Home / YA/TEEN / Sincerely, Elena / Chapter 1: Elena

Share

Chapter 1: Elena

last update Huling Na-update: 2021-05-25 10:57:46

Sampung taon ang nakaraan...

Nakaupo ako sa sofa ng faculty habang kausap ang Chemistry titser naming na si Mrs. Ramos. Sa lahat ng titser dito sa faculty, si Mrs. Ramos ang guro na maasahan ko at lagi kong malalapitan. Malaki ang tulong na nagawa sa akin ni Mrs. Ramos. Hindi lamang siya naging guro sa’kin, kun’di naging pangalawang magulang ko na rin siya rito sa eskuwelahan.

Ibinigay niya sa akin ang baso ng tubig at umupo sa tabi ko. "May problema ba, Elena? Kamusta ka na?"

Uminom ako sa basong ibinigay niya at umiling. "Wala naman po ma'am. Nagbaka-sakali lang po ako na baka mayroon po kayong ma-irerekomenda na trabaho, kahit part-time lang po."

Napakunot ang kanyang noo. "Para saan? May nangyari ba kay Lola Aning?" Naging titser niya ang aking lola noong hayskul siya rito sa eskwelahan kung kaya’t gano’n na lamang kakampante ang pagtitiwala ni Nay Aning.

Sinalikop ko ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga. "Wala naman po ma'am. Gusto ko lang po sana makaipon po para sa kolehiyo para makatulong rin po kay Nanay Aning. " Dahil bukod kay Lola Aning, Si Mrs Ramos ang isa sa mga taong bukod tangi na pinagkakatiwalaan ko.

Napaisip si Mrs Ramos. "Hmmm. Sige, titingnan ko Elena ah. Basta kung may problema ko o may kailangan kang tulong, don't hesitate to talk to me." Ngumiti siya sa akin at hinaplos nang marahan ang aking likod.

"Maraming salamat po." Bahagyang kumurba paitaas ang aking labi. 

*************************

Maagang natapos ang huling klase namin para sa araw ngayon. Mistula, nagmamadali si Mrs Ramos sa kanyang pagtuturo dahil may ibang appointment pa siyang kailangan asikasuhin. Nagmamadaling nagsi-alisin naman ang mga kaklase ko na hanggang sa ako na lamang ang naiwan mag-isa sa classroom.

Naglinis lang saglit ang mga cleaners na kasama ko at nauna na ring umuwi dahil may kailangan pa raw silang gawin o pupuntahan.

"Mauna na muna ako, Elena. May pupuntahan pa kasi kami ng family ko," paalam ni Christina, habang nagmamadaling nagwawalis.

Tumango ako sa kanya. "Sige. Okay lang," sagot ko habang nagpupunas ng blackboard.

Kaagad niya binababa ang hawak niyang walis at tinabi sa gilid ng kabinet. "Sige thank you ah! Bawi ako sa iyo next time, promise," ukol niya sabay paalam niya sa akin.

Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang walis na iniwan niya malapit sa kabinet at sinimulan ang pagwawalis.

Bilang cleaner ngayon, hindi ko maiwanan na madumi ang classroom kung kaya't nilinis ko muna ang mga kalat sa sahig bago ko ibigay kay Mrs. Ramos ang mga test paper na iniwan niya sa akin. Hindi rin naman ako nagtagal at mga ilang minutong nakalipas ay natapos ko rin ang paglilinis ng buong classroom.

Kinuha ko ang aking bag at ang bungkas ng testpaper na nakalagay sa aking mesa. Pinatay ko ang ilaw ng kwarto, sinarado ang pintuan at naglakad papunta sa faculty. Pagpasok ko sa loob, walang tao maliban kay Mrs. Ramos at sa lalaking may pulang buhok na nakaupo sa harapan ng lamesa ni Mrs. Ramos.

