“Kuya, sino bang tinitingnan mo riyan? Tara na, excited na akong mag-ikot.”Mabilis na hinila ni Anna ang kamay ni Anton dahilan para maputol ang tinginan nila ni Jacob. I swallowed saliva in my throat but then I realized, halos tuyo na pala ang lalamunan ko. Muli akong tumingin kay Jacob pero hindi umabot sa kaniyang mga mata ang tingin ko. I chose not to. Natatakot kasi akong makita na baka hindi na siya interesado sa akin. I’m still in the healing process. Mahirap para sa akin na makita siya at malamang wala na siyang pagmamahal na natitira sa akin.Napansin ko ang suot niyang damit. Walang nagbago sa pananamit niya. He’s still looks gorgeous kahit na simple lang ang suot niya. Mas nagmumukha siyang kaakit-akit sa ganoon. For a minute I thought I was okay, pero nang makita kong humawak ang isang babae sa braso niya ay doon na napuno ng bigat ang dibdib ko.Pakiramdam ko, anytime soon ay iiyak na ako sa sobrang bigat nito. Pero nagulat ako nang humarang si Anton sa harapan ko. Doon
Dahil halos mag-iisang minuto na kaming nakatingin sa isa’t-isa, ako na mismo ang kusang pumutol nang tinginan naming dalawa. I cleared my throat and continued walking down the stairs. Siya naman ay hindi gumalaw sa puwesto niya.“Jacob, give me a second.” Nang marinig ko ang boses ng babae ay hindi ko napigilang mapakunot ang aking noo. Madali ko ring ibinalik sa normal ang reaction ko at nagpanggap na balewala lang ang nakita ko.Nagkunwari akong hindi ko nakita kung paano kumapit sa braso ni Jacob ang babaeng kasama niya.“Let’s go. Baka kanina pa naghihintay sina Dad.”Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad nang biglang…“Wait a sec, hey can you stop from walking?”Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilang mapakunot ang aking noo nang marinig ang sinabi ng babaeng kasama niya. But still, I acted I didn’t hear anything. Kung gulo ang hanap ng babaeng ito, puwes hindi ko siya papatulan. Masyado akong maraming iniisip at ayoko siyang bigyan ng panahon.“You look familiar. Do I kn
Dahil sa nangyari ay halos hindi kami magkatinginan ni Anton. Hindi lang kami nahihiya sa aming mga sarili, kundi pati na rin sa kaniyang mga kapatid na nakasaksi sa nangyari. And the worst of all, nakunan pa talaga ito ng larawan. Kung bakit ba naman kasi naisipan pa nilang kumuha ng litrato. ‘Yan tuloy ang nangyari.Dali-dali niya akong dinala sa mababaw na parte ng dagat.“Sorry, hindi ko sinasadya,” mahinang bulong niya sa akin.Umiling naman ako at tipid na ngumiti sa kaniya.“No, walang may kasalanan. It’s just happened. Walang dapat sisihin.”Totoo naman. Hindi naman namin parehong sinadya iyon. Pareho kaming nabigla at hindi namin inasahan ang pangyayari. Malakas din ang alon at masyado rin akong nagulat kanina.“Kuya, idi-delete ba namin ito?” Dinig ko ang kaba sa boses ni Anna. Si Arkin naman ay nag-aalala ring nakatingin kay Anna. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin.Marahang kinuha ni Anton ang kaniyang phone sa kamay ng kapatid at saka umahon ng dagat. Hindi na ito m
Yumuko na ako nang makapasok lahat ng mga ito sa restaurant. Medyo malayo naman ang napili nilang puwesto sa amin kaya kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag.“Okay ka lang ba?” tanong ni Anton nang mapansin niyang hindi pa ako kumukuha ng pagkain.Kung magpapakatotoo ako, sasabihin kong hindi ako okay dahil hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Jacob kanina sa cabin. Malaking palaisipan pa rin sa akin kung paano siya nakapasok sa silid kung saan ako naliligo. Paano niya nalaman na doon ang silid na pinuntahan ko? Higit sa lahat, paano niya nalaman ang nangyari sa amin ni Anton— ang ibig kong sabihin ay ang hindi sinasadyang halikan namin kanina sa dagat? Sinusubaybayan ba niya ang bawat kilos ko?“Oo naman, okay lang ako.”“Eh bakit ganiyan ang hitsura mo? Parang ang lalim ng iniisip mo.”Tipid akong ngumiti kay Anton. He noticed that? Akala ko ay walang makakapansin sa pagbabago ng pakiramdam ko. But even though he’s my friend and I want to tell him things that happened
