Home / YA / TEEN / Sincerely, Elena / Chapter 6: Elena

Share

Chapter 6: Elena

last update Huling Na-update: 2021-07-10 13:13:34

Maggagabi na nang matapos kami magdiskusyon para sa release ng school newspaper at sa pagplano ng bagong content para sa upcoming issue next month. Nang palalalim na ang gabi, Isa isang umuwi ang mga kasamahan ko hangga't sa ako na lang ang mag-isang naiwan sa opisina.  Pagsalubong ng 6:30 ng gabi, nagpasya na akong umuwi.

Pinatay ko ang computer, nilinis ang aking lamesa at sinarado ang pintuan. Bago ako umuwi, dumaan muna ako locker room para kumuha ng iba kong gamit na kailangan kong tapusin para bukas.

Habang bumababa ako ng hagdan, tila may narinig akong nakakabahalang boses sa bandang corridor. Naglakad ako ng mahinahon at sinundan ito. Pagkababa ko rito,  napansin kong nakapatay ang ilaw sa locker room, madilim at walang ilaw. Hinanap ko ang switch para buksan ang ilaw sa corridor subalit hindi ko ito mahanap sa sobrang kadiliman.

Napansin ko ang malakas na paghagulgol ng boses habang  patuloy akong naglalakad papalapit sa mga locker. Lumakas ang tibok ng puso ko ng papalapit ako rito. Tila'y umiiyak ito at nasasaktan. Sinubukan kong magsalita o magtanong ngunit nalunod ng takot ang aking dila na wari'y nanigas sa pangamba. Humigpit ang hawak ko sa aking bag at unti-unting naglakad palapit sa nakakabadyang ungol.

Sa aking paglapit, nadama ko ang pagkalabog ng mga locker at ang nagkikiskisan na mga sapatos. Umikot ako sa mga lockers. Hinanap ko ang boses na umuugong.  Lumingon ako sa bandang kaliwa kung saan malapit ito at...

Natulala ako sa aking nakita. Nahulog ko bigla ang folder na hawak-hawak ko. Nakita kong nakapatong ang isang lalaki sa babaeng umiiyak. Sinubukan ng babaeng pumiglas sa kanyang mahigpit na hawak subalit hindi niya kinaya ang lakas nito.

Napaurong ako sa takot. Nanginig ang mga paa ko. Hindi ako makagalaw sa puntong iyon na parang may isang malaking bato na pumipigil sa akin.

Isang malakas na sigaw ang narinig ko galing sa kanya na tila'y nagmamakaawa. "Wag please, Romer. Wag, maawa ka!"

Itinaas ni Romer ang kanyang palda at hinimas niya ito, "Shhh, wag kang maingay baka may makakita sa atin, Samantha," mahina niyang sinabi na tila may pagbabanta sa kanyang bibig 

Hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang kamay at hinila pataas sa kanyang ulo. Hinalikan niya ang kanyang leeg , ang kanyang pisngi na pulang pula sa pag-iyak at ang kanyang mga hita.

Nang makapiglas siya sa hawak ni Romer, sinampal niya ito at tinulak nang malakas. Tumakbo siya papalayo sa kanya ngunit nakahabol ang lalaki at sinuntok bandang kanan ng kanyang mata. "Romer, layuan mo ko! Please, maawa ka wag!" hikbi niya habang papalayo sa kanya.

Nangitim ang mga mata ni Romer.  Ngumiti siya na may kabalakyuta at pagnanasa sa babae.  Hinila ni Romer ang kanyang braso at ibinato ang kanyang buong katawan sa pader. Napa-ungol siya sa sakit ng paghampas. 

Saad niya habang hawak-hawak ang kanyang buhok, "Diba, sabi ko sa iyo wag kang maingay. Gusto mo naman to diba? Ito ang gusto mo, Samantha. Kaya nga lagi kang sumusunod sa akin."

