Home / YA/TEEN / Sincerely, Elena / Chapter 5: Elena

Share

Chapter 5: Elena

last update Huling Na-update: 2021-07-05 18:32:21

Hawak ko ang payong na bigay ni Dante Gillesania habang pinagmamasdan ko siyang pabalik ng classroom. Malaking pagtataka ko kung bakit niya binalik muli ang payong sa akin, samantala, sa kanya naman ito. Nang makita ko siyang pumasok sa loob, naglakad ako pabalik sa classroom namin na may pagkagulat.

Bakit? Hindi naman kami close. Hindi rin naman maganda ang huling pag-uusap namin. Napaisip ako ng maalala ko ang pagbubulaslas at pagwalk-out.

Umupo ako at nakinig habang patuloy na nagtuturo ang aming Aralin Panlipunan teacher. Pinilit kong makinig sa kanya, subalit, hindi ko pa rin matanto kung bakit niya binigay ang payong sa akin ulit.

Nawala ako sa iniisip ko ng tinapik ako ng katabi ko na si Wenna, "May bolpen ka pa? Wala ng tinta sa akin," tugon niya sabay turo sa bolpen niya.

Tumungo ako at kinuha ko ang aking pencil case. "Eto oh." Ibinigay ko sa kanya ang ballpen ko. Nang mapansin ni Wenna ang payong ni Mr. Gillesania, kinuha niya ito. "Uy, may payong ka pala, pwede bang mahiram para mamaya? Wala kasi akong nadalang payong. Tutal hehehe, nakita ko kanina na may payong ka pa," ukol niya habang hawak ang itim na payong.

Dali dali ko itong kinuha sa kanya at sinabi, "Hindi kasi 'to sa akin..." Kinuha ko ang payong ko sa bag at ibinigay sa kanya. "Eto na lang."

Kinuha ni Wenna na may pag-alinlangan. "Sigurado ka? Payong mo ito?"

Tumungo ako sa kanya at napangiti ng matipid. "Oo. Okay lang"

"Maraming Salamat ah, Elena." Ngumiti siya sa akin nang may pagkagalak.

Sinubukan kong makinig sa aming Aralin Panlipunan teacher na si Mr. Gonzales.

***************************

Pagkatapos ng huling klase, dumertso ako kaagad sa library at sinimulan ko nang sagutan ang mga assignments at riserts ko. Sa kadahilanan, wala rin naman akong laptop or internet sa bahay, kung kaya't hangga't nandito ako sa school, lulubusin ko na ang paggamit ng mga resources ng paaralan

Mga six'oclock na rin ng hapon ng matapos ko lahat ng gagawin ko. Napa-unat ako sa upuan at pinatay na ang computer. Niligpit ko ang mga gamit ko at nilinis ang table. Nang pagtayo ko sa upuan, napansin ko na ako na lang pala ang tao sa library maliban sa libririan.

Nang madaanan ko siya, nagpaalam ako sa kanya, "Una na po ako Mrs. Dela Rosa." Ngumiti ako sa kanya at naglakad papunta ng pintuan na. Pagkalabas ko sa library, napansin ko malapit na pala dumilim. Kaagad ko kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tinext si Nanay Aning na pauwi na ako.

Pagbaba ko, dumeretso ako sa gurdhourse nang magsimulang bumuhos ang ulan. Kaagad kong kinuha ang itim na payong sa aking bag at binuksanito. Ngunit bago ko pa man buksan ito, nakita ko si Dante Gillesania na nakatingin sa kalangitan habang tuloy-tuloy ang pagdagsa ng ulan. Nag-atubili akong lapitan siya, ngunit naramdaman kong kusang gumalaw ang aking mga paa papunta sa kanyang pwesto.

Tumikhim ako nang tumapat ako sa kanya. Napalingon siya sa akin. Nakatitig ang kanyang mga malalim na kapeng mata at pinagmamasadan ako. Binalik ko ang paningin ko sa payong at binuksan ito.

"Eto oh." Inalok ko siyang sumilong sa payong. Hindi siya umimik at patuloy sa pagtingin sa akin. Napalunok ako, medyo di-komportable at naasiwa.

