnan s
Nagpabili muna si Nicco ng strawberry ice cream at kisses na ni request ni Samantha kay Juno bago kami umuwi ng bahay. Habang binabagtas namin ang daan pauwi ay laging naaagaw ang atensyon ko sa pagtunog at pag-ilaw ng kanyang cellphone. Napalingon ako sa phone niya na nakalagay sa ibabaw ng dashboard sa harapan ng driver seat. Napasulyap ako kay Nicco, nahuli ko pa itong napasulyap rin sa kanyang cellphone but he didn’t pick it up, hinahayaan na lamang niya ito. Nainis na ako ng halus kada minuto na lamang tumutunog ang message alert tone ng cellphone niya. Malakas ang kutob ko na si Samantha iyon. Hindi ako kumibo, ayokong pagtalunan na naman namin ang babaeng iyon ngunit sadyang sinasagad nito ang pasensya ko lalo na ng makumpirma ko ang hinala ng tumawag ito. I let Nicco see ng silipin ko ang screen ng phone niya and saw Samantha’s name on the screen.“Akin na.” saglit na napasulyap sa akin si Nicco.“Ang alin sweetheart?”“Yung t!ti mo! Gusto mo putulin ko?”“Sweetheart, naman!”
Panay ang agos ng luha ko sa mga mata. Tumayo ako at sumunod sa kanila. Humarurot ng takbo si Kuya Renz palabas ng bahay nilagpasan nito si Nicco upang i- handa ang gagamiting sasakyan. Ilang saglit lang ay narinig ko ang pagsagadsad ng gulong sa driveway, nasa loob na nga nito si Kuya Renz. Bumaba si Kuya Renz mula sa driver seat upang pagbuksan si Nicco habang karga-karga nito si Sam na namumutla at nanghihina. Hindi ako makapag-isip ng matino. Ni ‘di ko alam kung anong gagawin ko. Nais kong sumama. Nais kong malaman ang kalagayan ng baby namin ni Nicco. Hindi ko mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa baby o kahit kay Samantha lang. Labis kong pinagsisihan ang ginawa. Nadala lamang ako sa galit at nararamdamang selos para sa dalawa. Binuksan ko ang shotgun seat at sumampa roon. “Era, much better if you stay.” luhaang napalingon ako kay Nicco. Tila sinaksak ng maikailang ulit ang puso ko ng mapatitig ako sa mga mata ni Nicco. Magkahalong pagkabahala, galit at disappoi
Era’s POVSumama akong umuwi sa mga magulang ko sa bahay na nilakihan ko. Sa bahay na pinapangarap ko noong tumakas at magpakalayo-layo. Sa bahay kung saan kay dami kong iniluha at sama ng loob at sa bahay na akala ko’y ‘di ko na gugustuhing tumapak pang muli ngunit ngayo’y naging kanlungan ko kung kailan ako sobrang nadurog at nalugmok. Tama nga sila, tatalikuran man tayo ng buong mundo ngunit hindi kailanman ang mga magulang natin. Sila ang huling taong nasa isip ko ang magpo-protekta sa akin, ang magiging sasandalan ko at tatakbuhan ko ngunit sa kanila pala ako huhugot ng lakas at kakapit.Pumasok ako sa loob ng silid ko. Ginala ko ang paningin sa kabuohan ng kwarto. Isang taon mahigit na ang nakalipas noong huling pinagmasdan ko ito. Walang pinagbago, ni katiting ay wala silang ginalaw o tinanggal sa mga gamit ko. Nanatili ang kabuohan nito sa kung anong gusto ko. Lumapit ako kama at umupo sa gilid nito. Bumaba ang tingin ko sa picture frame na nakapatong sa night stand. It wa
Nicco’s POVKay bilis kong naitakip sa mga mata ko ang braso ng biglang may sumungaw na liwanag sa loob ng aking kwarto direkta sa mukha ko. Nanatili akong nakaupo sa sahig, hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako. “What the hell are you doing with yourself, Jacob Niccolai Sandoval!?” it was Cindy’s voice. Mariin akong napapikit, hindi ako makamulat dahil nasisilaw ang mga mata ko sa liwanag ng hawiin niya ang kurtina ng bintana sa harapan ko kung saan ako nakaupo at nakatulog. “Fuck!” mura ko ng maramdaman ang pananakit ng ulo ko. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko ng hilutin ko ang bahagi ng ulo kong sumasakit.“Yan napapala mo sa kakainom mo! Every time your heart is broken lagi mo na lamang nilulunod ang sarili mo sa alak! Una kay Gabby, same scenario pero worst itong kay Era! Look at yourself, you’re wasted! Alam mo, hindi solution ang alak sa problema mo, gago ka ba!?” lumapit siya, lumuhod sa harapan ko. Inangat niya ang isang braso ko at nilagay sa kanyang balikat upa
Era's POVIt was seen in the CCTV footage that while Doc. Jinkee came out of her office, Cindy took her phone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa nito at dahil kakalapag lang ni Doc ng phone niya sa table ay nanatili pa itong nakabukas at hindi na need magbigay ng passcode to unlock. Same day, same time na natanggap ko ang mensahe ay ang nasa CCTV footage na pinanood naming si Cindy ang nakahawak sa phone ni Doc.“Oh God. I’m so sorry, Era.”“It’s okay, Doc. May mali rin naman ako dahil inom lang din ako ng inom, I forgot to read the precautions.”“Yeah, next time, ugaliing magbasa Mrs. Sandoval.”“Kaya nga doc. Masyado lang din akong nagtiwala because it came from you.”“Hindi ko to pwedeng palagpasin, Ms. Sandoval. It’s invasion of someone’s privacy and worst what if hindi lang pills yung priniscribe niya sayo at paano kung may nangyari sa iyong masama? Ikaw? What’s your plan to Ms. Cindy?”“Sabunutan, I guess?” natawa si Doc sa akala niya ay biro ko, “pasalamat siya at buntis ako.”“