Share

CHAPTER 4

Author: PortalMentis_
last update Huling Na-update: 2023-07-24 16:28:32

KATULAD NG DATI nilang gawi ng kanyang assistant na si Ruthy, lulan na naman sila ng van niyang si Buttercup. Dahil mas matagal na narito siya sa sasakyan kumpara sa bahay, literal na may kama, banyo, at kung ano pang mga kailangan ng katawan ang van niya. Bago mabili ang van, sinigurado niya muna na magiging komportable siya roon dahil iyon din ang dala-dala niya sa mga pinupuntahang taping. Matagal din ang binunong oras dahil sa customization ngunit sulit ang paghihintay niya. Iyon ang pinakakomportableng sasakyang nasakyan niya.

Nasa piyer na sila ngayon at umuusad ang sasakyan papasok ng barko. Dahil sa fear of heights niya, iwas na iwas siya sa pagsakay ng eroplano. 

Buti na lang understanding ang kanyang assistant. Hindi ito nagrereklamong mag-drive kahit malayo ang lugar na kanilang pupuntahan. Bukod sa pagiging P.A, make up artist minsan, at manager, si Rutthy rin ang kanyang driver. Ewan niya ba sa kaibigan niyang ito, tila maraming binubuhay kaya lahat ng trabaho na kailangan niya sa pag-aartista, kinuha na. Kulang na lang ay maging bodyguard niya na rin ito.

Walang problema kung magtutuloy-tuloy sila sa pagpasok ng barko. Pagmamay-ari ito ng kanilang pamilya at alam na ng mga trabahador na siya ang lulan ng sasakyan. Kaya naman ang ginagawa niya, kapag nasa sasakyan, pagtulog kaagad ang uunahin. Kailangan niya ng mahabang pahinga dahil kapag dumating siya sa taping, simula na kaagad ang shooting.

Hindi niya na alam kung ilang oras silang nasa loob ng sasakyan dahil sa matinding pagod. Ginising na lamang siya ni Ruthy nang makarating sila sa site. Hindi siya kaagad bumangon. Natulog pa siya nang ilang minuto bago lumabas. Hindi niya naman kailangan ng heavy make up dahil sa role niya. Hindi sila magtatagal sa pag-aayos. 

Habang inaayusan siya, muling binasa ni Gabby ang kanyang role. Saulo niya na ang mga linyang sasabihin ngunit gusto niya pang mailabas ang emosyon sa mga sasabihin lalo pa’t ang eksenang mangyayari ay may mga tulisang papasok sa kanilang baraks. Mabigat ang mga eksenang gagawin niya. 

“Sis, okay na,” nakangiting saad ni Ruthy habang pinagmamasdan siya sa salamin. “Super pretty!”

Tumaas naman kaagad ang kilay ni Gabby nang makita ang sarili sa salamin. Paano nito nasabing maganda siya kung puro pasa naman ang mukha niya? Mukha rin siyang bruha. 

“Ikaw lang ang kilala kong pinapangit na. Nilagyan na ng pasa sa mukha pero ang ganda pa rin! Paano na lang ang peslak na ito?” hindi maipinta ang mukha ni Ruthy nang pakadikdikan ang mukha sa kanya. “Napakalayo ‘te! Nakakawala ng confidence ang pagiging maganda mo.”

Natawa siyang muli sa kaibigan at umiling. Minsan gandang-ganda ito sa sarili. Minsan naman lahat na ng panglalait ibabato nito sa sarili.

Pinagmasdan ni Gabby ang sarili sa salamin. Nakapusod ang buhok niya na umaabot lamang hanggang sa balikat. Itim na itim iyon na bumagay sa kilay niyang makapal. May mga pagkakataon na nalalagay siya sa hot topic ng mga social media dahil sa kilay niya. Tumaas lang kase nang bahagya  ay napagkakamalan na siyang mataray kaya naman laging pinapaalala sa kanya ni Ruthy na unahan niya kaagad ng ngiti upang hindi makakuha ng ibang impresyon ang kaharap niya. Ang kanyang mga mata, ilong na katamtaman ang tangos at labi na maliit ay nakuha niya naman sa Latina niyang nanay. Ngunit hindi siya sigurado roon dahil hindi niya na halos maalala ang mukha ng kanyang ina.