Napatikhim ako at nagsalita ulit, "Umm ginamit ko muna yung payong mo kasi hiniram ni Wenna ang payong ko," paalam ko sa kanya.

Tumungo siya.

Lumunok ako ng malalim, "Kung gusto mo, pwede ko naman ibalik sa iyo ang payong. Tutal sa iyo naman talaga ito."

Umiling siya. "Sa iyo na yan. Hihintayin ko na lang tumila ang ulan."

Napakagat ako sa labi. Alam kong hindi ako makaalis. Nakonsensya ako na hindi siya makauwi ng maaga dahil sa akin. Hindi ko pa rin alam kung bakit niya binigay ang payong sa akin. Hindi ba dapat magalit siya dahil sa pagsigaw ko sa kanya?

"Pero-" Napatigil ako ng hinawakan niya ang payong, kasama ang kamay ko.

"Ano-" mahina kong sinabi. Inalis ko ang kamay ko sa kanya at hinawakan mahigpit ang bag ko.

He cleared his throat and said, "Tara, hanggang do'n sa sakayan." Sabay niyang tinuro sa bandang tricycle stand.

Bagama't umuulan, naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking mukha. Naglalakad kami papuntang tricycle stand nang hindi umiimik. Lumayo ako ng kaonti sa kanya upang magkaroon ng distansya sa aming dalawa. Habang patuloy kaming naglalakad, naramdaman ko ang pagbasa ng sleeves ng aking uniporme. 

Tumingin siya sa akin at sinabing, "Lumapit ka nang kaonti, baka mabasa ka."

Lumapit ako ng konti, nadama ko ang braso niya sa braso ko at ang sleeves ng uniform niya sa uniform ko. 

Tumigil kami sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng sakayan ng tricycle. Tinawag niya ang tricycle driver at pumunta papalapit sa amin.

"Saan ho kayo sir?" tanong ni Manong.

Lumingon si Mr. Gillesania sa akin at nagtanong, "Saan ka nakatira?"

Napataas ako ng kilay at napasagot nang tanong, "Ako? Hindi na malapit lang naman ako rito."

Marahan niya akong tinulak papasok sa loob ng tricycle at sinabing, "Kuya sa kanila po muna."

Tumingin ako sa kanya at nag-alinlangin na umupo sa loob ng tricycle. "'Wag na okay lang," sabi ko sa kanya.

"Sige na Elena. Mahirap maglakad ngayon at malakas pa ang ulan," sagot niya sa akin. Ngayon ko pa lang narinig na tinawag niya ang pangalan ko, malalim at malumanay, ngunit nakakapanatag.

"Oo nga po ma'am, madilim na rin po. Baka mahirapan po kayong maglakad sa lakas ng ulan," dagdag ng tricycle driver.

Napabuntong-hininga ako, wala akong magawa kundi pumasok sa loob ng tricycle. Nang pagkapasok ko, nakita kong sinara ni Dante Gillesania ang payong at ibinigay sa akin.

Ngunit bago pa siya umikot, tinawag ko siya, "Hindi ka sasakay?"

Tinuro niya ang upuan sa kabilang banda at sinabing, "Sa kabila na lang ako."

Napakunot ako ng noo. "Baka mabasa ka, malakas ang ulan." Umurong ako at naglaan ng mauupuan niya.

Umiling siya sa akin. "Wag na okay lang," aniya sabay punta sa kabilang banda, kung saan, mababasa siya talaga.

Napakagat ako sa labi. at napatingin sa kanila ng driver. Tinawag niya si kuya at sinabing, "Tara na po kuya, sa kanila po muna."

Nang umandar na ang tricycle, tinanong ako ni kuya, "Ma'am saan po kayo?"

"Sa Makopa St. lang po. Sa may kanto na katabi po ng Hardware store," sagot ko at mabilisan niyang pinaandar ang tricycle.

Tumila ang ulan nang makarating na kami sa bahay ko. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at ibinigay ang bayad. Subalit, bago ko pa ito mabigay, tinanggihan na ni manong.

"Binayaran na po ni sir," sabi niya sa akin.