“Kumusta ang pakiramdam mo?”Hawak ko ang isang mug na may lamang kape habang nakatanaw sa banayad na karagatan. Lumingon ako kay Anton nang marinig ang boses niya. May hawak din siyang mug. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko.“Ayos lang naman ako. Sina Anna, nasaan na?” tanong ko sa kaniya.“Nakatulog na yung dalawa. Masyadong napagod buong araw.”Ngumiti lang ako sa kaniya at saka uminom ng kape. Napansin kong seryoso siyang nakatitig sa akin.“Okay ka lang ba?”Tipid na tango lang ang binigay ko sa kaniya.“Don’t lie to me, Gab. Alam kong magmula palang kanina, hindi ka na okay. Alam kong malaki ang impact sa’yo nang makita mong muli si Jacob.”Tipid akong ngumiti sa kaniya. Sinusubukan kong hindi magpaapekto tungkol sa bagay na iyon. Hangga’t maaari ay ayoko na nga sanang maalala pero heto si Anton, binanggit ang tungkol doon.“It doesn’t matter kung anong maramdaman ko. Wala namang magbabago, Anthony. Iniwan niya ako. He broke up with me. And until now, it is still painful. Ang
“Ma’am Gab, okay na po ba yung documents na pina-check ng finance department?”“Ah, oo, Shantal, pakihanap nalang diyan sa lamesa. Huwag mong kalimutang i-photocopy para may kopya tayo rito sa opisina,” paalala ko sa sekretarya ko na si Shantal.Dati siyang naging assistant ng sekretarya ni Papa na si Karen. Sabi ni Karen ay masipag si Shantal. Minsan may mga bagay na hindi pa ito alam pero fast learner naman daw ito. At iyon nga ang nakita ko sa halos dalawang buwan na pananatili ko sa opisina para magtrabaho.Tulad ng pangako ko kay Papa, sa pagkakataong ito ay aayusin ko na ang buhay ko. Dahil nabanggit din niya na alam mas maraming nagkakaroon ng interes sa akin. Napansin din ng mga ito ang isang linggo at mahigit kong pagkawala noon. Sa kasalukuyan, lahat ng trabaho na dapat ay si Papa ang gagawa, ako na ang sumasalo para hindi na siya mahirapan. Minsan tuloy, imbes na dumiretso si Karen sa kaniya, ay sa akin na ito lumalapit para tanungin ang schedule ko sa araw-araw.Isang mara
Pagdating ko sa unit ko ay agad akong naghugas ng katawan. Gusto ko sanang maligo pero laging sinasabi ni Kuya na kapag pagod ako, mas mabuti kung maghugas nalang ako ng katawan.Nilinis ko ang mga nakakalat na libro sa living room, iyon ang mga librong ginamit ko kagabi pero nakalimutan kong ibalik sa lagayan dahil tinanghali ako nang gising kaninang umaga. Lately, naging hobby ko na ang pagbabasa. May mga pagkakataon din na nagpipinta ako kaso, hindi ko na iyon natatapos katulad ng dati. Lahat ng mga ginagawa ko ay nakahilera sa work in progress na project.Pagkatapos kong mag-asikaso ng mga kalat, nagtungo ako sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. Kumuha na rin ako ng ilang lata ng alak at dinala iyon sa living room. Fried chicken kasi ang inorder ko. Dalawang bucket para tig-isa kami ni Anton.Malakas ang pakiramdam ko na sobrang down siya ngayon. Malaki ang naitutulong ng pagkain sa paggaan ng mood ng isang tao kaya naman ito ang naisip kong paraan para pagaanin ang loob niya.I
Dahil malaki ang pasasalamat sa akin ni Anton, habang nasa biyahe kami ay tinanong niya ako kung saan ko gustong kumain. Mabuti na rin at naisip niya iyon dahil sa totoo lang ay wala pa talagang laman ang sikmura ko. Kape lang ang ininom ko kanina bago ako umalis ng condo.“Saang lugar mo gusto kumain?”“Kahit saan, basta nakakabusog. Lilibre mo ba ako?” nakangiti kong tanong sa kaniya.Agad naman siyang tumango kaya agad ko siyang hinampas sa balikat.“Aray! Bakit?” gulat na tanong niya.“Ano ka ba? Joke lang ‘no! Ako nalang manlilibre sa’yo.”Umiling naman siya agad.“Huwag na, Gab. Gagastos ka pa. Ikaw na nga ang gumastos kagabi eh. Tapos ikaw pa ulit ngayon.”Sinimangutan ko siya.“Hindi ba kasasabi mo lang sa akin kagabi na problemado ka sa pinansyal? Ako na ang manlilibre. Huwag kang mag-aalala, hindi naman kita dadal’hin sa mamahaling restaurant.”Pagbaba namin ng taxi ay agad kong itinuro sa kaniya kung saan kami kakain. Kumunot naman ang kaniyang noo nang mapansin niya kung n