Share

  CHAPTER 76: THE KIND AND HUMBLE DEL RIO  

“Ate Gab, huwag kang mahiya. Tingnan mo, ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng mga magulang na um-attend,” mahinang bulong sa akin ni Anna.

Marahil ay napansin niyang kinakabahan ako habang naglalakad kami papasok ng classroom nila.

“Smile ka, Ate Gab,” dagdag pa nito saka nilagay ang dalawang hintuturo niya sa gilid ng kaniyang labi saka ngumiti nang ubod nang tamis.

“Gaya nito oh.”

Natawa naman ako nang makitang ini-stretch niya ang kaniyang labi sa magkabilang gilid.

“Ayan, ganiyan nga. Tingnan mo, mayamaya, lahat sila, sa’yo na lahat nakatingin.”

Napailing nalang ako sa sinabi nito. People kept on telling me that I am pretty. Pero kapag bata ang nagsabi, pakiramdam ko ay totoo ang sinasabi nila.

“Good morning, Anna.”

Sabay kaming napabaling ni Anna sa kaniyang teacher. Bata pa ito, maganda, at halos kasing tangkad ko.

“Good morning teacher Kaye. Siya nga po pala, si Ate Gab po muna ang a-attend sa meeting ngayong araw. Okay lang naman po hindi ba?”

Ngumiti ang teacher ni Anna sa kan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status