Share

Chapter 3

Penulis: ELENA
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-13 08:30:33

"We need to act like we're in love, Ayen. Hindi lang si Mommy ang haharapin natin. We'll also meet my grandfather. Kung hindi nila makikita na mahal natin ang isa't-isa ay magdududa sila sa atin."

Napagat ako sa labi ko sa sinabi ni sir Justin. Hindi ko alam na napaka komplikado pala ng pinasok ko. Akala ko ay basta ikakasal kami, titira sa isang bahay at hihintayin na maghiwalay.

Sa isang taon na magsasama kami ay kailangan makita ng lahat na in love kami. Oo nga naman, sino namang maniniwala sa amin kung hindi kami aakto na mahal na mahal ang isa't-isa.

"Let's go?" Inilahad niya ang kamay sa akin.

Napatingin ako sa kamay, bago iyon kinuha at hinawakan. Sabay kaming naglakad papasok sa loob ng kompanya at magkahawak ang mga kamay.

Ang mga nadadaanan namin ay napapahinto at napapatingin sa aming dalawa, mga halatang gulat. Hanggang sa makasakay kami ng elevator ay hindi kami nagbibitaw ng mga kamay.

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang halikan niya ang pisngi ko nang makarating na kami sa desk ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Rita, na halos pasukan na ng langaw ang bibig sa sobrang gulat.

"Wrap up your work quickly so we can head out sooner."

Napalunok ako ng laway at saka tumango. "Call me if you need anything," malambing kong sagot na ikinatawa niya naman.

Pakiramdam ko tuloy ay namula ang pisngi ko. He's obviously teasing me dahil hindi ako marunong umarte.

Umalis na siya at pumasok sa opisina niya. Mabilis namang tumayo si Rita at hinila ako, sabay hampas sa braso ko.

"Hoy, Ayen, ano yun?" curious niyang tanong, nakaturo pa sa labas ng opisina ni sir Justin. "Bakit may paghalik sa pisngi? Huwag mo sabihing may namamagitan sa inyo?"

"Huwag ka ngang sumigaw." Hinila ko siya paupo.

"Sabihin mo na, ano ang meron sa inyo ni sir Justin?" pamimilit niya talaga. "Kaya ba ikaw lang ang hindi niya napapagalitan dahil may secret relationship kayo?"

"Parang... ganon na nga," tipid kong sagot, nagpipigil ang tawa dahil sa pagiging overreacting niya.

"Oh my god! Kailan pa? Bakit hindi mo naman sinabi sa akin kaagad? Akala ko ba friends tayo?" napanguso niya, kunwari ay nagtatampo.

"Dahil gusto namin ng private lang ang relasyon namin." Kung maririnig lang ako ni sir Justin ay tiyak na matatawa naman siya.

"Bakit ngayon ay inilalantad niyo na ang relasyon niyo?"

"Dahil... ikakasal na kami," mahinang sabi ko.

Namilog ang mga mata niya at pumalakpak pa. "Invited naman siguro ako diyan?"

"Oo naman!"

Buong working hours ng araw na iyon ay tatlong beses akong ipinatawag ni sir Justin sa opisina niya. Nakikita ko sa mga mata ng ilang employee ang paghabol sa akin ng tingin. Kapag babalik naman ako sa desk ko ay muli akong inuusisa ni Rita tungkol sa relasyon namin ni sir Justin. Kung paano kami nagkakilala, ilang taon na ang relasyon namin, at kung ano-ano pa.

Noong lunch time sa cafeteria ng kompanya, ang daming bumati sa akin kahit hindi ko naman kilala ang iba sa kanila. Kinongratulate nila ako sa paparating naming kasal ni Sir Justin. Gano’n kabilis kumalat ang tungkol sa amin.

"Are you done yet, love?"

Kamuntikan na akong masamid sa tanong ni Sir Justin nang bigla siyang magsalita sa tabi ko, bahagyang yumuko para kunin ang atensyon ko.

"They're waiting for us."

"T-Tapos na ako..." utal kong sagot, agad na dinampot ang bag ko bago tumayo. "Una na kami, Rita."

Kinikilig namang tumango si Rita, nakangiti habang pinapanood kaming maglakad palayo. Kumakaway pa siya na parang nasa isang eksena ng paborito niyang romance movie.

"Were the talk of the company today, sir," natatawang sabi ko nang makasakay kami sa kotse niya.

"That's our goal," tila proud pa niyang sagot at ngumiti. "But you need to double your acting when meeting my grandfather. He's a meticulous one. Kung ang iba ay madali nating mapaniwala, siya ay hindi gano’n."