Tumingin ako kay Dante Gillesania at ibinigay sa kanya ang bayad. "Eto yung kalahati ko."

Ngunit, tinanggihan niya ito ulit. "Huwag na. Okay lang, and I was the one who insist on getting the tricycle."

"Pero--"

Bago pa ako makapagsalita sinenyales na niya ang driver. "Tara na kuya, "sabi niya rito.

Umandar na ang tricycle ng mabilis bago ko pa matapos ang sasabihin ko at maibalik ang payong sa kanya.

Gusto ko sana magpasalamat ngunit hindi na nakaabot ang mga salitang iyon sa kanya.

************************

Pagpasok ko sa loob ng bahay, may narinig akong ibang boses maliban kay Nanay Aning. Naglakad ako papuntang sala at nakita ko si Tita Soledad, ang anak ni Nanay Aning at ang kapatid ng yumao kong tatay, kausap si nanay.

Si Tita Soledad na lamang ang natitirang anak ni nanay. Pumupunta lamang siya kapag nagkaproblema sila ng kanyang asawa. Pa minsan-minsan, dumadalaw siya kapag may birthday o okasyon para makapag-bonding kami ni nanay sa dalawa kong pinsan.

"Nandito ka na pala. Kumain ka muna, 'nak," sabi ni Nanay.

Lumapit ako sa kanila, "Opo, 'nay."

Pumunta ako sa kanya at kay nanay upang magmano. "Mano po Tita," sabi ko sa kanya at naglakad papunta sa aking kwarto.

Iniwan ko silang dalawa ni nanay para makapag-usap ng maayos. Nagbihis ako ng pambahay at pumunta ng kusina para kumain. Bago ako makapunta, narinig ko si nanay na nagsalita.

"Nak, nasa lamesa ang pagkain. Initin mo na lang," aniya galing sala.

"Opo nay," sagot ko sa kanya, at inihanda na ang hapag-kainan. Hindi ko na sila hinintay kumain, dahil alam ko na mukhang matagal pa sila at seryoso ang kanilang pinag-uusapan, kung kaya't baka matagalan.

Sumandok ako ng kanin, adobong manok at nagsimulang kumain. Habang ako kumakain, hindi ko maiwasan marinig ang kanila pinag-uusapan.

Narinig ko ang pag-iyak ni Tita sa akin nanay. "Nay, anong gagawin ko? Si Toto po..."

Napabuntong-hininga si nanay. "Sinabi ko naman sa iyo dati na iwanan mo na 'yang asawa mo at dito na lang kayo tumira ng mga apo ko."

Umiling si tita. "Hindi pwede 'nay, wala pa sa tamang edad ang mag bata para maintindihan nila. Ayokong masira ang pagtingin nila sa tatay nila."

"Anong gusto mong gawin ko, anak? Ayaw mo naman umalis sa bahay ninyo. Alam mo naman na hindi na kayo ligtas doon," paalala nito.

"Hindi naman sa ganoon 'nay, okay naman ho kami kapag hindi nakainom si Toto," sagot niya ng mahinahon.

"Kelan pa kaya sa tingin mo titigil sa bisyo ang asawa mo?" tanong ni nanay na pagka-uyam sa kanyang boses.

Napabuntong-hininga si Tita, na tila'y pagod na pagod na sa kanyang sitwasyon, "Alam mo naman 'nay na mahirap..." Hindi niya natapos ang kanyang mga salita, nang may luhang tumulo sa kanyang mga mata.

Napatingin ako sa kanilang dalawa na nakaupo sa sala. Nakita ko na hinaplos ni nanay ang kanyang mga kamay na nanginginig, "Naiintindihan ko anak, pero para sa mga anak mo at para sa iyo kailangan..."

Napahinto ako sa pagkain ko at napaisip. Uminom ako ng tubig at hindi ko na tinuloy ang pag kain. Nawalan ako ng gana at iniligpit ko kaagad ang gamit.

Pumunta ako sa sala at nagpaalam kay Tita Soledad at Nanay Aning. "Matutulog na po ako nay," sabi ko kay Nanay. "Matutulog na po ako tita," dagdag ko kay tita.