Samantha? Samantha ang kanyang pangalan. Hindi ko alam kung anung year niya at kung ano ang relasyon niya kay Romer

Sinubukan niyang pumiglas, sipain at itulak si Romer, ngunit sa lakas ng kanyang higpit, hindi siya makaalis sa kanyang mahigpit na hawak. Naramdaman kong lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang kalampog. Pilit kong ginalaw ang aking mga batong paa upang makalapit sa kanila.

Huminga ako ng malalim, niyapak ko ang nanginginig ko na mga paa at kaagad na binato ang hawak-hawak kong folder kay Romer.  "'Diba sinabi niyang ayaw niya? Bitawan mo si Samantha."

"Ate?" gulat na gulat na sinabi ni Samantha. Narinig ko ang takot at nginig sa kanyang boses at mukha. Tumakbo papalapit sa akin si Samantha. Inabot ko ang aking kamay sa kanya,  ngunit bago pa siya makalapit sa akin, dinukot ni Romer ang kanyang braso at hinawakan ito nang mahigpit.

"Sabi ngang bitawan mo siya," ismid ko. Itinulak ko si Romer papalayo kay Samantha at kinuha ko ang kanyang kamay. Dali-dali kong hinila ang kamay ni Samantha at mabilis na tumakbo papalayo kay Romer.

"Putang ina! Bumalik ka dito, Samantha! Hindi pa tayo tapos," sigaw ni Romer kay Samantha. kinulot niya ang kanyang mga kamao, at tumakbo papunta sa aming direksyon.

Lumingon ako sa likod, at napansin ko na unti-unti niyang paglapit sa amin. Tinulak ko papalayo si Samantha nang bigla akong mahila ni Romer sa aking buhok. Umikot ako sa kanya at sinampal ko siya ng malakas sa pisngi.

"Bitawan mo ko! Hayop ka!"

Sineyales ko si Samantha na napatigil sa pagtakbo. "Mauna ka na. Tumakbo ka na, Samantha!"

"Babalikan kita Ate, hihingi ako ng tulong," sagot niya sa akin. At tumakbo si Samatha na may pag-alinlangan.

"And who do we have here? Ah si Ms Elena Payton ang babaeng pinagkakaguluhan ng campus."

Nilapat niya ang kanya bibig sa aking tenga at dinilaan. Nanginig ang buong katawang lupa ko. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa akin tiyan, at naramdaman ko ang pagtaas ng kanyang likod. Umikot ako upang makapiglas, ngunit nakulong ako sa kanyang mahigpit na braso.

"Sinabing bitawan mo ako!" nangangaligkig kong sigaw. 

Inikot niya ako paharap sa kanya at hinila ang aking braso papalapit sa kanya. Sinubukan kong pumalag subalit hindi ako makaalis sa kanyang mahigpit na hawak.

Tumawa siya ng may kabalakyutan. "Ano, naiinggit ka ba kay Samantha, kaya mo kami ginambala? Pagbibigyan naman kita kung gusto mo." 

Hinaplos niya ang aking buong braso at hinalikan ang aking leeg. Sa sandaling iyon, nadama ko ang pangingilabot sa aking buong katawan. Napalunok ako nang malalim at naramdaman ko ang maasim na asido sa aking kalamnan na wari'y namimilipit sa aking sikmura. 

"Lumayo ka sa akin!" hiyaw ko habang sinusuntok ang kanyang braso.

Napahagikgik siya. "Too bad you let Samantha go, edi sana dalawa na kayo ngayon." Ngumiwi siya ng masama, sabay haplos sa aking likod.

Nanginig ako lalo sa kanyang mga marahas na paghagod. Nanginig ang mga paa ko sa takot nang hinigpitan niya ang hawak sa aking buong katawan. 

"Shusshhh," malalim na saad niya. 

Hinalikan niya ako sa pisngi at sinabi, "Mabilis lang to promise, masasarapan ka."

"Kadiri ka! Animal ka! Paano mo 'tong kayang gawin?"

