MARIRINIG ANG MALAKAS na pagsuntok ni Conrad sa boxing bag na nasa kanyang harapan. Bawat pagtunog niyon ay nag-e-echo sa kabuuan ng gym na kanyang pinag-eensayuhan. Ginagamit niya rin niya rin ang kanyang mga paa. Sa bawat pagsipa ay sinisigurado niyang may kalakasan ang kanyang ibinibigay nang sa gayon ay ngayon pa lang ay malaman niya ang kanyang limitasyon.
Sa bawat laban niya kapag MMA fight siya ay mas marami siyang natutuklasan sa sarili. Dahil doon ay nalalaman niya ang kanyang mga kahinaan at kalakasan na kailangan niyang bigyang pansin nang sa ganoon ay alam niya ang gagawin kapag nasa loob na siya ng arena.
Pinag-aaralan niya rin ang bawat bawat galaw ng kalaban at kung papaano ito nakikipaglaban. Hindi naiiwasan na natatapat siya sa mga katunggaling may maruming pamamaraan kaya naman kailangan niya iyong paghandaan para kung lalaban siya ay hindi siya nasusupresa.
Muli ang naging pagsuntok ng binata sa boxing bag na naging dahilan ng matinding paggalaw niyon.
“Left! Right!” malakas na sigaw ng kanyang coach. “Your feet!”
Muli ang naging malakas na pagsipa ni Conrad na naging dahilan para gumalaw na naman nang malakas ang boxing bag.
“Thirty minutes break!” sigaw na naman ng kanyang coach.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng binata nang sunod-sunod. Naging tagaktak din ang kanyang pawis habang nakawahak sa boxing bag upang pigilan ang paggalaw niyon.
Matapos habulin ang kanyang paghinga, saka lamang nagawa ni Conrad na kunin ang kanyang bimpo na nakapatong sa kanyang gym bag. Kaagad ang naging pagpunas niya ng pawis na tagaktak. Hinubad niya rin ang basang damit na suot-suot saka sumandal sa boxing na kanyang kinauupuan.
“Your match will happen three from now, are you ready?” tanong sa kanya ng isa sa mga kasamahan niyang hawak din ng kanilang coach.
“Lagi namang handa ‘yan!” malakas na pasaring ng isang kasamahan nila sa gym. “Papaanong hindi, lahat ng oras ng coach natin ibinigay na sa isang iyan! Ilang beses pa lang namang nanalo. Mas matagal na tayong nandito pero tignan mo? S****p kase!”
“Magsisimula ka na naman ba, Willbert?”
Bahagyang napailing si Conrad. Kailanman ay hindi niya yata talaga makakasundo ang kasamahan niyang ito.
“Totoo naman!” hindi pa rin tumitigil na pasaring ni Willbert. “Naging malakas lang naman din iyan dahil sa kapit na sikat na artista. Hindi ko nga alam kung anong nakita riyan ni Miss Gabby—”
“Willbert!” muling saway ng kasamahan nila dito.
“Let him, Thomas,” sabi niya rito. “What can he show off? Just an air—”
“Ano ulit iyon, Jinx?” galit na tanong nito sa kanya at patungo na sa kanyang direksyon.
“Did I hit your ego?” nakangisi niyang tanong dito. “You’re too loud for a man. Don’t use your energy by just talking to me. That's why you always lose.”
“Jinx!” malakas nitong sigaw at ibinato ang hawak na barbel na naging dahilan ng malakas na pagkalabog niyon sa sahig.
“Hala!”
Malakas na sigaw ng kung sino na naging dahilan ng paglingon ni Conrad. Nawala ang atensyon niya kay Willbert na papasugod na sa kanya.
Dali-dali ang pagharang ng babae ng katawan nito sa pagitan nilang dalawa ni Willbert.
“Bakit kayo nag-aaway?” malakas na tanong ni Gabby sa kanila.
“Save by a girl again?” tanong muli ni Willbert sa kanya na naging dahilan ng pagngisi nitong muli. “Hindi kami nag-aaway, Miss Gabby. Nag-uusap lang kami. Sa susunod, hihingi ako ng autograph sa ‘yo!” sigaw muli ni Willbert sa kanila na naging mabilis ang pagtalikod upang umalis.
“Hi, Miss Gabby!” nakangiti namang bati ni Thomas sa kanya.
“Hi, Thomas!” magiliw itong ngumiti sa kaibigan niya. “Here!” iniabot nito ang isang plastic na dala.
“Nag-abala ka pa, Miss Gabby!” sabi nito kaagad na tinanggap ang plastic na dala ng dalaga.
“You need strength to fight!” nakangiti na naman nitong wika. “Just brought my goodluck food!”
“Kunin ko na!” walang pag-aatubiling wika ni Thomas. “Ilipat ko lang ng lalagyan. Balik ako! Iwan ko muna kayo.”