"Sige Elena, goodnight," sagot ni Tita Soledad. Ngumiti ako sa kanya ng matipid at iniwan na silang dalawa sa sala.

Dumeretso ako sa kwarto at nagsara ng pinto. Nagsipilyo ako at naghugas ng mukha, Pagkatapos, humiga ako sa kama at napapikit hangga't sa mapalibutan ng kadiliman ang aking mata.

**********************

Nang matapos ang klase, dumeretso ako kaagad sa silid ng school newspaper at gazette ng school. At dahil Miyerkules nayon, Club Day, hawak ko ang printed article na itinalagang balita sa akin. Papunta ako ngayon sa aming opisina upang ipasa ang aking artikulo at para gawin din ang mga responsibilidad na kailangan kong tapusin para sa nalalapit na paglabas ng issue ngayon buwan.

Nang makita ko ang aming punong patnugot, na si Kassandra, ang salutatorian ng 4th year class, inilagay ko ang folder sa kanyang harapan kasama ng iba pang mga articles para sa approval ngayon buwan.

Nakita niya ang folder at tumaas ang kanyang kilay. "Tapos mo na kaagad? Ang bilis naman."

Tumungo ako. "Yup, as soon as pagkasabi mo sa akin. Ginawa ko na kaagad." Binuksan niya ang folder at binasa niya ang laman ng article.

Umupo ako sa harapan, habang naghihintay sa approval niya. Kinuha ko na ang article na ito dahil wala rin naman available sa amin na kaya pang magsulat para sa featured anniversary ng school namin.

Ngumiti siya sa akin. "Nainterview mo si Principal Santos? Nakuha mo ang storya niya?" tinanong niya ako habang patuloy sa pagbabasa ng aking article.

"Oo buti nga at pumayag siya," sagot ko.

"Eh sa mga pioneer admin and teacher's ng mga school natin?" dagdag niyang tinanong sa akin.

"Oo nakausap ko ang tatlo sa kanila, pero hindi available ang iba," tinala ko sa kanya.

"Alright, sige. Babasahin ko ulit mamaya at ipapa-approve ko kay Mrs. Acosta immediately," dagdag niya.

"Sure. Super hectic ng schedule natin ngayon dahil i-rerelease na within a week ang school newspaper natin," tugon niya sa akin habang nag-aayos ng mga dokumento sa kanyang lamesa.

Tumungo ako at matipid na ngumiti sa kanya. "Sige sisimulan ko na." Sa lahat na naging edito-in-chief na aking nadaanan, siya ang pinakagusto ko, may tapang tinik at walang kinatakutan. 

"Please do so, thanks. By the way pala, today let sort out the content for the next month's issue, and paki edit ang recheck mo nga itong mga articles bago natin ipa-approve kay Ms. Acosta." Ibinigay niya sakin ang isang bungkos ng mga folder na naglalaman ng mga balita galing sa mga kagrupo namin.

"Yeah sure." Tumungo ako sa kanya, kinuha ang mga folder sa lamesa at umupo sa bakanteng upuan na mayroon komputer.

Mga ilang mga minuto ang nakalipas, dumating na ang ibang mga featured editor at dali-daling umupo sa kanilang mga silid. Pumunta sa akin ang sports editor at ibinigay ang isa pang bungkas ng mga article. "Sorry ngayon lang, hinabol ko kasi ang regional soccer competition, kakatapos lang kahapon. Naedit ko na rin pala ang mga article nila," hingal na hingal na sinabi ni Melanie, ang fourth honor ng klase namin.

Tumungo ako sa kanya. "Sige i-checheck ko na lang ulit. Salamat." Ngumiti siya sa akin at bumalik sa kanilang upuan.

Lumingon si Kassandra kay Melanie. "Nanalo ba tayo?" sabi niya sabay tuloy ang pag-type sa kanyang laptop.

Napatingin ako kay Melanie, hinihintay ang kanyang sagot. Ngumiti siya sa amin at nag-thumbs up. "Oo naman!" Inapiran siya ng aming News Editor na si David, fourth-year student at kaklase ni Kassandra.