“Ano na namang peslak iyan?” nakataas ang kilay ni Ruthy nang sabihin iyon. “Naalala mo na naman ang mama mo?”

Biglang nagbago ang kanyang impresyon. Bahagya rin siyang napailing. Kilalang-kilala na talaga siya ng kaibigan niya. Tinapik niya na lamang ang balikat ng kaibigan nang makatayo. Hindi niya parating sinasabi ang salamat, ngunit iyon ang paraan niya na naiintindihan naman kaagad nito dahil ngumingiti si Ruthy sa kanya. 

Nagtuloy-tuloy na ang paglabas ni Gabby dahil gabi na. Nagtungo siya kaagad sa isang baraks. Naroon minsan tumatambay ang mga sundalo o hindi naman kaya ay natutulog bago magsimula sa trabaho. Habang patungo roon, pansin niya ang pagiging abala ng iba. Naka-set up na rin ang mga camera. Katulad ng dati, bumati siya kaagad sa kanyang mga katrabaho. 

Sira, wasak, magulong mga kagamitan, nawala ang mga bubong at may mga natibag na gusali. Ganoon ang lugar na pagdarausan ng kanilang taping. Ang eksena ng lugar ay pinasabog dahil pinasok sila ng mga tulisan na isa sa mga kalaban ng sundalo. May mga visual effect pa roon na mga pumutok na kuryente kaya naman may mga nag-i-spark na kable.

Hindi na rin kaagad sila nag-aksaya ng oras dahil nagsimula na ang kanilang taping. Katulad ng mga nakalagay sa script, nagsimula ang fighting scene nila ng kanyang co-actor na kalaban sa istorya. Naging madali ang kanilang mga galaw dahil sa mga naging pagsasanay bago maisalang sa totoong scene. May mga pagkakataon na gumagamit din siya ng harness nang sa gayon ay magawa nang maayos ang mga stunt. 

Naroon ang matinding pagpapalitan nila ng suntok, sipa, at matitinding mga galaw. Saka lamang ipinakita ang buong anggulo sa mukha niya nang maka-kalahati na sila upang ipakita na napuruan na siya. Nagkaroon pa roon ng effect na dugo. Ipinapakita na dehado siya sa laban.

Umakto rin si Gabby ng tingin sa mga kasamahang nakahandusay sa lapag. Nagsimula ang script nila na may mga sugat na siya sa katawan at bubog-sarado ang mukha. Dito sila magsisimula dahil ito ang isa sa may mga pinakamatagal na kuhanan ng magandang anggulo. 

Napatingin si Gabby sa kalangitan nang magsimula ang malakas na pagkulog. Ganoon din ang ginawa ng mga kasamahan niya.

“Mukhang mas maganda ang eksenang makukuha natin ngayon!” saad ng isa sa mga crew.

“We need to take this opportunity!” paalala naman ng direktor. “Gabby, focus on your stunts. Ready… action!” 

Nagsimulang muli si Gabby sa pakikipaglaban sa kanyang mga co-actor. Naroon ang pag-ilag, pagsuntok, pagtakbo, at muling mga pag-atake. May mga pagkakataon na walang cut na nangyayari lalo na kung maganda at totoo ang rehistro sa camera. Isa pa ay mas nagiging kapani-paniwala iyon. Dahil matagal niya ng katrabaho ang direktor ngayon, alam na nito kung paano siya magtrabaho.