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mga maitim niyang mata na pulang-pula sa pagnanasa. Humawi ang aking kamay at tinampal ng buong lakas ang kanyang pisngi.  Tinulak ko siya ng paulit-ulit, subalit tila'y nakandado ang aking mga  braso sa kanyang mapaniil na hawak. 

"Simple lang, pag gusto ko gusto," sagot niya sabay pisil sa baba ko.

Dinuraan ko siya. "Walang hiya ka! Bitawan mo ko!" 

Humagulgol ako at sumigaw sa takot. Tinulak ko siya ng malakas at pinilit kong  pumiglas sa kanyang mga malulupit at marahas na hawak

"Punyeta! Sinabing tumahimik ka!" Kinuha niya ang leeg ko at sinakal ito. Nakita ko ang panggigigil sa kanyang mapupulang mata, na parang gusto akong sirain, wasakin.

Sinubukan kong sumipa at humampas, ngunit malakas ang higpit ng kanyang hawak sa aking leeg na animo'y pinipiga ang aking buong katawan.  Unti-unti kong naramdaman ang pagsidhi ng aking hininga hangga't sa lubusan akong hindi makahinga. Naramdaman ko ang pagpisil ng ugat sa aking mga mata na tila'y  naniniil sa sakit. Sinunggaban ko siya ng aking  kamay, at pilit na inaalis ito sa akin leeg. Ngunit sa kalaunan, napagod ako at nawalan ng lakas, tanging bigsi ng aking mga luha lamang ang lumabas habang hawak niya ang buo kong katawan.

"Tulong..." Napapikit ako sa higpit ng kanyang paniniil sa aking leeg.

Sa pagkakataon na iyon, nabalutan ng pighati ang aking mga mata sa kawalan ng pag-asa at katapusan. Gusto ko man pumiglas subalit hindi na mismo kinaya nang aking nanghihinang katawan. 

"Ate! Ate Elena!"

Sa gitna ng kadiliman na iyon, narinig ko ulit ang boses ni Samantha papalapit sa amin. Tumingin ako sa paroroonan ng boses at nakita ko siyang  tumatakbo papunta sa akin. 

"Ate! Ate! Naandito na kami," tawag niya. Tumingin ako sa kanya at sa puntong iyon nabuhayan ako ulit. 

Nadama ko ang pag-alis ni Romer ng aking damit panloob baba. Sinipa ko siya sa kanyang ari, umikot at tumakbo papalayo sa kanya. Hindi na ako nagtangkang lumingon at dumeretso akong tumakbo papunta kay Samantha. Napatingin ako sa kanyang kasamang lalaki at nagulat sa aking nakita. 

"Dante?" tanong ko ng may pagtataka.

Lumingon ako kay Samantha. Tumungo siya sa akin at ngumiti ng may halong lungkot at saya. Hinawakan ko ng mahigpit ang damit ni Dante. Yumuko ako sa kanya at napaiyak. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking mukha na tila'y nilapit niya sa kanya. At sa pagkakataon na iyon, nadama ko ang init ng kanyang paghagod.

Saad niya sa akin, "I'm here. You're safe, Elena." 

Umiling ako sa kanya at dali-daling niyakap si Samatha. Nang masabi ko iyon, napawi ang panggigil niya sa mukha.

Binitawan ko si Samantha sa pagyakap at hinawakan ang kanyang mukha, nakangiti at panatag, "Sorry ate, ngayon lang kami nakapunta," sabi ni Samantha sa akin.

Umiiling ako at sumagot, "Okay lang. Wag kang mag-alala. It's alright, Samantha." Niyakap ko siya ulit ng mahigpit at naramadaman ko ang pagtulo ng aking mga luha.

Lumingon ako nang maramdaman ko na may bumagsak sa pader. Nakita ko si Dante na naka-kamao ang kanyang kamay at handang sumuntok ulit. Sumuntok si Romer ngunit naiwasan ito ni Dante. Dali-daling sinipa ni Dante si Romer sa lulod at napasubsob ito sa sahig.