Nang makaalis ang kanyang kaibigan. Mabilis ang naging pagtalikod ni Conrad upang kunin ang kanyang t-shirt. Hindi niya sinuklian ang magandang ngiti ng dalaga nang lumingon sa kanyang direksyon.
“Alam mo, sa ilang beses kong pagpunta rito, hindi pa kita nakitang ngumiti!” sabi nito sabay ang paghabol patungo sa kanyang direksyon. “Bakit parang parating mainit ang ulo mo sa akin? Parang wala naman akong natatandaang kasalanan sa ‘yo!”
“Why are you here again?”
“See? Mainit talaga ang ulo mo sa akin! Kapag tinatanong naman kita kung bakit, wala kang sinasabi!” lumipat na naman ito ng pwesto kung saan siya humarap. “Nandito ako kase gusto kitang makita. I have a break for a while before coming back to my taping!”
“And?” tanong niya dito habang ipinapakita na hindi siya interesado.
“I told you, I just want to see you!” malungkot na sagot nito sa kanya.
“Did you ask me if I want to see you?” tanong niya rito. “We have training all the time. Seeing you doesn’t help at all. You’re just wasting my time—”
“Hey! Foul na iyan. Grabe ka na magsalita,” sabi nito sa kanya nang may malungkot na rehistro sa mukha. “Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa ‘yo para ipagtabuyan mo ako ng ganyan. Masama ba talagang makita kita?”
Bahagyang naipikit ni Conrad ang mga mata bago punasan ang buhok na basa ng pawis saka tumingin sa dalaga.
“What did you think you're doing, Miss Villa? You’re a girl who comes and goes to the gym with full of boys whenever you want to. What’s worse is you're an artist. Coming here can harm your image—”
“Yiiieee concern siya sa akin!” nakangiti nitong wika naman ngayon. “And I don’t care about them! Do they make me happy? No. I don’t think so!”
“Gabby,” malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya.
“Alam mo mas maganda talagang pakinggan kapag ikaw ang tumatawag sa pangalan ko! Bakit kase lagi na lang apelyido ko ang sinasabi mo?” nakangiti nitong wika at lumipat na naman ng direksyon nang makatalikod siya.
“Go out now,” sabi niya rito.
“Sandali lang naman…” sabi nito. “Alam mo, ikaw ang pahinga ko. Kailangan ko lang mag-recharge—”
“Go now, Gabby,” sabi niyang muli.
“Ito na nga,” isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito. Mahihimigan din doon ang malungkot na tinig ng dalaga.
Nagpanggap lamang si Conrad na abala sa pag-aayos ng kanyang gamit nang maramdaman niyang nakatingin pa rin sa kanya ang dalaga. Nang makatalikod ito at bahagyang makalayo, saka niya ito hinabol ng tingin.
Hindi niya gusto na ipinagtatabuyan ito parati dahil hindi ganoon ang naging turo sa kanya ng ina sa pagtrato ng babae ngunit ayaw niya itong paasahin at bigyan ng rason ang dalaga upang umasa. Hindi niya kayang suklian ang atensyon na ibinibigay nito dahil sa pangarap niya para sa kanyang pamilya. Hindi kasama sa plano niya ang babae. Makakagulo lamang ito sa mga gusto niyang mangyari sa buhay.
Mabilis ang naging kanyang pagtalikod ng lumingon ito.
Kailangan niyang kumbinsihin ang sarili na tama ang kanyang desisyon. Hindi dapat mawala ang kanyang atensyon sa ginagawa. Magugulo lamang ang plano niya kapag pinapasok ang babae sa buhay niya…
KATULAD NG DATI nilang gawi ng kanyang assistant na si Ruthy, lulan na naman sila ng van niyang si Buttercup. Dahil mas matagal na narito siya sa sasakyan kumpara sa bahay, literal na may kama, banyo, at kung ano pang mga kailangan ng katawan ang van niya. Bago mabili ang van, sinigurado niya muna na magiging komportable siya roon dahil iyon din ang dala-dala niya sa mga pinupuntahang taping. Matagal din ang binunong oras dahil sa customization ngunit sulit ang paghihintay niya. Iyon ang pinakakomportableng sasakyang nasakyan niya.Nasa piyer na sila ngayon at umuusad ang sasakyan papasok ng barko. Dahil sa fear of heights niya, iwas na iwas siya sa pagsakay ng eroplano. Buti na lang understanding ang kanyang assistant. Hindi ito nagrereklamong mag-drive kahit malayo ang lugar na kanilang pupuntahan. Bukod sa pagiging P.A, make up artist minsan, at manager, si Rutthy rin ang kanyang driver. Ewan niya ba sa kaibigan niyang ito, tila maraming binubuhay kaya lahat ng trabaho na kailanga
