“Ate Gab, huwag kang mahiya. Tingnan mo, ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng mga magulang na um-attend,” mahinang bulong sa akin ni Anna.Marahil ay napansin niyang kinakabahan ako habang naglalakad kami papasok ng classroom nila.“Smile ka, Ate Gab,” dagdag pa nito saka nilagay ang dalawang hintuturo niya sa gilid ng kaniyang labi saka ngumiti nang ubod nang tamis.“Gaya nito oh.”Natawa naman ako nang makitang ini-stretch niya ang kaniyang labi sa magkabilang gilid.“Ayan, ganiyan nga. Tingnan mo, mayamaya, lahat sila, sa’yo na lahat nakatingin.”Napailing nalang ako sa sinabi nito. People kept on telling me that I am pretty. Pero kapag bata ang nagsabi, pakiramdam ko ay totoo ang sinasabi nila. “Good morning, Anna.”Sabay kaming napabaling ni Anna sa kaniyang teacher. Bata pa ito, maganda, at halos kasing tangkad ko.“Good morning teacher Kaye. Siya nga po pala, si Ate Gab po muna ang a-attend sa meeting ngayong araw. Okay lang naman po hindi ba?”Ngumiti ang teacher ni Anna sa kan
“Alam mo Kuya, malakas talaga ang pakiramdam ko na may crush sa’yo ang teacher kong si Miss Kaye.”Napaubo bigla si Anton nang marinig ang sinabi ni Anna. Agad ko itong inabutan ng isang basong tubig dahil ako ang katabi niya sa mesa. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan nang biglang magkuwento si Anna.“Talaga? Hindi ba ay maganda yung si Teacher Kaye? Crush nga iyon ng mga kaklase ko eh.”“Hoy, anong crush? Grade four palang kayo may nalalaman na kayong crush,” saway ni Anton sa kaniyang bunsong kapatid.“Hindi naman ako, Kuya eh. Sila lang iyon. Wala pa akong crush ‘no!” sagot naman nito sa kaniyang Kuya at pasimpleng umirap.“Teka, nga pala, Ate, paano mo nasabing may gusto si Teacher Kaye kay Kuya?”Huminto sa pagnguya si Anna at nilunok ang kinakain.“Eh kasi kanina, nabanggit ko na narito si Kuya. Kitang-kitang ang excitement sa mga mata ni Teacher Kaye. Tapos kanina noong break time namin, tinanong pa niya kung hanggang weekend ay narito si Kuya. At saka, nilinaw niya rin ku
Pagkatapos yakapin ni Tita Alissa si Anton ay agad na bumaling sa akin ang kaniyang ina at ngumiti ito. “Ikaw na ba si Gabriella?” tanong nito habang naglalakad palapit sa akin.Tipid akong ngumiti at tumango sa Ginang. Nang makalapit ito sa akin ay agad kong inabot ang kamay nito para makapagmano.“Magandang umaga po, Tita Alissa.”Lumingon ako sa ama ni Anton na nakatingin sa akin. Kita ko sa kaniyang mga mata na pinagmamasdan niya akong maigi o hindi kaya ay sinisiyasat.“Magandang umaga po sa inyo, Tito Steve.”Lumapit ako rito para magmano. Seryoso ang hitsura nito. Akala ko nga ay may pagka-disgusto ito sa akin kaya nag-aalangan ako na ngumiti at bumati. Lumapit si Anton sa kaniyang ama at siniko ito sa tagiliran.“Pa, huwag mo namang tinatakot si Gabriella.”Nang sabihin ni Anton iyon sa kaniyang ama ay bigla nalang ito ngumiti at ilang sandali pa ay tumawa.“Joke lang hija,” saad nito.Dahil tumatawa na sila ay nakitawa na rin ako. Medyo peke nga lang yung tawa ko dahil ang t
“Kuya, sino bang tinitingnan mo riyan? Tara na, excited na akong mag-ikot.”Mabilis na hinila ni Anna ang kamay ni Anton dahilan para maputol ang tinginan nila ni Jacob. I swallowed saliva in my throat but then I realized, halos tuyo na pala ang lalamunan ko. Muli akong tumingin kay Jacob pero hindi umabot sa kaniyang mga mata ang tingin ko. I chose not to. Natatakot kasi akong makita na baka hindi na siya interesado sa akin. I’m still in the healing process. Mahirap para sa akin na makita siya at malamang wala na siyang pagmamahal na natitira sa akin.Napansin ko ang suot niyang damit. Walang nagbago sa pananamit niya. He’s still looks gorgeous kahit na simple lang ang suot niya. Mas nagmumukha siyang kaakit-akit sa ganoon. For a minute I thought I was okay, pero nang makita kong humawak ang isang babae sa braso niya ay doon na napuno ng bigat ang dibdib ko.Pakiramdam ko, anytime soon ay iiyak na ako sa sobrang bigat nito. Pero nagulat ako nang humarang si Anton sa harapan ko. Doon