Mayamaya pa, bumuhos na ang malakas na ulan. Sinabayan pa iyon ng matinding pagkidlat at kulog. Sa muling pag-angat ng ulo ni Gabby, ipinakita niya ang matinding determinasyon upang umakto na matatalo niya na ang mga kalaban. Habang bumubuhos ang ulan, nagsimula naman ang kanyang pagtakbo. Ayon sa script, kailangang nakatingin lamang siya sa kalaban na nasa kanyang harapan at hindi mapapansin ang paparating na paghampas ng isang dospordos sa kanyang sikmura.

Nang ipatama iyon sa kanyang sikmura, umakto kaagad si Gabby na nakaluhod sa lapag. Doon na rin siya napahiga sa lapag at tinalian ng lubid sa katawan. 

Umakto pa siyang nagpupumiglas ngunit hindi na siya makakawala pa dahil sa panghihina. Kaagad siyang hinila ng isang kalabang actor sa sulok upang talian naman ang kanyang mga paa. 

Matapos mahigpitan ang tali ng kanyang paa, at mapasakan ng tela ang kanyang bibig, ganoon na lamang ang pagtataka ni Gabby nang makarinig ng malakas na pagsabog. Dama pa niya ang naging pagyanig ng lupa. 

Napatayo nang wala sa oras ang kanyang co-actor. Lumayo rin ito sa kanya upang magtanong ng nangyayari sa direktor.

Kumunot ang noo ni Gabby. May nakalimutan ba siya sa script na hindi niya maalala? May mga pagbabago ba sa eksena na hindi niya alam habang tulog sa sasakyan? Pero iyong paglapit ng co-actor niya, anong ibig sabihin niyon? Sigurado siya na hindi pa April ngayon kaya malabong prank ito sa kanya.

Lumalamig na ang hangin dahil sa matinding pag-ulan ngunit hindi iyon inalintana ni Gabby. Naroon pa rin sa kanya ang matinding pagtataka. 

Mayamaya pa, nakarinig na siya ng magkakasunod na putukan. Pilit niya na namang hinahalungkat sa isipan kung may napalitan ba sa script na hindi niya maalala. Ngunit sigurado siya na wala. Pinaghirapan niya ang pag-aaral ng mga stunts. Binasa niya ring mabuti ang script kaya sigurado siyang walang nakaligtaan. 

Mas naging sigurado si Gabby na may ibang nangyayari nang mabaling ang tingin niya sa mga kasamahang naroon sa pagbuo ng pelikula. Bakas din sa mga ito ang pagtataka. Lalong lumapit ang tunog ng putukan hanggang sa umabot na iyon sa kanilang direksyon. 

Ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ni Gabby nang bumagsak ang isa sa mga nasa production film! Ang kaninang pagtataka, napalitan ng matinding pagkagulat sa lahat. 

Mayamaya pa, sumunod naman ang matinding sigawan. Hindi rin nagtagal, nagtatakbuhan na ang mga ito dahil sa sunod-sunod na pagbagsak ng iba pa. 

Nanlalaki ang mga ni Gabby nang makitang may tama ang mga ito ng baril. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kahit may pasak ang kanyang bibig, pinilit niyang sumigaw nang mga sandaling iyon. Natataranta rin siya sa pagtatanggal ng lubid sa kanyang paa at kamay. 

Iniwan siya ng mga kasamahan! Walang natira upang tulungan siyang makaalis doon. Dama niya ang matinding takot para sa sariling buhay nang masundan ng malalakas na pagsabog ang lugar. 

Nasa isipan niya pa lamang kanina at inaakto ang pagpasok ng tulisan sa baraks, ngunit hindi kailanman sumagi sa kanyang isipan na magkakatotoo iyon. 

Tila pinatiran ng hangin ang kanyang baga nang makita niya ang isang armadong lalaki na sinigurado pa kung buhay ang isa sa mga production team na bumagsak sa kanina. Nang mga sandaling iyon, nakita na lamang ni Gabby ang sarili na walang magawa matapos muling barilin ang kanyang katrabaho. 