Napatitig naman ako sa kanya. Gwapo siya kaya naman napakaraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Pero hindi ko alam n mas gwapo pala siya kapag nakangiti.

Nang sulyapan niya ako ay mabilis akong nag-iwas ng tingin para hindi niya makita na nakatingin ako sa kanya.

Akala ko ay dederitso na kami sa mansyon ng lolo niya, pero huminto kami sa isang boutique.

"You need to change your clothes. Kung uuwi ka pa sa inyo ay mas matatagalan tayo," wika niya nang makita ang nakakunot kong noo.

Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. Muli, inilahad na naman niya ang kamay sa akin at magkahawak kami na pumasok sa loob.

"Thanks for choosing us, Mr. Berkeley," bati sa amin ng isang babae. Mukhang siya ang may-ari ng boutique na ito dahil wala siyang nameplate sa dibdib. May pino at pormal na ngiti sa kanyang mukha habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Is this your fiancée you're talking about?"

"Yes, she is," sagot ni sir Justin nang walang pag-aalinlangan, saka inilagay ang kamay sa likod ko na parang ipinapakita sa kanya na ako nga ang tinutukoy niya. "I want her to look simple yet elegant."

Napangiti ang babae at tumango. "Oh, no worries. Ako na ang bahala sa kanya."

Hinawakan niya ang aking kamay at dahan-dahang hinila ako palapit sa isang rack ng magagarang damit. "You have such a lovely figure, Miss. Let's find the perfect dress for you," aniya habang pumipili ng ilang piraso ng damit at iniaabot sa akin.

Nilingon ko si Justin, tila humihingi ng tulong o kahit kaunting reassurance, pero nakangiti lang siya, halatang kuntento sa nangyayari. "Go ahead," bulong niya. "I trust her taste."

Matapos ang halos kinse minutos na pagsusukat, ang puting halter-fitted dress ang ipinasuot sa akin.

"Sa dami ng naging kliyente ko rito, I can say na ikaw ang may pinakamagandang katawan," tuwang-tuwang sabi ng babae habang inayos ang laylayan ng damit ko. Pagkatapos, maingat niya akong ihinarap sa naghihintay na si sir Justin. "Mr. Berkeley, what do you think?"

Nag-angat ng tingin si Sir Justin. Sandali siyang natigilan, kita ko ang bahagyang pagkurap niya bago niya ako hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.

"She looks... gorgeous," mahina niyang sabi, na para bang sinisikap itago ang pagkamangha sa tono ng kanyang boses. O baka naman guni-guni ko lang na namangha siya.

Matapos magbayad gamit ang black card ni sir Justin ay lumabas na kami. Ngayon ay mas naramdaman ko na ang kaba.

Ang nangyari kahapon sa pagitan ni Madam Imelda at ng pamilya namin ay ipinangako ni sir Justin na hindi na mauulit. Hindi na niya hahayaan na bumalik doon ang Mommy niya at pagsalitaan kami ng hindi maganda, lalo na si Mama.

Ilang oras din akong nagpaliwanag kay Mama kaharap. Kung ano-anong dahilan at pagsisinungaling ang nagawa ko para lang paniwalain siya na may relasyon kami ni sir Justin at matagal na kaming hiwalay ni Joseph, at ayaw lang namin sabihin sa kanila.

"Ang lamig ng kamay mo," puna ni sir Justin. Hindi ko namalayan na hawak niya pala ang kamay ko sa sobrang pag-iisip. "Are you nervous?"

"Medyo lang, sir," sagot ko. Pinisil-pisil niya ang palad ko at ilang sandali pa ay nararamdaman ko na parang kumakalma na ako.

"Don't be nervous. I'm with you," aniya, may katiyakan sa tinig.

After a thirty-minute drive, narating namin ang mansyon ng lolo ni Sir Justin. Napakalaki nito at may maraming bantay sa paligid, halatang mahigpit ang seguridad.

This is just a family dinner, pero parang isang malaking okasyon ang pinaghandaan. Nakaayos nang maayos ang buong garden—may mga eleganteng ilaw, magandang table setup, at tila isang formal gathering ang nagaganap.

"Finally, you're here, my apo," masayang bati ng matandang lalaki, bakas sa mukha niya ang tuwa nang makita si sir Justin.

Walang alinlangang yumakap si sir Justin sa kanyang lolo, mahigpit at puno ng respeto. Nang bumitaw siya, ako naman ang agad na niyakap ng matanda.