"Ayos! Yun oh basketball and soccer kasama na tayo sa championship," sabay sinabi ni David.

"Ilan ang lamang?" tanong ng aming Features Editor na si Maia, fourth-year student at third honor ng klase nila.

Bumilog ang mga mata ni Melanie. "Malaki ang agwat. Mga nasa 10 points," sabi niya at upo sa kanyang upuan.

"Tsk… Iba talaga si Constantinople. Matindi," dagdag ni David na mangha na mangha kay Constantinople, at kung sino man siya.

Napakunot ang noo ko. "Sino si Constantinople?" tanong ko.

Sagot ni Kassandra, "Hindi mo kilala si Constantinople?"

Napailing ako. Matagal ko nang naririnig ang pangalan niya sa campus simula noong second year pa ako, ngunit hindi man sumagi sa isip ko na magtanong kung sino siya, "Hindi eh."

"Goodness, Elena. Seryoso ka? " gulat na gulat na sinabi ni Maia.

Kassandra smirked. "Baks, ka-year mo si Constantinople." Tinapik niya ako at ibinigay ang isa pang article galing news team.

Natawa sila at sabay sabay nilang sinabi ang kanyang pangalan, "Si DANTE CONSTANTINO GILLESANIA."

"Seryoso ka Elena, hindi mo kilala si Dante?" sabat ni Melanie.

My mouth opened for a while. Napalunok ako, nahiya sa aking ginawa. "Ah si Dante. Oo kilala ko siya." At kakakilala ko pa lang sa kanya.

"Ay nako Elena, kahit kailan talaga huli ka sa balita," sagot ni Maia.

Ang masaklap pa nasa news team ako at laging huli sa balita. Hindi naman sa ayokong malaman, hindi lang talaga ako mahilig makialam.

"O siya magtrabaho na tayo. Later may meeting tayo for updates ngayon issue at for next issues kaya maghanda na kayo ng mga contents," singit ni Kassandra.

Tumango ang lahat at tumahimik ang kwarto panandalian.

***************************

Kaugnay na kabanata

  • Sincerely, Elena   Chapter 6: Elena

    Maggagabi na nang matapos kami magdiskusyon para sa release ng school newspaper at sa pagplano ng bagong content para sa upcoming issue next month. Nang palalalim na ang gabi, Isa isang umuwi ang mga kasamahan ko hangga't sa ako na lang ang mag-isang naiwan sa opisina. Pagsalubong ng 6:30 ng gabi, nagpasya na akong umuwi. Pinatay ko ang computer, nilinis ang aking lamesa at sinarado ang pintuan. Bago ako umuwi, dumaan muna ako locker room para kumuha ng iba kong gamit na kailangan kong tapusin para bukas. Habang bumababa ako ng hagdan, tila may narinig akong nakakabahalang boses sa bandang corridor. Naglakad ako ng mahinahon at sinundan ito. Pagkababa ko rito, napansin kong nakapatay ang ilaw sa locker room, madilim at walang ilaw. Hinanap ko ang switch para buksan ang ilaw sa corridor subalit hindi ko ito mahanap sa sobra

    Huling Na-update : 2021-07-10
  • Sincerely, Elena   Prologo

    Dear Elena, How are you? I really hope you're okay, because shit, I fucking am not doing well. Kamusta ka na at kayong lahat di'yan? Balita ko ga-graduate na kayo sa highschool at mag-ka-college na? What degree did you choose? I know naman na kahit anong kurso pa ang kunin mo. You'll excel like you always do. Na-miss ko kayong lahat, pero s'ympre most especially ikaw na teacher ko. Nakakamiss kasi 'yong pagtuturo mo, pati yung pagbibigay mo ng reviewer sa akin, o kaya naman 'yong pa-homework mo na mas malala pa kung ikukumpara mo sa mga teacher natin. Pero, uy, h'wag kang magalit! Joke lang naman 'yon. Although, seriously, I miss you so much, Elena. You know how I badly miss you and everything about you. Our late afternoons studying and our walks in the evenings. The way you bit your lips, the way you look at me as if I was a pop quiz, and the way how I held your hand that was just so right and so fitting. Sana nga lang nga hindi lang imagination mo ang nakikita ko tuwing u

