Share

CHAPTER 5

Author: PortalMentis_
last update Last Updated: 2023-08-02 14:33:56

GANOON NA LAMANG ang malakas na pagsigaw ni Gabby na pumailanlang sa kabuuan ng puting kwarto. Nangangatog ang buong katawan niya nang magising dala ng matinding takot. Dama niya rin ang matinding pagkataranta habang sumisiksik sa isang sulok. Mayamaya pa, kumawala naman ang malakas na paghagulhol sa dalaga. Maririnig doon ang matinding takot na hindi niya maipaliwanag sa sarili.

Dali-dali naman ang paglapit sa kanya ni Ruthy. Niyakap kaagad siya ng kaibigan at kinulong sa malaki nitong katawan. Paulit-ulit ang pilit na pagpapakalma nito sa kanya ngunit sigaw-sigaw pa rin nang sigaw si Gabby. 

Patuloy na naglalaro sa isipan niya ang pagkuha sa kanya ng mga lalaki. Pilit siyang binibitbit ng mga ito papasok sa kagubatan. Nang pumalag siya upang makatakas sa mga ito, nakita niya kung paano barilin ang kanilang assistant director na kasama sa mga dinala ng mga hindi niya kilalang lalaking iyon.

Nang makita ang itsura nito, habang lumalapit sa kanya, doon na siya nakaramdam ng matinding pagsisisi at takot. Bumagsak ang pobreng katrabaho na dilat ang mga mata at sumusuka ng dugo sa kanyang harapan. Pula. Kadiliman ang nakita ng dalaga habang paulit-ulit ang kanyang pagsigaw. Nagkaroon siya ng panic attack nang mga sandaling iyon. Hindi na maalala ni Gabby ang mga sumunod na nangyari sa kanya. Bukod sa mga sunod-sunod na putukan, wala na siyang ibang maalala pa. 

“Hey, Gabby!” paulit-ulit ang naging pagtawag sa kanya ni Ruthy. Hindi ito tumitigil hanggang hindi nakukuha ang atensyon niya. “Gabby! Gabby!”

“Calm down…” paulit-ulit nitong hinimas ang kanyang likuran. “Calm down, Gabby…”

Nang bigo itong mapakalma ni Ruthy, tatayo na sana ito sa kanyang tabi upang tumawag ng doktor ngunit pinigilan niya ito. Naging mahigpit ang yakap niya rito habang kumakawala ang mahinang pag-iyak sa kanya.

“Don’t leave me, please…” pakiusap niya sa kaibigan. Natatakot siya nang mga sandaling iyon na mag-isa. Pakiramdam niya sa oras na iwan siya ng kaibigan ay may susunod sa kanya upang kunin siya. 

Hindi alam ni Gabby kung ilang oras siya na nasa ganoong posisyon. Hindi niya rin namalayan na nakatulog na pala siya at iniayos ni Ruthy ang kanyang pagkakahiga. 

Nang maalimpungatan, nasa maayos na siyang posisyon at nakakarinig ng mahinang sagutan sa labas ng pinto. Banda roon sa receiving area ng kwartong kanyang inaakupa.

“Ano bang klaseng hospital ito? Sinabi ko ng harangin ang media. Na huwag magpapasok sa building ng reporter pero hindi nakinig—stress!” tuloy-tuloy na talak ni Ruthy. 

Iminulat ni Gabby ang kanyang mga mata. Ang kaibigan kaagad ang una niyang hinanap. May pinindot na naman ito sa cellphone at may kausap na naman sa kabilang linya.

“What is this, Mr. Antonio? I told you, don’t play dirty with us. We will not come back to your agency!” galit na sabi ni Ruthy. “Anong tingin niyo kay Gabby, robot? Hindi porque nasa kasagsagan ng karera ang kaibigan ko, aabusuhin niyo na ang tao!” 

“File a lawsuit then. Sa tingin mo natatakot kami? Hindi mo kilala ang binabangga mo. Watch your mouth, Mr. Antonio! Talk to our lawyer. Huwag kang dumagdag sa init ng ulo ko! Hindi ako natatakot sa ‘yo,” galit nitong pinatayan ng telepono ang kausap.

Nagsunod-sunod naman ang pag-iling ni Gabby. Kapag galit ang kaibigan, nakakalimutan niyang beki ito dahil biglang nagkakaroon ng malalim na boses. Wala na rin sa tono nito ang malambot at nakakarinding tinig.