Natagpuan niya na lamang din ang sarili na nagsusumiksik sa isang gilid dahil sa takot na makita siya nito…

Kaugnay na kabanata

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 5

    GANOON NA LAMANG ang malakas na pagsigaw ni Gabby na pumailanlang sa kabuuan ng puting kwarto. Nangangatog ang buong katawan niya nang magising dala ng matinding takot. Dama niya rin ang matinding pagkataranta habang sumisiksik sa isang sulok. Mayamaya pa, kumawala naman ang malakas na paghagulhol sa dalaga. Maririnig doon ang matinding takot na hindi niya maipaliwanag sa sarili.Dali-dali naman ang paglapit sa kanya ni Ruthy. Niyakap kaagad siya ng kaibigan at kinulong sa malaki nitong katawan. Paulit-ulit ang pilit na pagpapakalma nito sa kanya ngunit sigaw-sigaw pa rin nang sigaw si Gabby. Patuloy na naglalaro sa isipan niya ang pagkuha sa kanya ng mga lalaki. Pilit siyang binibitbit ng mga ito papasok sa kagubatan. Nang pumalag siya upang makatakas sa mga ito, nakita niya kung paano barilin ang kanilang assistant director na kasama sa mga dinala ng mga hindi niya kilalang lalaking iyon.Nang makita ang itsura nito, habang lumalapit sa kanya, doon na siya nakaramdam ng matinding p

    Huling Na-update : 2023-08-02
  • Solace in His Embrace   CHAPTER 1

    MALALIM NA PAGHINGA ang paulit-ulit niyang ginagawa. Pinapakalma ni Gabby ang kanyang sarili. Kailangan niyang pumunta sa isang container van na nasa pagitan ng isang puno na kinatatayuan niya ngayon. Matindi na ang pagtagaktak ng kanyang pawis. Patuloy pa ring kumakabog ang kanyang dibdib. Nilalamon siya ng matinding kaba ngunit naroon ang nagliliyab na damdamin sa kanya na mailigtas ang mga babaeng nasa loob ng container van. Alam niya ang takot ng mga ito para sa kanilang sariling buhay. Hanggang kaya pa ng katawan niya, tumatayo pa siya, hindi siya papayag na may mga kababaihang pagsasamantalahan dahil sa kanilang pangangailangan. Ang alam ng mga kababaihang iyon ay waitress sa ibang bansa ang kanilang papasukan ngunit dahil sa mga mapansamantalang tao, nalagay ang mga ito sa kapahamakan.Nasa liblib na parte ng kagubatan sila ng bayan ng Rumamban. Dito nila natagpuan ang sinasabing container ng isang impormante na matagal ng nagmamanman sa lugar.“Clear!” sigaw ni Captain Mariano

    Huling Na-update : 2023-07-24
  • Solace in His Embrace   CHAPTER 2

    ISANG MALALIM NA buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Gabby. Hindi niya na maalala kung ilang beses niya na iyong ginawa habang binabaybay kanina ang daan patungo sa kanilang bahay. Kahit nang makarating sa tapat ng kanilang mansyon, ganoon pa rin ang kanyang ginagawa. Binati kaagad siya ng mga gwardya nang pagbuksan siya ng gate. Tinignan niya ang kabuuan ng bahay na iyon…Mula pa lamang sa kinatatayuan niya, mapapansin ng maraming kwarto ang bahay dahil sa dami ng bintana. Apat na palapag iyon. Kasinglapad ng normal na soccer field ang kinatitirikan. May malaking espasyo sa bukana at bawat gilid nito. Naglalaro sa kulay beige, white, at wood ang kulay ng mansyon ng pamilya nila.Sa mga ganitong pagkakataon lang sila hindi nagkakasama ni Ruthy. Ayaw kase ng kaibigan niya sa ugali ng kanyang ama. Lalo na ang pamimilit nito sa mga bagay na makakatulong upang mapaunlad ang kompanya. Katulad na lamang ng pag-aasawa—nang sa gayon ay mas mapalaki ang saklaw ng kompanya nito. Sigur