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Sincerely, Elena   Chapter 1: Elena

    Sampung taon ang nakaraan... Nakaupo ako sa sofa ng faculty habang kausap ang Chemistry titser naming na si Mrs. Ramos. Sa lahat ng titser dito sa faculty, si Mrs. Ramos ang guro na maasahan ko at lagi kong malalapitan. Malaki ang tulong na nagawa sa akin ni Mrs. Ramos. Hindi lamang siya naging guro sa’kin, kun’di naging pangalawang magulang ko na rin siya rito sa eskuwelahan. Ibinigay niya sa akin ang baso ng tubig at umupo sa tabi ko. "May problema ba, Elena? Kamusta ka na?" Uminom ako sa basong ibinigay niya at umiling. "Wala naman po ma'am. Nagbaka-sakali lang po ako na baka mayroon po kayong ma-irerekomenda na trabaho, kahit part-time lang po." Napakunot ang kanyang noo. "Para saan? May nangyari ba kay Lola Aning?" Naging titser niya ang aking lola noong hayskul siya rito sa eskwelahan kung kaya’t gano’n na lamang kakampante ang pagtitiwala ni Nay Aning. Sinalikop ko ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga. "Wala naman po ma'am.

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Sincerely, Elena   Chapter 2: Elena

    Hanggang ngayon nag-aalinlangan pa rin ako sa sinabi ni Mrs. Ramos tungkol sa tutoring class na magaganap at lalo na hindi ko naman kilala ang lalaking iyon. Sa unang pagkakilala ko pa lang sa kanya, tila hindi na maganda ang pakiramdam ko rito. Hindi ko alam kung bakit, buthe just ticks me off.Gayunpaman, napagdesisyunan ko na dumeretso sa library pagkatapos ng klase upang simulan na ang tutoring class. Sa kasamaang palad, kanina pa ako nandito sa library na naghihintay sa kanya hanggang sa lumipas na ang isa't kalahating oras.Nakaupo ako malayo sa Librarian para sa gayon hindi kami maka abala sa ibang mga estudyante na nag-aaral. Habang naghihintay, kinuha ko na lang aking math notebook, at iba pang mga kagamitan na gagamitin namin sa pag-aaral.Napatingin ako sa orasan at napansin ko ang mabilis na paglipas ng oras. Lumingon ako sa paligid at hanggang ngayon, wala pa rin senyales na nagsasabing nandito na siya.Napab

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Sincerely, Elena   Chapter 3: Dante

    As soon as I got home, Tita Rizza, my mom's only sister, my auntie, and my teacher, greeted me with her dead glaring eyes. I'm currently residing at their house in the meantime while I'm still studying here.Living with them was quite alright, quaint and homey, unlike what I was used to in States. The only good thing I have liked about my situation was that as soon as I stayed here, Tita Rizza treated me like her own son, like how a mother should treat her child. It is just sometimes; I keep reminding myself that she's really not my mother.I sighed.Umupo ako sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan. Bago pa makapagsalita si Auntie Rizza, inunahan ko na siya. "I told you Auntie, I don't need a tutor." I slumped my back on the couch and closed my eyes for a minute."Anong hindi mo kailangan Dante? Nakita mo ba ang grades mo? Paano ka makakaabot ng scholarships sa grade mo? Alam mo na noong simula nang iniwan ka sa’kin ni Ate naging responsibilida

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Sincerely, Elena   Chapter 4: Dante

    When I got home, my cute, chubby, and bubbly cousin greeted me with her cherubic smile. She jumped towards me seemed like she wanted me to carry her."Ikaw talaga Thea-Kulit-Taba," asar ko sa kanya.I hoist her up on my arms and kissed her perky cheeks. She's Theodora, my eight-year-old cousin from my mother's side and the only daughter of my auntie, Rizza. Tita Rizza had a hard time getting pregnant which became the reason that they stopped trying to have another baby after having Theodora. Naging kontento na lang sila tita na isa lang ang kanilang anak. Kumbaga, siya ang unica hija at pinakamamahal ng pamilya.And, I love her, like how a brother should love her sister. I never had a sister before, until I met her.She wiped her cheeks with utter disgust. "Na-miss ko ang cute-cute kong pinsan.""Kuya naman eh! kashdiri. Ewwww," she replied with a sign of revulsion.She wiggled on my arms, wanting to let loose on my tight grip. I chuck

