Habang papunta kami sa parkinglot masaya kaming nag-kwekwentuhan ni Nic, Mas naging panatag kami sa isa’t isa, Mas lalo kong nakilala si Nicolai. Tawa ako ng tawa dahil sa kinukwento niya na mga kalokohan noong nasa Canada pa siya,
“Hahahaha, Ginawa mo talaga ‘yun?”
“Yeah, for the sake of my grade ginawa ko ‘yun kahit labag sa loob k---“ Hindi na natuloy ni Nicolai ang sinasabi, tumigil siya sa pag-lalakad na kinataka ko.
Nang lingunin ko siya hindi siya nakatingin sa’kin, Nawala na rin ang masaya niyang awra, napalitan ito ng kaseryosohan. Sinundan ko ang tinitignan niya at gano’n na lang ang gulat ko ng makita sa di kalayuan si Austin, Nakasandal ito sa kotse niya habang seryosong nakatingin samin. Napalunok ako, Bigla akong kinabahan dahil sa dalawa. Titig na titig sila sa isa’t isa. Hindi ko napansin na nandito na kami sa buk
KINABUKASANHabang pababa ako ng hagdan napansin ko ang katahimikan, Wala na bang tao dito? ‘o baka mga tulog pa? Nag-kibit balikat na lang ako at dumeretso sa kusina. May nakatakip na pag-kain sa lamesa, mukhang mas maaga umalis ang mga pinsan ko at si Kuya. Hay, sana hindi mag-tagal ang tampuhan namin na ‘to, Gusto ko lang naman na tanggapin nila ang kamalian nila. Naupo na ako at binuksan ang nakatakip na pag-kain. Bacon, egg and hotdog ang nandoon at bread. Napataas ako ng kilay ng may mapansin na box, Bakit pati ‘tong box nakatakip? Napansin kong may note na nasa ilalim ng box kaya kinuha ko at binasa.Namilog ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa nakasulat doon.‘Goodmorning princess, sorry about yesterday, Sana mapatawad mo kami, Promise hindi na mauulit at hihingi kami ng tawad kay Nicolai. Tama
Nakapangalumbaba ako sa desk ko habang hinihintay ‘yung tatlo na bumalik, pag-kalabas kase ng prof namin kanina, lumabas na rin sila Jen para mag-CR ako lang ang naiwan dito. Kagabi hindi kona namalayan na nag-text pala sa’kin ‘yung tatlo, tinadtad nila ako ng message dahil hindi daw ako nakapag-reply sa kanila, Nag-alala daw sila, Alam kase nilang hindi kami ok nila kuya. Na-replyan ko lang sila kaninang umaga pag-gising ko at pag-check ko ng phone. Na-ikwento ko na rin sa kanila kanina ‘yung nang-yari kagabi tapos ‘yung kanina, Masaya sila dahil ok na ulit kami nila kuya pati si Nicolai. Ngayon iniisip ko ‘yung sinabi sa’kin ni Kuya Matt, Ano din kaya ang pinag-usapan nila ni Austin? Baka tungkol do’n sa Fiance niya, Kanina ko pa nga rin napapansin na tahimik si Austin sa likod ko ng pasimple ko siyang lingunin kanina nakayuko siya sa desk niya. Himala nga na wala sila Dia sa likod, Sila nila Se
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nang-yari kanina, dahil sa ginawa ni Grazia, inis na inis tuloy ‘yung nasa likod namin, Lalo na si Joyce dahil sa kanya nag-dirty finger si grazia. Ngayon ay naka-upo sila sa harap nila Pat, may bakante pa kaseng apa’t sa hilera ng upuan ni Nicolai kaya doon sila pinaupo ng Prof namin. Feeling ko hindi matatapos ang linggo na ‘to na hindi mag-papang abot si Grazia at Joyce. Iba ang tinginan nila sa isa’t-isa ‘e. Si Frauline, Jona at Loreme nginitian nila kami bago sila na-upo kanina, Friendly sila. Ngayon palang parang sasakit na ang ulo ko, dahil napapagitnaan nila kami. Kanina pa rin namin naririnig ang nakakairitang boses ni Joyce at Aj. Sana lang maging matiwasay ang klase naming ito. ********* Natapos ang klase namin na wala naman nang-yari na kung ano, nauna umalis sila Grazia, pag-kalabas ng prof, sumunod aga