    Huling Na-update : 2023-07-24
  • Solace in His Embrace   CHAPTER 3

    MARIRINIG ANG MALAKAS na pagsuntok ni Conrad sa boxing bag na nasa kanyang harapan. Bawat pagtunog niyon ay nag-e-echo sa kabuuan ng gym na kanyang pinag-eensayuhan. Ginagamit niya rin niya rin ang kanyang mga paa. Sa bawat pagsipa ay sinisigurado niyang may kalakasan ang kanyang ibinibigay nang sa gayon ay ngayon pa lang ay malaman niya ang kanyang limitasyon. Sa bawat laban niya kapag MMA fight siya ay mas marami siyang natutuklasan sa sarili. Dahil doon ay nalalaman niya ang kanyang mga kahinaan at kalakasan na kailangan niyang bigyang pansin nang sa ganoon ay alam niya ang gagawin kapag nasa loob na siya ng arena. Pinag-aaralan niya rin ang bawat bawat galaw ng kalaban at kung papaano ito nakikipaglaban. Hindi naiiwasan na natatapat siya sa mga katunggaling may maruming pamamaraan kaya naman kailangan niya iyong paghandaan para kung lalaban siya ay hindi siya nasusupresa.Muli ang naging pagsuntok ng binata sa boxing bag na naging dahilan ng matinding paggalaw niyon.“Left! Righ

    Huling Na-update : 2023-07-24

Pinakabagong kabanata

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 5

    GANOON NA LAMANG ang malakas na pagsigaw ni Gabby na pumailanlang sa kabuuan ng puting kwarto. Nangangatog ang buong katawan niya nang magising dala ng matinding takot. Dama niya rin ang matinding pagkataranta habang sumisiksik sa isang sulok. Mayamaya pa, kumawala naman ang malakas na paghagulhol sa dalaga. Maririnig doon ang matinding takot na hindi niya maipaliwanag sa sarili.Dali-dali naman ang paglapit sa kanya ni Ruthy. Niyakap kaagad siya ng kaibigan at kinulong sa malaki nitong katawan. Paulit-ulit ang pilit na pagpapakalma nito sa kanya ngunit sigaw-sigaw pa rin nang sigaw si Gabby. Patuloy na naglalaro sa isipan niya ang pagkuha sa kanya ng mga lalaki. Pilit siyang binibitbit ng mga ito papasok sa kagubatan. Nang pumalag siya upang makatakas sa mga ito, nakita niya kung paano barilin ang kanilang assistant director na kasama sa mga dinala ng mga hindi niya kilalang lalaking iyon.Nang makita ang itsura nito, habang lumalapit sa kanya, doon na siya nakaramdam ng matinding p

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 4

    KATULAD NG DATI nilang gawi ng kanyang assistant na si Ruthy, lulan na naman sila ng van niyang si Buttercup. Dahil mas matagal na narito siya sa sasakyan kumpara sa bahay, literal na may kama, banyo, at kung ano pang mga kailangan ng katawan ang van niya. Bago mabili ang van, sinigurado niya muna na magiging komportable siya roon dahil iyon din ang dala-dala niya sa mga pinupuntahang taping. Matagal din ang binunong oras dahil sa customization ngunit sulit ang paghihintay niya. Iyon ang pinakakomportableng sasakyang nasakyan niya.Nasa piyer na sila ngayon at umuusad ang sasakyan papasok ng barko. Dahil sa fear of heights niya, iwas na iwas siya sa pagsakay ng eroplano. Buti na lang understanding ang kanyang assistant. Hindi ito nagrereklamong mag-drive kahit malayo ang lugar na kanilang pupuntahan. Bukod sa pagiging P.A, make up artist minsan, at manager, si Rutthy rin ang kanyang driver. Ewan niya ba sa kaibigan niyang ito, tila maraming binubuhay kaya lahat ng trabaho na kailanga