"Welcome to the family, iha. I heard a lot of stories about you," aniya habang hinahaplos ang aking likod bago dahan-dahang bumitaw.

Sinulyapan ko si sir Justin, pilit iniisip kung anong kwento kaya ang sinabi niya sa lolo niya tungkol sa akin.

"Is Mom already here?" tanong nI sir Justin habang nag-aayos ng kanyang coat.

"Naroon siya sa loob, kasama ang mga pinsan mo," sagot ng matanda, itinuro ang direksyon ng bahay.

Mas lalong humigpit ang kapit ko sa braso ni sir Justin nang mapagtanto kong iiwan niya ako kasama ang lolo niya. Naramdaman niya ang bahagyang pagdadalawang-isip ko, kaya humarap siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko, para bang pinapakalma ako.

"I'll be back. Have a chitchat with Lolo, hmm?" bulong niya sa akin.

Wala na akong nagawa nang unti-unti siyang lumayo, habang ang lolo niya naman ay nakangiting nakatingin sa akin, tila sabik akong makilala pa.

"Lumaki si Justin na close sa akin. Halos dito na siya tumira sa mansyon. Hirap siyang pauwiin ng daddy niya noong nabubuhay pa ito, kaya naman siya rin ang paborito kong apo," kuwento ng matanda habang pinagmamasdan ako, para bang sinusuri kung paano ako tutugon sa kanyang mga salita.

Ramdam ko ang pagmamahal niya sa apo, pero hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kaba sa paraan ng kanyang pagsasalita.

"Kilalang-kilala ko na si Justin. Alam ko kung kailan siya malungkot, kung kailan siya masaya, kung kailan nasasaktan... at kung kailan siya nagpapanggap," dagdag niya, mabagal at may bigat ang bawat salita.

Dahan-dahang umawang ang bibig ko sa huling sinabi niya.

"He can deceive anyone, but not me..."

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Alam ng lolo niya na nagpapanggap lang kami! 

Bigla akong nataranta. Hindi ko alam ang gagawin, pero namalayan ko na lang ang sarili kong ibinuka ang bibig ko, desperadong magpaliwanag.

"S-Sir... hindi namin po namin intensyon na magpanggap. Nagawa lang namin—"

Ngunit ngumiti lang ang matanda, tila hindi nababahala sa pagtatangka kong ipagtanggol ang sarili namin.

"Alam ko iyon," aniya, saka marahang pumihit para humakbang bahagya palayo sa akin. "Alam ko ang kasunduan ninyong dalawa kung bakit kayo nagpanggap. At nakikita ko na mabuti kang tao, and you're fit for him." Tumigil siya saglit at tumingin sa malayo, tila nag-iisip. "I want my grandson to be happy. Napakarami na niyang pinagdaanan sa buhay."

Bumaling ulit siya sa akin, at sa pagkakataong ito, mas seryoso ang kanyang ekspresyon.

"I will pay you triple what he pays you if you make him fall in love with you," diretsong sabi niya, hindi man lang nag-aatubili. "Gusto ko makita ulit na masaya siya bago man lang ako mawala rito sa mundo."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Signed To Be His Wife   Chapter 1

    Sinulyapan ko ang nakasaradong opisina ng boss kong si sir Justin Berkeley. Mula roon sa loob ay dinig na dinig namin ang malalakas na sigaw. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan ng opisina at lumabas doon ang isang lalaki na nakayuko at mugto ang mga mata mula sa pag-iyak.Mukhang natanggal sa trabaho ang lalaki."Baka mamaya tayo na naman ang pag-initan ni sir," bulong ni Rita sa tabi ko.Dali-dali akong tumungo sa pantry at nagtimpla ng kape, tsaka iyon dinala kay sir Justin.Sa loob ng walong buwan kong pagtatrabo bilang secretary ni sir Justin ay masasabi ko na hindi naman siya mahirap pakisamahan. Kung para sa iba ay nakakatakot ang aura ng boss namin, para sa akin ay hindi. He's just a perfectionist person. Typical na boss. Gusto niya nasa tamang lugar ang lahat. Kaya kung gagawin mo lang ng maayos ang trabaho mo ay magtatagal ka sa kanya."Good morning, sir. Here's your coffee," wika ko at inilapag iyon sa table niya.Nag-angat siya sa akin ng tingin at dinampot ang kape

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12
  • Signed To Be His Wife   Chapter 2