Papunta na sana ako ng kanyang lamesa nang bigla kong marining ang malakas na boses ni Mrs. Ramos. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa lalaking sinesermonan niya. Matangkad siya at makisig para sa kanyang edad. Base sa istruktura ng kanyang katawan tila'y aktibo siya at laging nagbubuhat. Bumantu-bantulot ako sa pagdaan sa kanila upang maiwasan na makaabala sa kanilang pag-uusap.

"Mr. Gillesania bagsak na nga ang mga grades mo, pati ba naman sa klase, late ka! Ano na ang matitira sa grado mo? May balak ka pa bang grumaduate?" saway ni Mrs. Ramos habang hawak ang kaniyang grading sheet.

Napatikhim ako at naptingin kay Mrs. Ramos upang bigayn siya ng senyales. Napataas ng kilay si Mrs Ramos na parang may pagtataka sa kanyang pagmumukha kung bakit ako nasa loob ng faculty.

Inilagay ko ang mga test paper sa kanyang lamesa at sinabing, "Ma'am, test papers po."

Napatungo Si Mrs. Ramos nang maliwananagan ito. "Sige. Salamat, Ms. Payton."

Napansin ko ang lalaking may pulang buhok na tila nakamasid sa akin. Napatitig ako sa kanya nang bahagya ng pumaikot ako pabalik sa aking pwesto. Maliit ang kanyang mukha kung ikukumpara sa ibang mga lalaking nakilala ko. Makinis at katamtaman ang kulay ng balat niya na wari'y buhat siguro sa matagal na pagbabad sa ilalim ng araw. Napansin ko ang paghawi niya sa kanyang buhok at ang pagsalikop ng kanyang mga daliri.

Patuloy ang mga pangutya niyang mga titig habang galit na galit na sinesermonan siya ni Mrs. Ramos. Tila nailang ako sa kanyang mga tingin kung kaya’t iniyuko ko ang aking ulo.

"At ano ba iyang buhok na 'yan, Mister Gillesania? Hindi ba't nasa dress code na bawal ang may kulay sa buhok?" Turo ni Mrs. Ramos sa umaalab at lumiliyab na buhok ng lalaki.

Hinayaan ko silang dalawa mag-usap at nagpasyang umalis na lamang ng faculty. Ngunit bago ko pa man ako makaalis, narinig ko bigla ang pagtawag ni Mrs. Ramos. "Ms Payton.”

Napaikot ako pabalik kung nasaan silang dalawa at gulat na gulat na nagtanong, " Ano po 'yon, ma'am?"

"Halika rito," sagot niya.

Lumapit ako nang paunti sa kanila at nagtanong muli, "Bakit po ma'am?"

Hindi ko alam pero sa puntong iyon naramdaman ko ang pag-ahon ng tibok ng aking puso. Tila’y napaisip ako sa biglang pagtawag ni Mrs. Ramos sa akin.

Napatingin ulit ako sa lalaking may pulang buhok at napansin ko ang kanyang mayabang na ngisi.

Nihilis ko pabalik ang aking tingin kay Mrs. Ramos. Gayunpaman, naramdaman ko ang kanyang nakaka-abalang pagtitig.

"Ms. Payton, magkakilala na ba kayo ni Mr. Gillesania?" tanong ni Mrs. Ramos.

"Hindi po," sagot ko.

Nagtaka si Mrs. Ramos sa aking panayam. "Seryoso Ms. Payton, sa tagal niyo rito sa school na ‘to, hindi kayo magkakilala?"

Sa totoo lang, sa tatlong section ng 3rd year na mayroon 45 students each section, hindi mo makikilala lahat ng ka-batch mo lalo't na kung hindi mo siya naging kakaklase. Hindi ko rin alam kung bakit siya kinakausap ni Mrs Ramos at kung ano ang relasyon na mayroon silang dalawa.

Napatingin ako kay Mr. Gillesania nang marining ko ang kanyang malalim na boses. "Maam, sino po ba ang hindi nakakakilala sa kanya?" pabalang na sagot nito.