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 3

    MARIRINIG ANG MALAKAS na pagsuntok ni Conrad sa boxing bag na nasa kanyang harapan. Bawat pagtunog niyon ay nag-e-echo sa kabuuan ng gym na kanyang pinag-eensayuhan. Ginagamit niya rin niya rin ang kanyang mga paa. Sa bawat pagsipa ay sinisigurado niyang may kalakasan ang kanyang ibinibigay nang sa gayon ay ngayon pa lang ay malaman niya ang kanyang limitasyon. Sa bawat laban niya kapag MMA fight siya ay mas marami siyang natutuklasan sa sarili. Dahil doon ay nalalaman niya ang kanyang mga kahinaan at kalakasan na kailangan niyang bigyang pansin nang sa ganoon ay alam niya ang gagawin kapag nasa loob na siya ng arena. Pinag-aaralan niya rin ang bawat bawat galaw ng kalaban at kung papaano ito nakikipaglaban. Hindi naiiwasan na natatapat siya sa mga katunggaling may maruming pamamaraan kaya naman kailangan niya iyong paghandaan para kung lalaban siya ay hindi siya nasusupresa.Muli ang naging pagsuntok ng binata sa boxing bag na naging dahilan ng matinding paggalaw niyon.“Left! Righ

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 2

    ISANG MALALIM NA buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Gabby. Hindi niya na maalala kung ilang beses niya na iyong ginawa habang binabaybay kanina ang daan patungo sa kanilang bahay. Kahit nang makarating sa tapat ng kanilang mansyon, ganoon pa rin ang kanyang ginagawa. Binati kaagad siya ng mga gwardya nang pagbuksan siya ng gate. Tinignan niya ang kabuuan ng bahay na iyon…Mula pa lamang sa kinatatayuan niya, mapapansin ng maraming kwarto ang bahay dahil sa dami ng bintana. Apat na palapag iyon. Kasinglapad ng normal na soccer field ang kinatitirikan. May malaking espasyo sa bukana at bawat gilid nito. Naglalaro sa kulay beige, white, at wood ang kulay ng mansyon ng pamilya nila.Sa mga ganitong pagkakataon lang sila hindi nagkakasama ni Ruthy. Ayaw kase ng kaibigan niya sa ugali ng kanyang ama. Lalo na ang pamimilit nito sa mga bagay na makakatulong upang mapaunlad ang kompanya. Katulad na lamang ng pag-aasawa—nang sa gayon ay mas mapalaki ang saklaw ng kompanya nito. Sigur

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 1

    MALALIM NA PAGHINGA ang paulit-ulit niyang ginagawa. Pinapakalma ni Gabby ang kanyang sarili. Kailangan niyang pumunta sa isang container van na nasa pagitan ng isang puno na kinatatayuan niya ngayon. Matindi na ang pagtagaktak ng kanyang pawis. Patuloy pa ring kumakabog ang kanyang dibdib. Nilalamon siya ng matinding kaba ngunit naroon ang nagliliyab na damdamin sa kanya na mailigtas ang mga babaeng nasa loob ng container van. Alam niya ang takot ng mga ito para sa kanilang sariling buhay. Hanggang kaya pa ng katawan niya, tumatayo pa siya, hindi siya papayag na may mga kababaihang pagsasamantalahan dahil sa kanilang pangangailangan. Ang alam ng mga kababaihang iyon ay waitress sa ibang bansa ang kanilang papasukan ngunit dahil sa mga mapansamantalang tao, nalagay ang mga ito sa kapahamakan.Nasa liblib na parte ng kagubatan sila ng bayan ng Rumamban. Dito nila natagpuan ang sinasabing container ng isang impormante na matagal ng nagmamanman sa lugar.“Clear!” sigaw ni Captain Mariano

DMCA.com Protection Status