Share

CHAPTER 77: THE PASCUAL FAMILY  

“Alam mo Kuya, malakas talaga ang pakiramdam ko na may crush sa’yo ang teacher kong si Miss Kaye.”

Napaubo bigla si Anton nang marinig ang sinabi ni Anna. Agad ko itong inabutan ng isang basong tubig dahil ako ang katabi niya sa mesa. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan nang biglang magkuwento si Anna.

“Talaga? Hindi ba ay maganda yung si Teacher Kaye? Crush nga iyon ng mga kaklase ko eh.”

“Hoy, anong crush? Grade four palang kayo may nalalaman na kayong crush,” saway ni Anton sa kaniyang bunsong kapatid.

“Hindi naman ako, Kuya eh. Sila lang iyon. Wala pa akong crush ‘no!” sagot naman nito sa kaniyang Kuya at pasimpleng umirap.

“Teka, nga pala, Ate, paano mo nasabing may gusto si Teacher Kaye kay Kuya?”

Huminto sa pagnguya si Anna at nilunok ang kinakain.

“Eh kasi kanina, nabanggit ko na narito si Kuya. Kitang-kitang ang excitement sa mga mata ni Teacher Kaye. Tapos kanina noong break time namin, tinanong pa niya kung hanggang weekend ay narito si Kuya. At saka, nilinaw niya rin ku
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status