Napahilot na lamang sa sentido si Mrs. Ramos. "Hindi ikaw ang tinatanong ko Mister Gillesania." Lumingon ulit sa akin si Mrs. Ramos at sinabing, "Anyway, Ms Patyon, Si Mr. Dante Gillesania, from Section 3, Makabayan."

"Siguro naman Mr. Gillesania hindi ko na kailangan ipakilala sa iyo si Ms. Payton," mapanuyang sagot ni Mrs. Ramos

Napangiwi si Mr. Gillesania.

Lumingon sa akin si Mr. Gillesania at nang-aasar na sagot sa akin, "Pleasure to finally meet you, Ms. Payton." Inalukan niya ako ng kamay.

Hindi ako umimik at kinuha ko it na may pag-aalinlangan.

Umupo muli si Mrs. Ramos. "Since magkakilala na kayo, I have a proposition to the both of you."

Napakunot ako ng noo. "Ano po 'yon?"

"Elena, since nasabi mo sa akin na nangangailangan ka ng part-time job para maka-ipon for college—I think for your age this is the best option I can suggest you," aniya Mrs. Ramos.

Napakunot ako ng noon ang marinig ko ang kanyang proposiyon. “Ano po iyon, Mrs. Ramos?” tinanong ko muli upang makasigurado kung tama ba ang aking narinig.

Lumingon siya kay Mr. Gillesania. "Help Mr. Gillesania with his studies until his grades are up and good. Can you help me with that? Babayaran naman kita. This is the part-time job I can give you.”

Gusto ko sanang tanungin si Mrs Ramos kung kaano-ano niya ang lalaking ito, ngunit napaurong ang dila ko at nagtanong na lamang. "Tuturuan?"

Lumingon ulit ako kay Mr Gillesania. "Siya?"

"Hindi ko kailangan ng tutor," kaagad na saad ni Mr. Gillesania

"Hindi ikaw ang kausap ko Mr. Gillesania.” Tinuro niya si Mr. Gillesania.

Lumingon si Mrs. Ramos pabalik sa akin at sinabing, “Anyway, Ms Payton, Yes tutor. As you have heard, a while ago, Ms. Payton, Mr. Gillesania badly needs help. And I know, you can help him with his studies since you are the top in your batch," paliwanag ni Mrs. Ramos.

Tiniklop ko ang aking mga daliri na nakatago sa aking likod. Panandalian akong napaisip habang nakakagat sa aking labi. Hindi ko masagot si Mrs. Ramos ng maayos dahil alam kong tama siya. Kailangan kong makaipon ng pera para sa kolehiyo at para matulungan ko rin si Nay Aning sa mga gastusin sa bahay.

Napahinga ako ng malalim at marahan na tumango kay Mrs. Ramos. "Sige po ma'am." Tumingin ako kay Mr. Gillesania na patuloy pa rin ang pagtitig sa akin.

"Great. Maraming Salamat, Ms. Payton." Ngumiti siya sa akin at tumayo habang hawak-hawak ang kanyang mga teaching materials.

"I don't need it, Auntie," aniya ni Mr. Gillesania na tila may daing sa kanyang boses

Auntie? Napatanong ako sa sarili ko.

"Not a word, Dante. You will or else I will tell Coach Macaraeg to restrict you from attending your soccer practices," babala ni Mrs. Ramos.

"That's unfair," angil ni Mr. Gillesania

Hindi siya pinansin nito.

"You guys can go home," dagdag ni Mrs. Ramos na tila final na ang kanyang pahayag.

Sabay kaming lumabas ni Mr. Gillesania sa faculty. Pagkatapos kong saraduhin ang pintuan, sinabi ko sa kanya kaagad na walang pababala, "Tomorrow, after class. Sa library. Wag kang ma-lalate,"

"May practice kami," mabilis na sagot niya sa akin. Hindi na niya ako hinintay na tugunan ang kanyang panayam at kaagad na umalis sa aking harapan.

