Nag-madali akong tumayo at tumakbo papalabas. Naramdaman ko naman na sumunod ‘yung tatlo.
“T*ng ina ka! Sabi na ‘e, kaya hindi ko gusto na nadikit ka sa pinsan ko! Ano? Nilalandi mo siya?! May balak ka talagang pormahan ang pinsan ko?! G*go ka!” Naabutan namin na hinila na ni Kuya Zion ang kambal niya, Walang makikitang ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin kay Nicolai na nakasalampak sa sahig at sapo-sapo ang kanang pisnge, kahit si Kuya Matt ay seryoso lang. Si Jake naman ay mababakasan ng galit. Geez eto na nga ba ang sinasabi ko.
“A-ano bang ibig niyong sabihin?” naguguluhang tanong ni Nicolai, so hindi pa niya nakikita? Hindi pa niya alam na may picture kami sa Group ng school. Tatayo na ito ng lapitan ko at alalayan. Geez, wala siyang kaalam-alam.Tinignan ko naman sila Kuya, Hindi sila makapaniwala sa ginawa ko. Nang makatayo ng maayos si Nicolai, Hinarap ko siya at masuyong tinanong.
<
UWIAN “Dismissed" Finally, makaka-uwi na din, Gustong-gusto ko na mahiga sa kama ko at mag-kulong lang sa kwarto. Siguro kukuha na lang ako ng pag-kain sa kusina pag-dating ko sa bahay para hindi na ako lalabas. Ayoko muna makaharap ang mga pinsan ko at si kuya Matt. Nilalagay ko na sa bag ang mga gamit ko ng mapalingon ako kela Jen ng sabay sabay silang tumayo. Nag-tataka ko naman silang tinignan. “Girl, ok lang ba na mauna na muna kami? nag-text kase si mama na kailangan kami ngayon doon sa canteen ni tita Leah ang dami daw kaseng order ng ulam para sa mga call center na malapit doon samin, Alam mo naman BFF din ang mga parents namin kaya tulong-tulong.” Paliwanag ni Jen, Ngumiti naman ako sa kanila. “Oo naman, ok lang. kayo talaga.” “E, alam mo naman hindi kami sanay na hind
Hindi ko maintindihan, gustong bumawi sa’kin ni Austin, Sa kinikilos niya para siyang boyfriend ko minsan. Hindi naman ako t*nga para hindi mahalata o makita ang mga pasimple niyang ginagawa o mga padali niyang salita, Tapos totoo pala na mag-fiance sila ni Dia. Tama lang pala talaga na magalit o mag-selos si Dia. Ano bang tumatakbo sa isip ni Austin? Gusto niya ba ako pahirapan?“Sobra ‘yung galit ko chloe, kase parehas silang mahalaga sa’kin ‘e. pero gano’n ang ginawa nila, Nakipag-hiwalay ako mismo ng araw ng mahuli ko siya. Then makalipas ang isang linggo nabalitaan ko na official na mag-fiance na pala sila. Sobrang sakit, Dahil sa nang-yari nag-tanim ako ng galit sa kanilang dalawa. Nakabuo ako ng plano, Alam kong mahalaga ka kay Austin kaya inisip ko na gamitin ka para sa makaganti sa kanya..” Napatigil ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya, May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko.
Habang papunta kami sa parkinglot masaya kaming nag-kwekwentuhan ni Nic, Mas naging panatag kami sa isa’t isa, Mas lalo kong nakilala si Nicolai. Tawa ako ng tawa dahil sa kinukwento niya na mga kalokohan noong nasa Canada pa siya,“Hahahaha, Ginawa mo talaga ‘yun?”“Yeah, for the sake of my grade ginawa ko ‘yun kahit labag sa loob k---“ Hindi na natuloy ni Nicolai ang sinasabi, tumigil siya sa pag-lalakad na kinataka ko. Nang lingunin ko siya hindi siya nakatingin sa’kin, Nawala na rin ang masaya niyang awra, napalitan ito ng kaseryosohan. Sinundan ko ang tinitignan niya at gano’n na lang ang gulat ko ng makita sa di kalayuan si Austin, Nakasandal ito sa kotse niya habang seryosong nakatingin samin. Napalunok ako, Bigla akong kinabahan dahil sa dalawa. Titig na titig sila sa isa’t isa. Hindi ko napansin na nandito na kami sa buk