"Gago ka, Tang ina mo Gillesania!" sagot ni Romer, sabay tayo muli, duguan ang kanyang mukha.

"Tang-ina mo Romer, Mas Gago ka!" Sinuntok ni Dante si Romer sa kanyang mukha.  Nang mabulagta si Romer sa sahig, sinutok niya ito ulit sa mukha. Nagulat kami ni Samantha.

Tinawag ni Samantha si Dante, "Kuya, Tama na po!"

Nakita ko ang pagkabahala sa mukha ni Samantha kung kaya't hindi na ako nag-atubiling puntahan Dante.

 Naglakad ako pabalik sa kanila. Napatitig ako sa makisig na likod ni Dante nang  tinawag ko siya, "Tama na, wag na Dante..."

 Nagmamakakaawa ko siyang hinawakan sa kanyang namimilipit na braso.  Napansin ko ang pagpikit ng kanyang mukha at pagluwag ng kanyang mga kamao. Kinuha ko ang kanyang kamay at nakiusap, "It's not worth it."

Lumingon ako kay Romer at nakita ko ang kanyang duguan na mukha. Binalik ko ang tingin ko kay Dante. Kinuha ko ang kanyang kamay at sinalikop ang aking mga daliri sa kanya.

Pagkatapos, hinila ko siya papalayo kay Romer. 

*********End of Chapter 3**********

Kaugnay na kabanata

  • Sincerely, Elena   Prologo

    Dear Elena, How are you? I really hope you're okay, because shit, I fucking am not doing well. Kamusta ka na at kayong lahat di'yan? Balita ko ga-graduate na kayo sa highschool at mag-ka-college na? What degree did you choose? I know naman na kahit anong kurso pa ang kunin mo. You'll excel like you always do. Na-miss ko kayong lahat, pero s'ympre most especially ikaw na teacher ko. Nakakamiss kasi 'yong pagtuturo mo, pati yung pagbibigay mo ng reviewer sa akin, o kaya naman 'yong pa-homework mo na mas malala pa kung ikukumpara mo sa mga teacher natin. Pero, uy, h'wag kang magalit! Joke lang naman 'yon. Although, seriously, I miss you so much, Elena. You know how I badly miss you and everything about you. Our late afternoons studying and our walks in the evenings. The way you bit your lips, the way you look at me as if I was a pop quiz, and the way how I held your hand that was just so right and so fitting. Sana nga lang nga hindi lang imagination mo ang nakikita ko tuwing u

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Sincerely, Elena   Chapter 1: Elena

    Sampung taon ang nakaraan... Nakaupo ako sa sofa ng faculty habang kausap ang Chemistry titser naming na si Mrs. Ramos. Sa lahat ng titser dito sa faculty, si Mrs. Ramos ang guro na maasahan ko at lagi kong malalapitan. Malaki ang tulong na nagawa sa akin ni Mrs. Ramos. Hindi lamang siya naging guro sa’kin, kun’di naging pangalawang magulang ko na rin siya rito sa eskuwelahan. Ibinigay niya sa akin ang baso ng tubig at umupo sa tabi ko. "May problema ba, Elena? Kamusta ka na?" Uminom ako sa basong ibinigay niya at umiling. "Wala naman po ma'am. Nagbaka-sakali lang po ako na baka mayroon po kayong ma-irerekomenda na trabaho, kahit part-time lang po." Napakunot ang kanyang noo. "Para saan? May nangyari ba kay Lola Aning?" Naging titser niya ang aking lola noong hayskul siya rito sa eskwelahan kung kaya’t gano’n na lamang kakampante ang pagtitiwala ni Nay Aning. Sinalikop ko ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga. "Wala naman po ma'am.

