"Oh Nicolai bakit hindi kapa nasakay sa kotse mo?" nag-tataka kong tanong.
"Uh.. Gusto ko lang mag-pasalamat sayo sa lahat. Mula kanina sa practice at sa dinner. Kahit alam mong tututulan ka ng kuya mo na makapareha ako, Tinuloy mo pa rin."
"Nako wala yun. Sila lang naman ang lagi kong problema dahil ayaw nila akong napapasama o nadidikit sa ibang lalaki. Tsaka iba yung ngayon. Para sa activity natin to. Wag mona isipin. Sige na anong oras na oh, Para makapag pahinga na kayo ni Jen."
"Thank you ulit. Sige alis na kami." Tumango ako sa kanya, Tumalikod na ito at akmang mag-lalakad ng humarap ulit siya sakin.
"Bakit? May nakalimutan kaba Nicolai?"
Nag-tatakang tanong ko dito. Para siyang may gustong sabihin kaso nag-aalangan. Napakamot pa siya sa kilay niya bago nag-salita"Ah ano... Pw-pwede koba makuha ang number mo? Pa
Hinawakan ko na sa braso si Jen para awatin, Nilingon niya ako, Bakas sa mukha niya ang galit. "Tama na Jen. Dapat hindi muna pinapatulan ang ganyang tao. Umayos na ka---" "Bakit mo sila pinipigilan Zia? natatakot kabang matalo 'yang mga kaibigan mong cheap? At totoo naman ang sinasabi nila Joyce. Truth hurts ba?" Marahas akong lumingon kay Dia dahil sa sinabi nito. Nakangiti siya at halatang enjoy na enjoy sa nang-yayari. Mukhang wala na din akong magagawa, Ayoko din namang na kinakawawa nila ang mga kaibigan ko. "Hindi porket pinipigilan ko sila natatakot na akong matalo sila. Gusto ko lang sila pigilan dahil hindi naman ka-ubos ubos ng oras yang mga kaibigan mong pasikat at may inggit sa katawan." "Burn." "Nadali mo friend."  
"Tsk. Wag ko lang talaga makitang sobra maka-dikit ang Nicolai nayan sayo. Sisimplehan ko talaga yan." Hindi na ako umimik sa sinabi niya at nag tungo na kay Nicolai. Dami talaga sinasabi non. "Ready?" Tanong ko kay nicolai "Yeah." Maikle lang rin naman ang sunod naming sasayawin. Hindi kona pina-abot ng isang buong kanta. Mas ok na ‘yung maikle lang. Umupo na kami Nicolai, Hinawakan na niya ang carton isa sa mga props namin. Habang ako ay nakatingin sa hawak niya. Nag-sigawan naman ang mga ka-klase namin. Napangiti ako dahil mukang ok ang pag-kakasayaw namin. Kahit nasayaw ako, Sinusubukan kong silipin sila Nicolai at Jen. Mukhang ine-enjoy lang nila. Nice! Dahil ok na naman sila pati ako inen-joy kona din.
Kezia Chloe Naalimpungatan ako ng may mahinang kumakatok sa pintuan, Pupungas-pungas akong na-upo sa kama, Madilim na ang paligid napahaba pala ang tulog ko. Hindi ko din nabuksan ang ilaw kanina. Dahan-dahan akong nag-tungo sa pinto at kinapa ang switch ng ilaw binuksan ko ang dimlight para hindi mabigla ang mata ko sa liwanag, bago buksan ng konti ang pinto para silipin kung sino ang kumakatok. Naniningkit pa ang mga mata ko ng sumilip. "Dinner is ready, pinapatawag kana ni Matthew." ang naniningkit kong mata ay namilog nang makilala ko kung sino ang nasa harap ng kwarto ko. Napaayos din ako ng tayo at mas niliitan pa ang bukas ng pinto. Geez! Baka may panis na laway pa ako o muta.Bakit sa dinamirami ng pwedeng tumawag sa’kin si Austin pa talaga ang pinili nila? Tsk. “A-ah sige, susunod na ako.” Sinarado ko agad ang pinto. Hindi ko kase matagalan ang titig niya sa’kin. Tsk, bakit fe
Nag-madali akong tumayo at tumakbo papalabas. Naramdaman ko naman na sumunod ‘yung tatlo. “T*ng ina ka! Sabi na ‘e, kaya hindi ko gusto na nadikit ka sa pinsan ko! Ano? Nilalandi mo siya?! May balak ka talagang pormahan ang pinsan ko?! G*go ka!” Naabutan namin na hinila na ni Kuya Zion ang kambal niya, Walang makikitang ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin kay Nicolai na nakasalampak sa sahig at sapo-sapo ang kanang pisnge, kahit si Kuya Matt ay seryoso lang. Si Jake naman ay mababakasan ng galit. Geez eto na nga ba ang sinasabi ko. “A-ano bang ibig niyong sabihin?” naguguluhang tanong ni Nicolai, so hindi pa niya nakikita? Hindi pa niya alam na may picture kami sa Group ng school. Tatayo na ito ng lapitan ko at alalayan. Geez, wala siyang kaalam-alam.Tinignan ko naman sila Kuya, Hindi sila makapaniwala sa ginawa ko. Nang makatayo ng maayos si Nicolai, Hinarap ko siya at masuyong tinanong.
