ISANG MALALIM NA buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Gabby. Hindi niya na maalala kung ilang beses niya na iyong ginawa habang binabaybay kanina ang daan patungo sa kanilang bahay. Kahit nang makarating sa tapat ng kanilang mansyon, ganoon pa rin ang kanyang ginagawa.
Binati kaagad siya ng mga gwardya nang pagbuksan siya ng gate.
Tinignan niya ang kabuuan ng bahay na iyon…
Mula pa lamang sa kinatatayuan niya, mapapansin ng maraming kwarto ang bahay dahil sa dami ng bintana. Apat na palapag iyon. Kasinglapad ng normal na soccer field ang kinatitirikan. May malaking espasyo sa bukana at bawat gilid nito. Naglalaro sa kulay beige, white, at wood ang kulay ng mansyon ng pamilya nila.
Sa mga ganitong pagkakataon lang sila hindi nagkakasama ni Ruthy. Ayaw kase ng kaibigan niya sa ugali ng kanyang ama. Lalo na ang pamimilit nito sa mga bagay na makakatulong upang mapaunlad ang kompanya. Katulad na lamang ng pag-aasawa—nang sa gayon ay mas mapalaki ang saklaw ng kompanya nito. Sigurado siya na kapag nakita ng ama, ganoon na naman ang sasabihin nito.
Nakatingin lamang sa malaking pinto si Gabby. Hinihintay niya ang magbubukas niyon para sa kanya. Kapag siya ang kumilos para sa sarili, hindi malabong mangyari na matanggalan ng trabaho ang nakatoka roon na ayaw niyang mangyari.
Ipinikit ni Gabby ang mga mata. Sa oras na magbukas ang pinto, babalik na naman siya reyalidad. Kailangan niya na namang harapin ang sarili lalo na ang kanyang mga magulang.
“Anak!”
Sa pagdilat ng mga mata niya, isang malapad na ngiti ang pinakawalan ni Gabby. Kailangan niya iyong iyong gawin para sa Yaya Maring niya.
Nagmamadali ang paglapit ng yaya niya. Kaagad nitong ipinasa ang hawak na tray sa isa pang katulong. Nakalahad din ang kamay nito upang yakapin niya. Ganoon naman ang ginawa niya. Mahigpit na yakap kaagad ang ibinigay niya sa kanyang yaya.
“Ang anak ko!” nakangiti nitong wika at mangiyak-ngiyak pa. “Bakit naman ganoon ang iyong bagong palabas? Kailangan ba talagang maggulong-gulong ka at mabugbog? Alam kong akting lamang iyon ngunit sumasakit ang puso ng yaya!”
Natatawa namang niyakap niya nang mas mahigpit ang kanyang yaya. Kahit kailan talaga kapag may kinalaman sa kanya, ibang-iba ang reaksyon nito.
“Sige, Yaya, kapag umiyak ka, sa ‘yo ko ipapareto ang mga inaalok na mapapangasawa ng daddy.”
Natawa siya nang mapakrus pa ito. “Ikaw talagang bata ka! Kahit kailan talaga hindi mo pinagpahinga ang yaya sa pang-aasar mo.”
Napakamot nang bahagya sa kanyang braso si Gabby at ngumiti sa kanyang yaya. Naroon pa rin ang tingin niya ng pagpapasalamat dito. Magsimula kase nang sanggol pa siya, ito na ang nag-alaga sa kanya. Hindi na siya nito iniwan hanggang sa magdalaga siya. Dahil sa kanya, hindi na ito nagkaroon ng sariling pamilya. Nakita rin ng yaya niya na naghahanap siya ng kalinga ng isang ina. Ito ang pumunan ng mga pagkukulang ng kanyang mga magulang.
Nang makita nito ang tingin niya, kaagad na ibinaling ng yaya niya ang tingin sa ibang mga katiwala ng bahay.
“Ang galing ng alaga ko, hindi ba?”
“Oho nga. Ma’am Gabby, hindi niyo naman sinabi na action star pala kayo!”