*****************************

Pagpasok ko pa lang ng bahay, umalingawngaw kaagad ang masamyong amoy na niluluto ni Nanay Aning. Si lola na nag-alaga sa aking pagkabata simula nang mangulila ako sa aking mga magulang. Titser din siya tulad ni Mrs. Ramos, subalit pinagpasiyahan niyang itigil ang pagtuturo nang tumuntong na siya sa edad na animnapu’t lima. Dahil sa kanyang katandaan, minabuti na lang niya na maparito sa bahay at alagaan ako, tutal naman daw nakuha na niya ang kanyang pensyon sa SSS na nagsisilbing pinagkukunan namin ng pang araw-araw na gastusin.

Pumunta ako sa loob ng kusina at hinalikan ko si nanay sa pisngi.

"Ang bango naman niyan 'nay," Ngumiti ako kay lola at umupo sa dining table habang sabik na sabik na matikman ang lutong kare-kare ni nanay.

"Nandito ka na pala, 'nak." 

Kumuha siya ng kare-kare sa kaldero at inihain ito sa lamesa. "Oh, heto, kumain ka ng maayos ah. Kaninang umaga hindi mo naubos ang almusal mo. Alam mo naman na napaka-importante ng pagkain sa umaga," paalala niya sabay upo sa tabi ko na tila bahagyang pagod at nanghihina.

Kumuha ako ng kanin sa ricecooker, mga kubyertos, mga baso, mga plato at inilapag ang mga ito sa lamesa. Umupo ako sa tabi ni nanay at sinandok ang kare-kare sa plato. "Hmm, masarap 'nay." Ngumiti ako sa kanya atsaka kumuha naman ng kanin.

"Kamusta ang iskul mo, 'nak?" tanong ni Nay Aning.

Lumingon ako kay Nay Aning. "Okay naman po. Nakakuha na po ako ng part-time job po para college po."

Kinuha niya ang dalawang baso at nilagyan ng tubig. Ibinigay niya ang isang baso sa akin at nagtanong ulit, "Anong klaseng trabaho?"

Nilunok ko muna ang pagkain na nasa aking bibig at sinagot siya, "Tutor po ng kaklase, 'nay."

Napataas ang kilay ni Nanay Aning, "At saan iyan? Sa bahay ng kaklase mo?"

"Hindi po. Sa library lang po, nanay," sagot ko.

"Babae o lalaki?" nagtanong ulit si Nanay.

Humigpit ang hawak ko sa kubyertos at napalunok. "Lalaki po." 'Nay sa library naman po kami mag-aaral at nandiyan naman po si Mrs. Ramos kapag may kailangan po ako."

Tila napansin ko na mas naging kampante si Nay Aning sa aking sinabi. "Okay 'nak, basta wag kayo magpapagabi at tumawag ka sa akin kaagad kapag late ka na makakauwi.

"Opo 'nay." Ngumiti ako at tumuloy sa pagkain.

Kaugnay na kabanata

  • Sincerely, Elena   Chapter 2: Elena

    Hanggang ngayon nag-aalinlangan pa rin ako sa sinabi ni Mrs. Ramos tungkol sa tutoring class na magaganap at lalo na hindi ko naman kilala ang lalaking iyon. Sa unang pagkakilala ko pa lang sa kanya, tila hindi na maganda ang pakiramdam ko rito. Hindi ko alam kung bakit, buthe just ticks me off.Gayunpaman, napagdesisyunan ko na dumeretso sa library pagkatapos ng klase upang simulan na ang tutoring class. Sa kasamaang palad, kanina pa ako nandito sa library na naghihintay sa kanya hanggang sa lumipas na ang isa't kalahating oras.Nakaupo ako malayo sa Librarian para sa gayon hindi kami maka abala sa ibang mga estudyante na nag-aaral. Habang naghihintay, kinuha ko na lang aking math notebook, at iba pang mga kagamitan na gagamitin namin sa pag-aaral.Napatingin ako sa orasan at napansin ko ang mabilis na paglipas ng oras. Lumingon ako sa paligid at hanggang ngayon, wala pa rin senyales na nagsasabing nandito na siya.Napab