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Sincerely, Elena   Chapter 2: Elena

    Hanggang ngayon nag-aalinlangan pa rin ako sa sinabi ni Mrs. Ramos tungkol sa tutoring class na magaganap at lalo na hindi ko naman kilala ang lalaking iyon. Sa unang pagkakilala ko pa lang sa kanya, tila hindi na maganda ang pakiramdam ko rito. Hindi ko alam kung bakit, buthe just ticks me off.Gayunpaman, napagdesisyunan ko na dumeretso sa library pagkatapos ng klase upang simulan na ang tutoring class. Sa kasamaang palad, kanina pa ako nandito sa library na naghihintay sa kanya hanggang sa lumipas na ang isa't kalahating oras.Nakaupo ako malayo sa Librarian para sa gayon hindi kami maka abala sa ibang mga estudyante na nag-aaral. Habang naghihintay, kinuha ko na lang aking math notebook, at iba pang mga kagamitan na gagamitin namin sa pag-aaral.Napatingin ako sa orasan at napansin ko ang mabilis na paglipas ng oras. Lumingon ako sa paligid at hanggang ngayon, wala pa rin senyales na nagsasabing nandito na siya.Napab

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Sincerely, Elena   Chapter 3: Dante

    As soon as I got home, Tita Rizza, my mom's only sister, my auntie, and my teacher, greeted me with her dead glaring eyes. I'm currently residing at their house in the meantime while I'm still studying here.Living with them was quite alright, quaint and homey, unlike what I was used to in States. The only good thing I have liked about my situation was that as soon as I stayed here, Tita Rizza treated me like her own son, like how a mother should treat her child. It is just sometimes; I keep reminding myself that she's really not my mother.I sighed.Umupo ako sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan. Bago pa makapagsalita si Auntie Rizza, inunahan ko na siya. "I told you Auntie, I don't need a tutor." I slumped my back on the couch and closed my eyes for a minute."Anong hindi mo kailangan Dante? Nakita mo ba ang grades mo? Paano ka makakaabot ng scholarships sa grade mo? Alam mo na noong simula nang iniwan ka sa’kin ni Ate naging responsibilida

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Sincerely, Elena   Chapter 4: Dante

    When I got home, my cute, chubby, and bubbly cousin greeted me with her cherubic smile. She jumped towards me seemed like she wanted me to carry her."Ikaw talaga Thea-Kulit-Taba," asar ko sa kanya.I hoist her up on my arms and kissed her perky cheeks. She's Theodora, my eight-year-old cousin from my mother's side and the only daughter of my auntie, Rizza. Tita Rizza had a hard time getting pregnant which became the reason that they stopped trying to have another baby after having Theodora. Naging kontento na lang sila tita na isa lang ang kanilang anak. Kumbaga, siya ang unica hija at pinakamamahal ng pamilya.And, I love her, like how a brother should love her sister. I never had a sister before, until I met her.She wiped her cheeks with utter disgust. "Na-miss ko ang cute-cute kong pinsan.""Kuya naman eh! kashdiri. Ewwww," she replied with a sign of revulsion.She wiggled on my arms, wanting to let loose on my tight grip. I chuck

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • Sincerely, Elena   Chapter 5: Elena

    Hawak ko ang payong na bigay ni Dante Gillesania habang pinagmamasdan ko siyang pabalik ng classroom. Malaking pagtataka ko kung bakit niya binalik muli ang payong sa akin, samantala, sa kanya naman ito. Nang makita ko siyang pumasok sa loob, naglakad ako pabalik sa classroom namin na may pagkagulat. Bakit? Hindi naman kami close. Hindi rin naman maganda ang huling pag-uusap namin.Napaisip ako ng maalala ko ang pagbubulaslas at pagwalk-out. Umupo ako at nakinig habang patuloy na nagtuturo ang aming Aralin Panlipunan teacher. Pinilit kong makinig sa kanya, subalit, hindi ko pa rin matanto kung bakit niya binigay ang payong sa akin ulit. Nawala ako sa iniisip ko ng tinapik ako ng katabi ko na si Wenna, "May bolpen ka pa? Wala ng tinta sa akin," tugon niya sabay turo sa bolpen niya. Tumungo ako at kinuha ko ang aking pencil case. "Eto oh." Ibinigay ko sa kanya ang ballpen ko. Nang mapansin ni Wenna ang payong ni Mr. Gillesania, kinuha niya