“Kaya nga, Ma’am! Hindi lang pala pang-comedy romance ang pag-arte ninyo. Pwede rin kayong ibato sa ibang linya!”
“Madam, pa-autograph ako ha? Ayaw kaseng maniwala ng tsismosa naming kapitbahay na nakikita ko kayo sa personal!”
“Natural na natural ang galaw niyo, Ma’am Gabby! Nag-training ho kayo?” tanong naman ng kanilang bodyguard.
“Baka naman binobola mo lang ako, Kuya Ben?” nahihiyang niyang tanong dito.
“Nako, Madam! Purong katotohanan iyon.”
Pagngiti ang unang sagot niya bago iyon naging malapad. Mayamaya pa ay sinundan iyon ng magkakasunod na pagtango kay Gabby. Natutuwa siya na may nakakakita ng mga pinagpaguran niya sa larangan ng pag-arte. Taas-noo niya ng mahaharap ang mga nangmamata sa kanya na puro ganda lang daw ang kaya niyang ipakita sa industriya.
“Totoo iyon, Ma’am! Pati nga boyfriend ko galing na galing sa pag-arte mo. Kung hindi niya raw ako girlfriend, sa ‘yo raw siya maiinlab!” kwento naman ng pinakabagong kasambahay nila. “Buti na lang talaga, magka-level tayo ng ganda, Ma’am!”
Malakas na tawanan ang namayani sa kabuuan ng mansyon dahil bigay todong pagkikwento ng bagong katulong.
“Totoo naman ang sinabi ni Berta. Lamang pa sa akin iyan ng isang paligo,” pakikisakay niya sa bago nila katulong.
“Sabi sa inyo! Kambal kami niyan ni Ma’am!”
Lalong lumakas ang tawanan nang ihirit pa iyon ng bagong katulong.
Nabaling naman ang tingin ni Gabby sa ikalawang palapag. Naroon ang kanyang ama. Nakamasid sa kanila. Naglaho ang ngiti ng dalaga nang makita niya ito na hindi maipinta ang mukha at umiinom na naman ng alak sa katanghaliing tapat.
Nang salubungin niya ito ang kanyang tingin, kaagad na umiwas ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi maiwasan ni Gabby na huwag pa ring maging malungkot kapag nakikita ang ganoong reaksyon ng kanyang ama. Tila paulit-ulit na binabasag ang kanyang puso. Alam niya naman na ganoon na talaga ang pakikitungo nito sa kanya ngunit hindi niya pa rin maiwasan na huwag masaktan. Pakiramdam niya kase, sa kanya ang mali. Na siya rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat sa pagitan ng kanyang mga magulang.
Kahit na ganoon, umakyat pa rin si Gabby sa palapag ng hagdan upang harapin ang ama. Kahit papaano, alam niya naman na naging mabuti pa rin ito sa kanya kaya hindi nawawala ang respeto niya rito. Na minahal din siya nito. Na ama niya pa rin ito at hindi iyon magbabago dahil ito pa rin ang pinakapaborito niyang tao.
Hindi niya iyon makakalimutan…
Ang mga bagay na pinagsamahan nilang magtatay ang tanging nakapagsalba sa relasyon nila. Ang pagmamahal nito sa kanya ang dahilan kung bakit hindi niya nakalimutan na maging mabuti.
Isang general ang kanyang ama. Nang magkasakit ang mama niya, ito na ang nagpatakbo sa kompanya nila. Hindi siya sigurado ngunit narinig niya rin ang bali-balita na tatakbo itong muli sa susunod na eleksyon. Hindi niya alam ang mga susunod pa nitong pinaplano.
“Dad,” bati niya rito.
Namayani ang matinding katahimikan. Ang akala niya hindi na siya nito sasagutin kaya naman mabilis ang kanyang naging pagtalikod.
“Hindi mo sinipot ang anak ng bagong investor natin?”
Kaagad na pinaikot ni Gabby ang kanyang mga mata. Hindi pa nga sila nagkakamustahang magtatay ngunit ganoon na kaagad ang naging bungad nito. Kailangan niya na talagang masanay.