GANOON NA LAMANG ang malakas na pagsigaw ni Gabby na pumailanlang sa kabuuan ng puting kwarto. Nangangatog ang buong katawan niya nang magising dala ng matinding takot. Dama niya rin ang matinding pagkataranta habang sumisiksik sa isang sulok. Mayamaya pa, kumawala naman ang malakas na paghagulhol sa dalaga. Maririnig doon ang matinding takot na hindi niya maipaliwanag sa sarili.Dali-dali naman ang paglapit sa kanya ni Ruthy. Niyakap kaagad siya ng kaibigan at kinulong sa malaki nitong katawan. Paulit-ulit ang pilit na pagpapakalma nito sa kanya ngunit sigaw-sigaw pa rin nang sigaw si Gabby. Patuloy na naglalaro sa isipan niya ang pagkuha sa kanya ng mga lalaki. Pilit siyang binibitbit ng mga ito papasok sa kagubatan. Nang pumalag siya upang makatakas sa mga ito, nakita niya kung paano barilin ang kanilang assistant director na kasama sa mga dinala ng mga hindi niya kilalang lalaking iyon.Nang makita ang itsura nito, habang lumalapit sa kanya, doon na siya nakaramdam ng matinding p
MALALIM NA PAGHINGA ang paulit-ulit niyang ginagawa. Pinapakalma ni Gabby ang kanyang sarili. Kailangan niyang pumunta sa isang container van na nasa pagitan ng isang puno na kinatatayuan niya ngayon. Matindi na ang pagtagaktak ng kanyang pawis. Patuloy pa ring kumakabog ang kanyang dibdib. Nilalamon siya ng matinding kaba ngunit naroon ang nagliliyab na damdamin sa kanya na mailigtas ang mga babaeng nasa loob ng container van. Alam niya ang takot ng mga ito para sa kanilang sariling buhay. Hanggang kaya pa ng katawan niya, tumatayo pa siya, hindi siya papayag na may mga kababaihang pagsasamantalahan dahil sa kanilang pangangailangan. Ang alam ng mga kababaihang iyon ay waitress sa ibang bansa ang kanilang papasukan ngunit dahil sa mga mapansamantalang tao, nalagay ang mga ito sa kapahamakan.Nasa liblib na parte ng kagubatan sila ng bayan ng Rumamban. Dito nila natagpuan ang sinasabing container ng isang impormante na matagal ng nagmamanman sa lugar.“Clear!” sigaw ni Captain Mariano
ISANG MALALIM NA buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Gabby. Hindi niya na maalala kung ilang beses niya na iyong ginawa habang binabaybay kanina ang daan patungo sa kanilang bahay. Kahit nang makarating sa tapat ng kanilang mansyon, ganoon pa rin ang kanyang ginagawa. Binati kaagad siya ng mga gwardya nang pagbuksan siya ng gate. Tinignan niya ang kabuuan ng bahay na iyon…Mula pa lamang sa kinatatayuan niya, mapapansin ng maraming kwarto ang bahay dahil sa dami ng bintana. Apat na palapag iyon. Kasinglapad ng normal na soccer field ang kinatitirikan. May malaking espasyo sa bukana at bawat gilid nito. Naglalaro sa kulay beige, white, at wood ang kulay ng mansyon ng pamilya nila.Sa mga ganitong pagkakataon lang sila hindi nagkakasama ni Ruthy. Ayaw kase ng kaibigan niya sa ugali ng kanyang ama. Lalo na ang pamimilit nito sa mga bagay na makakatulong upang mapaunlad ang kompanya. Katulad na lamang ng pag-aasawa—nang sa gayon ay mas mapalaki ang saklaw ng kompanya nito. Sigur

MARIRINIG ANG MALAKAS na pagsuntok ni Conrad sa boxing bag na nasa kanyang harapan. Bawat pagtunog niyon ay nag-e-echo sa kabuuan ng gym na kanyang pinag-eensayuhan. Ginagamit niya rin niya rin ang kanyang mga paa. Sa bawat pagsipa ay sinisigurado niyang may kalakasan ang kanyang ibinibigay nang sa gayon ay ngayon pa lang ay malaman niya ang kanyang limitasyon. Sa bawat laban niya kapag MMA fight siya ay mas marami siyang natutuklasan sa sarili. Dahil doon ay nalalaman niya ang kanyang mga kahinaan at kalakasan na kailangan niyang bigyang pansin nang sa ganoon ay alam niya ang gagawin kapag nasa loob na siya ng arena. Pinag-aaralan niya rin ang bawat bawat galaw ng kalaban at kung papaano ito nakikipaglaban. Hindi naiiwasan na natatapat siya sa mga katunggaling may maruming pamamaraan kaya naman kailangan niya iyong paghandaan para kung lalaban siya ay hindi siya nasusupresa.Muli ang naging pagsuntok ng binata sa boxing bag na naging dahilan ng matinding paggalaw niyon.“Left! Righ