    Huling Na-update : 2021-07-05

Pinakabagong kabanata

  • Sincerely, Elena   Chapter 6: Elena

    Maggagabi na nang matapos kami magdiskusyon para sa release ng school newspaper at sa pagplano ng bagong content para sa upcoming issue next month. Nang palalalim na ang gabi, Isa isang umuwi ang mga kasamahan ko hangga't sa ako na lang ang mag-isang naiwan sa opisina. Pagsalubong ng 6:30 ng gabi, nagpasya na akong umuwi. Pinatay ko ang computer, nilinis ang aking lamesa at sinarado ang pintuan. Bago ako umuwi, dumaan muna ako locker room para kumuha ng iba kong gamit na kailangan kong tapusin para bukas. Habang bumababa ako ng hagdan, tila may narinig akong nakakabahalang boses sa bandang corridor. Naglakad ako ng mahinahon at sinundan ito. Pagkababa ko rito, napansin kong nakapatay ang ilaw sa locker room, madilim at walang ilaw. Hinanap ko ang switch para buksan ang ilaw sa corridor subalit hindi ko ito mahanap sa sobra

  • Sincerely, Elena   Chapter 5: Elena

    Hawak ko ang payong na bigay ni Dante Gillesania habang pinagmamasdan ko siyang pabalik ng classroom. Malaking pagtataka ko kung bakit niya binalik muli ang payong sa akin, samantala, sa kanya naman ito. Nang makita ko siyang pumasok sa loob, naglakad ako pabalik sa classroom namin na may pagkagulat. Bakit? Hindi naman kami close. Hindi rin naman maganda ang huling pag-uusap namin.Napaisip ako ng maalala ko ang pagbubulaslas at pagwalk-out. Umupo ako at nakinig habang patuloy na nagtuturo ang aming Aralin Panlipunan teacher. Pinilit kong makinig sa kanya, subalit, hindi ko pa rin matanto kung bakit niya binigay ang payong sa akin ulit. Nawala ako sa iniisip ko ng tinapik ako ng katabi ko na si Wenna, "May bolpen ka pa? Wala ng tinta sa akin," tugon niya sabay turo sa bolpen niya. Tumungo ako at kinuha ko ang aking pencil case. "Eto oh." Ibinigay ko sa kanya ang ballpen ko. Nang mapansin ni Wenna ang payong ni Mr. Gillesania, kinuha niya

  • Sincerely, Elena   Chapter 4: Dante

    When I got home, my cute, chubby, and bubbly cousin greeted me with her cherubic smile. She jumped towards me seemed like she wanted me to carry her."Ikaw talaga Thea-Kulit-Taba," asar ko sa kanya.I hoist her up on my arms and kissed her perky cheeks. She's Theodora, my eight-year-old cousin from my mother's side and the only daughter of my auntie, Rizza. Tita Rizza had a hard time getting pregnant which became the reason that they stopped trying to have another baby after having Theodora. Naging kontento na lang sila tita na isa lang ang kanilang anak. Kumbaga, siya ang unica hija at pinakamamahal ng pamilya.And, I love her, like how a brother should love her sister. I never had a sister before, until I met her.She wiped her cheeks with utter disgust. "Na-miss ko ang cute-cute kong pinsan.""Kuya naman eh! kashdiri. Ewwww," she replied with a sign of revulsion.She wiggled on my arms, wanting to let loose on my tight grip. I chuck

  • Sincerely, Elena   Chapter 3: Dante

    As soon as I got home, Tita Rizza, my mom's only sister, my auntie, and my teacher, greeted me with her dead glaring eyes. I'm currently residing at their house in the meantime while I'm still studying here.Living with them was quite alright, quaint and homey, unlike what I was used to in States. The only good thing I have liked about my situation was that as soon as I stayed here, Tita Rizza treated me like her own son, like how a mother should treat her child. It is just sometimes; I keep reminding myself that she's really not my mother.I sighed.Umupo ako sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan. Bago pa makapagsalita si Auntie Rizza, inunahan ko na siya. "I told you Auntie, I don't need a tutor." I slumped my back on the couch and closed my eyes for a minute."Anong hindi mo kailangan Dante? Nakita mo ba ang grades mo? Paano ka makakaabot ng scholarships sa grade mo? Alam mo na noong simula nang iniwan ka sa’kin ni Ate naging responsibilida