“Busy ako sa taping, Dad,” sagot niya sa ama. “Wala akong oras.”
Wala ng naging sagot ang daddy niya. Ipinagpatuloy na nito ang naudlot sa pag-inom ng alak.
Siya naman, nagtuloy-tuloy na sa pagpunta sa kanyang kwarto. Sapat na sa kanyang makita ang ama. Kuntento na siya roon.
Sinilip niya naman mula sa siwang ng pinto ang kanyang ina. Katulad ng dati, tulala pa rin ito at nakatingin lamang sa tapat ng malaking bintana. Hinahangin ang buhok nito habang kumakanta.
Hindi niya magawang harapin ang ina dahil sa hindi malamang dahilan. Kapag siya ang nakikita nito ay bigla na lamang nagwawala o hindi naman kaya’y tinataboy siya kaagad. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin alam ang dahilan kung bakit ganoon ang inaakto nito. Ang tanging likuran lang nito ang palagi niyang nakikita. Lumaki tuloy siya nang may takot sa ina. Ngunit kahit na ganoon, mahal na mahal niya pa rin ito. Hindi iyon magbabago.
Nagbibigay ng matinding kirot sa kanyang puso ang pag-uwi sa kanilang bahay ngunit gusto niya pa ring makita ang kanyang mga magulang at yaya. Ang mga ito ang nagpapaalala sa kanya na magpursige pa sa trabahong ginagawa nang sa gayon ay patuloy niyang masabi na wala siyang dapat pagsisihan.
Nang makahiga, ipinikit niya kaagad ang mga mata upang makapagpahinga. Saglit lamang siya na magtatagal sa kanilang bahay. Ngayong araw lang ang kanyang pahinga. Kailangan niya na iyong sulitin. Kapag nakabawi siya ng tulog, pupuntahan niya naman si Conrad. Ang binata ang kanyang enerhiya. Dito siya kumukuha ng lakas.
MARIRINIG ANG MALAKAS na pagsuntok ni Conrad sa boxing bag na nasa kanyang harapan. Bawat pagtunog niyon ay nag-e-echo sa kabuuan ng gym na kanyang pinag-eensayuhan. Ginagamit niya rin niya rin ang kanyang mga paa. Sa bawat pagsipa ay sinisigurado niyang may kalakasan ang kanyang ibinibigay nang sa gayon ay ngayon pa lang ay malaman niya ang kanyang limitasyon. Sa bawat laban niya kapag MMA fight siya ay mas marami siyang natutuklasan sa sarili. Dahil doon ay nalalaman niya ang kanyang mga kahinaan at kalakasan na kailangan niyang bigyang pansin nang sa ganoon ay alam niya ang gagawin kapag nasa loob na siya ng arena. Pinag-aaralan niya rin ang bawat bawat galaw ng kalaban at kung papaano ito nakikipaglaban. Hindi naiiwasan na natatapat siya sa mga katunggaling may maruming pamamaraan kaya naman kailangan niya iyong paghandaan para kung lalaban siya ay hindi siya nasusupresa.Muli ang naging pagsuntok ng binata sa boxing bag na naging dahilan ng matinding paggalaw niyon.“Left! Righ
KATULAD NG DATI nilang gawi ng kanyang assistant na si Ruthy, lulan na naman sila ng van niyang si Buttercup. Dahil mas matagal na narito siya sa sasakyan kumpara sa bahay, literal na may kama, banyo, at kung ano pang mga kailangan ng katawan ang van niya. Bago mabili ang van, sinigurado niya muna na magiging komportable siya roon dahil iyon din ang dala-dala niya sa mga pinupuntahang taping. Matagal din ang binunong oras dahil sa customization ngunit sulit ang paghihintay niya. Iyon ang pinakakomportableng sasakyang nasakyan niya.Nasa piyer na sila ngayon at umuusad ang sasakyan papasok ng barko. Dahil sa fear of heights niya, iwas na iwas siya sa pagsakay ng eroplano. Buti na lang understanding ang kanyang assistant. Hindi ito nagrereklamong mag-drive kahit malayo ang lugar na kanilang pupuntahan. Bukod sa pagiging P.A, make up artist minsan, at manager, si Rutthy rin ang kanyang driver. Ewan niya ba sa kaibigan niyang ito, tila maraming binubuhay kaya lahat ng trabaho na kailanga