    Nakahalukipkip si sir Justin habang nakasandal sa swivel chair niya, seryosong nakatingin sa akin. Sa kabila ng tahimik na opisina, ramdam ko ang bigat ng bawat segundo habang hinihintay ang reaksyon niya.“Kailangan kong magpakasal bago ako mag-thirty,” diretsong sabi niya, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Kung hindi, hindi ko makukuha ang buong mana ko."Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano magre-react. Akala ko tapos na ang paggugulat niya. Pero ngayong nalaman ko ang dahilan kung bakit niya ako bigla inalok ng kasal ay hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.Bumuntong-hininga si sir Justin nang mapansin siya ang pagiging speechless ko, saka marahang idinukdok ang mga daliri sa ibabaw ng mesa. “Nasa last will and testament ng dad ko. The only way na makuha ko ang buong naiwan niya is if I get married before my 30th birthday.”Napayuko ako, pilit inuunawa ang sitwasyon. “Pero, sir... bakit ako?" Sa dinami-dami ng babae na nagkakandarapa para lang makuha ang atensyon

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12

Bab terbaru

  • Signed To Be His Wife   Chapter 3

    "We need to act like we're in love, Ayen. Hindi lang si Mommy ang haharapin natin. We'll also meet my grandfather. Kung hindi nila makikita na mahal natin ang isa't-isa ay magdududa sila sa atin."Napagat ako sa labi ko sa sinabi ni sir Justin. Hindi ko alam na napaka komplikado pala ng pinasok ko. Akala ko ay basta ikakasal kami, titira sa isang bahay at hihintayin na maghiwalay.Sa isang taon na magsasama kami ay kailangan makita ng lahat na in love kami. Oo nga naman, sino namang maniniwala sa amin kung hindi kami aakto na mahal na mahal ang isa't-isa."Let's go?" Inilahad niya ang kamay sa akin.Napatingin ako sa kamay, bago iyon kinuha at hinawakan. Sabay kaming naglakad papasok sa loob ng kompanya at magkahawak ang mga kamay.Ang mga nadadaanan namin ay napapahinto at napapatingin sa aming dalawa, mga halatang gulat. Hanggang sa makasakay kami ng elevator ay hindi kami nagbibitaw ng mga kamay.Pero ang mas ikinagulat ko ay ang halikan niya ang pisngi ko nang makarating na kami s

  • Signed To Be His Wife   Chapter 2

    Nakahalukipkip si sir Justin habang nakasandal sa swivel chair niya, seryosong nakatingin sa akin. Sa kabila ng tahimik na opisina, ramdam ko ang bigat ng bawat segundo habang hinihintay ang reaksyon niya.“Kailangan kong magpakasal bago ako mag-thirty,” diretsong sabi niya, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Kung hindi, hindi ko makukuha ang buong mana ko."Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano magre-react. Akala ko tapos na ang paggugulat niya. Pero ngayong nalaman ko ang dahilan kung bakit niya ako bigla inalok ng kasal ay hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.Bumuntong-hininga si sir Justin nang mapansin siya ang pagiging speechless ko, saka marahang idinukdok ang mga daliri sa ibabaw ng mesa. “Nasa last will and testament ng dad ko. The only way na makuha ko ang buong naiwan niya is if I get married before my 30th birthday.”Napayuko ako, pilit inuunawa ang sitwasyon. “Pero, sir... bakit ako?" Sa dinami-dami ng babae na nagkakandarapa para lang makuha ang atensyon

  • Signed To Be His Wife   Chapter 1

    Sinulyapan ko ang nakasaradong opisina ng boss kong si sir Justin Berkeley. Mula roon sa loob ay dinig na dinig namin ang malalakas na sigaw. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan ng opisina at lumabas doon ang isang lalaki na nakayuko at mugto ang mga mata mula sa pag-iyak.Mukhang natanggal sa trabaho ang lalaki."Baka mamaya tayo na naman ang pag-initan ni sir," bulong ni Rita sa tabi ko.Dali-dali akong tumungo sa pantry at nagtimpla ng kape, tsaka iyon dinala kay sir Justin.Sa loob ng walong buwan kong pagtatrabo bilang secretary ni sir Justin ay masasabi ko na hindi naman siya mahirap pakisamahan. Kung para sa iba ay nakakatakot ang aura ng boss namin, para sa akin ay hindi. He's just a perfectionist person. Typical na boss. Gusto niya nasa tamang lugar ang lahat. Kaya kung gagawin mo lang ng maayos ang trabaho mo ay magtatagal ka sa kanya."Good morning, sir. Here's your coffee," wika ko at inilapag iyon sa table niya.Nag-angat siya sa akin ng tingin at dinampot ang kape

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status