Dahil halos mag-iisang minuto na kaming nakatingin sa isa’t-isa, ako na mismo ang kusang pumutol nang tinginan naming dalawa. I cleared my throat and continued walking down the stairs. Siya naman ay hindi gumalaw sa puwesto niya.“Jacob, give me a second.” Nang marinig ko ang boses ng babae ay hindi ko napigilang mapakunot ang aking noo. Madali ko ring ibinalik sa normal ang reaction ko at nagpanggap na balewala lang ang nakita ko.Nagkunwari akong hindi ko nakita kung paano kumapit sa braso ni Jacob ang babaeng kasama niya.“Let’s go. Baka kanina pa naghihintay sina Dad.”Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad nang biglang…“Wait a sec, hey can you stop from walking?”Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilang mapakunot ang aking noo nang marinig ang sinabi ng babaeng kasama niya. But still, I acted I didn’t hear anything. Kung gulo ang hanap ng babaeng ito, puwes hindi ko siya papatulan. Masyado akong maraming iniisip at ayoko siyang bigyan ng panahon.“You look familiar. Do I kn
Dahil sa nangyari ay halos hindi kami magkatinginan ni Anton. Hindi lang kami nahihiya sa aming mga sarili, kundi pati na rin sa kaniyang mga kapatid na nakasaksi sa nangyari. And the worst of all, nakunan pa talaga ito ng larawan. Kung bakit ba naman kasi naisipan pa nilang kumuha ng litrato. ‘Yan tuloy ang nangyari.Dali-dali niya akong dinala sa mababaw na parte ng dagat.“Sorry, hindi ko sinasadya,” mahinang bulong niya sa akin.Umiling naman ako at tipid na ngumiti sa kaniya.“No, walang may kasalanan. It’s just happened. Walang dapat sisihin.”Totoo naman. Hindi naman namin parehong sinadya iyon. Pareho kaming nabigla at hindi namin inasahan ang pangyayari. Malakas din ang alon at masyado rin akong nagulat kanina.“Kuya, idi-delete ba namin ito?” Dinig ko ang kaba sa boses ni Anna. Si Arkin naman ay nag-aalala ring nakatingin kay Anna. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin.Marahang kinuha ni Anton ang kaniyang phone sa kamay ng kapatid at saka umahon ng dagat. Hindi na ito m
Yumuko na ako nang makapasok lahat ng mga ito sa restaurant. Medyo malayo naman ang napili nilang puwesto sa amin kaya kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag.“Okay ka lang ba?” tanong ni Anton nang mapansin niyang hindi pa ako kumukuha ng pagkain.Kung magpapakatotoo ako, sasabihin kong hindi ako okay dahil hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Jacob kanina sa cabin. Malaking palaisipan pa rin sa akin kung paano siya nakapasok sa silid kung saan ako naliligo. Paano niya nalaman na doon ang silid na pinuntahan ko? Higit sa lahat, paano niya nalaman ang nangyari sa amin ni Anton— ang ibig kong sabihin ay ang hindi sinasadyang halikan namin kanina sa dagat? Sinusubaybayan ba niya ang bawat kilos ko?“Oo naman, okay lang ako.”“Eh bakit ganiyan ang hitsura mo? Parang ang lalim ng iniisip mo.”Tipid akong ngumiti kay Anton. He noticed that? Akala ko ay walang makakapansin sa pagbabago ng pakiramdam ko. But even though he’s my friend and I want to tell him things that happened
“Kumusta ang pakiramdam mo?”Hawak ko ang isang mug na may lamang kape habang nakatanaw sa banayad na karagatan. Lumingon ako kay Anton nang marinig ang boses niya. May hawak din siyang mug. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko.“Ayos lang naman ako. Sina Anna, nasaan na?” tanong ko sa kaniya.“Nakatulog na yung dalawa. Masyadong napagod buong araw.”Ngumiti lang ako sa kaniya at saka uminom ng kape. Napansin kong seryoso siyang nakatitig sa akin.“Okay ka lang ba?”Tipid na tango lang ang binigay ko sa kaniya.“Don’t lie to me, Gab. Alam kong magmula palang kanina, hindi ka na okay. Alam kong malaki ang impact sa’yo nang makita mong muli si Jacob.”Tipid akong ngumiti sa kaniya. Sinusubukan kong hindi magpaapekto tungkol sa bagay na iyon. Hangga’t maaari ay ayoko na nga sanang maalala pero heto si Anton, binanggit ang tungkol doon.“It doesn’t matter kung anong maramdaman ko. Wala namang magbabago, Anthony. Iniwan niya ako. He broke up with me. And until now, it is still painful. Ang
JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par
“Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari
Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive
“Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no
After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang
Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind
Malaki ang nagbago sa akin magmula nang bumalik ako sa kumpanya. May mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa trabaho kaya palagi akong napapagalitan ng pinsan ko.Ako pa rin naman ang humahawak sa mga malalaking meetings. Ako pa rin ang nag-aasikaso ng karamihan sa kumpanya. Pero hindi na ako katulad ng dati na binibigay ko lahat ng oras na mayroon ako para sa trabahong iyon.May mga pagkakataon na naiisip kong pansamantalang lumiban muna sa Centre Point para mabigyan ko ng mas maraming oras ang DRH pati na rin ang chains of bars na iniwan sa akin ni Mama. Ang kaso, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Lolo ang tungkol doon.“Are you happy right now?” tanong ni Kathy habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagbe-bake ng ginagawa niyang cookies. “Generally, I am. Wala namang raso para hindi maging masaya, hindi ba?”Huminto siya sa paglalagay ng mga lutong cookies sa Tupperware container at tumingin sa akin nang diretso.“Okay, you’re happy generally. Pero kumusta naman
Noong nasa college ako, akala ko ang isa sa mga pinakamasakit na mararanasan ko ay ang ma-bully ng mga kaklase ko. Iyong palaging pinagtatawanan. Dahil ang sabi nga nila, bayarang babae ako dahil nakikita nila akong pumapasok sa bar na pagmamay-ari ni Mama. Akala nila, doon ako nagtatrabaho bilang waitress o bilang isang pick-up girl.Isa lang ang kaibigan ko noon na nagtatanggol sa akin. Si Angelo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na.Palaging sinasabi sa akin ni Mama na sa akin niya ipapamana ang mga negosyo niya kapag nawala siya. Dahil bukod sa akin, wala naman siyang ibang anak o pamilya na puwedeng mag-asikaso nito.Ilang beses akong tumanggi noon dahil ang plano ko ay sumunod kay Papa sa UK. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa ibang landas ako dinala ng aking tadhana.Sakay ng wheelchair na tulak ng kaniyang personal nurse, napansin ko ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng binti ng aking ina. May maliit din na kahon doon.“Oh, Ma. Para saan ang mga i
Sa loob ng kalahating araw ay nanatili si Papa sa bahay. Masaya itong nakipagkuwentuhan sa amin nina Yaya Gina habang si Mama ay masaya lang na nakamasid sa amin. Bago gumabi ay nagpaalam na rin ito. Nabanggit ni Papa na kasama niya ang kaniyang asawa at ang dalawang anak nila sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas.“Hanggang kailan po kayo mananatili rito sa Pilipinas?” tanong ko nang ihatid ko sa labas ng gate si Papa.“Isang buwan lang kami rito. Pinuntahan lang namin ang Lolo at Lola ng Tita Maya mo. Babalik din kami agad dahil magsisimula na muli ang pasukan. Yung dalawang kapatid mo, masyadong masipag sa kanilang pag-aaral at ayaw lumiban sa klase. Plano ko ngang magtagal sana.”Napangiti ako nang marinig ang kaniyang sinabi. I’m glad that even though we’re not blood related, he’s still treating me as his daughter.“I’ve heard a lot about you. Diana told me what happened years ago. Masaya ako na lumaki ka na isang mabuting bata at hindi mo pa rin tinalikuran si Diana sa kabila n