UWIAN “Dismissed" Finally, makaka-uwi na din, Gustong-gusto ko na mahiga sa kama ko at mag-kulong lang sa kwarto. Siguro kukuha na lang ako ng pag-kain sa kusina pag-dating ko sa bahay para hindi na ako lalabas. Ayoko muna makaharap ang mga pinsan ko at si kuya Matt. Nilalagay ko na sa bag ang mga gamit ko ng mapalingon ako kela Jen ng sabay sabay silang tumayo. Nag-tataka ko naman silang tinignan. “Girl, ok lang ba na mauna na muna kami? nag-text kase si mama na kailangan kami ngayon doon sa canteen ni tita Leah ang dami daw kaseng order ng ulam para sa mga call center na malapit doon samin, Alam mo naman BFF din ang mga parents namin kaya tulong-tulong.” Paliwanag ni Jen, Ngumiti naman ako sa kanila. “Oo naman, ok lang. kayo talaga.” “E, alam mo naman hindi kami sanay na hind
Hindi ko maintindihan, gustong bumawi sa’kin ni Austin, Sa kinikilos niya para siyang boyfriend ko minsan. Hindi naman ako t*nga para hindi mahalata o makita ang mga pasimple niyang ginagawa o mga padali niyang salita, Tapos totoo pala na mag-fiance sila ni Dia. Tama lang pala talaga na magalit o mag-selos si Dia. Ano bang tumatakbo sa isip ni Austin? Gusto niya ba ako pahirapan?“Sobra ‘yung galit ko chloe, kase parehas silang mahalaga sa’kin ‘e. pero gano’n ang ginawa nila, Nakipag-hiwalay ako mismo ng araw ng mahuli ko siya. Then makalipas ang isang linggo nabalitaan ko na official na mag-fiance na pala sila. Sobrang sakit, Dahil sa nang-yari nag-tanim ako ng galit sa kanilang dalawa. Nakabuo ako ng plano, Alam kong mahalaga ka kay Austin kaya inisip ko na gamitin ka para sa makaganti sa kanya..” Napatigil ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya, May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko.
Habang papunta kami sa parkinglot masaya kaming nag-kwekwentuhan ni Nic, Mas naging panatag kami sa isa’t isa, Mas lalo kong nakilala si Nicolai. Tawa ako ng tawa dahil sa kinukwento niya na mga kalokohan noong nasa Canada pa siya,“Hahahaha, Ginawa mo talaga ‘yun?”“Yeah, for the sake of my grade ginawa ko ‘yun kahit labag sa loob k---“ Hindi na natuloy ni Nicolai ang sinasabi, tumigil siya sa pag-lalakad na kinataka ko. Nang lingunin ko siya hindi siya nakatingin sa’kin, Nawala na rin ang masaya niyang awra, napalitan ito ng kaseryosohan. Sinundan ko ang tinitignan niya at gano’n na lang ang gulat ko ng makita sa di kalayuan si Austin, Nakasandal ito sa kotse niya habang seryosong nakatingin samin. Napalunok ako, Bigla akong kinabahan dahil sa dalawa. Titig na titig sila sa isa’t isa. Hindi ko napansin na nandito na kami sa buk
KINABUKASANHabang pababa ako ng hagdan napansin ko ang katahimikan, Wala na bang tao dito? ‘o baka mga tulog pa? Nag-kibit balikat na lang ako at dumeretso sa kusina. May nakatakip na pag-kain sa lamesa, mukhang mas maaga umalis ang mga pinsan ko at si Kuya. Hay, sana hindi mag-tagal ang tampuhan namin na ‘to, Gusto ko lang naman na tanggapin nila ang kamalian nila. Naupo na ako at binuksan ang nakatakip na pag-kain. Bacon, egg and hotdog ang nandoon at bread. Napataas ako ng kilay ng may mapansin na box, Bakit pati ‘tong box nakatakip? Napansin kong may note na nasa ilalim ng box kaya kinuha ko at binasa.Namilog ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa nakasulat doon.‘Goodmorning princess, sorry about yesterday, Sana mapatawad mo kami, Promise hindi na mauulit at hihingi kami ng tawad kay Nicolai. Tama