    Huling Na-update : 2021-07-05

Pinakabagong kabanata

  • Sincerely, Elena   Chapter 6: Elena

    Maggagabi na nang matapos kami magdiskusyon para sa release ng school newspaper at sa pagplano ng bagong content para sa upcoming issue next month. Nang palalalim na ang gabi, Isa isang umuwi ang mga kasamahan ko hangga't sa ako na lang ang mag-isang naiwan sa opisina. Pagsalubong ng 6:30 ng gabi, nagpasya na akong umuwi. Pinatay ko ang computer, nilinis ang aking lamesa at sinarado ang pintuan. Bago ako umuwi, dumaan muna ako locker room para kumuha ng iba kong gamit na kailangan kong tapusin para bukas. Habang bumababa ako ng hagdan, tila may narinig akong nakakabahalang boses sa bandang corridor. Naglakad ako ng mahinahon at sinundan ito. Pagkababa ko rito, napansin kong nakapatay ang ilaw sa locker room, madilim at walang ilaw. Hinanap ko ang switch para buksan ang ilaw sa corridor subalit hindi ko ito mahanap sa sobra

  • Sincerely, Elena   Chapter 5: Elena

    Hawak ko ang payong na bigay ni Dante Gillesania habang pinagmamasdan ko siyang pabalik ng classroom. Malaking pagtataka ko kung bakit niya binalik muli ang payong sa akin, samantala, sa kanya naman ito. Nang makita ko siyang pumasok sa loob, naglakad ako pabalik sa classroom namin na may pagkagulat. Bakit? Hindi naman kami close. Hindi rin naman maganda ang huling pag-uusap namin.Napaisip ako ng maalala ko ang pagbubulaslas at pagwalk-out. Umupo ako at nakinig habang patuloy na nagtuturo ang aming Aralin Panlipunan teacher. Pinilit kong makinig sa kanya, subalit, hindi ko pa rin matanto kung bakit niya binigay ang payong sa akin ulit. Nawala ako sa iniisip ko ng tinapik ako ng katabi ko na si Wenna, "May bolpen ka pa? Wala ng tinta sa akin," tugon niya sabay turo sa bolpen niya. Tumungo ako at kinuha ko ang aking pencil case. "Eto oh." Ibinigay ko sa kanya ang ballpen ko. Nang mapansin ni Wenna ang payong ni Mr. Gillesania, kinuha niya

  • Sincerely, Elena   Chapter 4: Dante

    When I got home, my cute, chubby, and bubbly cousin greeted me with her cherubic smile. She jumped towards me seemed like she wanted me to carry her."Ikaw talaga Thea-Kulit-Taba," asar ko sa kanya.I hoist her up on my arms and kissed her perky cheeks. She's Theodora, my eight-year-old cousin from my mother's side and the only daughter of my auntie, Rizza. Tita Rizza had a hard time getting pregnant which became the reason that they stopped trying to have another baby after having Theodora. Naging kontento na lang sila tita na isa lang ang kanilang anak. Kumbaga, siya ang unica hija at pinakamamahal ng pamilya.And, I love her, like how a brother should love her sister. I never had a sister before, until I met her.She wiped her cheeks with utter disgust. "Na-miss ko ang cute-cute kong pinsan.""Kuya naman eh! kashdiri. Ewwww," she replied with a sign of revulsion.She wiggled on my arms, wanting to let loose on my tight grip. I chuck