Tatawagin niya na sana ang kaibigan nang may pumasok sa kwarto na hindi niya inaasahang tao. Dali-dali ang pagpikit ni Gabby ng kanyang mga mata sa takot na malaman nitong gising siya. Hindi pa siya handang makipag-usap dito. Alam niyang mapapagalitan na naman siya ng ama. Iniiwasan niyang mangyari iyon. Hindi pa stable ang lagay ng utak niya at ng pakiramdam niya. Siguradong magbi-breakdown siya sa oras na makaharap ito.

“Mr. Villa,” bati ng kanyang kaibigan. 

Pasimpleng tumingin si Gabby sa kaibigan niya nang mapansing hindi nakatingin ang ama sa kanyang direksyon. Buo pa rin kase ang boses ng kaibigan. Timing ang pagdating ng ama niya na galit pa rin si Ruthy.

“What is this mess?” seryosong tanong ng ama niya. Ang tinutukoy nito ay ang kaguluhan sa labas. Naroon pa rin ang media.

Tumaas ang kaliwang kilay ni Ruthy. Mukhang hindi nito nagustuhan ang bungad ng ama niya.

“Excuse me? Did I heard it right? Hindi ba dapat ang itatanong mo ay kumusta na ang anak mo? Bilib talaga ako sa pagiging magaling mong tatay, Mr. Villa.”

“Fix this problem,” sabi ng daddy niya. 

Nagsunod-sunod ang pag-iling ni Ruthy. Mukhang hindi lalo nagustuhan ng kaibigan niya ang sinabi ng ama niya. 

“Ang anak mo ang agrabyado rito, Mr. Villa. Nakaligtas siya ngunit ang trauma na hatid sa kanya ay hindi ganoon-ganoon lang. Katutulog pa nga lang niyang si Gabby. Hindi ko maiwan kase nangangatog sa takot,” sandaling natahimik si Ruthy. 

Pinagmasdan nito ang ama niya na hindi umiimik. 

“What is this? Balak mong muling tumakbo, Mr. Villa? Kaya ba nagpapunta ka rito press para masabing mabuti kang ama? Kahit hindi na ako magpaimbestiga sa pagsugod nila kanina, alam kong ikaw ang may pakana. Nagpapanggap ka nag-aalala sa anak mo kahit hindi naman talaga.”

Sandaling natahimik ang kaibigan niya habang hindi inaalis ang tingin sa ama niyang tila walang pakialam sa kanya.

“Nag-aalala ka rin sa kontrobersya kung sakaling madawit ang pangalan mo kay Gabby? Come on! Don’t be hypocrite, Mr. Villa! Hindi trophy ang anak mo na kapag may panalo lang saka mo aangkinin at ipagmamalaki.” 

Bahagyang natawa ang kaibigan niya nang hindi sumagot ang dad niya.

“Dahil tapos na akong magsalita, makakaalis na ako, Mr. Villa. Oo! Ako ang aalis. Nakakasira ka kase ng beauty,” mahihimigan gigil na wika ng kaibigan niya bago magtuloy-tuloy ng pagpasok sa kanyang kwarto. 

Dali-dali rin ang pagsarado nito roon ng pinto.

Natawa siya nang hawakan ng kaibigan ang dibdib nito at huminga nang malalim.

“Ayos ka lang?” mahina niyang tanong sa kaibigan nang idilat nito ang mga mata.

Nagkunwari naman itong umiiyak na lumapit sa kanya upang yumakap. 

Ipinikit na lamang ni Gabby ang mga mata nang iyakap din ang braso sa kaibigan. Lihim siyang nagpapasalamat dito dahil kahit na anong pagtataboy niya, hindi siya iniwan nito. Sa mga panahong kailangan niya ng karamay, nasa tabi niya palagi si Ruthy. Hindi niya nararamdaman ang pagiging mag-isa. Ito ang nag-iisang taong nasa tabi niya kapag kailangan niya ng masasandalan.

Aksidenteng nabaling ang tingin ni Gabby sa orasan ng hospital. Ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata niya nang makita ang oras doon. Dali-dali ang pagkuha niya ng remote upang buksan ang tv at ilipat sa isang channel.

“Oy, gaga! Nagbukas ka ng TV mamaya nandiyan pa sa labas ang father Earth mo!”

“Umalis na iyon. Just like what you’ve said, it’s just for the show.”

“Stressening talagang maging mayaman!” 

“Hay… sinabi mo pa!”

