Share

CHAPTER 74: ANTON'S ASSISTANT

“Naku, paniguradong matutuwa sina Nana at Tatang kapag nakita ka ng mga iyon. Ikaw pa naman ang pinaka-paborito nila sa lahat ng mga kaibigan ko noong bata pa ako. Sigurado akong kapag nagtungo ka sa aming bahay ay baka hindi ka na pauwiin ng mga ito. Ang dami niyong iku-kuwento sa akin ha. Dapat bukas ay bumisita kayo sa bahay.”

Mahinang tumawa si Anton at saka tumango sa sinabi ni Thea.

“Yes, Ma’am. Pero baka bukas pa kami ng hapon pumunta sa inyo bukas. Marami pa kasi akong planong gawin kasama si Gabby,” saad naman ni Anton dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Plano? Ano naman ang mga plano niyang gawin kasama ako?

Nakita ko ang bahagyang paniningkit ng mga mata ni Thea.

“Kung wala lang akong sariling pamilya, sigurado akong kahit saan kayo magpunta ay kasama ako. Kaso… ayun!”

Tumalikod siya sandali at itinuro sa amin ang kaniyang asawa at ang anak nila na buhat-buhat nito. Ngumiti naman si Anton sa asawa nito at kumaway sa batang may hawak na feeding bottle.

“Nauna ako sa inyon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status