  • Sincerely, Elena   Chapter 2: Elena

    Hanggang ngayon nag-aalinlangan pa rin ako sa sinabi ni Mrs. Ramos tungkol sa tutoring class na magaganap at lalo na hindi ko naman kilala ang lalaking iyon. Sa unang pagkakilala ko pa lang sa kanya, tila hindi na maganda ang pakiramdam ko rito. Hindi ko alam kung bakit, buthe just ticks me off.Gayunpaman, napagdesisyunan ko na dumeretso sa library pagkatapos ng klase upang simulan na ang tutoring class. Sa kasamaang palad, kanina pa ako nandito sa library na naghihintay sa kanya hanggang sa lumipas na ang isa't kalahating oras.Nakaupo ako malayo sa Librarian para sa gayon hindi kami maka abala sa ibang mga estudyante na nag-aaral. Habang naghihintay, kinuha ko na lang aking math notebook, at iba pang mga kagamitan na gagamitin namin sa pag-aaral.Napatingin ako sa orasan at napansin ko ang mabilis na paglipas ng oras. Lumingon ako sa paligid at hanggang ngayon, wala pa rin senyales na nagsasabing nandito na siya.Napab

  • Sincerely, Elena   Chapter 1: Elena

    Sampung taon ang nakaraan... Nakaupo ako sa sofa ng faculty habang kausap ang Chemistry titser naming na si Mrs. Ramos. Sa lahat ng titser dito sa faculty, si Mrs. Ramos ang guro na maasahan ko at lagi kong malalapitan. Malaki ang tulong na nagawa sa akin ni Mrs. Ramos. Hindi lamang siya naging guro sa’kin, kun’di naging pangalawang magulang ko na rin siya rito sa eskuwelahan. Ibinigay niya sa akin ang baso ng tubig at umupo sa tabi ko. "May problema ba, Elena? Kamusta ka na?" Uminom ako sa basong ibinigay niya at umiling. "Wala naman po ma'am. Nagbaka-sakali lang po ako na baka mayroon po kayong ma-irerekomenda na trabaho, kahit part-time lang po." Napakunot ang kanyang noo. "Para saan? May nangyari ba kay Lola Aning?" Naging titser niya ang aking lola noong hayskul siya rito sa eskwelahan kung kaya’t gano’n na lamang kakampante ang pagtitiwala ni Nay Aning. Sinalikop ko ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga. "Wala naman po ma'am.

  • Sincerely, Elena   Prologo

    Dear Elena, How are you? I really hope you're okay, because shit, I fucking am not doing well. Kamusta ka na at kayong lahat di'yan? Balita ko ga-graduate na kayo sa highschool at mag-ka-college na? What degree did you choose? I know naman na kahit anong kurso pa ang kunin mo. You'll excel like you always do. Na-miss ko kayong lahat, pero s'ympre most especially ikaw na teacher ko. Nakakamiss kasi 'yong pagtuturo mo, pati yung pagbibigay mo ng reviewer sa akin, o kaya naman 'yong pa-homework mo na mas malala pa kung ikukumpara mo sa mga teacher natin. Pero, uy, h'wag kang magalit! Joke lang naman 'yon. Although, seriously, I miss you so much, Elena. You know how I badly miss you and everything about you. Our late afternoons studying and our walks in the evenings. The way you bit your lips, the way you look at me as if I was a pop quiz, and the way how I held your hand that was just so right and so fitting. Sana nga lang nga hindi lang imagination mo ang nakikita ko tuwing u

DMCA.com Protection Status