“Napano ka?” 

Nagtatakang tanong ng kaibigan niya nang mapansin ang pagbagsak ng katawan niya sa higaan.

“Hindi ko napanood ang laban ni Conrad,” gusto niyang maiyak nang mga sandaling iyon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi niya napanood ang laban ng ultimate crush niya.

Magsimula nang mag-fangirl siya rito, wala ng laban na hindi niya napanood ang binata. Dali-dali ang pagkuha niya ng cellphone upang hanapin ang bagong article ukol kay Conrad. Ganoon na lamang ang pagpapasalamat niya nang mabasang nanalo pa rin ito.

“Te, patay na patay ka talaga sa Conrad na iyan!” nakataas ang kilay ni Ruthy. 

“Ulit-ulit?” nakangiti niyang tanong sa kaibigan. Hindi niya itatanggi ang sinabi nito kase may katotohanan iyon. 

“Ang dami mong problemang kinakaharap ngunit isang magandang balita lang sa kanya nakangiti ka agad!”

“Wala eh. Tinamaan na ni Kupido. May magagawa pa ba tayo?”

“Aba, wala na!”

“Alam mo naman pala eh.” Natatawa niyang wika.

Magsimula nang iligtas siya ng binata sa bar, hindi niya na ito nakalimutan. Kaya nang itadhanang makita niya muli ang binata sa isang MMA fight, hindi niya na ito nilubayan pa. Kapag may extra siyang oras, ito kaagad ang pinupuntahan niya. Gumagawa rin siya ng paraan upang mapanood ang mga laban nito. Ganoon ang mga naging gawi niya sa loob ng isang taon na patuloy na pagsunod sa binata. 

Patuloy niya pa ring ginagawa iyon kahit pa ilang ulit na siya nitong pinagtatabuyan…

Related chapters

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 1

    MALALIM NA PAGHINGA ang paulit-ulit niyang ginagawa. Pinapakalma ni Gabby ang kanyang sarili. Kailangan niyang pumunta sa isang container van na nasa pagitan ng isang puno na kinatatayuan niya ngayon. Matindi na ang pagtagaktak ng kanyang pawis. Patuloy pa ring kumakabog ang kanyang dibdib. Nilalamon siya ng matinding kaba ngunit naroon ang nagliliyab na damdamin sa kanya na mailigtas ang mga babaeng nasa loob ng container van. Alam niya ang takot ng mga ito para sa kanilang sariling buhay. Hanggang kaya pa ng katawan niya, tumatayo pa siya, hindi siya papayag na may mga kababaihang pagsasamantalahan dahil sa kanilang pangangailangan. Ang alam ng mga kababaihang iyon ay waitress sa ibang bansa ang kanilang papasukan ngunit dahil sa mga mapansamantalang tao, nalagay ang mga ito sa kapahamakan.Nasa liblib na parte ng kagubatan sila ng bayan ng Rumamban. Dito nila natagpuan ang sinasabing container ng isang impormante na matagal ng nagmamanman sa lugar.“Clear!” sigaw ni Captain Mariano

    Last Updated : 2023-07-24
  • Solace in His Embrace   CHAPTER 2

    ISANG MALALIM NA buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Gabby. Hindi niya na maalala kung ilang beses niya na iyong ginawa habang binabaybay kanina ang daan patungo sa kanilang bahay. Kahit nang makarating sa tapat ng kanilang mansyon, ganoon pa rin ang kanyang ginagawa. Binati kaagad siya ng mga gwardya nang pagbuksan siya ng gate. Tinignan niya ang kabuuan ng bahay na iyon…Mula pa lamang sa kinatatayuan niya, mapapansin ng maraming kwarto ang bahay dahil sa dami ng bintana. Apat na palapag iyon. Kasinglapad ng normal na soccer field ang kinatitirikan. May malaking espasyo sa bukana at bawat gilid nito. Naglalaro sa kulay beige, white, at wood ang kulay ng mansyon ng pamilya nila.Sa mga ganitong pagkakataon lang sila hindi nagkakasama ni Ruthy. Ayaw kase ng kaibigan niya sa ugali ng kanyang ama. Lalo na ang pamimilit nito sa mga bagay na makakatulong upang mapaunlad ang kompanya. Katulad na lamang ng pag-aasawa—nang sa gayon ay mas mapalaki ang saklaw ng kompanya nito. Sigur