KINABUKASANHabang pababa ako ng hagdan napansin ko ang katahimikan, Wala na bang tao dito? ‘o baka mga tulog pa? Nag-kibit balikat na lang ako at dumeretso sa kusina. May nakatakip na pag-kain sa lamesa, mukhang mas maaga umalis ang mga pinsan ko at si Kuya. Hay, sana hindi mag-tagal ang tampuhan namin na ‘to, Gusto ko lang naman na tanggapin nila ang kamalian nila. Naupo na ako at binuksan ang nakatakip na pag-kain. Bacon, egg and hotdog ang nandoon at bread. Napataas ako ng kilay ng may mapansin na box, Bakit pati ‘tong box nakatakip? Napansin kong may note na nasa ilalim ng box kaya kinuha ko at binasa.Namilog ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa nakasulat doon.‘Goodmorning princess, sorry about yesterday, Sana mapatawad mo kami, Promise hindi na mauulit at hihingi kami ng tawad kay Nicolai. Tama
Nakapangalumbaba ako sa desk ko habang hinihintay ‘yung tatlo na bumalik, pag-kalabas kase ng prof namin kanina, lumabas na rin sila Jen para mag-CR ako lang ang naiwan dito. Kagabi hindi kona namalayan na nag-text pala sa’kin ‘yung tatlo, tinadtad nila ako ng message dahil hindi daw ako nakapag-reply sa kanila, Nag-alala daw sila, Alam kase nilang hindi kami ok nila kuya. Na-replyan ko lang sila kaninang umaga pag-gising ko at pag-check ko ng phone. Na-ikwento ko na rin sa kanila kanina ‘yung nang-yari kagabi tapos ‘yung kanina, Masaya sila dahil ok na ulit kami nila kuya pati si Nicolai. Ngayon iniisip ko ‘yung sinabi sa’kin ni Kuya Matt, Ano din kaya ang pinag-usapan nila ni Austin? Baka tungkol do’n sa Fiance niya, Kanina ko pa nga rin napapansin na tahimik si Austin sa likod ko ng pasimple ko siyang lingunin kanina nakayuko siya sa desk niya. Himala nga na wala sila Dia sa likod, Sila nila Se
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nang-yari kanina, dahil sa ginawa ni Grazia, inis na inis tuloy ‘yung nasa likod namin, Lalo na si Joyce dahil sa kanya nag-dirty finger si grazia. Ngayon ay naka-upo sila sa harap nila Pat, may bakante pa kaseng apa’t sa hilera ng upuan ni Nicolai kaya doon sila pinaupo ng Prof namin. Feeling ko hindi matatapos ang linggo na ‘to na hindi mag-papang abot si Grazia at Joyce. Iba ang tinginan nila sa isa’t-isa ‘e. Si Frauline, Jona at Loreme nginitian nila kami bago sila na-upo kanina, Friendly sila. Ngayon palang parang sasakit na ang ulo ko, dahil napapagitnaan nila kami. Kanina pa rin namin naririnig ang nakakairitang boses ni Joyce at Aj. Sana lang maging matiwasay ang klase naming ito. ********* Natapos ang klase namin na wala naman nang-yari na kung ano, nauna umalis sila Grazia, pag-kalabas ng prof, sumunod aga
“W-What are you doing here?!” Bulalas ko, sinilip lang niya ako saglit, sabay balik ng tingin sa unahan. “Niyaya ako nila Justine, that’s why I’m here.” Casual na sambit nito. Nilingon ko naman ang dalawang mokong sa likod. Mga nakangising aso lang ang mga walanghiya! Na-set up na naman ako ng mga 'to, Bakit ba hindi ko nahahalata 'yon? Kainis! Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili, Chill Zia. Hindi na ako umimik at umayos na ng upo, Wala na rin naman akong magagawa."Saan tayo?" Mahinahong tanong ko. "Tagaytay tayo iyang, kain tayo bulalo treat ko." Sagot ni Justine. Tumango ako at nag-maneho na. "Are you sure na ikaw ang mag-dadrive Iah? gusto mo ako na? malayo ang tagaytay." Basag ni Austin sa katahimikan, nilingon ko siya saglit, nakatingin pal
Hindi na sila ni Dia? Paano nang-yari ‘yun? Naguguluhan akong tumingin sa kanya. “Hindi na kayo mag-fiance?” masuyong tumango ito, “Kailan pa?” “Bago ako bumalik dito sa pinas hindi na kami mag-fiance ni Dia.” Napamaang na naman ako, naguguluhan, nalilito. “Mas nauna akong bumalik ng pilipinas, sumunod lang si Dia, Hindi pa rin niya matanggap na umurong na ako sa kasunduan.” “Sandali, sandali, naguguluhan ako Austin, P’wede ‘bang linawin mong maigi?” Kung ganoon nga, kung totoo ang sinasabi ni Austin, Hindi alam ni Nicolai ‘to? Geez, Biglang sumakit ang ulo ko. Umayos ito ng pag-kakasandal at tumingala. “Alam kong may na kwento na sa’yo si Nicolai. Tama?” Nagulat ako, paano niya nalaman? Nilingon niya ako at tipid na ngumiti. “Kilala ko ang lalaking ‘yun, sa ilang taon na nakasama ko siya. Kabisado ko na ang ugali no’n, Napakadaldal.” “At lahat ng