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Sincerely, Elena   Chapter 3: Dante

    As soon as I got home, Tita Rizza, my mom's only sister, my auntie, and my teacher, greeted me with her dead glaring eyes. I'm currently residing at their house in the meantime while I'm still studying here.Living with them was quite alright, quaint and homey, unlike what I was used to in States. The only good thing I have liked about my situation was that as soon as I stayed here, Tita Rizza treated me like her own son, like how a mother should treat her child. It is just sometimes; I keep reminding myself that she's really not my mother.I sighed.Umupo ako sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan. Bago pa makapagsalita si Auntie Rizza, inunahan ko na siya. "I told you Auntie, I don't need a tutor." I slumped my back on the couch and closed my eyes for a minute."Anong hindi mo kailangan Dante? Nakita mo ba ang grades mo? Paano ka makakaabot ng scholarships sa grade mo? Alam mo na noong simula nang iniwan ka sa’kin ni Ate naging responsibilida

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Sincerely, Elena   Chapter 4: Dante

    When I got home, my cute, chubby, and bubbly cousin greeted me with her cherubic smile. She jumped towards me seemed like she wanted me to carry her."Ikaw talaga Thea-Kulit-Taba," asar ko sa kanya.I hoist her up on my arms and kissed her perky cheeks. She's Theodora, my eight-year-old cousin from my mother's side and the only daughter of my auntie, Rizza. Tita Rizza had a hard time getting pregnant which became the reason that they stopped trying to have another baby after having Theodora. Naging kontento na lang sila tita na isa lang ang kanilang anak. Kumbaga, siya ang unica hija at pinakamamahal ng pamilya.And, I love her, like how a brother should love her sister. I never had a sister before, until I met her.She wiped her cheeks with utter disgust. "Na-miss ko ang cute-cute kong pinsan.""Kuya naman eh! kashdiri. Ewwww," she replied with a sign of revulsion.She wiggled on my arms, wanting to let loose on my tight grip. I chuck

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • Sincerely, Elena   Chapter 5: Elena

    Hawak ko ang payong na bigay ni Dante Gillesania habang pinagmamasdan ko siyang pabalik ng classroom. Malaking pagtataka ko kung bakit niya binalik muli ang payong sa akin, samantala, sa kanya naman ito. Nang makita ko siyang pumasok sa loob, naglakad ako pabalik sa classroom namin na may pagkagulat. Bakit? Hindi naman kami close. Hindi rin naman maganda ang huling pag-uusap namin.Napaisip ako ng maalala ko ang pagbubulaslas at pagwalk-out. Umupo ako at nakinig habang patuloy na nagtuturo ang aming Aralin Panlipunan teacher. Pinilit kong makinig sa kanya, subalit, hindi ko pa rin matanto kung bakit niya binigay ang payong sa akin ulit. Nawala ako sa iniisip ko ng tinapik ako ng katabi ko na si Wenna, "May bolpen ka pa? Wala ng tinta sa akin," tugon niya sabay turo sa bolpen niya. Tumungo ako at kinuha ko ang aking pencil case. "Eto oh." Ibinigay ko sa kanya ang ballpen ko. Nang mapansin ni Wenna ang payong ni Mr. Gillesania, kinuha niya

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • Sincerely, Elena   Chapter 6: Elena

    Maggagabi na nang matapos kami magdiskusyon para sa release ng school newspaper at sa pagplano ng bagong content para sa upcoming issue next month. Nang palalalim na ang gabi, Isa isang umuwi ang mga kasamahan ko hangga't sa ako na lang ang mag-isang naiwan sa opisina. Pagsalubong ng 6:30 ng gabi, nagpasya na akong umuwi. Pinatay ko ang computer, nilinis ang aking lamesa at sinarado ang pintuan. Bago ako umuwi, dumaan muna ako locker room para kumuha ng iba kong gamit na kailangan kong tapusin para bukas. Habang bumababa ako ng hagdan, tila may narinig akong nakakabahalang boses sa bandang corridor. Naglakad ako ng mahinahon at sinundan ito. Pagkababa ko rito, napansin kong nakapatay ang ilaw sa locker room, madilim at walang ilaw. Hinanap ko ang switch para buksan ang ilaw sa corridor subalit hindi ko ito mahanap sa sobra

