Share

Chapter Twenty

           "Sienna!" tawag ko sa kaniya habang naglalakad papasok sa dining room. May tatlong maids sa loob na nag-uusap, sandali silang nagbulungan nang makita ako at lumayo sa isa't isa. Ang isa ay dumaan sa gawi ko, binati niya ako ng magandang tanghali habang nakayuko. Ang dalawa ay tumungo sa kusina, nagbubulungan pa rin at siguradong ako na naman ang pinagtsi-tsismisan.

Sumunod ako sa kanila. Mga anim na maids ang tumutulong kay Sienna sa pagluto, bumilog ang mga mata ni Sienna nang makita ako at saka iniwas ang tingin sa akin na parang nakakitang multo at naisipan na huwag na lang pansinin bigla.

"Pwede ba kitang makausap, Sienna?" tanong ko sa kaniya.

"May ginagawa pa 'ko, Mildred," pagtanggi niya.

Kumunot ang noo ko, kahit lahat ng mga maids ay sobrang weird. Umiling ako at umalis na lang, sa halip ay hinanap ko na lang si Adam. Wala siya sa kahit anong sulok ng first floor ng mansyon. Sumilip ako sa bintana pero wala rin si Adam sa labas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status