    Last Updated : 2023-07-24
  • Solace in His Embrace   CHAPTER 3

    MARIRINIG ANG MALAKAS na pagsuntok ni Conrad sa boxing bag na nasa kanyang harapan. Bawat pagtunog niyon ay nag-e-echo sa kabuuan ng gym na kanyang pinag-eensayuhan. Ginagamit niya rin niya rin ang kanyang mga paa. Sa bawat pagsipa ay sinisigurado niyang may kalakasan ang kanyang ibinibigay nang sa gayon ay ngayon pa lang ay malaman niya ang kanyang limitasyon. Sa bawat laban niya kapag MMA fight siya ay mas marami siyang natutuklasan sa sarili. Dahil doon ay nalalaman niya ang kanyang mga kahinaan at kalakasan na kailangan niyang bigyang pansin nang sa ganoon ay alam niya ang gagawin kapag nasa loob na siya ng arena. Pinag-aaralan niya rin ang bawat bawat galaw ng kalaban at kung papaano ito nakikipaglaban. Hindi naiiwasan na natatapat siya sa mga katunggaling may maruming pamamaraan kaya naman kailangan niya iyong paghandaan para kung lalaban siya ay hindi siya nasusupresa.Muli ang naging pagsuntok ng binata sa boxing bag na naging dahilan ng matinding paggalaw niyon.“Left! Righ

    Last Updated : 2023-07-24
  • Solace in His Embrace   CHAPTER 4

    KATULAD NG DATI nilang gawi ng kanyang assistant na si Ruthy, lulan na naman sila ng van niyang si Buttercup. Dahil mas matagal na narito siya sa sasakyan kumpara sa bahay, literal na may kama, banyo, at kung ano pang mga kailangan ng katawan ang van niya. Bago mabili ang van, sinigurado niya muna na magiging komportable siya roon dahil iyon din ang dala-dala niya sa mga pinupuntahang taping. Matagal din ang binunong oras dahil sa customization ngunit sulit ang paghihintay niya. Iyon ang pinakakomportableng sasakyang nasakyan niya.Nasa piyer na sila ngayon at umuusad ang sasakyan papasok ng barko. Dahil sa fear of heights niya, iwas na iwas siya sa pagsakay ng eroplano. Buti na lang understanding ang kanyang assistant. Hindi ito nagrereklamong mag-drive kahit malayo ang lugar na kanilang pupuntahan. Bukod sa pagiging P.A, make up artist minsan, at manager, si Rutthy rin ang kanyang driver. Ewan niya ba sa kaibigan niyang ito, tila maraming binubuhay kaya lahat ng trabaho na kailanga

    Last Updated : 2023-07-24

Latest chapter

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 5

    GANOON NA LAMANG ang malakas na pagsigaw ni Gabby na pumailanlang sa kabuuan ng puting kwarto. Nangangatog ang buong katawan niya nang magising dala ng matinding takot. Dama niya rin ang matinding pagkataranta habang sumisiksik sa isang sulok. Mayamaya pa, kumawala naman ang malakas na paghagulhol sa dalaga. Maririnig doon ang matinding takot na hindi niya maipaliwanag sa sarili.Dali-dali naman ang paglapit sa kanya ni Ruthy. Niyakap kaagad siya ng kaibigan at kinulong sa malaki nitong katawan. Paulit-ulit ang pilit na pagpapakalma nito sa kanya ngunit sigaw-sigaw pa rin nang sigaw si Gabby. Patuloy na naglalaro sa isipan niya ang pagkuha sa kanya ng mga lalaki. Pilit siyang binibitbit ng mga ito papasok sa kagubatan. Nang pumalag siya upang makatakas sa mga ito, nakita niya kung paano barilin ang kanilang assistant director na kasama sa mga dinala ng mga hindi niya kilalang lalaking iyon.Nang makita ang itsura nito, habang lumalapit sa kanya, doon na siya nakaramdam ng matinding p

