Share

Chapter Twenty-one

Nakasuot ako kulay ube na adriana dress, sa labas ay nakapatong dito na itim na cardigan. Pinaresan ko ng naked sandals sa paa. Ang buhok ko ay nakatali sa mataas na ponytail, ang mga baby bangs ko sa noo ay nakahawi. Ang cute ng outfit ko ngayon pero hindi ko iyon style kaya medyo nakakasira iyon ng araw, lalo na't lalabas ako para pumunta sa mall at bumili ng mga damit at gamit para sa sarili ko.

"Bilisan mo na! Kanina pa sa'yo naghihintay si Adam," inis na saad ni Sienna. Baka siya iyong kanina pang naghihintay na matapos ako sa ilang beses na pagpapapalit-palit ng mga damit at naiinip na siya.

Inirapan ko siya. "Isang palit na lang, hindi ko bet ang suot ko."

Nagmartsa siya sa sahig habang hawak ang walis. "Maglilinis na 'ko ng kwarto mo saka kukuhanin ko na mga nagamit mo nang damit para ipalabhan!"

"Fine, magme-make up na lang ako—"

"No! Gawin mo na lang 'yan sa kotse. May mga bag sa closet mo, gamitin mo 'yon para duon ilagay mga make up mo!

"Body bag i
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status