  • Sincerely, Elena   Chapter 3: Dante

    As soon as I got home, Tita Rizza, my mom's only sister, my auntie, and my teacher, greeted me with her dead glaring eyes. I'm currently residing at their house in the meantime while I'm still studying here.Living with them was quite alright, quaint and homey, unlike what I was used to in States. The only good thing I have liked about my situation was that as soon as I stayed here, Tita Rizza treated me like her own son, like how a mother should treat her child. It is just sometimes; I keep reminding myself that she's really not my mother.I sighed.Umupo ako sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan. Bago pa makapagsalita si Auntie Rizza, inunahan ko na siya. "I told you Auntie, I don't need a tutor." I slumped my back on the couch and closed my eyes for a minute."Anong hindi mo kailangan Dante? Nakita mo ba ang grades mo? Paano ka makakaabot ng scholarships sa grade mo? Alam mo na noong simula nang iniwan ka sa’kin ni Ate naging responsibilida

  • Sincerely, Elena   Chapter 2: Elena

    Hanggang ngayon nag-aalinlangan pa rin ako sa sinabi ni Mrs. Ramos tungkol sa tutoring class na magaganap at lalo na hindi ko naman kilala ang lalaking iyon. Sa unang pagkakilala ko pa lang sa kanya, tila hindi na maganda ang pakiramdam ko rito. Hindi ko alam kung bakit, buthe just ticks me off.Gayunpaman, napagdesisyunan ko na dumeretso sa library pagkatapos ng klase upang simulan na ang tutoring class. Sa kasamaang palad, kanina pa ako nandito sa library na naghihintay sa kanya hanggang sa lumipas na ang isa't kalahating oras.Nakaupo ako malayo sa Librarian para sa gayon hindi kami maka abala sa ibang mga estudyante na nag-aaral. Habang naghihintay, kinuha ko na lang aking math notebook, at iba pang mga kagamitan na gagamitin namin sa pag-aaral.Napatingin ako sa orasan at napansin ko ang mabilis na paglipas ng oras. Lumingon ako sa paligid at hanggang ngayon, wala pa rin senyales na nagsasabing nandito na siya.Napab

  • Sincerely, Elena   Chapter 1: Elena

    Sampung taon ang nakaraan... Nakaupo ako sa sofa ng faculty habang kausap ang Chemistry titser naming na si Mrs. Ramos. Sa lahat ng titser dito sa faculty, si Mrs. Ramos ang guro na maasahan ko at lagi kong malalapitan. Malaki ang tulong na nagawa sa akin ni Mrs. Ramos. Hindi lamang siya naging guro sa’kin, kun’di naging pangalawang magulang ko na rin siya rito sa eskuwelahan. Ibinigay niya sa akin ang baso ng tubig at umupo sa tabi ko. "May problema ba, Elena? Kamusta ka na?" Uminom ako sa basong ibinigay niya at umiling. "Wala naman po ma'am. Nagbaka-sakali lang po ako na baka mayroon po kayong ma-irerekomenda na trabaho, kahit part-time lang po." Napakunot ang kanyang noo. "Para saan? May nangyari ba kay Lola Aning?" Naging titser niya ang aking lola noong hayskul siya rito sa eskwelahan kung kaya’t gano’n na lamang kakampante ang pagtitiwala ni Nay Aning. Sinalikop ko ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga. "Wala naman po ma'am.

  • Sincerely, Elena   Prologo

    Dear Elena, How are you? I really hope you're okay, because shit, I fucking am not doing well. Kamusta ka na at kayong lahat di'yan? Balita ko ga-graduate na kayo sa highschool at mag-ka-college na? What degree did you choose? I know naman na kahit anong kurso pa ang kunin mo. You'll excel like you always do. Na-miss ko kayong lahat, pero s'ympre most especially ikaw na teacher ko. Nakakamiss kasi 'yong pagtuturo mo, pati yung pagbibigay mo ng reviewer sa akin, o kaya naman 'yong pa-homework mo na mas malala pa kung ikukumpara mo sa mga teacher natin. Pero, uy, h'wag kang magalit! Joke lang naman 'yon. Although, seriously, I miss you so much, Elena. You know how I badly miss you and everything about you. Our late afternoons studying and our walks in the evenings. The way you bit your lips, the way you look at me as if I was a pop quiz, and the way how I held your hand that was just so right and so fitting. Sana nga lang nga hindi lang imagination mo ang nakikita ko tuwing u

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status