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 4

    KATULAD NG DATI nilang gawi ng kanyang assistant na si Ruthy, lulan na naman sila ng van niyang si Buttercup. Dahil mas matagal na narito siya sa sasakyan kumpara sa bahay, literal na may kama, banyo, at kung ano pang mga kailangan ng katawan ang van niya. Bago mabili ang van, sinigurado niya muna na magiging komportable siya roon dahil iyon din ang dala-dala niya sa mga pinupuntahang taping. Matagal din ang binunong oras dahil sa customization ngunit sulit ang paghihintay niya. Iyon ang pinakakomportableng sasakyang nasakyan niya.Nasa piyer na sila ngayon at umuusad ang sasakyan papasok ng barko. Dahil sa fear of heights niya, iwas na iwas siya sa pagsakay ng eroplano. Buti na lang understanding ang kanyang assistant. Hindi ito nagrereklamong mag-drive kahit malayo ang lugar na kanilang pupuntahan. Bukod sa pagiging P.A, make up artist minsan, at manager, si Rutthy rin ang kanyang driver. Ewan niya ba sa kaibigan niyang ito, tila maraming binubuhay kaya lahat ng trabaho na kailanga

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 3

    MARIRINIG ANG MALAKAS na pagsuntok ni Conrad sa boxing bag na nasa kanyang harapan. Bawat pagtunog niyon ay nag-e-echo sa kabuuan ng gym na kanyang pinag-eensayuhan. Ginagamit niya rin niya rin ang kanyang mga paa. Sa bawat pagsipa ay sinisigurado niyang may kalakasan ang kanyang ibinibigay nang sa gayon ay ngayon pa lang ay malaman niya ang kanyang limitasyon. Sa bawat laban niya kapag MMA fight siya ay mas marami siyang natutuklasan sa sarili. Dahil doon ay nalalaman niya ang kanyang mga kahinaan at kalakasan na kailangan niyang bigyang pansin nang sa ganoon ay alam niya ang gagawin kapag nasa loob na siya ng arena. Pinag-aaralan niya rin ang bawat bawat galaw ng kalaban at kung papaano ito nakikipaglaban. Hindi naiiwasan na natatapat siya sa mga katunggaling may maruming pamamaraan kaya naman kailangan niya iyong paghandaan para kung lalaban siya ay hindi siya nasusupresa.Muli ang naging pagsuntok ng binata sa boxing bag na naging dahilan ng matinding paggalaw niyon.“Left! Righ

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 2

    ISANG MALALIM NA buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Gabby. Hindi niya na maalala kung ilang beses niya na iyong ginawa habang binabaybay kanina ang daan patungo sa kanilang bahay. Kahit nang makarating sa tapat ng kanilang mansyon, ganoon pa rin ang kanyang ginagawa. Binati kaagad siya ng mga gwardya nang pagbuksan siya ng gate. Tinignan niya ang kabuuan ng bahay na iyon…Mula pa lamang sa kinatatayuan niya, mapapansin ng maraming kwarto ang bahay dahil sa dami ng bintana. Apat na palapag iyon. Kasinglapad ng normal na soccer field ang kinatitirikan. May malaking espasyo sa bukana at bawat gilid nito. Naglalaro sa kulay beige, white, at wood ang kulay ng mansyon ng pamilya nila.Sa mga ganitong pagkakataon lang sila hindi nagkakasama ni Ruthy. Ayaw kase ng kaibigan niya sa ugali ng kanyang ama. Lalo na ang pamimilit nito sa mga bagay na makakatulong upang mapaunlad ang kompanya. Katulad na lamang ng pag-aasawa—nang sa gayon ay mas mapalaki ang saklaw ng kompanya nito. Sigur

  • Solace in His Embrace   CHAPTER 1

    MALALIM NA PAGHINGA ang paulit-ulit niyang ginagawa. Pinapakalma ni Gabby ang kanyang sarili. Kailangan niyang pumunta sa isang container van na nasa pagitan ng isang puno na kinatatayuan niya ngayon. Matindi na ang pagtagaktak ng kanyang pawis. Patuloy pa ring kumakabog ang kanyang dibdib. Nilalamon siya ng matinding kaba ngunit naroon ang nagliliyab na damdamin sa kanya na mailigtas ang mga babaeng nasa loob ng container van. Alam niya ang takot ng mga ito para sa kanilang sariling buhay. Hanggang kaya pa ng katawan niya, tumatayo pa siya, hindi siya papayag na may mga kababaihang pagsasamantalahan dahil sa kanilang pangangailangan. Ang alam ng mga kababaihang iyon ay waitress sa ibang bansa ang kanilang papasukan ngunit dahil sa mga mapansamantalang tao, nalagay ang mga ito sa kapahamakan.Nasa liblib na parte ng kagubatan sila ng bayan ng Rumamban. Dito nila natagpuan ang sinasabing container ng isang impormante na matagal ng nagmamanman sa lugar.“Clear!” sigaw ni Captain Mariano

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status