GANOON NA LAMANG ang malakas na pagsigaw ni Gabby na pumailanlang sa kabuuan ng puting kwarto. Nangangatog ang buong katawan niya nang magising dala ng matinding takot. Dama niya rin ang matinding pagkataranta habang sumisiksik sa isang sulok. Mayamaya pa, kumawala naman ang malakas na paghagulhol sa dalaga. Maririnig doon ang matinding takot na hindi niya maipaliwanag sa sarili.Dali-dali naman ang paglapit sa kanya ni Ruthy. Niyakap kaagad siya ng kaibigan at kinulong sa malaki nitong katawan. Paulit-ulit ang pilit na pagpapakalma nito sa kanya ngunit sigaw-sigaw pa rin nang sigaw si Gabby. Patuloy na naglalaro sa isipan niya ang pagkuha sa kanya ng mga lalaki. Pilit siyang binibitbit ng mga ito papasok sa kagubatan. Nang pumalag siya upang makatakas sa mga ito, nakita niya kung paano barilin ang kanilang assistant director na kasama sa mga dinala ng mga hindi niya kilalang lalaking iyon.Nang makita ang itsura nito, habang lumalapit sa kanya, doon na siya nakaramdam ng matinding p
MALALIM NA PAGHINGA ang paulit-ulit niyang ginagawa. Pinapakalma ni Gabby ang kanyang sarili. Kailangan niyang pumunta sa isang container van na nasa pagitan ng isang puno na kinatatayuan niya ngayon. Matindi na ang pagtagaktak ng kanyang pawis. Patuloy pa ring kumakabog ang kanyang dibdib. Nilalamon siya ng matinding kaba ngunit naroon ang nagliliyab na damdamin sa kanya na mailigtas ang mga babaeng nasa loob ng container van. Alam niya ang takot ng mga ito para sa kanilang sariling buhay. Hanggang kaya pa ng katawan niya, tumatayo pa siya, hindi siya papayag na may mga kababaihang pagsasamantalahan dahil sa kanilang pangangailangan. Ang alam ng mga kababaihang iyon ay waitress sa ibang bansa ang kanilang papasukan ngunit dahil sa mga mapansamantalang tao, nalagay ang mga ito sa kapahamakan.Nasa liblib na parte ng kagubatan sila ng bayan ng Rumamban. Dito nila natagpuan ang sinasabing container ng isang impormante na matagal ng nagmamanman sa lugar.“Clear!” sigaw ni Captain Mariano

ISANG MALALIM NA buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Gabby. Hindi niya na maalala kung ilang beses niya na iyong ginawa habang binabaybay kanina ang daan patungo sa kanilang bahay. Kahit nang makarating sa tapat ng kanilang mansyon, ganoon pa rin ang kanyang ginagawa. Binati kaagad siya ng mga gwardya nang pagbuksan siya ng gate. Tinignan niya ang kabuuan ng bahay na iyon…Mula pa lamang sa kinatatayuan niya, mapapansin ng maraming kwarto ang bahay dahil sa dami ng bintana. Apat na palapag iyon. Kasinglapad ng normal na soccer field ang kinatitirikan. May malaking espasyo sa bukana at bawat gilid nito. Naglalaro sa kulay beige, white, at wood ang kulay ng mansyon ng pamilya nila.Sa mga ganitong pagkakataon lang sila hindi nagkakasama ni Ruthy. Ayaw kase ng kaibigan niya sa ugali ng kanyang ama. Lalo na ang pamimilit nito sa mga bagay na makakatulong upang mapaunlad ang kompanya. Katulad na lamang ng pag-aasawa—nang sa gayon ay mas mapalaki ang saklaw ng kompanya nito. Sigur