    Huling Na-update : 2021-07-10
  • Sincerely, Elena   Prologo

    Dear Elena, How are you? I really hope you're okay, because shit, I fucking am not doing well. Kamusta ka na at kayong lahat di'yan? Balita ko ga-graduate na kayo sa highschool at mag-ka-college na? What degree did you choose? I know naman na kahit anong kurso pa ang kunin mo. You'll excel like you always do. Na-miss ko kayong lahat, pero s'ympre most especially ikaw na teacher ko. Nakakamiss kasi 'yong pagtuturo mo, pati yung pagbibigay mo ng reviewer sa akin, o kaya naman 'yong pa-homework mo na mas malala pa kung ikukumpara mo sa mga teacher natin. Pero, uy, h'wag kang magalit! Joke lang naman 'yon. Although, seriously, I miss you so much, Elena. You know how I badly miss you and everything about you. Our late afternoons studying and our walks in the evenings. The way you bit your lips, the way you look at me as if I was a pop quiz, and the way how I held your hand that was just so right and so fitting. Sana nga lang nga hindi lang imagination mo ang nakikita ko tuwing u

    Huling Na-update : 2021-05-25

Pinakabagong kabanata

  • Sincerely, Elena   Chapter 1: Elena

    Sampung taon ang nakaraan... Nakaupo ako sa sofa ng faculty habang kausap ang Chemistry titser naming na si Mrs. Ramos. Sa lahat ng titser dito sa faculty, si Mrs. Ramos ang guro na maasahan ko at lagi kong malalapitan. Malaki ang tulong na nagawa sa akin ni Mrs. Ramos. Hindi lamang siya naging guro sa’kin, kun’di naging pangalawang magulang ko na rin siya rito sa eskuwelahan. Ibinigay niya sa akin ang baso ng tubig at umupo sa tabi ko. "May problema ba, Elena? Kamusta ka na?" Uminom ako sa basong ibinigay niya at umiling. "Wala naman po ma'am. Nagbaka-sakali lang po ako na baka mayroon po kayong ma-irerekomenda na trabaho, kahit part-time lang po." Napakunot ang kanyang noo. "Para saan? May nangyari ba kay Lola Aning?" Naging titser niya ang aking lola noong hayskul siya rito sa eskwelahan kung kaya’t gano’n na lamang kakampante ang pagtitiwala ni Nay Aning. Sinalikop ko ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga. "Wala naman po ma'am.

  • Sincerely, Elena   Prologo

    Dear Elena, How are you? I really hope you're okay, because shit, I fucking am not doing well. Kamusta ka na at kayong lahat di'yan? Balita ko ga-graduate na kayo sa highschool at mag-ka-college na? What degree did you choose? I know naman na kahit anong kurso pa ang kunin mo. You'll excel like you always do. Na-miss ko kayong lahat, pero s'ympre most especially ikaw na teacher ko. Nakakamiss kasi 'yong pagtuturo mo, pati yung pagbibigay mo ng reviewer sa akin, o kaya naman 'yong pa-homework mo na mas malala pa kung ikukumpara mo sa mga teacher natin. Pero, uy, h'wag kang magalit! Joke lang naman 'yon. Although, seriously, I miss you so much, Elena. You know how I badly miss you and everything about you. Our late afternoons studying and our walks in the evenings. The way you bit your lips, the way you look at me as if I was a pop quiz, and the way how I held your hand that was just so right and so fitting. Sana nga lang nga hindi lang imagination mo ang nakikita ko tuwing u

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status