“W-What are you doing here?!” Bulalas ko, sinilip lang niya ako saglit, sabay balik ng tingin sa unahan. “Niyaya ako nila Justine, that’s why I’m here.” Casual na sambit nito. Nilingon ko naman ang dalawang mokong sa likod. Mga nakangising aso lang ang mga walanghiya! Na-set up na naman ako ng mga 'to, Bakit ba hindi ko nahahalata 'yon? Kainis! Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili, Chill Zia. Hindi na ako umimik at umayos na ng upo, Wala na rin naman akong magagawa."Saan tayo?" Mahinahong tanong ko. "Tagaytay tayo iyang, kain tayo bulalo treat ko." Sagot ni Justine. Tumango ako at nag-maneho na. "Are you sure na ikaw ang mag-dadrive Iah? gusto mo ako na? malayo ang tagaytay." Basag ni Austin sa katahimikan, nilingon ko siya saglit, nakatingin pal
Hindi na sila ni Dia? Paano nang-yari ‘yun? Naguguluhan akong tumingin sa kanya. “Hindi na kayo mag-fiance?” masuyong tumango ito, “Kailan pa?” “Bago ako bumalik dito sa pinas hindi na kami mag-fiance ni Dia.” Napamaang na naman ako, naguguluhan, nalilito. “Mas nauna akong bumalik ng pilipinas, sumunod lang si Dia, Hindi pa rin niya matanggap na umurong na ako sa kasunduan.” “Sandali, sandali, naguguluhan ako Austin, P’wede ‘bang linawin mong maigi?” Kung ganoon nga, kung totoo ang sinasabi ni Austin, Hindi alam ni Nicolai ‘to? Geez, Biglang sumakit ang ulo ko. Umayos ito ng pag-kakasandal at tumingala. “Alam kong may na kwento na sa’yo si Nicolai. Tama?” Nagulat ako, paano niya nalaman? Nilingon niya ako at tipid na ngumiti. “Kilala ko ang lalaking ‘yun, sa ilang taon na nakasama ko siya. Kabisado ko na ang ugali no’n, Napakadaldal.” “At lahat ng
KINABUKASAN NANLALATA akong yumuko sa desk ko, argh. Inaantok na ako! Tapos sumasabay pa ‘yung sakit ng ulo ko dahil sa kakulangan ng tulog. Anong oras na rin kami naka-uwi kagabi tapos pag-dating ko sa bahay hindi naman agad ako dinalaw ng antok kahit pagod ako. Ngayon tuloy mukha akong Zombie, Wala pa nga sila Jen kase maaga pa talaga. Pinili kong pumasok na kase hindi na din naman ako makatulog ng maayos, Baka pag-hindi pa ako kumilos makatulog na lang ako bigla at hindi na makapasok ngayon, kaya nag-pasya na lang akong pumasok ng maaga, na ngayon ay pinag-sisisihan ko! Dito ako dinalaw ng antok sa room tapos sumabay pa ‘yung sakit ng ulo ko. Nakakainis! Gusto ko pumunta ng Cafeteria at uminom ng Hot choco! Kaso feeling ko mabubuwal ako ‘e. Hindi din ako nakapag-almusal dahil tulog pa sila kuya ng umalis ako, Kaya din siguro nasakit ang ulo ko kase
Naging tahimik sa Room nila dahil sa utos na rin ni Austin. Unti-unting nag-dadatingan ang iba nilang ka-blockmate, hanggang sa dumating na rin ang bago nilang ka-blockmate, Tahimik ang mga itong naupo. Dahil wala naman ginagawa sila Jen ay nakipag-kilala sila sa apa’t, Friendly naman ang mga ito, Kahit si Grazia na akala nila ay masungit ay nakakausap nila at ngayon ay kaibigan na nila. Kaya lang naman pala ito ganoon kahapon dahil nga sa ginawa ng bullies sa kanila. Galit pala talaga ito sa grupo nila AJ. “Tsk, sorry nga pala sa inasal ko kahapon, badtrip lang talaga ako sa mga mukhang paa na bullies ng school na ‘to, masyado kaming minamaliit porket mayayaman sola” Mahinang paliwanag naman ni Grazia sa mga bagong kaibigan.“Nako, sis ganyan ganyan din kami nung unang araw ng pasukan. Grabe talaga mga ugali ng mga ‘yun.” Sang-
Tahimik ang lahat walang may gustong gumawa ng kahit anong ingay, Nag-iba ang awra ng silid nila Jen simula ng dumating sila Dia. Makalipas ang ilang minuto muling bumukas ang pinto ng kanilang room at niluwa ang kanilang Prof, Nag-kanya-kanyang balik sa kanilang upuan ang iba at umayos ng upo. Napatingin naman ang prof kay Austin na ngayon ay seryoso lang na nakatingin sa harap. “A, Mr. Dela Vega, Bakit d’yan ka naka-upo? Bumalik kana sa upuan mo.” Sita ng Prof sa binata, binalingan naman ito ng tingin ni Austin, Tumayo ito at magalang na nag-salita. “Sorry, Sir, kung dito ako naka-upo ngayon, P’wede po bang hindi muna ako lumipat? May sakit kase si Ms. Villanueva, Pinapabantayan siya sa’kin ng kapatid niya.” Bumaksak ang tingin ng Prof nila sa nakayukong dalaga. Bago muling binalik ang tingin kay Austin.